You are on page 1of 2

COVID-19 SA PILIPINAS

Ngayong taon ng 2020-2021 ay napakaraming isyu ang kinakaharap ng bansang


Pilipinas. Mabilis ang mga pagbabago sa daigdig natin sa kasalukuyan. Ngayong
dinadagsa tayo ng masasamang balita, isa na sa mga isyung ito ay ang paglaganap ng
pandemyang Coronavirus 2019. Ang virus ay nagmula sa mga hayop. Posible na ito ay
nagmula muna sa mga hayop bago naapektuhan o naisalin sa mga tao. Sinuman sa
anumang edad ay maaaring magkasakit. Ang ilang tao ay maaaring magkasakit nang
mas malala kaysa sa iba. Ang mga taong nagkasakit ng COVID-19 ay maaaring
makahawa sa iba, kahit pa minsan parang wala silang sakit. Ilang buwan na ang
nakalipas ay patuloy pa ring nadadagdagan ang mga kaso ng nadapuan ng virus na ito.
Maraming solusyon na ang ipinatupad ng ating gobyerno ngunit wala sa mga ito ang
nakatulong sa paglaganap ng pandemya. Marami sa ating mga kapwa Pilipino ang
lubos na naapektuhan at nakaranas ng matinding kahirapan.

Ang ating pangulong Rodrigo Duterte ay gumawa ng isang proklamasyon,


patuloy pa rin sa pagtaas ang kaso ng mga nagpositibo ng COVID-19 at mga kaso ng
pagkamatay sa kabila ng mga solusyon na ginagawa ng gobyerno. Matatandaang
idineklarang nasa state of calamity ang ating bansa noong March 16, 2020 at sa
ngayon ay pinahaba pa ito hanggang Setyembre 12, 2021 dahil sa mabilis na paglobo
ng mga kaso ng COVID-19. Sa loob ng ilang buwan na sumailalim sa lockdown ang
buong bansa, naipatupad na ang ECQ, GCQ at MEQC ngunit hanggang ngayon ay
wala pa ding naiibigay na konkretong solusyon sa pandemya ang gobyernong ito.
Ipinapakita lang na walang naging magandang solusyon ang gobyerno ng Pilipinas para
puksain ang nasabing virus. Kahit anong pang-uri pa ang ikabit sa ECQ, kahit gawin
pang modified modernized mastered magical miraculous mathematical most enhanced
community quarantine yan, kung hindi aayusin ng gobyerno ang pamamalakad at mga
plano nila, hindi pa rin masosolusyonan itong pandemya.

Isa sa mga issue na kinakaharap ngayon ng mga studyante ay ang


pagpapatupad ng online classes. Marami sa ating mga Pilipino ay hindi nakakapag
access ng internet. Maraming mga studyante ng Pilipinas ay pangsamantalang huminto
muna sa kanilang pag-aaral dahil naniniwala silang wala silang masyadong matutunan
sa online class. Ayon sa datos nasa 5.4 milyong kabataan ang posibleng hindi
makakapag-aral ngayong taon. Ibig bang sabihin 5.4 milyong kabataan ang walang
plano na magkaroon ng magandang kinabukasan? 5.4 milyon. Hindi libo, milyong mga
kabataan ito. 5.4 Milyong kabataan na may pangarap at hangarin tapos tatawagin lang
na "people with no plans to live a good life." Mali naman ata iyon. Nagtrending din ang
“academic freeze” na hinihilling ng nakakarami ngunit hindi tinanggap ng Kagawaran ng
Edukasyon ng Pilipinas at Komisyon sa Mas Mataas na Edukasyon ang panawagan
para sa "academic freeze" dahil hindi umano nito kinokonsidera ang epekto ng
pagkaantala sa learning process ng mga mag-aaral. Maraming paaralan na ang
nagsimula, maraming studyante ang naghihirap dahil sa mga hadlang na nararanasan
nila katulad na paghina ng internet, pag lag ng cellphones at computers lalo na ang
maingay na lugar sa kanilang tahanan.

Maraming kinakaharap na problema ang ating bansang Pilipinas sa panahong ito


ngunit bakit ang mga walang kakwenta-kwentang bagay na wala namang kinalaman sa
magiging solusyon ng pandemya ang siyang inuuna at binibigyang pansin ng ating
gobyerno? Hindi nila iniisip ang kanilang mga kapwa Pilipino na labas naapektuhan ng
mga pangyayaring ito. Mainit init na isyu ngayon ay ang paglalagay ng “white sand” sa
Manila Bay na inexport pa galing ibang bansa. Dinumog ng mga tao ang Roxas
Boulevard upang masilayan ang gandang tinataglay nito ngunit hindi ito naging
magandang balita para sa Pilipinas dahil hindi nasunod ang “Social Distancing” ng mga
tao. Sila ay nagdikit dikit at tila ba’y hindi nag-iisip. Kawawa naman ang mga doctor at
nurse na nagsasakripisyo ng kanilang buhay upang malunasan ang mga nagpositibo sa
Covid-19. Sa ganitong paraan ba masosolusyunan ng Pilipinas ang pandemyang ito?
Mas maaari na sila ay mag-isip ng mga bagay o solusyon na makakatulong sa ating
mga kapwa Pilipino at makakatulong sa pagpuksa ng Covid-19. Marami sa ating mga
Pilipino ang naghahangad ng kalayaan at makatakas sa sinasabing “new normal”.

You might also like