You are on page 1of 2

Kent Vincent C. Alburan.

BSED-English 3

A. EBALWASYON

KALUSUGANG PANGKAISIPAN (MENTAL HEALTH)


Isa sa mga itinuturing na mantsa sa lipunan ng mga tao
sa kasalukuyan ay ang kalusugang pangkaisipan. Maraming tao
sa modernong panahon ngayon ang nagkukubli sa dilim dahil sa
naturang isyu. Hindi ito nila mailabas sa takot na
mahusgahan ng lipunan. Dahil dito, maraming mga kaso ng mga
karamdaman sa pag-iisip ang hindi nasusuri ng mga dalubhasa
na nagreresulta naman sa pagdami at paglala ng mga nasabing
kaso. Ayon sa World Health Organization, tinatayang 1% ng
kabuuang populasyon ng isang bansa ay nagdurusa sa malalang
karamdaman sa pag-iisip. Para sa isang bansa kagaya ng
Pilipinas kung saan madalas ang mga sakuna, hindi prayoridad
ang kalusugang pangkaisipan. Napakahalagang baguhin ng mga
tao ang kanilang pananaw sa konsepto ng kalusugan ng pag-
iisip upang mas mainam na matugunan ng mga tao bilang isang
buong lipunan ang nasabing isyu. Sabi nga nila, “Tayo’y mas
malakas kung sama-sama.”

B. TAKDANG-ARALIN

PANGULONG TUDLING (EDITORIAL)


(Note: Mahahalagang parte lamang ng editoryal ang aking
isinama upang hindi ako lumampas sa bilang ng mga
pangungusap na inyong itinakda sa panuto.)

Academic Freeze: Ang Pagpapairal ng Emosyon


Napagdesisyonan ng Department of Education (DepEd) na
ipagpatuloy ang akademikong taon ng paaralan sa gitna ng
Corona Virus Disease 2019 (COVID-19) pandemya. Ang desisyon
na ito ay hindi para ipaliban ang mga hikbi ng mahihirap o
dagdagan ang mga pasakit ng mga estudyante sa mapaghamong
panahon ngayon. Ang desisyon ay ginawa upang maiwasan ang
posibleng malawakan at pangmatagalang negatibong epekto ng
pagtigil ng mga prosesong pang-edukasyon na maaring
mangailangan ng mas drastikong at malaking pagsasaayos sa
mga susunod na taon.
Ang kalihim ng DepEd na si Leonor Briones ay noon pa
man nais ng ipagpatuloy ang akademikong taon ng pag-aaral.
Nasabi nga nya sa mga panayam sa kanya na ang desisyon ay
unang-unang na-udyok ng kagustuhang hindi mapag-iwanan ang
mga batang esudyante--dahil kung ipagliliban ang akademikong
taon, maaring magkaroon ng hindi pagkakatugma ng mga pang-
akademikong kailangan ng pag-iisip ng mga bata at ang
kanilang kakayahan.
Maraming tao ang tumuligsa sa posisyon ng DepEd.
Naniniwala silang ang pagsulong sa akademikong taon ng pag-
aaral ay magiging parte lamang ng pagpipilian kung
matutugunan na ang sinasabing “digital divide” at magkaroon
na ng malawakang pagsusuri sa mga tao upang maabot ang
“curve-flattening.” Ito ay simpleng maling kuro-kuro.
Ang posisyon ng pagsulong ng Academic Freeze ay
nabigong intindihin na ang pagsulong ng akademikong taon ng
pag-aaral ay hindi lamang nakapalibot sa tinatawag nating,
“online learning.” Ito ay kombinasyon ng iba’t ibang paraan
na pinagplanohan ng departamento upang masigurong ang
edukasyon ay makaaabot sa lahat ng bata sa Pilipinas. Sa
kagustuhang hindi maantala ang edukasyon, ginampanan ng
departamento ang responsibilidad na gumawa ng mga
importanteng desisyon na sa tingin nila ay higit na mabubuti
para sa lahat.
Tigilan na natin ang pagbase ng ating mga desisyon sa taas
ng ating mga emosyon. Ating pakatandaan na ang emosyon ay
nagpapalabo ng ating lohikong pag-iisip. Ang mga nasa
laylayan at ang mga estudyante ay kailanman, hindi ang
nakataya. Edukasyon ang nakataya.

You might also like