You are on page 1of 6

KABANATA I

SULIRANIN AT KALIGIRAN

INTRODUKSIYON

Ang pamimigay ng condom ay hindi masusulong ng kawalang delikadesa, ngunit sa

katunayan, ito ay ginawa para sa sekswal na aktibong tinedyer. Sa pamamagitan nito, magiging

mas maingat sa hindi ginusto o “unplanned pregnancies” at STI (sexually transmitted infection)

kasama na ng HIV(human immunodeficiency virus) o AIDS(acquired immune deficiency

syndrome).

Ipinahayag ng Department of Health (DOH) na simula sa susunod na taon ay balak ng

kagawaran na mamahagi ng mga condom sa mga paaralan. Layunin nito na maiwasan ang

pagkalat ng human immunodeficiency virus/acquired immune deficiency syndrome (HIV/AIDS)

sa bansa. Hinimok din ng DOH ang mga magulang na turuan ng safe sex ang kanilang mga

anak bilang isa sa mga paraan upang mapigilan ang nasabing karamdaman.

Ayon kay DOH Secretary Paulyn Ubial, kapag naipaliwanag na sa Department of

Education (DepEd), maipamamahagi na nila ang mga condom. Ang plano sa pamamahagi ng

condom, ayon pa kay Secretary Ubial, ay bahagi ng “business unusual strategy” na mabuo ng

DOH ang pagsisikap na labanan ang HIV/AIDS.Batay sa datos na binanggit ng DOH, mula

1984 hanggang Oktubre 2016, umabot na sa 38,114 ang naitalang kaso ng HIV umabot naman

sa 13,099 ang naitala mula 2011 hanggang 2016. Sa nasabing bilang, 10,279 ang may HIV na

ang mga biktima ay nasa edad 15 hanggang 24.

Dahil sa nakakaalarmang bilang ng kaso ng HIV/AIDS, nanawagan at hinimok ng pinuno

ng Episcopal Commission ng Catholic Bishops Conference of the Philippines (CBCP) ang mga

kabataan na tumulong sa pagbibigay ng kaalaman sa publiko tungkol sa HIV/AIDS. Ang


panawagan ay pinangunahan ni Father Dan Cancino sa pagdiriwang ng National Catholics

AIDS.

Isinagawa ang panaliksik na ito upang maipaunawa sa mga mambabasa ang maaring

maidulot ng pamimigay ng condom sa paaralan. Bigyan ang mga tinedyer ng naturang

impormasyon tulad ng positibo at negatibong epekto sa kanilang pag-aaral at kalusugan. Nais

din ng mga mananliksik na bigyan ng gabay at patnubay ang kanilang mga mambabasa sa

kanilang pang araw-araw na pamumuhay nang sagayon mabigyan linaw ang katanungan,

malaman ang tama at mali,maproteksyunan ang dignidad at maglahad ng mga positibo at

negatibong epekto ng npamimigay ng condom sa mga magaaral.

Paglalahad ng Suliranin

Pag-aaralan ng mga mananaliksik ang pananaw at ang mga maaring maidulot nito sa

mga mag-aaral sa Senior High School ng Taal tungkol sa pamimigay ng condom. Ang

pananaliksik na ito ay may mga katangian na nais sikapin na bigyan ng kasagutan:

1. Anu-ano ang mga pananaw ng mga mag-aaral sa SHS ng Taal sa pamimigay ng

condom?

2. Anong epekto nito sa mga mag-aaral ng SHS ng Taal?

2.1 Positibong epekto

2.2 Negatibong epekto

3. Ano ang suhestyon sa kinauukulan sa pamimigay ng condom?


Batayang Konseptwal

Pananaw at ang mga


maaring maidulot nito sa
mga mag-aaral sa Senior
High School ng Taal
tungkol sa pamimigay ng
condom:

1. Anu-ano ang mga


pananaw ng mga mag- Ano ang suhestyon sa
aaral sa SHS ng Taal sa Sarbey kinauukulan sa pamimigay
pamimigay ng condom?
Kwestyuner ng condom?
2. Anong epekto nito sa
mga mag-aaral ng SHS ng
Taal?

2.1 Positibong epekto

2.2 Negatibong epekto

Kahalagahan ng pananaliksik

Ang pananaliksik na ito ay inilalahad ang kahalagahan ng pag-aaral at magiging

kapakipakinabang sa mga sumusunod:

Sa mga mag-aaral. Ang pag-aaral na ito ay makakatulong upang magkaroon ng

karagdagan impormasyon at kaalaman ang mga mag-aaral at pamulatin ang pagi-iisip ang mga

estudyanteng mahilig magtalik. Sa pamamagitan din nito ay maagang mamumulat ang bawat

isa sa kahalagahan ng kanilang mga kinabukasan at mabuksan ang bawat kamalayan sa mga

bagay bagay at mabigyan linaw at kasagutan ang kanilang mga katanungan tungkol ditto.
Sa mga guro. Ito ay makakatulong upang malaman kung ano ba ang pananaw at

saloobin ng kanilang mga estudyante ukol sa pamimigay ng condom. Sa pamamagitan din nito

mas lalo nilang maturuan ng tama at mabigyan ng sapat na patnubay ang bawat estudyante.

Sa mga magulang. Ang magiging resulta ng pag-aaral na ito ay makakatulong upang

malaman nila ang mga mabubuti at mga masasama na maidudulot ng pamimigay ng condom

sa kanilang tinedyer na anak. Sa pamamagitan din nito, mas lalo nilang ituon ang kanilang

atensyon sa kanilang mga anak at mabigyan ng gabay at papugay upang maprotektahan ang

kanilang dignidad.

Sa paaralan. Ang magiging resulta ng pananaliksik na ito ay magsisilbing gabay at

batayan upang mas mapaunlad pa ang pamamahala sa loob ng paaralan. Sa pamamagitan nito,

mas lalo pang mapaigting ang seguridad sa paaralan, at upang ang bawat mag-aaral ay mas

lalong maging disiplinado at edukado.

Sa pamahalaan. Ang pag-aaral na ito ay magsisilbing instrument upang maipalam sa

pamahalaan ang mga hinaing ng mga estudyante, at malalaman nila ang mga impormasyon o

datos na nakalap ng mga mananaliksik. Sa tulong nito, maaksyonan nila ang mga problema na

kailangan lutasin.

Sa susunod pang henerasyon. Ito ay makakatulong upang sila ay magkaroon ng

lawak na pananaw at karunungan, at mapalawak ang kanilang kaisipan sa pang kalusugan at

sa ikinakaharap. Makakatulong din ito upang protektahan ang dignidad ng bawat isa.

Saklaw at limitasyon
Ang pag-aaral nito ay sumasaklaw sa pananaw ng mga estudyante ng Taal Senior High

School ukol sa pamimigay ng condom sa kanilang paaralan. Ang magsasagot sa kanilang

Sarbey Kwestyuner ay ang buong mag-aaral ng nasabing paaralan. Ito ay nakapokus lamang

sa pananaw ng mga estudyante at ang positibo at negatibong epekto nito sa bawat tinedyer.

Kahulugan ng mga katawagan

AIDS- Ang pinakagrabeng grado ng sakit ay tinatawag na AIDS. Ang ibig sabihin ng

AIDS sa Ingles ay “acquired immune deficiency syndrome”. Ito ay nangangahulugan na ang

resistensiya ng katawan ay humihina o kaya hindi gumagana. Sa ibang parte ng mundo ang

AIDS ay isa sa mga pangkaraniwang dahilan sa pagkamatay ng tao. Ito rin ang dahilan kung

bakit umigsi ng 10 taon ang buhay ng tao sa ibang parte ng mundo.

Benipisyo- magagandang dulot ng isang bagay.

Condom- Isang bagay ng proteksyon ng kalalakihan upang hinde makabuntis o hinde

mabuntis ang isang babae.

Dignidad- Pagpapahalaga, pagalang, at pagkilala sa kapwa. Maaring mapatibay nito

ang samahan o relasyon sa ibang tao.

Hinaing- ito ay ang reklamo o hinanakit ukol sa isang bagay, tao o pangyayari.

HIV- Ang HIV (Human Immunodeficiency Virus) ay napaka liit na mikrobyo, na hindi mo

makikita, inaatake ng mikrobyo ang immune system, ang bahagi ng katawan na lumalaban sa

impeksyon. Unti-unting pinapatay ng HIV ang bahaging bumubuo ng immune system hanggang

ang katawan ay hindi na makalaban sa mga impeksyon.

Kamalayan- Ang pagkakaroon ng kaalaman sa mga bagay bagay.

Kinauukulan- Siya ang maaring magdesisyon sa isang bagay o pangyayari.


Saloobin- tumutukoy sa kalagayan ng pag-iisip at pagkilos

bunga ng damdaming naghahari sa isang tao sa isang takdang oras o panahon.

Sarbey-isang kagamitan na kadalasang

ginagamit sa mga pananaliksik na naglalayong makakuha ng mga impormasyon,

partikular na ang bilang o dami ng mga tao sa isang partikular na kondisyon o

may opinyon.

STD- Sexually transmitted Disease.

You might also like