You are on page 1of 6

PANANAW UKOL SA LIBRENG PAMIMIGAY NG CONDOM NG MGA MAG-AARAL NG MORONG NATIONAL

HIGH SCHOOL-SENIOR HIGH SCHOOL BAITANG 12

Science, Technology, Engineering and Mathematics


Morong National High School – Senior High School
Morong, Bataan

Avelino, Janna Mei S.


Cabunigan, Melvin B.
Flores, Mara Chrisna S.
Garchitorena, Hanna Josephine S.
Javilinar, Canary A.
Malibiran, Dale B.
KONSEPTONG PAPEL

Ayon kay Senate Majority Leader Tito Sotto III, ang pamamahagi ng condom sa mga

mag-aaral ay tila pagbigay ng patalim upang manaksak o magtulak sa pakikipag-sex. Dapat

umanong basahing mabuti ni Secretary Ubial ang isinasaad ng RH Law.

Ayon pa kay Senador Sotto: “It’s a boomerang to her (Secretary Ubial). She should not

impose her beliefs on us who oppose. It would be insensitive to dismiss the sentiment of a

conservative culture just because they failed to implement effective health programs”. Sinabi

pa ng senador na mabuti pang gawin ng DoH ay maglunsad ng malawak na information at

education campaign upang maiwasan ang teenage pregnancy at pagkalat ng HIV sa mga

kabataan. Sa halip na mamahagi ng mga condoms ay mas makakabenipisyo ang mga mag-aaral

kung ang ituturo sa kanila ay tungkol sa mga pagiwas ng maagang pagtatalik at ang mga

maaring epekto sa kanilang buhay kung gagawin nila ito para sila ay matuto sa pansariling

respeto at disiplina na iwasan ang mga gawaing ito sa kanilang murang edad.

Ang layunin ng papel na ito ay malaman ang pananaw ng mga estudyante ng MNHS-SHS

patungkol sa libreng pamimigay ng DOH sa condom. Iba iba ang pananaw ng mga tao dito

lalong lalo na ang mga estudyante dahil para sakanila kung bakit isinusulong ng pamahalaan

ang programang ito.

Ang pananaliksik na ito ay naglalayong gamitin ang pakikipagpanayam (interview) bilang

metodo sa pangangalap ng mga datos. Sa pamamagitan nito ay inaasahang magkakakaroon ng

mas malalim na pananaw ng mag-aaral at inaasahang higit na maintindihan ang kasalukuyang

pag-aaral. Iminumungkahi ng konseptong papel na ito ang saloobin o suhestyon ng mga mag
aaral patungkol sa naturang isyu bilang metodo ng pagkalap ng impormasyon ayon sa layunin

ng pananaliksik na isasagawa.

Inaasahang maipapahayag sa pananaliksik na ito ang pananaw ng mga estudyante

upang malaman kung dapat pa bang isulong ang naturang programa at kung paano o ano ang

benipisyo sa nasabing isyu.


KABANATA 1

ANG SULIRANIN AT KALIGIRAN NITO

Panimula

Si Adyrey Carig, grade 12 student na nag-aaral sa Morong National High School-Senior

High School ay sang-ayon sa libreng pamimigay ng condom, ayon sa kanya maganda ang naisip

ng DOH Lalo na sa panahon ngayon, marami ng mga kabataan na ginagawang maliit na bagay

ang pakikipagtalik na nauuwi sa maagang pagbubuntis at ang pamimigay ng libreng condom ay

makatutulong na mabawasan ang mga ito.

Ayon sa DOH ang pamamahagi ng condom sa kabataan ay para maiwasan ang pagkalat

ng sakit na HIV/AIDS na nakukuha sa pakikipagtalik. Ayon kay DoH Secretary Paulyn Ubial, Ang

plano sa pamamahagi ng condom ay bahagi ng “business unusual strategy” na mabuo ng DoH

ang pagsisikap na labanan ang HIV/AIDS.

Pahayag ng Tesis

Isinasaayos ng mga namamahala ang solusyon sa maagang pagbubuntis sa kanilang

lugar, kaya't isinagawa nila ang ganitong programa ay para makapagpalawak sa isipan ng mga

kabataan tungkol sa magiging bunga ng pamimigay ng libreng condom sa kanila.

Layunin ng Pag-aaral

Layunin ng mga mananaliksik na malaman kung ano ang pananaw ng mga estudyante

patungkol sa pamimigay ng libreng condom at bilang isang magaaral, bakit sa tingin nila

ginagawa ito at ano ang mga maiiwasan sa paggamit nito.


Alinsunod dito, ang pag-aaral ay naglalayong sagutin ang mga sumusunod:

1. Ano ang mga demograpikong propayl ng mga mag-aaral sa:

1.1 Grade & Section

1.2 Edad

2. Ano ang pananaw ng mga estudyante tungkol sa pagbibigay ng libreng condom?

2.1 Bilang isang mag-aaral, makabubuti ba sa iyo ang pamimigay ng libreng

condom?

2.2. Kung ikaw ang papipiliin, payag ka ba ukol rito? Bakit?

3. Ano-ano ang epekto ng pagbibigay ng libreng condom sa mga mag-aaral?

3.1 Bilang isang mag-aaral, sa paanong paraan kaya makatutulong ang

pamimigay ng condom sa iyo?

3.2 Sa paanong paraan kaya ito makasasama?

Saklaw at Delimitasyon

Ang pananaliksik na ito ay nakatuon sa persepsiyon at pananaw ukol sa libreng

pamimigay ng condom sa mga kabataan. Saklaw ng pag-aaral na ito ang mga mag-aaral ng

Morong National High School- Senior High School (MNHS-SHS) na may bilang na 15.

Ang mga mag-aaral na ito ang binigyang pansin sapagkat sila ang bumubuo sa mga

kabataan sa nasabing lugar (Morong) at siyang higit na naaapektuhan ng paksa kaya't sila ang

makapagbibigay ng persepsiyon ukol sa pag-aaral.


Ang pag-aaral na ito ay hindi tumutukoy sa panlahat na pananaw ng mga mag-aaral sa

mga paaralan sa buong bansa. Ito ay nakapaloob lamang sa mga mag-aaral ng Morong National

High School-Senior High School ngunit maaring ang resulta ay hindi malayo sa pananaw ng

ibang mag-aaral sa ibang paaralan sa loob ng bansa.

Kahalagahan ng Tesis

Ang pag-aaral na ito ay higit na kapakipakinabang sa mga sumusunod:

Sa mga mag-aaral, ang pag-aaral na ito ay makatutulong upang maiwasan ang maagang

pagbubuntis at magiging bukas ang kanilang isipan tungkol sa ganitong bagay.

Sa mga magulang, ito ay makatutulong upang maging kampante sila sa anak nila at upang hindi

mangamba sa kapusukan ng ibang mga kabataan.

Sa mga susunod na mananaliksik, ang resulta ng pananaliksik na ito ay maaaring maging

basehan at reperensiya sa kanilang gagawing pananaliksik.

You might also like