You are on page 1of 41

St.

Paul University Philippines


Mabini St. Ugac Highway, Tuguegarao Cagayan 3500

Pananaw ng mga Mag-aaral ng Grade 11 ng Departamento ng Basic

Education Unit ukol sa Mabisang Epekto ng Pagkakaroon ng

Programang K-12 sa Unibersidad ng San Pablo

Isang Pananaliksik na Papel na Iniharap sa Departamento ng Basic

Education Unit sa Unibersidad ng San Pablo

Bilang Pagtupad sa Isa sa mga Pangangailangan ng Kursong

Filipino, Pagbasa at Pagsulat Tungo sa Pananaliksik

Ipinasa nina:
Umeran, Pauline Hannah F.
Erese, Gabriel Luis J.
Pagalaran, Karla Mae R.
Allauigan, Liezhel G.
Santos, Michael Andre B.

STEM 11 Galatians
Talaan ng Nilalaman

PASASALAMAT iii

ABSTRAK iv

KABANATA

I. INTRODUKSYON
Pahayag na Tesis 1
Rasyonal 1
Layunin ng Pananaliksik 3
Kahalagahan ng Pag-aaral 3
Limitasyon at Delimitasyon 5
Inaasahang Output 5
Konseptual na Balangkas 6
Depinisyon ng mga Termino 7

II. Kaugnay na Literatura at Pag-aaral 9

III. METODOLOHIYA
Disenyo ng Pananaliksik 16
Mga Tagatugon 16
Mga Kinapanayam 16

IV. RESULTA
Tsart 18
Patterns 21

V. DISKUSYON
Lagom 22
Konklusyon 23
Rekomendasyon 24

VI. TALASANGGUNIAN 25

VII. APEDIKS
Apendiks A 29
Apendiks B 34
Apendiks C 36
iii
Pasasalamat

Taos pusong pasasalamat ang aming ipinaaabot sa mga

indibidwal na naging bahagi ng aming pag-aaral para sa walang

humpay na suporta, tulong at kontribusyon upang maisagawa at

maging matagumpay ang pag-aaral na ito.

Para kay Ms. Jane T. Dulin, ang aming guro at taga-payo para

sa walang sawang pagsuporta, pagtulong, paggabay at pagunawa sa

amin habang aming isinasagawa ang pananaliksik na ito.

Sa kapwa mag-aaral at respondante na tumulong upang

maisakatuparan ang pananaliksik na ito.

Sa mga magulang na nagsilbing inspirasyon at umintindi sa

amin habang kami ay abala at nagbigay ng moral at pinansyal na

suporta.

Sa Poong Maykapal, na gumabay at nagbigay determinasyon

saamin hanggang matapos ang pag-aaral na ito.

Maraming Salamat sa inyo.

Mga Mananaliksik
iv
Abstrak

Ang programang K-12 ay ipinatupad upang pataasin an kalidad

ng edukasyon sa Pilipinas at baguhin ang kurikulum kung saan

madadagdagan pa ng dalawang taon ang hayskul. Ang pananaliksik na

ito ay naglalayong malaman ang mga pananaw ng Senior High School

na estudyante kung saan sila ang pinakasentro ng programa kung

ayon sakanila ay epektibo ba ang programa sa pagtulong at

paghahasa ng kanilang kakayahan. Ang metodolohiyang ginamit ay sa

pamamagitan ng pagpapakalat ng sagutang papel sa bawat seksyon na

bumubuo sa Grade 11 Basic Education Unit. Karamihan sa datos na

nakalap ay negatibo na sumasalamin na hindi epektibo ang

programang K-12 ayon sa pananaw ng mga respondante sa Grade 11 ng

Basic Education Unit.


1
Kabanata I

KALIGIRAN NG PAG-AARAL

A. Pahayag na Tesis

Ang programang K-12 ay naglalayong pagbutihin ang sistema ng

edukasyon at mahasa ang kakayahan ng isang estudyante. Isa rin

ito sa makatutulong sa paghahanda sa pagtapak sa kolehiyo. Ngunit

mayroong iba’t-ibang pananaw ang mga estudyante ukol dito.

B. Rasyonal

Ang pananaliksik na ito ay nakapukaw sa aming interes sapagkat

kami bilang mga Senior High school na mag-aaral ang nakararanas

nito. Noon lamang 2012 naipatupad ang K-12 program na isinabatas

ng ating dating Pangulong Aquino (Rappler, 2013). Nais niyang

maging maayos ang pagpapatakbo ng sistema ng edukasyon sa

Pilipinas kung kaya’t isinabatas niya ito na maaaring makatulong

sa edukasyon para sa mga kabataan. Gayunpaman, marami pa din ang

tumutol dito lalo na ang mga magulang na dumadanas ng kagipitan

upang mapag aral pa ang kanilang mga anak at ang mga kakulangang

pasilidad upang makapagpatayo ng bagong paaralan para sa mga

istudyanteng magsisipag aral.


2
Ang programang ito ay ipinatupad ng pamahalaan upang tulungan

ang mga kabataan at pantayan ang sistema ng edukasyon, hindi


lamang sa buong Asya, kung hindi sa buong mundo dahil Pilipinas

na lamang ang may sampung taon ng basic education. Ang K-12

program ay binubuo ng mandatoryong pag-aaral ng kindergarten,

Junior High school o Grade7-10, at ang dagdag na dalawang taon na

tinatawag na Senior High school.

Nang nagsipagtapos na ang mga Junior High school ay mas lalong

naging komplikado sa paningin ng lahat ang programang ito dahil

na rin sa mga paaralang hindi pa tapos gawin at kakulangan ng mga

pasilidad lalo na sa mga estudyanteng magsisipasok sa

pampublikong paaralan. Gayunpaman ang pamahalaan ay nag offer ng

benepisyong tulong sa mga mag aaral na nais mag aral sa pribadong

paaralan; ito ay ang voucher na naglalaman ng 17,500 pag ikaw ay

galing sa pampublikong paaralan at 14,000 naman sa Pribadong

paaralan na dagdag pinasyal sa gastusin ng mga estudyante.

3
C. Layunin ng Pananaliksik

Pangkalahatang Layunin:
Layunin ng pananaliksik na ito na malaman ang mga pananaw ng

mag-aaral patungkol sa kung epektibo nga ba ang programang K-12.

Nalimitahang Layunin:

 Malaman ang pananaw ng mga estudyante kung para sa kanila

ay mas nakatutulong ang programang ito o di nakatutulong.

 Kung sakanilang pananaw ay nahahasa ba ang kanilang mga

abilidad gamit ang programang ito.

D. Kahalagahan ng pag-aaral

Kahalagahan para sa mag-aaral

Ang pananaliksik na ito ay makatutulong upang lalo pa nating

malaman kung ano nga ba talaga and iba’t ibang pananaw ng mga

mag-aaral ukol sa programang K-12 upang mas mapabuti pa ang

sistemang ito. Sapagkat ang programang ito ay ipnatupad ng

pamahalaan upang tulungan ang mga kabataan at pantayan ang

sistema ng edukasyon hindi lamang sa buong Asya kundi pati sa

buong mundo.

4
Kahalagahan para sa magulang
Ang pananaliksik na ito ay makatutulong upang ipabatid sa

mga magulang ang pananaw ng mga kabataan sa programang ito at

upang mas maintindihan nila ang layunin ng programa sapagkat sila

din ay naapektuhan dito dahil sila ang gumagastos at isa sa

nagsasakaipatuparan sa programang ito.

Kahalagahan para sa institusyon

Para sa mga administrador ng paaralan, napakalaki at

napakalalim ng kakailanganing reporma at pagsasaliksik para

matugunan ang mga pangangailangan ng programang K-12. Ang

pananaliksik na ito ay naglalayong ipaintindi ang pananaw at

hinaing ng mga estudyante upang mapabuti ang pasilidad at mga

pangangailangan ng estudyante at mahasa pa ang kanilang kakayahan

at makapagbigay ng dagdag na kaalaman upang mai-apply nila ito sa

totoong buhay. Sa pananaliksik rin na ito, maaaring mapataas ang

kalidad ng edukasyon.

5
E. Limitasyon at Delimitasyon
Ang pananaliksik na ito ay tungkol sa epekto ng programang K-

12 sa mga mag-aaral. Ang pangunahing konsentrasyon ng

pananaliksik na ito ay ang alamin ang pananaw ng mga mag-aaral sa

Unibersidad ng San Pablo, partikular sa mag-aaral ng Grade 11 ng

Basic Education Unit. Ang datos na makakalap o makokolekta sa

pakikipanayam ay ang alamin kung epektibo nga ba ang programang

K-12. Ang mga tagapag-saliksik ay sa Unibersidad lang ng San

Pablo magtatala ng nasabing pananaliksik at hindi sa ibang

paaralan.

F. Inaasahang Output

Ang inaahasang output ng pananaliksik na ito ay ang sumusunod:

 Malaman ang pananaw ng mga mag-aaral ng Grade 11 kung

epektibo nga ba ito sa pagpapaunlad ng edukasyon at sa

paghasa ng kakayahan ng mga estudyante.

 Malaman at matimbang kung mas makatutulong ito o di

makatutulong.

 Mga pananaw ng estudyante kung paano sila hahasain ng

programang ito.

G. Konseptual na Balangkas 6
INPUT PROSESO
Demograpiya ng  Pag-kakalat
mga mag-aaral: ng sagutang
papel.
 Kasarian
 Pag-analisa
 Edad
ng nakuhang
datos.

OUTPUT
Kung epektibo
ba ang
pagkakaroon ng
K-12KABANATA
program.II

7
H. Depinisyon ng mga Termino
K-12 Program - ang programang ay ang 13 taon na basic

education: Kindergarten hanggang Grade 3, Grade 4 hanggang Grade

6, Grade 7 hanggang 10 at Grade 11 hanggang 12 o Senior High

School. Layon ng programang ito ay ang mapataas ang kalidad ng

edukasyon ng bansa.

Kurikulum - Ang kurikulum ay isang larangan sa loob ng edukasyon

na naglalayon makapanaliksik, makapagpaunlad, at makapagpatupad

ng mga pagbabago sa kurikulum na nakapagpapataas ng mga nagagawa

o nakakamit ng mga mag-aaral sa loob at labas ng mga paaralan.

Mother tongue - Ang mother tongue ay ang wikang ginagamit sa

bahay ng isang mag-aaral.

Voucher - Ang Voucher Program ay inilaan para sa mga nakakumpleto

ng Grade 10 (Junior High School) na nais ipagpatuloy ang pag-

aaral ng Senior High School (SHS) sa mga Non-DepEd Schools tulad

ng Private High Schools, Colleges, at Unibersidad.

Senior High School - ang dalawang huling taon ng K-12 Program. Sa

ilalim ng Senior High School, lahat ng mag-aaral ay makikinabang

sa isang Core Curriculum o mga paksang pangkalahatan at mga

paksang kapares sa pinili nilang track.


8
Seamless Learning - nauulit ang pag-aaral at nadadagdagan lang

ang hirap at leksyon hanggang sa pinakakomplikado na inaayon sa

taon at kakayahan ng mag-aaral


9
Kaugnay na Literatura at Pag-aaral

2.1 Kahalagahan at Layunin ng programa


Ang programang K-12 ay isinagawa noong taong 2012 na kung

saan ang dating kurikulum ay nadagdagan ng dalawa pang taon sa

hayskul. Ito ay isinagawa sapagkat Pilipinas na lamang ang bansa

sa Asya na may sampung taon ng Basic Education. Ito ay isinagawa

upang mapataas ang kalidad ng edukasyon upang tayo ay maging

‘globally competitive’. Ayon kay DepEd Secretary Armin Luistro

(2015) "Dapat walang Pilipino na hindi nakatapos ng high school".

Ayon pa sakanya ay isa ito sa magiging hakbang sa madaming

oportunidad, kung hahayaan lang daw na maipatupad ang programa at

pag-aralang mabuti ang K-12 ay maaaring mas makatipid pa ang mga

magulang sa pag-papaaral sa kanilang anak sapagkat maaaring sila

na ay makapagtrabaho pagkatapos ng Senior High school at maaari

rin daw ito magbigay ng trabaho sa mga guro sapagkat

kakailanganin ang mga guro sa pagtuturo (GMA News Online, 2015)10

Mapapahalagahan din ang Early Childhood Education Program

kung saan mandatoryo ang Kindergarten at maaaring gamitin ang

Mother Tongue sa unang tatlong taon sa primary. Ayon sa DepEd, sa

pamamagitan ng programang ito ay mapapalawak pa ang kaalaman ng

mga estudyante at mas mahahasa at matututukan ang kanilang

kakayahan sa pamamagitan ng mga teknika na gagamitin na naaayon

sa kanilang kapasidad at sa napiling strand.

2.2 Benepisyo ng programang K-12

2.2.1 Pagpapabuti sa Sistema ng Edukasyon


Sa pagpapatupad ng isang bagong sistema, siguradong mayroon

itong layunin. Sa panahon ngayon, ang ating bansa ay hindi

maikakaila na napag-iwanan na ng sibilisasyon kung ikukumapara sa

mga karatig bansa at isa na rito ay ang ating sistema ng

edukasyon. Ang programang K-12 ay sinimulan upang mapabuti ang

sistema ng edukasyon sapagkat ang Pilipinas na lamang ang tanging

bansa sa Asya na mayroong sampung taon ng Basic Education

(Villar, 2016). Ipinatupad ito upang sanayin at hubugin ang ating

mga abilidad at upang kaya nating makipagsabayan sa ibang bansa.

Napahahalagahan ang Early Childhood Education sapagkat mandatoryo

na ang pag-aaral ng Kindergarten kung saan unang nahuhubog and

pag-iisip ng isang estudyante, mayroon rin itong integrasyon at

Seamless Learning kung saan nauulit ang pag-aaral at nadadagdagan

lang ang hirap at leksyon hanggang sa pinakakomplikado na inaayon

sa taon at kakayahan ng mag-aaral (Villar, 2016).

11
2.2.2 Paghubog sa kakayahan

Dagdag pa rito, and programang K-12 ay talagang hinuhubog nito

ang ating kaalamn at kakayahan sa mga aralin na konektado sa

ating kukuning kurso sa pamamagitan ng ating napiling strand

sapagkat may pitong learning areas at tatlong specialization na

maaring pagpilian ng mag-aaral para sa Senior High school.


Tinuturo rin ang mga aralin na may practical application tulad ng

information, media at technology skills, communication skills at

Disaster Risk Reduction Management upang mas lalong lumaking

handa ang pag-aaral sa kanilang paglaki.

Bukod dito, makatutulong rin ito sa mga estudyanteng walang

sapat na kakayahan na magpatuloy sa kolehiyo. Ayon dito, Junior

High school pa lamang ay maaari nang makakuha ng Certificate of

Competency Level 1 kung makukumpleto nila ang mga requirements ng

TESDA at ipagpatuloy ito sa Senior High school at pag nakatapos

na ay maaari na silang makapagtrabaho.

Sa kabuuan, sa pagdagdag ng taon sa pag-aaral mas mahuhubog

ang kakayahan ng mga estudyante at upang maging competitive ang

mga Pilipino sa pakikipagsapalaran sa ibang bansa.

12
2.2.3 Specialized Upper Secondary Education

Ang dalawang taon ay naka-sentro sa apat na iba’t ibang

strand; ito ay ang GAS o General Academic Strand, STEM o Science,

Technology, Engineering and Mathematics, ABM O Accountancy and

Business Management at HUMSS o Humanities and Social Sciences.


Mayroon din ibang track tulad ng Technical-Vocational Course,

Performing arts at Sports.

Sa pamamagitan nito, inihahanda ang mga kabataan para

sakanilang magiging trabaho. Maaari na silang mag-apply ng TESDA

Certificates of Competency (COCs) at National Certificates (NCs)

para makapagtrabaho ng ayon sa kakayahan nila at kung nais pa

nilang pahubog ay maaari silang mag-aral sa kolehiyo. Sa mga

Specialized Subject areas ay mas matututukan ang talagang

kailangan sa paghuhubog sa kakayahan ng isang estudyante. Dito

mas madadagdagan ang kanilang kamalayan sa isang area na

kailangan sa kanilang magiging trabaho o aralin sa kolehiyo. Ito

ay ang magiging advance na technique at aktibidades para sa

pagpapabuti sa mag-aaral.

13
2.3 Pagsubok ng Programang K-12

2.3.1 Kakulangan sa Pondo

Sa bawat isyu ay may dalawang panig, habang ang iba ay may

benepisyong nakakamit mayroon din namang pagsubok ito at isa na


rito and mga hinaing ng Alliance of Concerned Teachers o ACT.

Ayon sakanila, hindi pa handa ang gobyerno sa pagpapatupad ng

batas na ito sapagkat ni hindi nila mapunan ang kakulangan sa

gamit at pasilidad, mga guro at maging ang paaralan taon taon.

Ayon din sakanila, kulang ang hinandang pagsasanay sa mga guro at

kulang ang gagamiting modules (Passion, 2016).

Ayon naman kay Trillanes (2015) “Mas makabubuti para sa

ating bansa kung hindi muna ipatutupad ang K to 12 Program

hanggat hindi pa nasosolusyunan ang mga problema sa sistema ng

ating edukasyon tulad ng kakulangan sa mga silid-aralan at

kagamitan ng mga estudyante, at ang kakulangan sa mga guro at ang

kanilang mababang sahod,” ngayong kasalukuyan gusto niyang gawing

opsyonal ang programang K-12 sapagkat kung hindi raw ito

opsyonal, ang mga nagsitapos na Grade 10 na hindi nagpatuloy sa

pag-aaral ay matatawag na undergraduates ngunit kung ito ay

magiging opsyonal, sila ay maituturing na High School graduates

kung saan sila ay makapagtutuloy sa kolehiyo o kumuha ng

technical-vocational courses.

14
2.3.2 Mga Dropouts

Ayon kay DepEd Armin Luistro, sa pamamagitan ng programang

K-12 ay mababawasan ang bilang ng dropout subalit isa sa

tinitignang problema ay and posibleng paglaki ng populasyon ng


dropouts sapagkat malaking problema din umano ang kung anong

track ang kukunin ng estudyante dahil ang ibang paaralan ay wala

o hindi ino-offer ang kanilang kagustuhang “track”. Isa pa di

umanong problema ay wala o kulang ang pasilidad para sa

technical-vocational courses.

Sa kabuuan, hindi pa natutugunan ang mga problema sa sector

ng edukasyon ay nadagdagan na naman ito ng bagong problema.

2.3.3 K-12 Graduates, Hindi job ready


15
Isa pa sa isyu na tinututukan sa programang ito ay, matapos

sabihin ng DepEd na maaari ng magtrabaho ang mga Senior High

school pag-kagraduate ngayon ay ayon sa PCCI hindi pa raw Job

ready ang mga K-12 graduates. Ayon sa PCCI, ang 80 na oras na ni-

require ay hindi sapat sa pag-prepara para sa trabaho. Ayon kay

Alberto Fenix (2018) “Majority of those 600,000 [students], I

don’t think they really got the sufficient training,” Ayon din sa

PCCI, ang kasalukuyang kurikulum ay kailanagn pa ng tulong at

pagpapabuti. Ngunit ayon naman kay Undersecretary Tonisito Umali

ay hindi naman daw ang On-the-Job training ang pinaka-tinututukan

ng programang K-12 (ABS-CBN, 2018).

Ayon din kay PBEd President Chito Salazar, "Unfortunately,

while a large number of entry-level jobs are capable of being


filled with K to 12 graduates, many companies are still

hesitant," Ang ibang kompanya ay mas pipiliin nalang ang mga

estudyante sa kolehiy o hindi nagpatuloy sa kolehiyo kaysa sa mga

Senior High school students kung kaya ginagawan na ng paraan kung

saan naghahanap ng kumpanya na magsisilbing ‘pilot companies’ na

tutulong at magbibigay opurtunidad sa mga K-12 graduates para

ipakita sa mga kumpanya na ang mga estudyante ay may kakayahan sa

pagtatrabaho.

16
Kabanata III

METODOLOHIYA

A. Disenyo ng Pananaliksik
Ang pag-aaral na ito ay isinagawa ayon sa deskriptib-

analitik na pananaliksik. Masusing sinuri ng mga

mananaliksik sa pag-aaral na ito ang pananaw ng mga mag-

aaral kung gaano kaepektibo ang programang K-12.

B. Mga Tagatugon

Kaming mananaliksik ay naglatag ng talasagutang papel na

naglalaman ng limang tanong na sasagutan sa pamamaraan ng

pag lagay ng tsek sa bawat kahon na nakalaan at isang

sanaysay na ibibigay sa mga respondante upang makuha ang mga

kasagutan at mga datos na kailangan.

C. Mga Kinapanayam

Ang mga napiling respondante sa pag-aaral na ito ay ang mga

mag-aaral ng Grade 11 sa Departamento ng Basic Education

Unit na may mga edad na 16-18 taong gulang.

17
Ang paraan ng pag-pili ng mga respondante ay sa pamamagitan

ng: 40 sa STEM; tig-lima sa walong seksyon, 15 sa ABM; tig-

lima sa tatlong seksyon at 10 sa HUMMS; tig-lima sa dalawang

seksyon. Sa kabuuan, mayroon tayong 65 na respondante sa

Grade 11 Basic Education Unit.


18
KABANATA IV

Paglalahad ng Datos at Interpretasyon


Ang kabanatang ito ay nakasentro sa mga nakuhang datos at

paterns na nakalap. Upang mapalabas ang tunay na kabuluhan at

kinalabasan ng pag-aaral na ito, masusing pag-obserba at pag-

analisa ang ginawa. Sa pag-presenta ng nakuhang datos, ito ay

inayos at iprinesenta gamit ang tsart at pag-papattern.

Bilang ng nakakaalam ng layunin ng programang K-12

20%

Oo
Hindi
Hindi Sigurado
18% 62%

“Ayon sa datos, 62% o karamihan sa mga respondante ay alam ang


layunin ng programang K-12 (mga alam nilang layunin ay nakapresenta
sa patterns), habang 20% naman ang hindi alam ang layunin ng
programa at 18% o pinakakaunti ang hindi sigurado kung ano nga ba
ang layunin ng programa. Makikita na karamihan ay sumagot na alam
nila ang layuning ng programa. Ayon sa iprinesentang datos, mas
maraming nakakaalam ng layunin ng programa ngunit kung pagsasamahin
19
ang bilang ng mga sumagot ng hindi at hindi sigurado ay makikitang
mas lamang ang bilang ng hindi alam o hindi sigurado sa layunin.”
Nahahasa ba ang iyong kakayahan gamit ang
“Ayon sa datos, 49% o pinakamarami ang sumagot ng Oo na ayon sa
programang ito?
kanila ay hinahasa ng programang K-12 ang kanilang kakayahan, 34%
naman ang nagsabing hindi sila sigurado kung nahahasa ba ang
kanilang kakayahan, at 17% o pinakakaunti ang nagsabing hindi
Oo Hindi
nahahasa ng programang K-12 ang kanilang kakayahan. Ayon sa
34%
iprinesentang datos, mas maraming nagsasabi na nahahasa ang kanilang
Hindi Sigurado
49%
kakayahan sa pamamagitan ng programang k-12. Ngunit kung iyong
papansinin, pag 17%
pinagsama ang bilang ng sumagot ng hindi at hindi
sigurado ay mas malaki ang bilang nito na nangangahulugang mas
madami ang di sumang ayon sa kakayahn ng programa sa paghasa ng
kanilang kakayahan.”
Nakatutulong ba ang programang K-12 o nagbibigay
lamang ng problema?

Nakatutulong
Hindi Nakatutulong
43% 42% Hindi Sigurado

15%

“Ayon sa datos, 43% o pinakamarami ang nagsabing hindi sila


sigurado kunbg nakatutulong ang programang K-12, 42% naman ang
nagsabing nakatutulong daw ito at 15% ang nagsabing hindi daw
nakatutulong ang programang ito. Ipinapakita ng datos na ayon sa
respondante, mas maraming hindi nakasisiguro kung nakatutulong
nga ba ang programa at kung iyong papansinin, mas mataas ang
bilang ng pinagsamang hindi nakatutulong at hindi sigurado na
nangangahulugang mas matimbang ang pagka negatibo nito kaysa
positibo.”
20

Nakasisigurado ka ba na aayos ang iyong kinabukasan sa


programang K-12?
Oo
Hindi

30% Hindi
Sigurado

Ibinigay na
61%
marka ng mga respondante sa pagkaepektibo
ng programa." 9%

25%
2% 50%
33% 75%
“Ayon sa datos, 61% o pinakamarami
38% ang di sigurado kung aayos ba ang
100%
kanilang kinabukasan sa pamamagitan ng programang K-12, 30% naman ang
nagsabing aayos daw ang kanilang kinabukasan gamit ang programang ito
at 9% o pinakakaunti ang nagsabing28% hindi raw aayos ang kanilang
kinabukasan gamit ang programa. Ipinapakita ng datos na mas maraming
di nakasisiguro kung aayos ba ang kanilang kinabukasan sa
pagiimplementa ng programang K-12.”

“Ayon sa datos, 37% ang nagbigay ng 75% na marka, 33% naman ang
nagbigay ng 25% na marka, 28% naman ang nagbigay ng 50% at 2% lang
ang nagbigay ng 100% na marka. Ayon sa iprinesentang datos mas
marami ang nagbigay ng marka na 75% na nangangahulugang maayos ang
programa ngunit kailangan pa ng kaunting pagbabago at ang
pinakakaunti sa ibinigay na marka ay 100% na nangangahulugang hindi
pa masasabing matagumpay ang programa at kailangan pa ng pagunlad.”
21
Pattern:

1.) Mga alam na layunin ng respondante sa programang K-12.

Ayon sakanila, ang mga layunin ng programa ay: paghahanda sa

kolehiyo at pagpili ng kurso ang karamihan na sinabi ng mga

respondante, sunod ay upang makapagprodyus ng mga indibidwal na

handa sa pagtatrabaho at para sa kinabukasan, sunod naman ay

upang kaya nating makipagsabayan sa ibang bansa at makipagtagisan

sa mga karatig bansa. Ayon rin sakanila ay upang magkaroon ng

mataas na karunungan, malinang ang kanilang kakayahan at upang

maging produktibo.

1.) Sa paanong paraan ka inihahanda ng programang K-12 para

sa iyong kinabukasan?

Ayon sakanila, ang mga paraan ng paghahanda ng programang ito

ay: karamihang sinabi ng respondante ay sa pamamagitan ng mga

“advance lesson” tulad ng mga aralin o units sa kolehiyo kung

saan mas napapalawak ang kanilang kaalaman, sunod ay sa paghasa

ng kanilang abilidad sa pamamagitan ng “advance” na “techniques”

at mga aktibidades. Ayon din sakanila, ang iba pang paraan ng

paghahanda ng programa ay tinutulungan ka nitong tumayo

sasariling paa sa pamamagitan ng pagbibigay ng gawaing praktikal

at hasain pa ang ‘prior knowledge’ ng bawat indibidwal.


22
KABANATA V
Lagom, Konklusyon at Rekomendasyon

Lagom

Ang mga nakuha naming datos ay ang mga sumusunod:

1.) Mas marami sa aming mga respondante ay alam ang layunin

ng programang K-12 kaysa sa hindi nakakaalam ng layunin.

2.) Madami ang sumagot na nahahasa ang kanilang kakayahan

gamit ang K-12 ngunit kapag pinagsama ang bilang ng

sumagot ng hindi at hindi sigurado ay lamang ito ng isang

porsyento kung kaya’t masasabi na mas maraming hindi

sumasangayon sa kakayahan ng programa sa paghasa ng

kakayahan ng isang estudyante.

3.) Mas maraming porsyento ang nagsabing hindi nakatutulong

ang programa sapagkat mas malaki ang bilang ng

pinagsamang hindi at hindi sigurado kaysa sa mga

nagsasabing nakatutulong ang programa.

4.) Hindi sapat na kasiguraduhan ang programa upang umayos

ang kanilang kinabukasan.

5.) Nagtutugma ang inilahad na alam na layunin ng mga

respondante ukol sa programang K-12 at sa inilahad nilang

paraan ng paghahanda sakanila ng programa.


23
Konklusyon

Ang programang K-12 ay ipinatupad upang maiangat ang kalidad ng

edukasyon sa ating bansa at upang mahasa ang abilidad nang tayo

ay makipagsabayan din sa ibang bansa. Hindi maikakaila na tayo na

ay napagiwanan ng sibilisasyon at isa sa nakikitang solusyon ay

ang pataasin ang kalidad ng edukasyon sa bansa. Ayon sa aming

nakalap na datos, nalaman namin ang iba’t ibang pananaw ng mga

Senior High school na estudyante ukol sa programang ito. Ayon sa

kanila ay alam nila ang layunin ng programa kung saan ito ang isa

sa importanteng hakbang sapagkat alam nila kung saan patutungo

ang programa. Makikta rin na nagtutugma ang layunin at sa paraan

ng paghahanda sakanila ng programa. Ngunit makikita sa nakalap na

datos na mas marami ang hindi sang-ayon o hindi pa kuntento sa

programa. Ang mga halimbawa ay, mas maraming porsyento ng

respondante ang hindi sumasangayon sa kakayahan ng programa sa

paghasa ng kakayahan ng isang estudyante at mas madami ang nag-

sabi na hindi nakatutulong ang programa at hindi sapat upang

umayos ang kanilang kinabukasan.

Para sa konklusyon, masasabing ayon sa nakalap na datos ay hindi

epektibo ang programa sa paghahasa ng kakayahan ng mga estudyante

at hindi pa ito nagbibigay ng kasiguraduhan sapagkat marami pa

rin ang estudyante na hindi sigurado kung makatutulong ba talaga

ito sakanilang kinabukasan.


24
Rekomendasyon

1.) Para sa mga susunod pang mga mananaliksik, mas maigi kung

magkaroon ng malawakang pananaliksik ukol sa kung gaano

kaepektibo ang programang K-12.

2.) Mas mapapabuti kung magkakaroon ng ebalwasyon sa kung

gaano kaepektibo ang bawat strand.

3.) Sa mga susunod na mananaliksik, kapanayamin ang mga guro

at administrasyon kung gaano ba kaepektibo ang programa

sakanila.

4.) Para sa DepEd, kailangang maging malinaw sa mga mag-aaral

at sa mga magulang ang pagpapatupad ng programang K-12.

5.) Para sa susunod na mananaliksik, mas maigi kung aalamin

din ang mga dahil o factors sa nakaaapekto sa kanilang

mga pananaw.
25
KABANATA VI
Talasanggunian

Villar, A. (2016). Mga Mahahalagang Kaalaman Tungkol Sa K to 12

Program. Retrieved from http://www.bibme.org/citation-

guide/apa/website/

Epekto ng K to 12 program ng DepEd sa edukasyon ng mga batang

Pinoy (2012, June 05) Retrieved from

http://www.gmanetwork.com/news/video/newstogo/122168/epekto-ng-k-

to-12-program-ng-deped-sa-edukasyon-ng-mga-batang-pinoy/video/

Ano nga ba ang tunay na layunin ng pagpapatupad ng K-12 Kurikulum

(2014, September 18) Retreievd from

http://k12kurikulum.blogspot.com/

Layunin ng K-12 Basic Education Program, ipinaliwanag ng DepEd sa

mga guro (2012, March 22) Retrieved from

http://www.gmanetwork.com/news/video/balitapilipinas/114068/layun

in-ng-k-12-basic-education-program-ipinaliwanag-ng-deped-sa-mga-

guro/video/
26

DepEd Secretary Bro. Armin Luistro, makapasa kaya sa maiinit na

tanong ng 'Bawal ang Pasaway?' (2015, May 29) Retrieved from

http://www.gmanetwork.com/news/newstv/bawalangpasaway/495334/depe

d-secretary-bro-armin-luistro-makapasa-kaya-sa-maiinit-na-tanong-

ng-bawal-ang-pasaway/story/

Dela Cruz, A. (2012, April 22) K-12 wala pang pondo. Retrieved

from https://www.philstar.com/bansa/2012/04/22/799061/k-12-wala-

pang-pondo

‘K-12 graduates are not yet ready for work’, says PCCI (2018,

January 17) Retrieved from

https://filipinotimes.net/news/2018/01/17/k-12-graduates-not-yet-

ready-work-says-pcci/

PCCI: New K-12 graduates may not be 'work-ready' (2018, January

17) Retrieved from http://news.abs-

cbn.com/video/business/01/17/18/pcci-new-k-12-graduates-may-not-

be-work-ready
27
Malipot, M. (2018, January 25) Concerns over job readiness hound

first batch of K to 12 graduates. Retrieved from

https://news.mb.com.ph/2018/01/25/concerns-over-job-readiness-

hound-first-batch-of-k-to-12-graduates/

Geronimo, J. (2017, July 06) Are companies still hesitant to hire

K to 12 graduates? Retrieved from

https://www.rappler.com/nation/174857-pbed-companies-hiring-k12-

graduates

Passion, P. (2016, June 13) Problemang dagdag ng K-12 ngayong

Pasukan. Retrieved from

http://pinoyweekly.org/new/2016/06/problemang-dagdag-ng-k-to-12-

ngayong-pasukan/

UNTV News (2013, May 16) K-12 bill, ganap nang isang batas.

Retrieved from https://www.untvweb.com/news/k-12-bill-ganap-nang-

isang-batas/

Salaverria, L. (2016, June 16) Trillanes wants DepEd to make K-12

optional. Retrived from


28
http://newsinfo.inquirer.net/790953/trillanes-wants-deped-to-

make-k-12-optional
29
KABANATA VII

Mga Apendiks

Apendiks A

PERSONAL DATA Apendiks A


Name: PAULINE HANNAH FERNANDEZ UMERAN

Address: ZONE 5 GREEN MEADOWS VILLAGE, MACANAYA APARRI CAGAYAN

Contact No: 09999219420

Gmail: paulinehannah05@gmail.com

Date of Birth: MAY 31, 2001

Age: 17

Gender: FEMALE

Nationality: FILIPINO

Civil Status: SINGLE

Religion: ROMAN CATHOLIC

Father’s Name: JOHNY MEDRANO UMERAN OCCUPATION: BUSINESSMAN


Mother’s Name: MAGNOLIA FERNANDEZ UMERAN OCCUPATION: PRIVATE EMPLOYEE
Languages or Dialects you can read or write: ILOCANO, TAGALOG, ENGLISH
Person to be contacted in case of emergency: MR. AND MRS. JOHNY UMERAN
Contact Number: 09189379679

EDUCATIONAL
  BACKGROUND
Name and Address of the School Year

Elementary School: ST.PAUL SCHOOL OF APARRI - SAN ANTONIO APARRI CAGAYAN 2013
Junior High School: ST. PAUL SCHOOL OF APARRI - SAN ANTONIO APARRI CAGAYAN 2017
Senior High School: ST. PAUL UNIVERSITY PHILIPPINES – TUGUEGARAO CITY
Strand: SCIENCE, TECHNOLOGY, ENGINEERING AND MATHEMATICS
30

PERSONAL DATA
Name: GABRIEL LUIS JAVA ERESE

Address: VILLANUEVA SAN MANUEL, ISABELA

Contact No: 09754198599

Gmail: eresegab_3@gmail.com

Date of Birth: FEBRUARY 03, 2001

Age: 17

Gender: MALE

Nationality: FILIPINO

Civil Status: SINGLE

Religion: ROMAN CATHOLIC

Father’s Name: WILFREDO ERESE OCCUPATION: LABORER


Mother’s Name: RUTCHEL ERESE OCCUPATION: HOUSE WIFE

Languages or Dialects you can read or write: ILOCANO, TAGALOG, ENGLISH


Person to be contacted in case of emergency: MR. AND MRS. WILFREDO ERESE
Contact Number: 09754198599

EDUCATIONAL
  BACKGROUND
Name and Address of the School Year

Elementary School: VILLANUEVA ELEMENTARY SCHOOL – SAN MANUEL ISABELA 2013


Junior High School: ROXAS NATIONAL HIGHSCHOOL – ROXAS ISABELA 2017
Senior High School: ST. PAUL UNIVERSITY PHILIPPINES
Strand: SCIENCE, TECHNOLOGY, ENGINEERING AND MATHEMATICS
31

PERSONAL DATA
Name: KARLA MAE RAGUINDIN PAGALARAN

Address: MAURA, APARRI CAGAYAN

Contact No: 09552642858

Gmail: karpagalaran@gmail.com

Date of Birth: JUNE 09, 2001

Age: 17

Gender: FEMALE

Nationality: FILIPINO

Civil Status: SINGLE

Religion: ROMAN CATHOLIC

Father’s Name: WILSON C. PAGALARAN OCCUPATION: OFW


Mother’s Name: HAZEL R. PAGALARAN OCCUPATION: TEACHER

Languages or Dialects you can read or write: ILOCANO, TAGALOG, ENGLISH


Person to be contacted in case of emergency: MRS. HAZEL PAGALARAN
Contact Number: 09552642858

EDUCATIONAL
  BACKGROUND
Name and Address of the School Year

Elementary School: APARRI EAST CENTRAL SCHOOL –CENTRO APARRI CAGAYAN 2013
Junior High School: ST. PAUL SCHOOL OF APARRI - SAN ANTONIO APARRI CAGAYAN 2017
Senior High School: ST. PAUL UNIVERSITY PHILIPPINES
Strand: SCIENCE, TECHNOLOGY, ENGINEERING AND MATHEMATICS
32

PERSONAL DATA
Name: MICHAEL ANDRE BURAGA SANTOS

Address: SAN GABRIEL, TUGUEGARAO CITY

Contact No: 09773833876

Gmail: mabssantos10@yahoo.ocom

Date of Birth: APRIL 08, 2000

Age: 18

Gender: MALE

Nationality: FILIPINO

Civil Status: SINGLE

Religion: ROMAN CATHOLIC

Father’s Name: ANGELO SANTOS OCCUPATION: BUSINESSMAN


Mother’s Name: MARY JANE SANTOS OCCUPATION: BUSINESSWOMAN

Languages or Dialects you can read or write: ILOCANO, TAGALOG, ENGLISH


Person to be contacted in case of emergency: MR. AND MRS. ANGELO SANTOS
Contact Number: 09773833876

EDUCATIONAL
  BACKGROUND
Name and Address of the School Year

Elementary School: MONTESSORI DE CAGAYAN – PENGUE RUYU MERCEDES VILLAGE 2013


Junior High School: ST. PAUL UNIVERSITY - TUGUEGARAO CITY 2017
Senior High School: ST. PAUL UNIVERSITY PHILIPPINES
Strand: SCIENCE, TECHNOLOGY, ENGINEERING AND MATHEMATICS
33

PERSONAL DATA
Name: LIEZEL GATAN ALLAUIGAN

Address: ANAO CABAGAN, ISABELA

Contact No: 09368364993

Gmail: allauiganliezhel@gmail.com

Date of Birth: APRIL 13, 2000

Age: 18

Gender: FEMALE

Nationality: FILIPINO

Civil Status: SINGLE

Religion: ROMAN CATHOLIC

Father’s Name: ALEX ALLAUIGAN OCCUPATION: RETIRED SOLDIER


Mother’s Name: VIOLETA ALLAUIGAN OCCUPATION: OFW

Languages or Dialects you can read or write: ILOCANO, TAGALOG, ENGLISH


Person to be contacted in case of emergency: MR. AND MRS. ALEX ALLAUIGAN
Contact Number: 09368364993

EDUCATIONAL
  BACKGROUND
Name and Address of the School Year

Elementary School: CABAGAN SCIENCE ELEMENTARY SCHOOL – CABAGAN ISABELA 2013


Junior High School: SAINT FERDINAND COLLEGE – CABAGAN ISABELA 2017
Senior High School: ST. PAUL UNIVERSITY PHILIPPINES
Strand: SCIENCE, TECHNOLOGY, ENGINEERING AND MATHEMATICS
34
Apendiks B

Magandang Araw!
Kaming mga mananaliksik ay naglalayong mangolekta ng datos tungkol sa “Pananaw ng
mga mag-aaral ng Grade 11 ukol sa mabisang epekto ng pagkakaroon ng programang K-12 sa
Unibersidad ng San Pablo.” Kayo’y makasisiguro na ang inyong mga sagot ay mananatiling
konpidensyal at ligtas. Maraming Salamat!
Mga Mananaliksik:
Pauline Hannah Umeran
Gabriel Luis Erese
Karla Mae Pagalaran
Liezhel Allauigan
Andre Santos
Pangalan (opsyonal): Kasarian:
Baitang at Seksyon: Edad:
Direksyon: Lagyan ng tsek ang mapipiling sagot sa kahon na nakalaan.
Mga Katanungan:
1.) Alam mo ba ang layunin ng pagpapatupad ng programang K-12?
 Oo
 Hindi
 Siguro
Kung Oo ang sagot, ano sa palagay mo? _________________________________________
2.) Nahahasa ba ang iyong kakayahan sa programang ito?
 Oo
 Hindi
 Siguro
3.) Ang programa ba na ito ay nakatutulong o nagbibigay lamang ng problema?
 Nakatutulong
 Di nakatutulong
 Di sigurado
4.) Nakasisigurado ka bang aayos ang iyong kinabukasan sa programan K-12?
 Oo
 Hindi
 Siguro 35
5.) Para sa iyo, anong marka ang ibibigay mo sa pagka-epektibo ng programang K-12 sa
paghahanda at paghahasa nito sa iyong kakayahan para sa iyong kinabukasan?
 25%
 50%
 75%
 100%
Sanaysay:
Sa paanong paraan ka inihahanda ng programang K-12 para sa iyong kinabukasan?
36
Apendiks C

Talasagutang Papel ng Respondante


37
Talasagutang Papel ng Respondante

You might also like