You are on page 1of 10

DAHON NG PAGPAPATIBAY

Bilang pagtupad sa isa sa mga pangangailangan ng Asignaturang Filipino, Pagbasa at


Pagsusuri ng ibat ibang Tekstong Tungo sa Pananaliksik, nag handa ang isang grupo ng mga
mananaliksik sa ika-11 baitang, seksyon C ng isang pag-aaral na pinamagatang ( Problema sa
pagpili ng stand sa senior high school ng mga mag-aaral sa ika-10 baitang ng Pambansang
Mataas sa Paaralan ng Ocampo.)

Ang pananaliksik na ito ay dumaan sa masusing pagsusuri ng mga datos, winasto at inayos ayos sa
pagkakasunod-sunod ng mga detalye. Ang mga nakapaloob sa nasabing pananaliksik ay naaayon sa
kakayahan at kaalaman ng mga mananaliksik.

FRANKLIN O. ORTINERO LPT, MAEd.


KABANATA I

ANG SULIRANIN AT KALIGIRAN NITO

Ang Kto12 Program ng gobyerno ng Pilipinas ay tumutukoy sa pagkakaroon


ng mandatory o required na kindergarten at karagdagang 2 taon sa dating 10-year Basic
Education Cycle. Kung noon, pagkatapos ng anim na taon sa elementarya at apat na taon sa
hayskul (kabuuang 10 taon) ay maaari nang makapagkolehiyo ang mga estudyante. Sa ilalim ng
Kto12, bago makapagkolehiyo, kailangan pa nilang dumaan sa karagdagang 2 taon pagkatapos
ng apat na taong hayskul. Sa bagong sistema, tinatawag na senior high school o junior
college ang karagdagang 2 taon. Ang apat na taon ng hayskul sa lumang sistema ay tinatawag
naming junior high school. Sa kabuuan, Grade 1-12 ang opisyal na tawag sa 12 taon ng Basic
Education sa ilalim ng Kto12.

Ang Senior High School ay mayroong A. ACADEMIC TRACK na may 1.Accountancy,


Business and Management (ABM) Strand , 2. Humanities and Social Sciences Strand (HUMMS),
3.Science, Technology, Engineering and Mathematics (STEM) Strand 4.General Academic
Strand, B. Sports Track 2. Information and Communication Technology Strand 3. Agri-Fishery
Arts Strand a. Agricrop Production b. Animal Production c. Fish Production 4. Industrials Arts
Strand C. Arts and Design Tracks and D. Technical-Vocational Livelihood Track . Ang mga strand
na ito ay ang mga maaaring pagpilian ng mga studyante na makakatulong sakanila upang
mahasa at mapaunlad pa ang kanilang mga kakayahan at maihanda ang mga mag-aaral sa
kanilang pagtungtong sa kolehiyo .

Ang pananaliksik na ito ay gabay sa mga mag-aaral sa pagpili ng strand na kanilang


kukunin sa senior high school. Gabay upang maiwasan ang pagkalito sa pagpili. Ang pananaliksik
na ito ay malaking tulong sa mga mag-aaral upang mabigyan ng kaalaman sa strand na kanilang
pipiliin sa senior high school at gabay tungo sa pagpili batay sa kanilang kagustohan.
Paglalahad ng suliranin

Pangkalahatan

Ang pananliksik na ito ay magbigay ng impormasyon ukol sa kung ano na ang naging
epekto ng pagkakaroon ng senior high school sa mga mag-aaral sa ika-12 ng ONHS.

Layunin ng pananaliksik na ito na makahanap ng mga impormasyon kung ano ang mga
positibo at negatibo na epekto ng pagkakaroon ng senior high school sa mga mag-aaral ng ika-
12 baitang ng Pambansang Mataas na Paaralan ng Ocampo. Nais ng mga mananaliksik na
mabigyang kasagutan ang mga sumusunod na katanungan.

1.Ano-ano ang mga strand sa Senior High School.

2.Ano ang may pinakamataas na naidudulot na epekto sa pagkakaroon ng senior high school sa
mga mag-aaral. Ito ba ay positibo o negatibo .

Kahalagahan ng Pananaliksik

Ang mag-aaral ay susi tungo sa paghanap ng mga panibagong kaalaman, paghanap


ng mga impormasyon, pagkuha ng mga bagong ideya na maaaring magpaunlad at magamit ng
bawat indibidwal. Makatutulong ito upang madagdagan ang mga impormasyong nakalap at
nabanggit sa naunang pag-aaral. Magiging kapaki-pakinabang ang pag-aaral na ito sa mga
sumusunod.

Ang Kahalagahan ng Pananaliksik

Ang pag- aaral na ito ay malaking tulong sa mga mag-aaral tungo sa pagpili ng kursong
kukunin sa Senior High School. Pagbuo ng panibagong kaalaman at impormasyon sa bawat
mag-aaral. Makatutulong din ito upang maiwasan ang pagkalito ng mga mag-aaral sa pagpili.
Magiging kapaki-pakinabang ang pananaliksik na ito sa mga sumusunod.
Sa Mag-aaral: Ang lubos na mabibenepisyohan ng pag-aaral na ito ay ang mga mag-aaral
dahil makakatulong ito upang kanilang malaman at maintindihan kung maganda ang na
idudulot ng dagdag na dalawang taon sa High School sa kanilang pag-aaral.

Sa Magulang: Malalaman ng mga magulang kong maganda ang nagiging resulta sa


pagdagdag ng dalawang taon ng pag-aaral sa HS ng kanilang mga anak.

Sa Gobyerno: Mas maiingganyo ang mga nasa katungkulan na mas pagandahin pa ang
programang K-12.

Sa mga Mananaliksik: Malaking tulong ito sa pamamagitan ng mabibigyan sila ng


magandang pananaw tungkol sa magandang dulot ng Senior High School.
KABANATA II

Kaugnay na Literatura

Ang K+12 o K-6-4-2 Model ay ang pinaikling terminolohiya ng “kindergarten+12


years in elementary at high school” na karaniwang ginagamit ng maraming bansa sa mundo
gaya ng mayayamang estado sa Amerika at Europa. Sa sistemang K+12, ang elementarya ay
bubuuin pa rin ng 6 na taon, ngunit ang high school naman ay mahahati na sa junior at
senior. Idagdag pa dito ang panukalang universal kindergarten na magbibigay oportunidad
sa mga 5 taong gulang na bata na makapag aral ng isang taon sa kindergarten sa mga public
at private school. Sa madaling sabi, ang basic education ay binubuuo na ng 13 taon
(Papa2012).

Ayon sa Department of Education (DepEd), ang K-12 umano ang solusyon ng


administrasyon ang Pang. Benigno S. Aquino III sa lumalalang krisis sa edukasyon.
Gayunpaman, mariin itong tinututulan ng mga kabataan, mag-aaral, guro, kawani,
magulang at ng buong kumunidad dahil sa kawalan ng programa ng makabuluhang batayan
at sapat na paghahanda at panustos ng gobyerno para rito. Ang hilaw na pagpapatupad ng
K-12 ay maaaring makapagpalala pa ng sitwasyon. Ang pangunahing dahilan ng out-of-
school youth ay ang kakulangan ng panustos sa pag-aaral. Batay sa pag-aaral ng Alliance of
Concerned Teachers (ACT), tinatayang gagastos ng P12,090 ang bawat pamilya para
tustusan ang pag-aaral ng isang miyembro sa bawat karagdagang taon sa K-12. Kabilang sa
mga gastusin ang pamasahe, baon, gamit sa eskwela at iba pa. Mabigat ang halagang ito na
pinapalala pa ng nagtataasang presyo ng mga bilihin at ang mababang pasahod sa mga
manggagawa lalo na’t tahasan nang tinalikuran ng pang. Aquino ang panawagan sa P125
across-the-board nationwide dagdag sahod.

Hindi solusyon ang karagdagang taon sa pag-aaral sa humihinang kalidad ng batayang


edukasyon. Ayon mismo sa resulta ng Trends in International Mathematics and Science
Studies, maraming bansa na may 10 taong batayang edukasyon o mas maiksi, tulad ng
South Korea at Singapore, ang nakakuha ng pinakamataas na marka. Ilang mga bansa
naman namay programang K-12, tulad ng Chile at Saudi Arabia, ay nakakuha ng mababang
marka. Pinapakita nito na sa halip na karagdagang taon sa batayang edukasyon, ang tunay
na makakapagpataas ng kalidad ng edukasyon sa bansa ay ang mataas na budget para sa
maayos na gamit, libro at iba pang pasilidad, at gayundin ang mataas na pasahud sa mga
guro at kawani.( ANAKBAYAN UP LOS BANOS 2012)
Ang BATAS REPUBLIKA BLG. 10533 ay isang batas na nagpapabuti sa sistema ng batayang
edukasyon sa pilipinas sa pagpapalakas ng kirikulum nito at pagdadagdag ng bilang ng mga taon
para sa batayang edukasyon, paglalaan ng pondo rito at para sa kba pang layunin. Pinagtibay ito
nina, FELICIANO BELMONTE JR. (Ispiker ng Mabababang Kapulungan) at JUAN PONCE ENRILE
(Pangulo ng Senado).Ang Batas na ito na komsolidasyon ng Panukalang Batas ng Senado Blg. 3286 at
Panukalang Batas ng Mababang Kapulungan at ng Senado noong Enero 30, 2013. Nilagdaan ito nina,
MARILYN BARUA-YAP (Kalihim Heneral Mababang Kapulungan) at EDWIN B. BELEN (Kalihim na
Tagaganap ng Senado) at ipinagtibay noong Mayo 15,2013.

Kaugnay na Pag-aaral

Banyagang pag-aaral

Isa sa mga kaugnay na pag-aaral na ginawa sa Western Michigan University sa


Estados Unidos ukol sa pananaw ng mga mag-aaral sa unang karanasan sa isang bagong
kurikulum ay ang disertasiyon ni Vanderjagt, Douglas D. na may pamagat na “Student
Thoughts and Pperceptions on Curriculum Reform” noong taong 2013.

Ayon kay Vanderjagt, ang layunin ng pag-aaral na ito ay ang pagsusuri kung paano
tumugon at ano ang mga karanasan ng mga mag-aaral nang ipatupad ng Michigan ang
karagdang pamantayan at kakailanganin bago makapag tapos. Ang pag-aaral ay isinagawa
sa isang malaking suburban high school na nagpatupad ng pagbabago sa sistemang
trimester bilang tugon sa mandate ng estado. Isang criterion-based sample na binubuo ng
80 na mag-aaral, may plano mang tumungo sa koliheyo o hindi ang naging mga kalahok sa
pakikipanayam ukol sa kanilang kaalaman, pang-unawa at karanasan sa panibagong
Michigan Merit Curriculum at paano nito naapektuhan ang mga desisyon ng mga mag-aaral
sa kanilang tatahakin matapos ang sekondaryang edukasyon. Dagdag pa dito ay isinama rin
ni Vanderjagt sa isang grupo ang iilang mga magulang ng mga kalahok at iladng kinatawan
ng institusyon para sa pag-aaral. Apat na tema ang lumilitaw mula sa pag-aaral: (1) Ang mga
mag-aaral ay nakaranas ng limitado hanggang sa walang pakikilahok sa panibagong
pamantayan ng kurikulum bago makapagtapos: (2) Ang mga magulang, mag-aaral at mga
tauhan ng paaralang nagpahayag ng kanilang pagkabahala at pag-aalala na maaaring ang
mga panibagong pamantayang ito ay hindi matamon ng lahat ng mga mag-aaral na
magdudulot ng hindi pagtatapos ng lahat: (3) Ang paaralan na nagsilbing lokal na pag-aaral
ay gumamit ng isang malikhaing pakikitungo o pamamaraan upang magbigay ng flexibility
upang makamit ang panibagong pamantayan bago magtapos: at, sa kabuuan, (4)
Sinubukang pang masanay ng mga mag-aaral sa mga pagbabagong ito, bagkus maayos ang
ipinapakita sagrado.

Bilang kabuuan, ang pag-aaral ni Vanderjagt ay sumusuporta sa mga nagdaang


literatura ukol sa mga pagsisikap para sa pagbabago ng mga paaralang kasisismula lamang
sa pagpapatupad ng isang panibagong kurikulum. Ang mga mag-aaral, magulang at
administrasyon ay humantong sa isang kasunduan na ang mga mag-aaral ay nararapat na
magkaroon ng isang pangunahing ganap sa mga pagbabago sa paaralan . – Vanderjagt,
Douglas D. , “Student Thoughts and Perceptions on Curriculum Reform” (2013).
Dissertations. Paper 154.

Hindi solusyon ang karagdagang taon sa pag-aaral sa humihinang kalidad ng batayang


edukasyon. Ayon mismo sa resulta ng Trends in International Mathematics and Science
Studies, maraming bansa na may 10 taong batayang edukasyon o mas maiksi, tulad ng
South Korea at Singapore, ang nakakuha ng pinakamataas na marka. Ilang mga bansa
naman namay programang K-12, tulad ng Chile at Saudi Arabia, ay nakakuha ng mababang
marka. Pinapakita nito na sa halip na karagdagang taon sa batayang edukasyon, ang tunay
na makakapagpataas ng kalidad ng edukasyon sa bansa ay ang mataas na budget para sa
maayos na gamit, libro at iba pang pasilidad, at gayundin ang mataas na pasahod sa mga
guro at kawani. ( ANAKBAYAN UP LOS BANOS 2012)
KABANATA III

DISENYO AT PARAAN NG PANANALIKSIK

Sa bahaging ito malalaman ang paraang ginamit sa pag-aaral at paglalarawan sa


hakbang na gagawin sa pagtuklas ng resulta kung positibo o negatibong naidudulot ng
pagkakaroon ng Senior High School.

A. Disenyo ng Pananaliksik

Ang pananalisik na ito ay gumamit ng deskriptibong metodolohiya ng pananaliksik. Ito


ay gumagamit ng talatanungan o “Survey questionnaire” upang makalikom ng datos.
Maisasakatuparan ang disenyon ng pag-aaral na ito sa pamamagitan ng pag survey gamit
ang isang tesk list.

B. Pamamaraan ng pagpili ng Respondent


Upang makuha ang inpormasyon ang mga mananaliksik sa “EPEKTO NG
PAGKAKAROON NG SENIOR HIGH SCHOOL SA IKA-12 BAITANG NG ONHS” ang napiling
respondente ay ang mga mag-aaral ng ika-12 baitang ng Pambansang Mataas na Paaralan ng
Ocampo. Kumuha lamang ng 3 seksyon na kakatawan sa kabuuan na pag-aaral.

C. Pamamaraan ng pag kuha ng mga datos

Ang mga mananaliksik ay pumunta sa mga silid aralan ng mga napiling respondente at
nagbigay ng impormasyon at instruksyon kung para saan at paanu sasagutan ang
talatanungan. Binigyan ng sapat na oras ang mga respondente upang masagutan ng
maayos ang talatanungan.

D. Tritment ng mga datos

Ang mga mananaliksik ay napili ang pormula na

𝒏
P=𝑵 × 𝟏𝟎𝟎
Kung saan:

P= Percentage
n= bilang ng mga respondente na sumagot sa isang tanong
N= kabuuang bilang ng mga respondente

You might also like