You are on page 1of 18

SOLIVERES, JOEL G.

MARSO 29, 2019

BSED FL 1-1 GEED 10183: MALAYUNING KOMUNIKASYON

Isang pagsusuri: Diskurso ng Kakulangan sa Suplay ng Tubig bilang Pisyolohikal na

Pangangailangan ng Tao gamit ang Teorya at Hiyarkiya ng Pangangailangan ni

Abraham Maslow

I. Panimula

Ang bansang Pilipinas ay maituturing na isang agrikultural na bansa. Sagana

ang ating bansa sa iba't-ibang uri ng likas na yaman tulad ng palay, kopra, kape, mga

species ng isda at halaman. Kilala rin ang ating bansa sa iba't-ibang tanawin tulad ng

Bulkang Mayon sa lalawigan ng Albay sa Rehiyon ng Bikol, Puerto Princesa Underground

River sa Palawan, Chocolate Hills sa Bohol at marami pang iba. Higit na pinapasigla rin ng

mga historikal at makasaysayang lugar ang kaisipan ng mga tao. Tulad ng Rizal Park sa

Maynila, Fort Santiago, Corridor, Intramuros at iba pa. Katangi-tanging pagmasdan ang

arkipelago ng ating bansa dahil mula hilaga, silangan, kanluran at timog ay napapaligiran

tayo ng iba't-ibang uri ng anyong tubig. Kung kaya naman, maraming mga mamamayang

Pilipino ang nakadepende sa tubig bilang kasangkapan sa pang-araw-araw na

pangangailangan. Ngunit kasabay ng pagbabagong nagaganap sa ating bansa, ang biyaya ng

kalikasan tulad ng tubig ay masasabi natin na hindi ito'y "unli" na maraming reserba sa

bawat reservoir o mga dam nauubos at kumakaunti rin ang suplay nito.

Upang higit kong maunawaan ang kalagayan ng suplay ng ating tubig na isa

sa mga pangangailangan ng tao at isa ring napapanahong isyu ng ating bansa, nagbahagi

1
ako ng iilang mga katanungan na sasagot sa pag-aanalisa ng aking diskurso na

pinamagatang "Isang pagsusuri: Diskurso ng Kakulangan sa Suplay ng Tubig bilang

pisyolohikal na pangangailangan ng Tao gamit ang Teorya at Hiyarkiya ng Pangangailangan

ni Abraham Maslow"

A. Mga Suliranin

Sa bahaging ito, nagsaad ako ng iilang mga katanungan na may kinalaman sa

aking diskursong susuriin.

 Ano ba ang tubig?

 Saan ba nagmumula ang tubig na ating ginagamit sa pang-araw-araw na buhay?

 Anu-ano ba ang mga kahalagahan ng tubig sa mga biyolohikal na organismo tulad ng

tao, hayop at halaman?

 Bakit nagkakaroon ng pagbaba sa dami ng suplay ng tubig sa isang partikular na

lugar?

 Anu-ano ang mga salik na nakaapekto sa pagbaba ng suplay ng tubig?

 Pagkakaiba ng Demand at Supply.

 Ano ang konsepto ng Kakapusan at Kakulangan?

 Sino si Abraham Maslow?

 Ano ang Teorya at Hiyarkiya ng Pangangailangan ni Abraham Maslow?

 Ano ang kinalaman ng isyu sa kakulangan sa suplay ng tubig at ang Teorya at

Hiyarkiya ng Pangangailangan ni Abraham Maslow?

2
B. Mga Terminolohiya

Sa bahaging ito, makikita ang mga salitang hiram na ginamit sa pagsusuri ng

diskurso :

Maslow's hierarchy of needs - isang teorya kung saan gumuhit si Maslow ng isang

tatsulok at doon ay sunod sunod na inilagay nya ang mga pangangailangan ng mga tao mula

sa pinakamahalaga hanggang sa di masyadong mahalaga o kailangan

MWSS - Metropolitan Waterworks and Sewerage System

Non-renewable resources – mga hindi napapalitang likas na yaman

NWRB – National Water Resources Board

PAGASA - Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration

Photosynthesis - isang proseso na ginagawa ng mga halaman upang i-convert ang ilaw na

enerhiyang nagmumula sa init ng araw patungo sa enerhiya ng kemikal

Reservoir – imbakan ng malaking dami ng tubig

Shortage - nagaganap kung may pansamantalang pagkukulang sa supply ng isang

produkto

3
C. Mga kaugnay na pag-aaral at literatura

Ano ba ang tubig?

Ayon sa National Water Resources Board o NWRB, ang tubig ay isang walang

lasa, walang kulay na sustansya sa kanyang dalisay na anyo at mahalaga para sa lahat ng

mga kilalang anyo ng buhay. Ito rin ang pinaka-yunibersal na panunaw o solvent. Sagana

ang daigdig sa tubig na tinatayang 3/4 ang lawak nito kumpara sa lupa at makikita ito sa

iba't-ibang anyo tulad ng yelo (ice cap) na matatagpuan sa mga polar region ng ating

daigdig na kung saan mababa ang nalilikha nitong tenperatura, singaw (water vapor) at

likido (anyong dumadaloy) Sinasabi na napakahalagang elemento ang tubig upang

mapanatiling buhay ang iba't-ibang klase ng organismo tulad ng tao, hayop at halaman

ngunit Saan nga ba nagmumula ang tubig na ating ginagamit sa pang-araw-araw na

pangangailangan? Ang tubig ay hindi likha ng tao subalit ito ay likas na yaman na

matatagpuan sa malalaking at malilit na bahagi ng anyong tubig. Karamihan sa iniinom

nating tubig ay nagmumula sa mga taas ng mga kabundukan at bumabagsak sa mababang

parte at naiipon sa tinatawag na "reservoir".

Ayon sa Metropolitan Waterworks and Sewerage System o MWSS, karamihan

ng tubig na ating ginagamit sa pang araw-araw na pangangailangan ay nagmumula sa mga

malalaking dam sa Hilagang parte ng Kamaynilaan tulad ng : Angat Dam na matatagpuan sa

Norzagaray, Bulakan, La Mesa Dam na matatagpuan naman sa Lungzod Quezon na

humahawak sa mahigit 50.5 million cubic meter na tubig at ang Ipo Dam na isang "gravity

concrete water reservoir dam" na matatagpuan rin sa Norzagaray, Bulakan. May dalawang "

water concessionaires" ang Pilipinas : MWSS at Maynilad na silang nagproproseso ng

malinis na tubig para sa buong Kamaynilaan. Bakit ba gayon na lamang ang


4
pangangailangan natin sa tubig? Anu-ano ba ang naibibigay nitong kahalagahan sa mga

biyolohikal na organismo tulad ng tao, hayop at halaman? Sa tao, Ayon sa Wondermom

blog, ang tao ay sinasabing naglalaman ng 70% tubig. Ang bawat bahagi ng ating katawan

ay gumagamit ng tubig upang makontrol ang iyong "body temperature" at iba pang

kailangan nito. Sa ating paghinga, pagpawis at pag-ihi ay nababawasan ang tubig sa ating

katawan. Sinasabi na kinakailangan nating uminom ng tubig upang magfunction ang ating

pangangatawan upang maisakatuparan natin ang pang araw-araw na gawain at proseso ng

ating buhay. Narito ang ilang mga kahalagahan ng tubig para sa pangangatawan. Ayon pa

rin sa Wondermom blog :

1. Ang tubig ay kailangan ng celula ng ating katawan

Ang bawat celula ng ating katawan ay naglalaman ng tubig upang gumana ito ng maayos.

Kinakailangan nating uminom ng tubig para tuloy-tuloy itong mag-function o gumana.

2. Pinapabuti nito ang iyong metabolismo

Ayon sa pananaliksik, ipinakikita na ang pag-inom ng tubig ay maaaring mapabilis ng iyong

katawan ang pagsunog ng calories.

3. Kaakibat upang maihatid sa bawat celula ang nutrisyon mula sa pagkain

Ang pangunahing sangkap ng ating dugo ay tubig, at ang ating dugo ang syang naghahatid

ng nutrients sa bawat celula.

4. Inaalis ang mga masasamang toxins sa ating katawan

Ang tubig ay tumutulong upang maalis ang toxins at basura sa ating katawan. Inilalabas ito

sa ating pag-ihi.

5. Pinapanatili nito ang tamang temperatura sa ating katawan

5
Ang tubig ay nagbibigay-daan sa katawan na magpalabas ng init kapag ang temperatura ng

kapaligiran ay mas mataas kaysa sa temperatura ng katawan.

Ang kahalagahan ng tubig sa tao ay pareho rin sa halaman. Para sa mga

halaman, ang tubig ang nagsisilbing taga-dala ng iba't-ibang klase ng sustansyang

nagmumula sa ilalim ng lupa na hinihigop ng mga ugat ng halaman paitaas hanggang

makarating sa bawat selula ng mga dahon. Mahalagang kasangkapan ang elemento ng tubig

sa tinatawag na "photosynthesis". Ang photosynthesis ay isang proseso na ginagawa ng mga

halaman upang i-convert ang ilaw na enerhiyang nagmumula sa init ng araw patungo sa

enerhiya ng kemikal. Ayon sa TuloGuni, ang tubig ay isang kinakailangang elemento sa mga

reaksyong ito ng kemikal. Sa proseso ng photosynthesis, ang byproduct ng prosesong ito ay

oxygen at glucose na ginagamit ng halaman upang makalikha ng pagkain at oxygen na

siyang mahalaga sa mga tao at hayop gayundin sa mismong halaman upang manatiling

buhay ang mga biyolohikal na organismo. Ginagamit rin ng mga biyolohikal na organismo

ang tubig bilang mahusay na "thermal properties". Ang bansang Pilipinas ay isang tropikal

na bansa sang-ayon sa heograpikal na lokasyon nito sa mundo kung kaya't lubhang

napakainit ng bansang ito. Ang elemento ng tubig ay napakahalaga sa ganitong uri ng

panahon lalong lalo na sa bansang Pilipinas. Tuwing tag-init, maraming mga palayan sa

kabukiran ang natutuyo hanggang sa malanta ang mga palay dahil na rin sa kakulangan ng

suplay ng tubig sa mga pinagdadaluyan ng irigasyon.

Ayon sa isang artikulo na ipinalabas ng GMA Network noong Mayo, 2014,

Maraming mga magsasaka ang nalugi dahil sa matinding init at kakulangan sa suplay ng

tubig. Lubhang naapektuhan ang bayan ng San Ildefonso sa Lalawigan ng Bulakan na ayon

sa isang Brgy. Captain na si G. Lamberto Bernardo ng Brgy. Sapang Putik, San Ildefonso,

6
Bulakan nalugi ang kanilang barangay ng mahigit 17 libong piso dahil natuyo ang mga ilog

na nagsisilbing irigasyon sa kanilang mga pananim, di umano bumababa ang kalidad ng

mga butil ng palay kapag hindi nasustentuhan ng sapat na tubig ang isang palayan. Nasuri

ko na napakahalaga ng tubig sa ating lahat hindi lamang sa buhay ng tao gayundin sa buhay

ng hayop at halaman ngunit paano kaya kung dumating o humantong tayo sa isang

sitwasyon na kulang na kulang na talaga ang suplay ng tubig sa ating lugar? Anu-ano kaya

ang mga salik na nakaaapekto sa pagbaba ng suplay ng tubig? Sa kasakulukuyang buwan,

pumutok ang isyu sa kakulangan ng suplay ng tubig sa ilang lugar sa Kamaynilaan at mga

karatig na lalawigan na agad naman ikinagulat ng mga mamamayang lubhang nakaapekto

nito. Naging kontrobersyal ang isyu na ito dahil sangkot ang isang "water concessionaire"

sa problemang ito.

 Naantalang Proyekto ng MWSS o Metropolitan Waterworks Sewerage System

Larawan 1 : Kaliwa Dam Larawan 2 :Cardona Treatment Plant

Ayon sa Manila Water, wala sanang problema sa suplay ng tubig kung

nagawa ang Kaliwa Dam at napatakbo ang Cardona treatment plant , na dapat ay kukuha ng

tubig sa Laguna Lake . Tinawag na "New Centennial Water Source" ang proyekto sa

pagpapatayo ng Kaliwa Dam na matatagpuan sa Brgy. Pagsangahan, General Nakar sa

7
Lalawigan ng Quezon/ Brgy. Magsaysay, Infanta, Quezon na pinondohan ng Official

Development Authority (ODA) na makapagbibigay ng malinis na tubig sa buong

Kamaynilaan. Ang Cardona Treatment plant ay siya namang magproproseso ng malinis na

tubig na nagmumula sa Laguna Lake. Maraming mga kuro-kuro ang lumabas kung bakit

naantala ang mga pinondohang proyekto na ito. Ayon kay MWSS Chief Regulator Patrick

Ty, na ang nagaganap na "water shortage" na ito ay dahil sa gobyerno, aniya naantala ang

pagpapatayo ng dalawang dam : Kaliwa Dam at Liaban Dam na makapagbibigay ng malinis

na tubig sa ilang bahagi ng Kamaynilaan kung kaya't napilitan nilang gamitin ang

emergency supply ng tubig mula sa La Mesa Dam , dahil na rin sa iba't-ibang grupo ang

tumutol at binigyang akomodasyon sa proyektong ito tulad ng mga IPs (indigenous

people), informal settlers, leftist group, church group Maraming mga grupo tulad ng

Haribon - isang environmental group na nangangalaga sa kalikasan, ang nagsabi na kapag

nagpatuloy pa raw ang pagpapatayo ng proyekto na ito , higit na maaapektuhan ang

Bulubundukin ng Sierra Madre na isa sa mga pinangangalagaang tanawin ng Pilipinas na

isa sa mga tirahan ng iba't-ibang wildlife species na "critically endangered " na tulad ng

Philippine Eagle at ang mga katutubong tribo na naninirahan sa maaapektuhang lugar.

Kung kaya't naantala ang pagpapatayo ng mga dam na magsusuplay sana ng maraming

tubig.

 El Nino Phenomenon

8
Larawan 3: El Nino Phenomenon

Nagpalala rin umano sa sitwasyon ang nararanasang El Niño phenomenon o

matumal na pag-ulan. Ayon sa PAGASA, halos walang pag-ulan na nakikita sa mga susunod

na buwan. "Sa buwan ng Marso, Abril, kakaunti ang inaasahan nating pag-ulan," ani

PAGASA Senior Weather Specialist Belle Masallo. "Usually mga second week or third week

ng May maaaring magkaroon tayo ng pag-ulan," dagdag ni Masallo. Ano nga ba ang "El

Nino"?

Ayon sa isang pananaliksik na pinamagatang "Epekto ng El Niño" ni Joshua

Coronel, Ang El Nino ay tinatawag na abnormal weather pattern bunga ng pag-init sa

bahagi ng Pacific Ocean. Sinasabing nauulit ang pangyayaring ito sa loob ng ikalawa

hanggang ikapitong taon. Bagaman nakararanas na ngayon ng matinding init ang Pilipinas,

sinasabi ng mga eksperto na mararamdaman ang matinding epekto ng El nino. Kabilang

dito ang matinding tagtuyot bunga ng kakaunting pag-ulan. Ang kakulangan ng tubig ay

makakapekto naman sa mga taniman na maari namang magdulot ng problema sa suplay ng

pagkain. Maapektohan din nito ang suplay ng kuryente lalo na sa mga lugar na ang enerhiya

ay nanggagaling sa mga hydro power plant.

• Ang Pagtaas ng demand sa tubig dahil sa paglobo ng mga populasyon.

9
Larawan 4 : Patuloy ng pagtaas ng populasyon at pagbaba ng supply ng tubig

Nakaranas ng tinatawag na artificial na pagtaas sa demand ng suplay ng tubig ang Manila

Water matapos silang magpatupad ng operational adjustment. Ayon kay Manila Water

Communications Manager Dittie Galang, noong Lunes pa lamang, marso a-kuwatro, kanila

nang inanunsyo ang nakatakdang pagpapatupad ng water supply contingency plan o

pagbabawas sa pressure ng tubig tuwing peak hours. Layunin aniya nito na mapabagal ang

pagbaba ng lebel ng tubig sa La Mesa dam sa gitna na rin ng nararanasang El Niño

phenomenon.

Gayunman sinabi ni Galang hindi nila inaasahang tataas ang demand sa tubig kahit off peak

hours dahil sa pagtugon ng kanilang mga consumers na mag-imbak na ng suplay ng tubig.

May mga pangangailangan ang tao na dapat matugunan upang mabuhay. Sa

larangan ng Ekonomiks, ang konsepto ng Demand ay tumutukoy sa dami ng produkto o

serbisyo na gusto at kayang bilhin ng mamimili sa iba’t ibang presyo sa isang takdang

panahon. Samantalang, ang konsepto naman ng Supply ay tumutukoy sa dami ng produkto

o serbisyo na handa at kayang ipagbili ng mga prodyuser sa iba’t ibang presyo sa isang

takdang panahon. Batay sa modyul ng Araling Panlipunan 10 " Ekonomiks" ang konsepto

ng Kakapusan at Kakulangan : Ang kakapusan ay umiiral dahil limitado ang

10
pinagkukunang-yaman at walang katapusang pangangailangan at kagustuhan ng tao

kagaya ng kakapusan sa supplyng nickel, chromite, natural gas, at iba pang non-renewable

resources dahilan sa likas na kalagayan ng mga ito. Ang kakapusan sa mga nabanggit na

halimbawa ay itinakda ng kalikasan. Ang kondisyong ito ay nagtakda ng limitasyon sa lahat

at naging isang pangunahing suliraning pang-ekonomiya. Ang kakulangan o shortage ay

nagaganap kung may pansamantalang pagkukulang sa supply ng isang produkto kagaya ng

kakulangan ng supply ng bigas sa pamilihan dahilan sa bagyo, peste, El Niño, at iba pang

kalamidad. Upang malunasan ang kakulangan sa bigas, ang pamahalaan ay maaaring

umangkat ng bigas sa ibang bansa. Inaasahan na babalik sa normal ang supply ng bigas sa

sandaling bumuti ang panahon at magkaroon ng saganang ani ng palay. Ang kakulangan ay

pansamantala sapagkat may magagawa pa ang tao upang masolusyunan ito. Masusuri natin

na ang isyu sa tubig na nararanasan natin ngayon ay isang "shortage" o kakulangan dahil

maaari magkaroon pa ng solusyon ang ahensya upang makabalik sa normal ang supply ng

tubig. Batay pa rin sa modyul, May limitasyon ang pinagkukunang-yaman at walang

katapusan ang pangangailangan at kagustuhan ng tao. Dahil sa katotohanang ito,

nararanasan ang kakapusan sa mga pinagkukunang-yaman.Ang kagubatan, na isang

halimbawa ng likas na yaman, ay maaaring maubos at magdulot ng pagkasira sa natural na

sistema ng kalikasan, extinction ng mga species ng halaman at hayop, at pagkasira ng

biodiversity. Bagaman maaaring magsagawa ng reforestation, ang patuloy na paglaki ng

populasyon na umaasa sa produkto ng kagubatan ay mabilis ding lumalaki ito ay masasabi

na umiiral na ang kakapusan o mga palatandaan. Bagaman, ang nagaganap na "water

shortage" ay panandaliang isyu lamang ngunit kung patuloy tayong mangangailangan ng

11
tubig bilang kasangkapan sa pang araw-araw na pamumuhay maaaring humantong ito sa

kakapusan na maaapektuhan ang ating pangangailangan.

D. Teorya at Hiyarkiya ng Pangangailangan ni Abraham Maslow

Larawan 5 : Dayagram ni Maslow patungkol sa Hiyarkiya ng Pangangailangan

Bawat tao ay may sinasabing "pangangailangan" ito ay mga bagay na dapat

mayroon ang tao sapagkat kailangan niya ito sa kaniyang pang-araw-araw na gawain. Ang

pagkain kasama ang tubig, damit, tirahan ay mga batayang pangangailangan ng isang

sapagkat hindi mabubuhay ang tao kung wala ang mga batayang ito. Kasabay ng pag-usad

ng panahon, ang pangangailangan ng isang tao ay tumataas at nagkakaroon ito ng

hiyarkiya. Kaya naman may isinagawang teorya si Abraham Maslow patungkol sa

Pangangailangan ng tao at tinawag niya itong "Teorya at Hiyarkiya ng Pangangailangan".

Sino si Abraham Maslow?

Ayon sa Brainly.ph Si Abraham Maslow ay isang Amerikanong sikolohista na

nakilala dahil sa kanyang konsepto ng Maslow's Hierarchy of needs. Ito ay isang teorya kung

saan gumuhit si Maslow ng isang tatsulok at doon ay sunod sunod na inilagay nya ang mga

pangangailangan ng mga tao mula sa pinakamahalaga hanggang sa di masyadong mahalaga

o kailangan. Sinabi rin nya na dapat nating tignan ang mabuti sa ating kapwa kesa sa

12
kanilang mga kakulangan.Ayon kay Maslow, Ayon sa kaniya, habang patuloy na napupunan

ng tao ang kaniyang batayang pangangailangan, umuusbong ang mas mataas na antas ng

pangangailangan (higher needs)

Si Abraham Maslow ay nagpakita ng isang dayagram na may limang

bahagdan na iba't-iba ang kapal mula baba paitaas ng tatsulok.

Batay pa rin sa modyul na Ekonomiks 10

 Pangangailangang Pisyolohikal.

Nakapaloob dito ang pangangailangan ng tao sa pagkain, tubig, hangin,

pagtulog, kasuotan, at tirahan. Kapag nagkulang ang mga pangangailangan sa antas na ito

ay maaaring magdulot ng sakit o humantong sa pagkamatay. Maliwanag na sinasabi ni

Maslow na isa ang tubig sa higit na kailangan ng maraming tao

 Pangangailangan ng Seguridad at Kaligtasan.

Magkakaroon ng pangangailangang ito kapag natugunan na ang naunang

pangangailangan. Kabilang dito ang kasiguruhan sa hanapbuhay, kaligtasan mula sa

karahasan, katiyakang moral at pisyolohikal, seguridad sa pamilya, at seguridad sa

kalusugan. Tinutukoy naman ni Maslow rito ang kaligtasan ng isang tao na kailangan niya

rin upang maproteksyonan ang kanyang sarili sa anumang oras.

 Pangangailangang Panlipunan.

Kabilang dito ang pangangailangan na magkaroon ng kaibigan, kasintahan,

pamilya at ng anak, at pakikilahok sa mga gawaing sibiko. Kailangan ng tao na makipag-

ugnayan sa kaniyang kapwa at makisalamuha sapagkat mayroon siyang pangangailangan

na hindi niya kayang tugunan na mag-isa. Maaaring magdulot ng kalungkutan at

13
pagkaligalig ang sinumang hindi makatutugon sa pangangailangang ito.Ang tao ay hindi

nabubuhay para sa sarili lamang subalit kung ating mamarapatin ang buhay ng isang tao ay

nakaugnay rin sa lipunang kanyang kinagagaglawan. Ang tao ay likas sa pamikisalamuha

kaya naman kailangan niya rin ito bilang matugunan ang pangangailangan niya bilang isang

tao

 Pagkamit ng Respeto sa Sarili at Respeto ng Ibang tao.

Kailangan ng tao na maramdaman ang kanyang halaga sa lahat ng

pagkakataon. Ang respeto ng ibang tao at tiwala sa sarili ay nagpapataas ng kanyang

dignidad bilang tao. Ang mga kakulangan sa antas na ito ay maaaring magdulot sa kanya ng

mababang moralidad at tiwala sa sarili na maaaring nagmula sa pagkapahiya, pagkabigo, at

pagkatalo.Binibigyang tuon rin ni Maslow rito ang pagkakaroon ng moral na pagkatao

patungo sa kanyang kapwa. Sinasabi na kailangan galangin at respetuhin ang bawat

karapatan ng iyong kapuwa.

 Kaganapan ng Pagkatao.

Ito ang pinakamataas na antas ng pangangailangan ng tao. Sinabi ni Maslow

na ang taong nakarating sa antas na ito ay nagbibigay ng mas mataas na pagtingin sa

kasagutan sa halip na katanungan. Hindi siya natatakot mag-isa at gumawa kasama ang

ibang tao. Ang mga taong nasa ganitong kalagayan ay hindi mapagkunwari at totoo sa

kanyang sarili. May kababaang loob at may respeto sa ibang tao. Ngunit ang mga isinaad na

mga pangangailangan ni Maslow ay may mga negatibong epekto kapag ito ay hindi makuha

ng isang tao bilang pangangailangan niya.

14
Una, sa Pisyolohikal na Pangangailangan :

ang tao ay maaaring humantong sa Katakawan, pagkagutom,pagkakasakit, panghihinang

katawan

Ikalawa, sa Seguridad at Kaligtasan,

kapag ang mga pangangailangan na ito ay hindi natugunan ang /mga tao ay maaaring

dumanas ng Kabalisahan, kawalang katiyakan, mahinan gpangangatawan

Ikatlo, sa Pangangailangang Panlipunan

Sinasabi ni Maslow na kailangan ng isang tao ang makihalubilo at makipaginteraksyon sa

mga tao upang maiwasan ang pagiging makasarili at pagkainggit

Ikaapat, sa Pagkamit ng Respeto sa Sarili at Respeto ng Ibang tao.

Kailangan ng isang tao na respetuhin ang kanyang sarili gayundin ang kanyang kapwa

subalit hindi ito naikakapit ng maraming tao ang pangangailangan na ito kaya sila nabibigo,

nagkakaroon ng kawalan omababang tiwala sa sarili

Panghuli, Kaganapan ng Pagkatao

Darating ang mga panahon na tata da rin ang isag tao naganap na ang lahat ng

pangangailangan natin sa buhay. Kaya darating sa punto na tayo ay makakaranas ng

kalungkutan, depresyon dahil malayo na tayo sa ating mga pamilya.

15
II. Analisis / Paglalapat ng Teorya

Ayon sa Teorya at Hiyarkiya ng Pangangailangan ni Abraham Maslow na

unang bahagyan ng kanyang teorya ay ang mga Pisyolohikal na mga Pangngailangan tulad

ng Pagkain, Bahay, Mga damit, tubig at iba pa. Kinakailangan ito upang maging buo ang

kaganapan ng isang tao at mapunan ang pang araw-araw na mga pangangailangan.

Paano kung nagkaroon ng isang kakulangan sa supply ng tubig? Marahil ang

kaganapan ng isang tao ay pansamantalang magkakaroon ng mataas na pangangailangan sa

tubig ngunit sang-ayon sa Teorya ng Pangangailangan ni Abraham Maslow na may kaakibat

itong mga negatibong epekto sa mga tao kung hindi nakuha o namithi ng isang tao ang

anumang bahagi ng pangangailangan. Kapag tumagal ang kakulangan ng supply ng tubig sa

isang lugar maaaring ang mga tao ay magkasakit, sumapit sa kagutuman at iba.

Kung kaya’t ang pisyolohikal na pangangailangan ng isang tao ay malaking

bahagi sa buong bahagdan dahil ito ang mas higit kailangan ng isang tao.

Konklusyon :

Sinasabi ng iba na ang tubig ay buhay!. Napakahalaga ang ginagampanan ng tubig sa buong

biyolohikal na organism tulad ng tao, hayop at mga halaman ngunit kasabay ng pagbabago

ng isang panahon, ang pangangailangan natin sa isang bagay ay nagkukulang hanggang sa

nauubos rin tulad ng tubig. Bilang mamamayan , responsibilidad natin ang lahat ng

ganitong mga isyung panlipunan na kinakailangan tayong gumawa ng isang hakbang na

kung saan malulutas ang ganitong klase ng napapanahong isyu.

16
MGA BATAYAN O SANGGUNIAN

Mga Websites

 Amante-Gamboa, K. (2018, November 21). Haribon: Kaliwa dam a biodiversity

threat. Retrieved from https://www.manilatimes.net/haribon-kaliwa-dam-a-

biodiversity-threat/471372/

 Metro Manila Water Supply System. (n.d.)

 GMA News Online. (2014, May 06). Retrieved March 28, 2019, from

https://www.gmanetwork.com/news/video/24oras/202819/mga-magsasaka-lugi-

na-dahil-sa-matinding-init-at-kakulangan-ng-tubig-sa-palayan/video/

 News, A. (2019, March 12). Retrieved March 28, 2019, from https://news.abs-

cbn.com/news/03/12/19/bakit-kinulang-ang-suplay-ng-tubig-ng-manila-water

 New Centennial Water Source – Kaliwa Dam Project. (n.d.). Retrieved from

https://mwss.gov.ph/projects/new-centennial-water-source-kaliwa-dam-project/

 (n.d.). Retrieved from https://www.brigadanews.ph/article/national/Water-

shortage,-kasalanan-ng-gov't-—MWSS-exec

 (n.d.).RetrievedMarch28,2019,from

https://www.dwiz882am.com/index.php/manila-water-nakaranas-ng-artificial-na-

pagtaas-sa-demand-ng-suplay-ng-tubig/

 Manila Water Company, Inc. (n.d.). Manila Water treatment plant in Cardona, Rizal

beginoperations.Retrievedfromhttps://www.manilawater.com/customer/agos/201

9-03-20/manila-water-treatment-plant-in-cardona--rizal-begins-operations

17
Mga Aklat

 Balitao, Bernard R. et.al (2015)Ekonomiks: Araling Panliupunan Modyul para sa


Mag-aaral Yunit 1, Philippines: Vibal Group Inc.

 Sevilla, Consuelo C. Ed.D, et. al. (1997)General Psychology : With VALUES

Development Lessons, Sampaloc, Manila: Rex Bookstore Inc.

18

You might also like