You are on page 1of 2

Sean Kristel Porcioncula & Tricia Mae J.

Dimaranan

Cyberbullying

Sa pag-usbong ng makabagong teknolohiya, ay ang pag-usbong din ng iba’t-ibang mga


kagamitan nito na nakatutulong sa mga tao. Dahil sa tulong ng mga cell phone, tablet,
computer, at Internet, umusbong ang paggamit ng mga tao sa social media. Isa sa
pinakamabuting naidudulot nito ay napaglalapit nito ang magkakalayong magkakapamilya.
Ngunit sa kabila nito, ay umusbong din ang paggawa ng mga krimen sa Internet at isa na rito ang
cyberbullying. Ang cyberbullying ay ang pambu-bully sa kapwa gamit ang makabagong
teknolohiya. Ilang halimbawa nito ay pagpapadala ng mensahe ng pananakot o pagbabanta,
pagpapalaganap ng mga nakasisirang usap-usapa, larawan, video, at iba pa sa e-mail at sa social
media, at pag-bash o pagpo-post ng mga nakasisira at walang basehang komento. Ang
cyberbullying ay iba sa harapang pambu-bully dahil ang harapang pambu-bully ay nangyayari sa
isang lugar at isang panahon. Kapag hindi na magkaharap ang biktima at bully ay walang
pambu-bully na nagaganap. Samantalang ang cyberbullying ay maaaring mangyari 24/7 dahil
kahit ang biktima at bully ay hindi magkaharap, kahit natutulog ang biktima, o kahit ang biktima
ay nasa loob ng kanyang tahanan ay maaari siyang ma-bully sa pamamagitan ng paggamit ng
teknolohiya. Ito ay nagdudulot ng iba’t-ibang epekto sa biktima katulad na lamang ng
depresyon, pagkawala ng tiwala sa sarili, at emotional at psychological trauma. Noong 2013,
Pilipinas ang itinuring na ikaapat sa mga bansa sa buong mundo kung saan may pinakaraming
naghanap ng impormasyon ukol sa cyberbullying ayon sa ulat ng Google Trends. Ito ay
indikasyon na ang isyu ng cyberbullying ay isa nang realidad sa ating bansa. Sa pamamagitan ng
pananaliksik sa mapagkakatiwalaang sanggunian, nakuha namin ang mga nasabing
impormasyon.

Sa makabagong panahon kung saan laganap ang paggamit ng teknolohiya, maraming


mga bagay ang naitulong nito pero nagbigay-daan din ito upang makagawa ng mga masasamang
bagay lalo na sa Internet at social media. Ang social media ay isang malaking biyaya, ngunit
nagdulot ng iba’t-ibang krimen, panloloko sa kapwa, at paggawa ng mga masasamang bagay.
Dahil sa paglaganap ng paggamit ng teknolohiya, isang uri ng pambu-bully ang nabigyang-daan
nito: ang cyberbullying o pambu-bully sa kapwa sa pamamamagitan ng teknolohiya at Internet.
Marami ang nagpapadala ng mensahe ng pananakot o pagbabanta sa isang tao, mayroong mga
gumagawa ng pekeng account dahil sa layuning mapasama ang isang tao, mayroon namang
pangyayari na pag-hack sa account ng iba upang magamit ang sariling account ng tao upang
siraan ang may-ari ng account, at mayroon ding mga harassment na nangyayari sa pamamagitan
ng teknolohiya. Ang mga ito’y karaniwang nagbubunga ng pagkapahiya, pagkatakot, o kawalan
ng kapayapaan sa nagiging biktima nito. Dahil sa pananaliksik sa mga pinagkakatiwalaang
sanggunian, nabuo ang mga impormasyon sa iba’t-ibang epekto ng cyberbullying sa biktima,
ang mga maaaring gawin ng isang taong nabiktima ng cyberbullying, ang pinagkaiba ng
cyberbullying sa harapang pambu-bully, at ang sitwasyon ng cyberbullying sa Pilipinas.

Ang sugat sa emosyon ay mas matindi pa sa pisikal na sugat. Kapag matindi ang
emosyonal na trauma dahil sa naranasang cyberbullying ay maaaring makaranas ng depresyon
ang biktima. Maaaring matutong uminom ng alak o gumamit ng ipinagbabawal na gamot ang
biktima ng cyberbullying dahil ito ang nagiging paraan nila upang makalimot o magkaroon ng
tapang o lakas ng loob na harapin ang bully at mundo. Nawawalan ng tiwala sa sarili o
nagkakaroon ng mababang self-esteem ang biktima dahil sa mga alaala ng panunukso. Maaaring
lumiban sa pagpasok sa paaralan ang biktima upang makaiwas sa taong nambu-bully. Maaari
ring bumaba ang kanyang marka sa paaralan dahil sa madalas na pagliban at kawalan ng
konsentrasyon sa pag-aaral dahil sa kakaisip ng nangyayaring pambu-bully. Ilan lamang ang mga
ito sa iba’t ibang epekto ng cyberbullying sa mga biktima nito. Ngunit mayroong mga maaaring
gawin ang mga taong nabiktima ng cyberbullying tulad ng pag-report sa awtoridad ng nangyari,
pagpapaalam sa mga kapamilya ng nangyari o pag-atake, kunan ng screenshot ang mga
nakasisirang mensahe at i-save para magamit bilang ebidensya o katibayan sa ginawang pambu-
bully, at pagpapalit ng numero ng telepono kung cell phone ang ginagamit sa pag-atake o
pambu-bully. Ilan lamang ang mga ito sa kanilang mga maaaring gawin upang malabanan ang
mga bully at ang mga masamang epekto na maaaring idulot ng cyberbullying sa kanila.

You might also like