You are on page 1of 3

Karen P.

Buenavista HUMSS-Comte

LAKBAY SANAYSAY

Ang Lungsod ng Tagum ay isang urbanisado at unang-klaseng lungsod at


itinuturing na “Component City” sa lalawigan ng Davao del Norte, Pilipinas.

Sa kauna-unahang pagkakataon, noong ika-1 ng Marso, 2015, nakaapak na rin


ang aking mga paa sa mga bato’t lupain ng Lungsod ng Tagum, isa sa mga karanasang
hinding-hindi ko makakalimutan. Naroon ako
upang lumahok sa Tagum Musikahan Festival,
Himig Handog: Chorale Competition (national
level) na idinaos sa makalawa sa Tagum Sports
Complex, Tagum City, Davao.

Alas tres ng madaling araw at


nagsipaghanda na kami ng mga kasamahan kong
miyembro ng MSU-CETD Vivacé Chorale para sa
biyahe. Isang pampasaherong jeep ang naging
service ng aming grupo sa kahit saang
destinasyon man kami napadpad. Panibagong
karanasan ang sa tingin ko’y nag-aantay sa amin.
Labis ang kaba at excitement na naramdaman ko
sa mga oras na iyon, lalo na n’ung nakarating na
kami sa mismong lungsod. Bago ang lugar sa
paningin ko, at estranghero rin maging ang mga

Isang pampasaherong jeep ang naging service


taong taga-roon. Kabado ako dahil sa mga haka-
na naghatid ng aming team sa kahit saang
destinasyon man kami napadpad. hakang ‘di tiyak ang kaligtasan sa lugar, pero
excited ako dahil sa tingin ko nama’y hindi gan’un ang mga pangyayari roon at malakas
ang kutob ko na magiging masaya ang karanasan ko sa Tagum.
Hindi ako binigo ng aking
inaasahan. Maganda ang klima, at
angkop rito ang estruktura ng mga
gusaling itinayo. Kapansin-pansin na
umaaligid ang mga pulis maya’t maya
upang mapanatili ang katahimikan at
kaayusan sa paligid. Suportado naman
Bago ang araw ng kompetisyon, inalam at binisita muna namin sila ng mga Barangay Tanod na agad
ang lokasyon ng Davao del Norte Sports and Tourism
Complex na pagdarausan ng Tagum Musikahan Festival. ring rumiresponde kung kinakailangan.
May mga itinalaga ring civil security guards sa mga pampublikong lugar gaya ng mga
parke at plaza, trade centers at sa loob ng mga night market upang siguraduhing ligtas
ang mga mamamayan bente-kuwarto oras. Kaylinis ng hanging malalanghap mo roon
dahil minimal lamang ang polusyon. Ipinagbabawal rin ang paninigarilyo sa mga
pampublikong lugar.

Masigla rin ang kalakalan at pagnenegosyo sa lungsod. Nakakain rin kami sa


kanilang night market na bukas mula alas sais ng gabi hanggang alas dos ng madaling
araw. Ito ay “easy to access” ‘pagkat matatagpuan lamang ito sa puso ng lungsod, sa
pagitan ng Bonifacio, Quezon, at Osmeña Streets. Mayroong mga samu’t saring
pabentang mapagpipilian, gaya na lang ng barbeques, balot, kwek-kwek, at iba pang
pagkai’t produktong tatak Tagumeño, na swak rin naman sa bulsa.

Manghang-mangha ako sa payak at mapayapang pamumuhay ng mga tao.


Mababakas rin sa kanila ang pagiging masipag at matiyaga sa paghahanapbuhay. At
higit sa lahat, sila’y magiliw sa pagtanggap ng mga dayuhan. Tunay nga namang
pinanghahawakan nila ang pagpapahalaga sa “Transparency, Accountability, God-
centered and Good Governance, Unity, at Model of Excellence,” na siyang core values
nila bilang isang lungsod.

Ang grupo ay nagpalipas ng gabi sa Tagum National High School, na siyang


naging pansamantalang headquarters ng lahat ng mga kalahok sa kompetisyon. Hindi
rin maipagkakaila ang magandang kalidad at kaayusan ng mga pasilidad ng nasabing
High School. Doon na rin kami nagsipaghanda ng aming mga sarili para sa
kompetisyon sa ika-2 ng Marso, sa taong iyon.

Sa Tagum National High School, naghanda ang aming chorale group upang maging kinatawan ng Mindanao State
University – CETD at maging ng lungsod ng General Santos para sa kompetisyon, sa pangunguna ng aming chorale master
na si G. Fernan Globen Talonding.

Manghang-mangha ako nang aming


madatnan ang Davao Del Norte Sports and
Tourism Complex na matatagpuan malapit
lamang sa Provincial Government Compound
sa Mankilam, Tagum City. Isa itong tanyag na
destinasyon na labis namang ipinagmamalaki
ng lungsod dahil na rin sa pagkakapili ng
naturang sports complex bilang venue para sa
Ang RDR Gymnasium ng Sports and Tourism Complex.
(Larawan mula sa
http://lakwatserangparuparo.blogspot.com/2015/03/a-
Palarong Pambansa noong taong 2015.
glimpse-of-davnor-sports-tourism.html)

Nabigo man ang aming grupo na


maisungkit ang kampeonato, hanggang sa
aming pag-uwi’y baon naman namin ang mga
masasayang alaala ng aming mga naging
karanasan, na utang rin namin sa biyayang
handog ng lungsod na tumanggap sa’min.
Ang Tagum ay tunay nga namang kagalang- Sa loob ng RDR Gymnasium kung saan ginanap ang Himig
Handog: Chorale Competition ng Tagum Musikahan Fest.
galang, kapana-panabik at tiyak na inyo ring
kasisiyahan.

Sanggunian:

http://lakwatserangparuparo.blogspot.com/2015/03/a-glimpse-of-davnor-sports-tourism.html

https://tagumcity.gov.ph/moving-around-tagum-city/

You might also like