You are on page 1of 15

Lakbay Sanaysay

Tara na sa
Baguio!

isinulat ni: Janna Marielle Abonalla


Nais mo bang magpakalayo-layo? O Di Kaya’y
tumungo sa malamig na lugar upang
makalimutan ang iyong mga problema?

Tara! Samahan ninyo akong libutin ang city


of pines, Ang BAGUIO CITY!

2
Baguio
IMPORMASYON

Isa sa mga magagandang puntahan


kung gusto mo magpa-lamig, sawi sa
pag-ibig, makalayo ng saglit sa mga
problema, o magbakasyon ay ang ang
Baguio.

Ang Baguio ay isang lungsod sa


lalawigan ng Benguet at ito ay
tinaguriang Summer Capital ng
Pilipinas. Marami ka ritong maaaring
puntahan, tulad na lamang ng sikat na
Burnham Park, Mines View Park,
Botanical Garden at iba pa.

4
Baguio
Impormasyon

Paano nga ba pumunta ng


Baguio?

Maari tayong pumunta sa Baguio sa


pamamagitan ng pagsakay ng
pampubliko’t pampribadong sasakyan.

Kung magmumula sa Metro Manila,


maaaring sumakay sa PITX sa
Parañaque o kaya sa mga bus station
sa Cubao, Quezon City

Kapag pumupunta ang aming pamilya


sa Baguio, gamit namin ay ang
pribadong sasakyan dahil madami
kami at may mga bata kaming
kasama. 3
2D1N - BAGUIO
Mga pasyalan

Lion’s Head
Pumunta kami sa Baguio upang ipagdiwang
ang ika-dalawampung anibersaryo ng kasal
ng aking mga magulang.
Ang una naming napuntahan ay ang Lion’s
Head sa Kennon Road. Kung nakita mo na o
nadaanan ang Lion’s Head habang paakyat
ng baguio ay ibig sabihin ay malapit ka na sa
lungsod, ito ay nagsisilbing palatandaan
pagkatapos ng nakakahilo’t napakahabang
daan patungo sa lungsod.
May mga bilihan rito ng pasalubong, mga
kakanin, produkto mula sa Baguio at syempre
pwede mo ritong mabili ang pinagmamalaki
sa Baguio na Strawberry Taho.
6
2D1N - BAGUIO
Mga pasyalan

Baguio Cathedral
Ang Our Lady of Atonement o mas kilala bilang
Baguio Cathedral ay tanyag dahil sa
arkutektura at disenyo ng simbahang ito.

Hindi mawawala sa aming biyahe ang


pagpunta sa simbahan o cathedral.
Nakasanayan na namin na sa tuwing kami ay
magbabakasyon sa isang lugar ay
makasimba kami sa simbahan ng lugar na
iyon. Dagdag pa sa mga rason ay ang
pagdiriwang ng anibersaryo ng kasal ng aking
mga magulang.

7
2D1N - BAGUIO
Mga pasyalan

Our Lady of Lourdes Grotto


Ang susunod naman naming pinuntahan ay
ang Our Lady of Lourdes Grotto. Dito naman ay
nakagawian ng puntahan ng aking nanay ang
lugar na ito. Noong pumunta kami ng Baguio
noong ako’y limang taong gulang pa lamang
ay pumunta na kami rito kasama ng aking
nanay, lola at tita.

Ito ay nasa Mirador Hill at maaari kayong


pumunta sa Mirador Heritage and Eco Park. Ito
ay may entrance fee na ₱100 at bukas ito mula
6:00 ng umaga hanggang 6:00 pm sa gabi.

Matao at madami ng tao pag malapit na ang


tanghali kaya’t mas magandang pumunta
dito ng maaga para masilayan nyo ang
magandang tanawin ng Baguio. 9
2D1N - BAGUIO
Mga pasyalan

The Farmer's Daughter


Isa sa mga sikat na kainan sa Baguio ay ang
‘The Farmer’s Daughter’. Kung gusto mong
matikman ang mga pagkaing Pinoy at
pagkain sa Cordillera ay tiyak na
magugustuhan mo rito!

Ilan sa mga matitikman mo rito ay ang:


Pinikpikan at Etag ng mga Igorot, at Pinuneg
ng mga Ibaloi.

7
2D1N - BAGUIO
mga pasyalan

Tam-awan Village
Ang Tam-awan Village ay isang atraksyon
kung saan makikita ng mga turista ang kultura
at sining ng Ifugao at Kalinga tulad na lamang
ng mga bahay (huts), sayaw, rebulto at iba pa
upang ipakita ang pamumuhay sa Cordillera
sa lungsod ng Baguio.

Ito ay may entrance fee na:


₱60 para sa mga matatanda, ₱40 para sa
mga estudyante, ₱30 sa mga bata mula 4-10
na gulang at ang mga sanggot hanggang
tatlong taong gulang ay maaaring
makapasok ng libre.
11
2D1N - BAGUIO
mga pasyalan

Burnham Park
Burnham Park ay isa sa pinakasikat na liwasan
sa ating bansa. Ito ay matatagpuan sa sentro
ng lungsod ng Baguio. Dinarayo ito ng mga
residente’t turista sa Baguio upang magliwaliw
kasama ng kanilang mga kaibigan, mahal sa
buhay at Pamilya.

Marami ang maaaring gawin rito tulad na


lamang ng pagbisekleta, pagbabangka, at iba
pa.

11
2D1N - BAGUIO
2D1N - BAGUIO
Mga pasyalan

Session Road
Maraming gawain ang magagawa sa Session
Road. Malapit din rito ang Baguio Cathedral, at
aakyat ka lamang ng kanilang ‘Pilgrim Stairs’.
Makikita dito ang napakaraming kainan,
inuman, ukay-ukay, mga tuluyan tulad na
lamang ng hotels, panaderya at iba pa.
Tuwing Linggo, marami ang pumupunta rito
upang mamili sa mga tindahan ng mga
residente rito, gayundin ang mga cosplayers
at sining tulad na lamang ng chalk art.
Tuwing gabi naman ay maaari nyong
puntahan ang kanilang ‘Baguio Night Market’
sa gawing baba ng Session Road kung saan
makakabili ng mga murang damit, gamit at
pagkain. 7
2D1N - BAGUIO
Mga pasyalan

Marami pang mga pasyalan sa Baguio


ngunit kami ay wala ng oras upang
puntahan ang mga iyon dahil may pasok na
kaming magkakapatid sa susunod na araw.
Maraming garden, parks, at lugar pasyalan
na mapupuntahan sa Baguio tulad na
lamang ng Botanical Garden, Mines View
Park, Wright Park, Camp John Hay at iba pa.
Malaki at malawak ang Benguet, at
magandang makita pa natin ang ibang
parte nito tulad na lamang ng pagbisita kung
saan naninirahan at kilalanin ang kultura ng
ating mga kababayang katutubo.
2D1N - BAGUIO
MGA PAGKAIN SA BAGUIO Mga pagkain

Matamis na pagkain at Pasalubong

Ulam at Inumin
Maraming
Salamat!

You might also like