You are on page 1of 3

LAKBAY SANAYSAY

Taong 2018 nang ako, kasama ng mhga kamag-anak ko ay nagdesisyon na magbakasyon sa


Vigan bilang selebrasiyon ng pagtapos moving up naming ng aking pinsan, dahil na rin sa mga
award na nakuha ko pati na din ng pinsan ko at dahil susubaybayan naming ang laro ng aking
pinsan na kabilang sa mga manlalaro ng basketball team na nakaabot sa palarong pambansa.
Napahinto kami sa isang lugar kung saan madaming kainan ditto at napagpasyahan na naming na
dun na muna kami mag almusal. Di nagtagal noong pagkatapos naming kumain ay nagsuka ang
aking dalawang pinsan sanhi ng pagkahilo dahil sa paikot-ikot ng sasakyan dahil sa daan.

Nang kami ay nakarating na sa Vigan ay naligaw kami


sapagkat di namin mahanap ang tutuluyan naming bahay. Nang nahanap naming ang bahay na
tutuluyan naming ay nakatanggap kami ng balita mula sa aking pinsan na natalo na ang kanilang
team at hindi na sila makakapaglaro pa. Kami ay nalungkot sapagkat yun pa man din ang
inaasahan naming gawin mamayang hapon, ngunit dahil natalo sila ay napagdesisyunan na
naming maglibot-libot na lang muna at pumunta sa mga tourists attractions ditto at nanguha ng
mga letrato upang magsilbing mga masasayang alala naming nung kami ay nagpunta rito sa
Vigan.
Inabutan na kami ng dilim noong kami ay nakauwi na
dahil sa dami ng aming ginawa at pinuntahan, tulad na lamang ng panonood ng dancing fountain,
nagpunta sa Bangui upang makita ng malapitan ang mga windmills dito. Namangha ako sa mga
bagay na naranasan kong gawin dito sa Ilocos Norte na hindi ko na maaaring gawin ulit pagbalik
naming. Kinabukasan ay nagimpake na ulit kami at napagdesisyunan naman na pumunta sa
pumunta naman sa isang beach resort. Nang makarating kami sa beach resort ay nagulat ako,
natuwa at namangha sa laki ng beach resort na ito. Nakalimutan ko na ang pangalan ng resort na
ito ngunit ang natatandaan ko dito ay napakalaki nito at katabi pa nito ang beach.

Nang makarating na kami sa aming room na matutuluyan


ay nagmadali kaming kumain at nagpalit na kaagad upang kami ay makapaunta na sa pool.
Madaming pools ang resort na iyon kaya napagdesisyunan naming magpipinsan na doon na
muna kami saagkat gabi na at baka mapagsaraduhan pa kami ng gate ng guard sa resort. Nanatili
kaming nasa pool ng mahigit apat na oras. Kami naman ay nagpunta na sa beach kinaumagahan
dahil saying naman ang punta naming ditto kung di lang din kami pupunta sa beach. Sama-sama
ulit kaming magpipinsan at sinabihan kami na sa mababaw na parte lang daw kami dahil
masyado pa kaming bata para pumunta sa malalim na parte ng beach.

Nang matapos kaming magbeach ay kaagad kaming pumunta ulit sa pool dahil ilang oras
na lang ay uuwi na din kami. Ako ay nalungkot noong kami ay nageempake na ng mga gamit
dahil gusto pa naming manatili ng isng araw pa pero nawala din ang bakas ng lungkot sa aking
mukha noong sinabi sa akin ng aking tita na kami daw ay magbabakasyon ulit kapag
nakapagtapos na ako ng highschool at kapag nakapagtapos na din ang mga pinsan ko sa
elemantarya. Natuwa kami at nangako kami sa aming mga sarili na pagbubutihin pa namin ang
aming pag-aaral hindi lamang para makapagbakasyon ngunit ay para na rin makasama ko ang
mga mahal ko a buhay.

You might also like