You are on page 1of 41

MGA KASANAYAN SA

AKADEMIKONG
PAGSULAT
Kabanata 3
Pagbuo ng Konseptong Papel
KONSEPTONG PAPEL
 Ay inihahanda upang magpaliwanag, magbigay linaw at bigyang-
kahulugan ang isang konsepto, ideya o pormula sa isang malinaw
na paraan.
 Binabanggit nito ang kahalagahan, katangian at kaugnayan ng
isang bagay ( abstrak o konkreto man) sa paraang madaling
maunawaan.
 Halimbawa: Ano ang konsepto ng pag-ibig, kabiguan,
pagtutulungan, kabayanihan, ekonomiya, kalayaan, edukasyon at
iba pa.
Pagbuo ng Konseptong Papel
KONSEPTONG PAPEL
 Sa pagpapaliwanang o pagbibigay linaw sa konsepto, diwa o
pormula ay gumagamit tayo ng iba’t-ibang pamamaraan sa
pagpapasya ng mga ideya tulad ng: pagbibigay katuturan o
definisyon, paglalarawan, pagkukumpara, analohiya,
pagsasalaysay, pagsusuri, pagtukoy sa pinagmulan ng
terminolohiya, ilustrasyon at iba pa.
Pagbuo ng Konseptong Papel
Mga Dapat Tandaan sa Pagbuo ng Konseptong Papel
1. Ilakip ang lahat ng impormasyong gustong isama sa definisyon ng
konsepto at tanggalin ang mga detalyeng nais alisin.
2. Ilarawan at ipaliwanag ang konsepto sa malinaw na wika at
gamitan ng mga tiyak na salita upang madali itong maiugnay sa
karanasan ng mambabasa.
3. Kung ang konseptong ipinaliliwanag ay masyadong masalimuot at
masaklaw, maari itong hattin sa iba’t-ibang bahagi ayon sa mga
aspekto, element o sangkap, hakbang, uri o antas na bumubuo
sa mga bahagi ng buong konsepto.
Pagbuo ng Konseptong Papel
Mga Dapat Tandaan sa Pagbuo ng Konseptong Papel
Paalala:
 Sa pagpapaliwanag ng definisyon o kahulugan ng isang konsepto,
ang pagpapaliwanag ay hindi nakabatay sa kumbensyonal na
kahulugan ng terminolohiya (kahulugan na galingsa diksyuonaryo)
kundi ibigay ang kahulugan nito sa larangan o kaaalamang
paggagamitan nito.
Pagbuo ng Konseptong Papel
Mga Dapat Tandaan sa Pagbuo ng Konseptong Papel
Halimbawa:
 Ayon kay Perla B. Ulit (2003), kung gusto nating ipaliwanag ang konsepto
ng pag-ibig ang terminolohiyang ito ay hindi dapat na limitado lamang sa
kahulugang ibinibigay ng diksyunaryo na tumutukoy sa ekspresyon ng
isang tao sa iba batay sa pagkakatugma ng kanilang mga karanasan o
interes batay sa pagnanasang sekswal. Marahil ang gusto nating talakayin
ay ang mas malawak na kahulugan ng termiolohiyang “pag-ibig”sa ibang
larangan, ang larang espiritwal kay’t ibabagay ang pagpapakahulugan sa
larangang ito.
Pagbuo ng Konseptong Papel
Mga Dapat Tandaan sa Pagbuo ng Konseptong Papel
Paalala:
 Sa pagsulat ng isang konseptong papel, kailangan ang pagbabasa ng
iba’t-ibang saggunian na maaring mapagkunan ng mga impormasyon
tungkol sa konseptong pinagpapakahulugan.
 Pagkatapos, isaayos na ang mga nalikom na impormasyon sa pamamagitan
ng paggamit ng isa o ng kumbinasyon ng mga pamamaraang nabanggit sa
unahan tungkol sa pagbubuo ng mga ideya, tulad ng anumang uri ng
sulatin.
Pagbuo ng Konseptong Papel
Mga Bahagi ng Konseptong Papel
 Panimula (Introduksyon) – dito nagbibigay ng pahpyaw na
pahayag bilang motiveysyon ukol sa ideya o konseptong
binibigyang-kahulugan.
 Katawan- sa bahaging ito isinasagawa ang pagbibigay- kahulugan
sa pamamagitan ng tuwirang definisyon, paghahambing,
pagbibigay-halimbawa, pagbibigay-katangian, atb.
 Konklusyon- inilalahad ang kahalagahan o kaugnayan ng isang
konsepto sa iba’t-ibang paraan.
Halimbawa ng Konseptong Papel
Halimbawa ng Konseptong Papel
ANG TALATA
Ni Yolanda C. Valencia

a. Napakahalagang matutuhan ng isang tao ang pagsulat ng talata . Ang kakayahang ito ang
magiging daan tungo sa ibayong pagpapaunlad ng kakayahang sumulat nang mas
mahahabang diskurso tulad ng komposisyon at sanaysay . Isa rin itong paraan upang
maipahayag ang kanyang damdamin at pag-iisip sa paraan ng panulat.
b. Ano nga ba ang talata? Sa wikang Ingles, ang salitang“paragraph”(talata sa Filipino) ay
nagmula sa salitang Griyego: “para” na ang ibig sabihin ay “alongside” o magkabilang gilid at
ang “graph” na ang ibig sabihin ay “to write” o sumulat. Noong unang panahon na ang
larangan ng panunulat ay ginagamitan ng manwal na paraan , ang mga eskribano o manunulat
ayhindi gumagamit ng indensyon upang ipakita ang simula ng talata. Sa halip, naglalagaysila ng
mga simbolo sa alin man sa magkabilang panig ng sinusulatan, kaliwa o kanan man , upang
magsimula ng bagong ideya. Sa kasalukuyan ang indensyon ay nagging konvensyonal na
tuntunin o palatandaan sa pagsisimula ng isang talata.
Halimbawa ng Konseptong Papel
ANG TALATA
Ni Yolanda C. Valencia

c. Ang talata ay nangangahulugang isang klaster , isang grupo o serye ng magkakaugnay na


pangungusap na bumubuo ng isang diwa. Ang magkakaugnay na pangungusap ay bunga ng nauna
o sinusundan nito at tungo sa susunod pa at lahat ay tumutulong bumou ng isang pangunahing
ideya, kapag sinabing ang mga pangungusap ay bumubuo ng isang paksa, nangangahulugan ito na
ang mga pangungusap ay naglalahad ng sapat na nilalaman at may kakayahang ipaliwanag ang
paksa.
d. Ang pagsulat ng talata ay maihahalintulad sa paglikha
ng larawan. Ang ideyang nagkukubli sa isipan ay tila mga imaheng nakatago sa hindi pa
nabubuong film. Kung ang kemikal ang unti unting nagpapakita ng mga imahe sa
larawan , ang kemistri naman ng mga salita ,parirala at pangungusap ang naglalahad ng mga
nakatagong ideya ng manunulat sa pag –unawa ng mambabasa.
e. Ang mga nabanggit ay sapat na dahilan upang bigyang halaga ang pagkakaroon ng kasanayan sa
pagsulat ng talata.
Pagbuo ng Konseptong Papel
Pagsusuri ng Konseptong Papel
I. Panimula o Introduksyon (Talata A)
II. Katawan
A. Etimolohiya o Pinagmulan ng Konsepto (Talata B)
B. Kahulugan o Katuturan ng talata batay sa pag-aaral (Talata C)
C. Paghahalintulad ng pagsulat ng talata sa pagbuo ng larawan
(Talata D)
III. Konklusyon o Wakas
Pagkilala sa kahalagahan ng pagkakaroon ng kasanayan sa pagsulat
ng talata. (Talata E)
Panimula

Sumpong
 Ang sumpong ay isang panandaliang o pansamantalang paguugali
ng mga tao na nagpapahayag ng inis o hindi kaaya-ayang damdamin
dahilan sa particular na sitwasyon na kinalalagyan nito.
Ang Damdam at Sumpong ng Pinoy
 Ayon kay Mercado (2000), ang DAMDAM ay anumang nararamdaman sa
kalooban.

Halimbawa: saya, tuwa, galit, inis, lungkot, atbp. – ito ay nararamdaman ito sa
kalooban ng isang tao.

Iba’t ibang salita ang ikinakabit sa saltag damdam gaya ng magdamdam,


karamdaman, damdmin, madamdamin, maramdamin, pakiramdam, paramdam
at magpakiramdaman.

Ang salitang dama ay sinasabi ring sinonim ng salitang damdam na may


ibat ibang diwa na ipinahahayag batay sa panlaping ikinabit dito gaya ng
damhin, madama, pandama, at nadarama na nakapatungkol rin sa kalooban ng
isang tao.
 
Ang Damdam at Sumpong ng Pinoy
 Ang damdam ay maaring FISIKAL, INTELEKTWAL, EMOSYON
 
 FISIKAL: akap,dampi, kurot, haplos, himas
 INTELEKTWAL: alam, diwa, dunong, malay, pananaw
 EMOSYON: saya, galit, inis, tuwa, muhi

 Ang sumpong ay isang damdam sapagkat nagaganap ito sa kalooban ng


tao. Isa itong emosyon na nararamdaman ng isang tao sa kanyang kalooban.
SUMPONG: Isang Phenomenon
 ang penomeno ay di-karaniwang katotohanan, bagay, kaganapan na umiiral
sa daigdig - ayon kay Jovy Peregrino sa kanyang artikulong “Ang Wika,
Isang Penomenong Panlipunan”
 Nag penomenolohiya na may kinalaman sa pagbabago at kamalayan,
batayng problema sa kaalaman at karanasa, at nagtatanong sa pag-iral ng
mag bagy at kahulugan ng pag-iral.
 ang wika bilang isang penomenong panlipunan bunga ng makahulugang
pag-iral nito sa daigdig at sa nagagawa nito sa lipunan, particular na sa
buhay ng isang tao o mga tao. Kayang inilahad ang pag-iral ng wika at
kahulugan ng pag-iral nito.
 Ang sumpong ay maituturing na phenomenon, sapagkat ito ay karaniwang
katotohanan o kaganapan na umiiral sa daigdig.
 Di karaniwan sapagkat bigla nalang itong dumarating nang di alam at
lumilikha ng pagbabago sa isang tao at sa mga taong kanyang
nakakasalamuha.
ANG DAYAGRAM NG SANHI NG SUMPONG

Nangangahulugan ang dayagram na ang sumpong ay sanhi ng mga salik na nagbubuhat sa loob ng

katawan maging ng labas ng katawan o sanhi na nanggagaling sa salik sa kapaligiran ng tao. Ang mga

ito ay maaaring negatibo o positibo ang dating sa mga taong nakararanas nito at nakakakita nito.

KEYWORD KEYWORD

KEYWORD KEYWORD
ANG PAG-ATAKE NG SUMPONG

Sinusubukan kong kunin ang opinion ng aking mga tinatanong kung papaano sila sinusumpong. Kinuha ko rin ang mga mensahe sa internet na may kinalaman sa sumpong upang malaman kung paano ang

ginagawa ng taong nakararanas ng sumpong. Upang maging malinaw ang pagpapaliwanag, pinangkat ko ang mga paraang may pagkakahawig. Makikita sa susund na pahina ang kanilang mga nagging

katugunan.

KEYWORD KEYWORD

Kapag ako ay sinusumpong ako ay:


 MADALING MAINIS
Madaling mainip
Hindi tumatawa at nakasimangot
Mainitin ang ulo
 AYAW KUMILOS SA MGA GAWAIN
Tamad
Hindi gumagawa ng trabaho KEYWORD KEYWORD
Umiiwas sa mga gawain
ANG PAG-ATAKE NG SUMPONG

 AYAW MAKIPAG-SALAMUHA SA KAPWA


Walang gana makipag-usap
Hindi nagsisimula ng diskusyon
Limitado ang salitang ginagamit
 
 POSITIBONG SUMPONG
Masipag KEYWORD KEYWORD
Tumutulong sa Gawain
Nakangiti

 IBA PANG DI-KARANIWANG GAWI O KILOS


Walang gana kumain
Hindi naliligo

KEYWORD KEYWORD
ANG PAG-ATAKE NG SUMPONG

Kung lalahatin ang mga ito, maaaring maging ganito ang maging kalalabasan
1. Tamad
2. Madaling mainis
3. Walang gana sa lahat ng bagay
4. Masipag KEYWORD KEYWORD

5. Ayaw makipag-usap
6. Iba pa
Maaaring iklasipika ang sumpong sa negatibo at positibo, subalit depende na lamang ito
sa taong nakararanas nito at sa mga naaapektuhan ng taong sinusumpong.
 
KEYWORD KEYWORD
ANG PAGTANGGAP NG PINOY SA SUMPONG

Karaniwang maririnig ang mga ganitong pananalita kapag may sumpong ang isang tao.

1. ”Intindihin nyo na muna ang pag-uugali niya, may sumpong lang iyan.”
2.“Sinusumpong ka na naman, mabuti pa at sa ibang araw nalang tayo mag usap.”
KEYWORD
3.“Mainit na naman ulo niya, panigurado ay inaatake na naman KEYWORD
siya ng sumpong.”
4.“Baka sumpong lang ang dahilan kung bakit wala siyang gana kumain.”
5. “Mabuti pa ay manahimik muna tayo dahil sinusumpong na naman si maam.”

Kung susuriin ng mabuti ang mga pananalita, maaaring igrupo o pagsamahin ang mga
pangungusap na may pagkakahawig sa nilalayon.
  KEYWORD KEYWORD
PAGBIBIGAY BABALA

 Nilalayon nitong bigyan ng babala ang mga tao na mag-ingat sa pakikitungo


sa taong kasalukuyang nakaranas ng sumpong.
Halimbawa:
Ang pagbigay alam sa kakausap o lalapit sa taong may sumpong na
sinusumpong siya.
PAGBIBIGAY NG ESPESYAL NA TRATO

 Ito ay isang pagbibigay ng espesyal na trato o pagtrato sa taong


sinusumpong, sapagkat hindi maaring gawin ang dati o nakagawiang
ginagawa sa taong may sumpong.

Halimbawa:
Ang hindi pag-ingay o mahinahong pakikitungo at maaari rin bigyan ito ng
pagkain o gamit na makapagpapakalma sa taong sinusumpong.
 
 
PAGTANGGAP SA PAGKAKAROON NG TAO NG
SUMPONG

 Sapagkat sandali lang ito at hindi naman magtatagal at hindi naman din
madalas mangyari.

Halimbawa:
Ang pag yakap o pag suyo sa taong sinusumpong.
 
 
KASIRAAN SA TRABAHO

 Walang magandang maidudulot sa trabaho o gawain ang isang sumpungin


sapagkat hindi mo mahuhulaan kung ano ang susunod niyang magiging
behavior o gawi.

Halimbawa:
Hindi mo pinansin ang iyong katrabaho na nag dudulot ng maling
pagkahulugan niya sa iyo.
 
 
SUMPONG ISANG ATAKE NG SAKIT

 Ang sumpong ay ikinakabit din sa sakit ng tao; kapag ang isang tao biglang
inatake ng kanyang sakit tatawagin itong isang sumpong.

Halimbawa:
Taong may sipon o masakit ang ngipin.
 IBA PANG PANINIWALA NG PINOY SA
SUMPONG
a. Pagsumpong ng mga Bagay
Hindi lang tao ang sinusumpong, maging ang mga kagamitan o bagay ay nakararanas din ng pagsumpong.
“Sinumpong na naman ang telebisyon, hindi natin mapapanood ang Endless Love.”
“Naku, sinumpong na naman ang electric fan, tingnan mo, hihina’t lalakas siya.”
“Pasensya ka na, hindi ko maipahihiram sa iyo ang aking calculator kasi sinusumpong ito baka hindi mo magamit at
ipahiya ka lang.”
 
b. Pagsumpong ng Panahon
Ang biglaang pagbago ng panahon ay itinuturing ding sumpong, mula sa sobrang kainitan sa umaga ay maaring
biglang magbago ito at magkaroon ng malakas na pag-ulan.
“Magdala kayo ng payong, hindi n’yo masasabi ang panahon, pasumpong-sumpong, maya’t maya’y umuulan.”
 
Dagdag na Sumpong: Toyo? Bakit hindi patis o suka?
Marahil, ito ang ipinagkatulad ng toyo sa sumpong – ang hindi pagkakaroon ng magandang timpla, dagdag pa rito
ang pagiging kulay itim nito sa ating Pinoy ay hind maganda, sapagkat kung susuriin natin ang ating kultura,
negatibo ang dating ng kulay na ito tulad ng itim na pusa, itim na paruparo, itim na aso, na inuugnay natin sa
masasamang mangyayari sa buhay ng tao.
 
Katulad ng toyo, hindi malinaw ang behavior o mood ng isang taong may SUMPONG.
KONKLUSYON

 Ang sumpong ay isang phenomenon na malaki ang nagiging epekto sa taong


nakararanas nito.
 Iba’t iba ang sanhi nito na maaring nanggaling sa mga salik na maaaring mula
sa loob at labas ng tao.
 Biglaan ito kung mangyari, hindi inaasahan ang pagdating, at biglaan din ang
pag-atake.
 Ang bunga naman nito ay maaari ring maging negatibo o positibo, depende sa
taong sinusumpong at taong nakasasalamuha ng taong may sumpong.
 Isang phenomenon ang sumpong, halata ito sa mga katawagang ginamit ng
mga Pinoy, tulad ng may S, may sayad, may toyo, may topak, at iba pang
katawagan.
 Nagpapatunay lamang na bahagi na ito ng buhay Pinoy, nakatatak na ito, at
laging pandepensa kapag biglang nagbago ang kilos at isip ng isang tao.
PAGBALANGKAS

 Ang pagbabalangkas ay ang sistema ng isang maayos na paghahati-hati muna


ng mga kaisipan ayon sa talatuntuning lohikal na pagkakasunod-sunod bago
ganapin ang paunlad na pagsusulat (Arrigante, 1992).
 Dito makikita ang wastong paghahanay ng mga ideya o kaisipang nakapaloob
sa paksa na siyang nagsisilbing gabay sa isang ganap na pagtatalakay o
paglalahad.
 Ang balangkas ay parang isang plano ng bahay. Dito nagdedepende ang isang
inhinyero upang mabuo niya ang ginagawang bahay.
 Ang balangkas ang nagsisilbing pundasyong ng mga naitalang kaisipan upang
makabuo ng higit na malaman at masustansyang pagsasaayos ng kaisipan.
Tatlong kategorya ng balangkas:

 Divisyon
Sa bahaging ito inilalagay ang mga pangunahing ideya. Pinananandaan ng
mga Bilang – Romano (I, II, III, IV, V at iba pa)

 Seksyon
Ginagamit na pananda ang mga malalaking titik ng Alfabet (A, B, C, D, E, at iba
pa)

 Sab-divisyon
Panandang ginagamit ang mga Bilang – Arabiko (1, 2, 3, 4, 5 at iba pa)
 
PORMAT SA PAGGAWA NG BALANGKAS
PORMAT SA PAGGAWA NG BALANGKAS

Halimbawa:
I. Panimula
A. Kahalagahan ng pag aaral
1. Nag papalawak ang kanilang kaalaman
2. Nag sisilbing gabay upang malinang ang kanilang kaisipan
3. Nakakatulong para sa epektibong pamamaraan ng pag aaral
a. Nag kakaroon sila ng mga bago at mahahalagang kaalaman.
b. Napapausbong nito ang ating kaalaman at kakayanan.
c. Maraming matutunan na magagamit sa pang araw araw
B. Saklaw ng pag aaral
1. Pag aaral sa pang araw araw na buhay
a. Mga bagay na maaaring magamit sa pang araw araw ng buhay
b. Mga karaniwang bagay na makakatulong sa pang araw araw
2. Pag aaral sa nakatakdang kurso
a. Nag kakaroon ng kaalaman sa mga bagay na angkop sa kurso.
b. Nahahasa nito ang abilidad ng isang tao patungkol sa angkop na kurso.
c. Nag kakaroon ng mga bagong ideya sa tatahaking propesyon.
C. Pag bibigay kahulogan
1. Ito ay ang proseso ng pag babahagi ng kaalaman
2. Tumutulong ito sa pag papaunlad ng pag unawa at pagkatao.
 
MGA URI NG BALANGKAS

A. Papaksang Balangkas
Ito ay binubuo ng parirala o isang salita, na ang bawat bahagi ay nahahati sa mga
pangunahing ideya na sinusuportahan ng mga subordineyt na ideya o kaugnay na detalye. Ang
mga subordineyt na ideya ay dapat na magkakaugnay at nakapailalim sa pangunahing ideya.

Halimbawa:
Tatlong Pangkat ng Pangunahing Pagkain
I. Panimula
A. Kalahagahan ng Pag-aaral
B. Saklaw ng Pag-aaral
C.Pagbibigay-kahulogan
II. Mga Pangunahing Pagkain
A.Pagkaing mayaman sa Enerhiya
B.Pagkaing mayaman sa Protina
C.Pagkaing mayaman sa Bitamina at Mineral
III. Mga Epekto ng Tatlong Pangunahing Pagkain
A.Mabuting Epekto
1.Nakapagpapalakas ng katawan.
2.Nakatutulong na makaiwas sa sakit
3.Nakapagpapasigla ang katawan
IV. Konklusyon
 
MGA URI NG BALANGKAS
B. Pangungusap na Balangkas
Tatlong Pangkat ng Pangunahing Pagkain
I. Panimula
A. Kahalagahan ng Pag-aaral
B.Saklaw ng Pag-aaral
C.Pagbibigay-kahulugan
 
II. May tatlong pangkat ng pangunahing pagkain. Ang mga ito ay ang sumusunod:
A. Ang pagkaing mayaman sa enerhiya ay nakatutulong upang makapagtrabaho ang isang tao (nilalang)
B. Ang pagkaing mayaman sa protina- pinananatiling malakas ang mga kalamnan, buto at ngipin.
C. Ang pagkaing mayaman sa bitamina at mineral ay nakatutulong upang makaiwas sa sakit.

III. Mga Epekto ng Tatlong Pangunahing Pagkain


A.Mabuting Epekto
1. Ang pagkain ay nakapagpapalakas ng katawan ng isang tao
2.Ang pagkain ay maaaring makatulong sap ag-iwas sa sakit
3.Ang mga pagkain ay maaaring maging sanhi ng pagiging masigla ng isang tao
 
MGA URI NG BALANGKAS

C. Patalatang Balangkas
Tatlong Pangkat ng Pangunahing Pagkain
1. Ang pagkain ay sadyang kailangan ng tao upang mabuhay. Kailangang matutuhan din kung anong pagkain ang nararapat
na kainin upang manatiling malusog at masigla ang ating katawan.
2. Ang tatlong pangkat ng pangunahing pagkain ay nakakatulong upang makakilos at makapagtrabaho ang isang indibidwal.
Pinananatili ring malakas ang mga kalamnan, nuto, ngipin ganoon din ay nakakatulong upang makaiwas sa sakit.
 
Halimbawa ng Balangkas na ginagamitan ng tambilang at titik.
I. Paksa-Wika
A.Kahulugan
B.Katangian
1.Arbitraryo
2.Buhay/Arbitraryo
3.Nakasandig sa Kultura
4.Walang Wikang Dalisay
5.Lumilinang ng Malikhaing Pag-iisip
  C.Wikang Pilipino
1.Kasanayan
2.Ortograpiya
a. Alibata
b.Abakada
c.Alfabeto
II.Pagbabantas
III.Mga Gamit ng wika
MGA URI NG BALANGKAS

Halimbawa ng Balangkas na Ginagamitan ng Desimal:


I.Paksa-wika
1.1 Kahulugan
1.2 Katangian
1.2.1 Arbitraryo
1.2.2Buhay/arbitraryo
1.2.3Nakasandig sa Kultura
1.2.4Walang Wikang Dalisay
1.2.5Lumilinang ng malikhaing Pag-iisip
 
1.3 Wikang Pilipino
1.1.1Kasaysayan
1.1.2Ortograpiya
1.1.1.1Alibata
1.1.1.2Abakada
1.1.1.3Alfabeto
 
2. Pagbabantas
3. Mga gamit ng Wika
MGA HAKBANG SA PAGBABALANGKAS

 Tiyakin ang pagiging parallel o may kaisahan ng anyong gramatikal ng mg enti ng


balangkas. Kung ano ang unang bilang Romano (I) ay gamitin sa pangungusap,
sugnay, parirala o kaya’y isang salita.

Halimbawa:
Paksa: Mga hakbang sa Mabisang Pagsulat
I. Pagpili ng paksa (Parirala)
1. Mga Dapat Isaalang-alang sa Pagpili ng Paksa (Parirala)
a. Kaalaman
b. Kawilihan o interes ng mga salita
c. Referensya
2. Mga Teknik sa Pagpili ng Paksa (Parirala)
a. Brainstorming
ng mga salita
B. Klastering
MGA HAKBANG SA PAGBABALANGKAS

II. Paglimita ng Paksa (Parirala)


1. Ipasok o iindet sa gawing ilalim ng pangunahing ideya ang pansuportang ideya.
Ang bawat indensyon ay nangangahulugan ng panibagong ideya na sumusuporta
sa pangunahing ideya.
 2. Tiyaking may dalawa o higit pang pansuportang ideya ang bawat pangunahing
ideya ang bawat pangunahing ideya. Kung iisa lamang ang pansuportang ideya,
hindi na ito dapat isulat sa ilalim ng pangunahing ideya sa pamamagitan ng
tutudlok.
 
Halimbawa: Mga Hakbang sa Pagsulat
Pagpili ng paksa

1.1 Mga Dapat isaalang-alang sa Pagpili ng Paksa


1.1.1 Kawilihan at interes
1.1.2 Kaalaman
1.1.3 Referensya

1.2 Mga Teknik sa Pagpili ng Paksa


1.2.1 Brainstorming
1.2.2 Klastering
MGA HAKBANG SA PAGBABALANGKAS

Halimbawa ng Balangkas:
MGA DAPAT ISAALANG-ALANG SA PAGGAWA NG
BALANGKAS
(Silapan,1999)
 Dapat na nagtataglay ito ng punong ideya. Tinatawag din itomg tema o
paksang pangungusap. Karaniwan itong isa o dalawang pangungusap at siyang
pinakabuod ng teksto. Pagkabasa mo pa lamang dito, batid mo na ang
mensaheng ipinarating ng akda. Dito umiinog ang nilalaman ng komposisyon.
Inilalagay ito pagkatapos ng pamagat.
 
 Pagbabantas- sa balangkas na pangungusap, bantasan ito ayon sa uri ng
pangungusap: tuldok kung paturol at bantas na pananong kung patanong. Ang
balangkas n apaksa ay walang bantas sapangkat hindi naman ito buong
pangungusap.
 Pagpapalaking letra- sa dalawang uri ng balangkas, paksa o
pangungusap, parehong malaking titik ang unang salita.
 Indensyon- gumaganap itong leybel o pagkakakilanlan sa mga
magkakatapat o naka-align anf mga punong ideya, ganoon din ang mga
sumusuportang ideya. Ang mga numerong Romano ay iisang linya, ang mga
malalaking titik ay iisang linya, at gayundin ang numerong Arabiko at maliliit na
letra.
 
MARAMING SALAMAT!
“That In All Things, God May Be Glorified!”

Mga Miyembro:
Mercader, Christopher Glenn
Onate, Annie
Panco, Kirsty Kareyll
Pazon, Janila
Pelareja, Rica
Posion, Germie

You might also like