You are on page 1of 19

Departamento ng Edukasyon

Rehiyon X
Dibisyon ng Misamis Oriental
Distrito ng Opol
OPOL NATIONAL SECONDARY TECHNICAL SCHOOL
Taboc, Opol, Misamis Oriental

PANUNURING PAMPANITIKAN SA MAIKLING KWENTONG


“HOW MY BROTHER LEON BROUGHT HOME A WIFE”
NA ISINULAT NI MANUEL E. ARGUILLA:
PAGTUTUKOY SA MGA ELEMENTO AT TEORYANG
PAMPANITIKAN
Ipinasa Nina:

Chenny Jane C. Tapere

Chera May M. Landong

Donna Jeanne B. Mabayo

Jaylher Jeoff Peloton

Sylvester Tan

Trisha Lianne Ebuna

Venna Mae N. Sumobay

Pangalawang Semestre

Taong- Panuruan 2022-2023


TALAAN NG MGA NILALAMAN

Dahon ng pamagat i

Dahon ng Pasasalamat iv-v

Abstrak vi-vii

Kabanata I: Ang suliranin at saklaw nito

a. Panimula 1-2

b. Balangkas Konsepwal 3

c. Iskematik Dayagram 4

d. Paglalahad ng Suliranin 5

e. Kahalagahan ng Pag-aaral 5-6

f. Saklaw at Limitasyon 6

g. Katuturan ng Terminolohiya 7
PASASALAMAT

Taos-pusong pasasalamat ang aming ipapaabot sa lahat ng miyembro

ng grupo na naging bahagi ng pag- aaral na ito, tulong at kontribusyon upang

maisagawa at maging matagumpay ang pananaliksik na ito.

Kay G. Anthony Y. Pacamalan, Punong-guro II ng Opol National

Secondary Technical School,sa pagbibigay pahintulot upang makapagsaliksik

ang aming pangkat.

Kay Bb. Maria Cecilia N.Gabas,Teacher III tagapamahala ng

departamento at

aming tagapayo sa walang sawang pag suporta para magtagumpay itong

pananaliksik.

Kay G. Bonifacio N. Gegato Jr.,Master Teacher II na aming guro sa

Filipino sa iyong walang sawang pag-gabay,pagtulong at pag-unawa sa amin.

Isinagawa naming ang pag-aaral na ito lalong lalo na sap ag bahagi ng iyong

kaalaman ukol dito.

Sa Poong Maykapal sa pagbibigay sa aming grupo ng determinasyon

upangmaisagawa at maisakatuparan ang pag-aaral at sa pinagkallob niyang

kaalaman na aming ginamit sa aming pananaliksik.

At sa aming mga magulang na walang sawang suporta at pag gabay

sa aming pag-aaral. Sa muli,maraming salamat po sa inyong lahat.


KABANATA I

ANG SULIRANIN AT SAKLAW NITO

A. Panimula

Ang panunuring pampanitikan ay isang pagsusuri nang malalim at

kritikal mga akda, upang mahimay ang kanilang mga likha at malaman ang

tunay na mensahe na nakapaloob nito.

Ang pagsusuri ng mga akda ay makatutulong sa mga pag-aaral upang

malaman ang kanilang gustong ipahiwatig sa mga mambabasa o kaya suriin

ang iba’t ibang simbolismo na ibinigay ng may akda. Sa panunuri rin ay

mabubuksan ang mga kritisismo hinggil sa akda, dito makikita ang maaaring

patlang o kakulangan sa isang likha dahil pinupuna nito ang mga teknikal na

kabuuhan.Maganda na may panunuring pampanitikan dahil naiwawasto at

napapaunlad ang mga gawain. (PANITIKAN.COM.PH)

Ang maikling kuwento – binaybay ding maikling kwento – ay isang

maiksing salaysay hinggil sa isang mahalagang pangyayaring

kinasasangkutan ng isa o ilang tauhan at may iisang kakintalan o

impormasyon lamang. Ang maikling kwento ay nasilayan bago paman

dumating ang mga dayuhan sa ating kapuluan. Karamihan sa mga ito ay

pasalin labi lamang o mga kuwentong bayan, ang mga madalaas na itinetema

sa mga maikling kwento ay noon ang kalikasan at diyos – diyosan

Ang maikling kwento na aming susuriin ay pinamagatang “How my

brother Leon brought home a wife” na Isinulat ni Manuel Arguilla sa wikang

Ingles, Si Manuel E. Arguilla ay ipinanganak sa Nagrebcan Bauang sa


probinsiya nang La Union noong Hunyo 17, 1911, Ang kwento ay nailatha ang

kwento noong taong 1940. Ang kwento ay nag-uusap tungkol sa

pagtagumpayan ng mga paghihirap at takot at sa huli sa paghahanap ng

kapayapaan at kaligayahan sa ikabubuti at kabutihan ng bawat isa. Ang isa

pang mensahe ng kuwento ay hindi paghusga sa mga tao batay sa mga

hitsura at pagbibigay sa kanila ng espasyo upang ipahayag ang kanilang sarili

at tanggapin sila para sa kanilang mga pagkakaiba.

B. Balangkas Konseptuwal

Isang balangkas Konseptwal tungkol sa maikling kuwento ay

naglalarawan ng mga istraktura, nilalaman, mga tema, at layunin na

matatagpuan sa maraming uri ng maikling kuwento. Isinasaad din nito ang

general o universal na pananaw na maging perspektibo tungkol sa bawat

elemento nito. Bilang parte ng malawak na pambansang disiplina para sap

ag-aanalisa at interpretasyon ng teksto (panitikan).

Ang panunuring pampanitikan sa maikling kuwento ay isang

mahalagang kasanayan sa pag-aaral ng mga akdang panitikan. Ito ay

naglalayong pagtuklasin ang iba’t ibang aspeto ng maikling kuwento tulad ng

tema, estilo, at halimbawa. Gayundin, nais itong hatulan anuman ang midyum

o uri na gamit upang ipahayag ang salaysay.


C. Iskematic Dayagram

Pandamdaming Ipinahiwatig

Ang kwentong “How my brother Leon brought home a wife” ay balangkas


ng kuwento ay kung paano ang nobya nang lungsod ng isang batang nayon
ay umangkop sa isang buhay na simple at pagpapagal sa nayon.

- Pagtatagumpayan ang mga paghihirap at takot at sa muli sa paghahanap ng

kapayapaan at kaligayahan sa ikakabuti at kabutihan ng bawat isa.

Mensahe

-Dapat pangalagaan kahit sa pamamagitan ng ilang mga sakripisyo upang

makamit ang kanyang kaligayahan o mga layunin, sa madaling salita maaring

kailanganin ng isa na isuko ang isang maliit na bahagi ng kanyang buhay

upang maging masaya.


D. Paglalahad ng Suliranin

Layuning ng pananaliksik na itong tukuyin ang mga element at

mensaheng nakapaloob sa maikling kuwentong “How my brother Leon

brought home a wife” na Isinulat ni Manuel E. Arguilla

1. Ano ang mga elemento na ginamit sa maikling kuwentong “How my

brother Leon brought home a wife” at paano ito inilapat ng may akda?

2. Ano ang nais ipahiwatig ng may akda sa kanyang maikling kuwento?

3. Ano-ano ang mga mensahe o temang nais ipahiwatig ng may-akda sa

kanyang mambabasa?

4. Ano-ano ang mga teoryang pampananitikan na nakapaloob sa maikling

kuwento?
E. Kahalagahan ng Pag-aaral

Ang pananaliksik na ito ay pinamagatan na PANUNURING PAMPANITIKAN

SA MAIKLING KUWENTONG “HOW MY BROTHER LEON BROUGHT

HOME A WIFE”: PAGTUKOY SA MGA ELEMENTO AT TEORYANG

PAMPANITIKA. Sa pamamagitan ng pag susuri at sa pag-aaral na ito ay

mapalawak at maunawaan ng mabuti ang mga elemento na ginamit ng bawat

maikling kuwento at kung ano ang pagkakaiba ng kwento at mensahi neto. At

malalaman kung ano ang pagkakaiba ng elemento bawat kuwento. At sa

pananaliksik at pagsusuri na ginawa ay makakatulong ito sa mga sumusunod:

Mga Mambabasa- Makakatulong ito dahil mas maunawaan nila at

malalaman kung ano ang mga pagkakaiba ng bawat maikling kuwento.

Malalaman din nila ang bawat elemento ng maikling kuwento na isinasaliksik.

Mga Mag-aaral- Bukod pa sa nakakapag-palawak ito sa kanilang

kaalaan, nakakatulong rin ang dagdag kaalaman sa kanila bilang estudyante.

nakakatulong rin ito dahil malalaman ng mga mag-aaral ang mensahe ng

maikling kuwento.

F. Saklaw at Limitasyon

Ang pananaliksik na ito ay tungkol sa Panunuring pampanitikan sa

maikling kuwento na ipinamagatang “How my brother Leon brought home a

wife”, Isinasagawa ang pag-aaral na ito upang maibahagi sa mga

mambabasa ang mensahe ng may-akda at kung ano o gaano kahalaga ang

isang maikling kuwento sa atin


G. Katuturan ng Terminolohiya

Ang pananaliksik na ito ay magiging madali maintindihan kapag

mabigyan ng mga kahulugan ang sumusunod na mga terminolohiya na

ginamit. Mga salita na binigay ng kahulugan konspetuwal:

Panunuring Pampanitikan- sang pag-aaral, pagtalakay, pagsusuri at

pagpapaliwanag ng panitikan.

Maikling Kuwento- isang maiksing salaysay hinggil sa isang mahalagang

pangyayaring kinasasangkutan ng isa o ilang tauhan at may iisang kakintalan

o impresyon lamang.

Balangkas Konseptwal- kabilang ang isa o higit pang pormal na teorya (sa

bahagi o kabuuan) gayundin ang iba pang mga konsepto at empirical na

natuklasan mula sa panitikan.

Mga Elemento ng Maikling Kuwento- Mga pangunahing elemento sa isang

artikulo ng kuwento maikli man ito, nobela, o dula, ang bawat uri ng kuwento

ay may parehong mga pangunahing elemento. Ito ay ang ga elemento ng

maikling kuwento ay kinabibilangan ng mga sumusunod:

Tauhan – Likha ng mga manunulat ang kanyang mga tauhan. May

pangunahing tauhan kung kanino nasentro ang mga pangyayari at

mga pantulong tauhan.

Tagpuan – Dinadala ng may-akda ang mambabasa sa iba’t ibang

lugar, sa iba’t ibang panahon kung saan at kailan nagaganap ang mga

pangyayari
Saglit na Kasiglahan – Inihahanda sa bahaging ito ang mga

mambabasa sa pagkilala sa mga pagsubok na darating sa buhay ng

mga tauhan.

Suliranin o Tunggalian – Tumutukoy ito sa paglalabanan ng mga

pangunahing tauhan at sumasalungat sa kanya. Ang tunggalian ay

maaring tao laban sa kalikasan, tao laban sa sarili, at at tao laban sa

tao/lipunan

Kasukdulan – Ito ang pinakamataas na uri ng kapanabikan. Dito

nahihiwatigan ng bumabasa ang mangyayari sa pangunahing tauhan,

kung siya’y mabibigo o magtatagumpay sa paglutas ng suliranin.

Kakalasan – Ito ang kinalabasan ng paglalaban. Sumusunod ito agad

sa kasukdulan.

Wakas – Tinatawag na trahedya ang wakas kapag ang tunggalian ay

humantong sa pagkabigo ng layunin o pagkamatay ng pangunahing

tauhan. Tinatawag na melodrama kapag may malungkot na sangkap

subalit nagtatapos naman nang kasiya-siya para sa mabuting tauhan.

Carretela- Isang karwahe na may apat na gulong

Iminuwestra- Ipinapaliwanag

Kinalampag- Para takutin o kalampag

Kariton- Karitela, Kalesa, Karomata

Lumundag- tumalon paitaas, o paluksuhin paitaas

Umalingawngaw- Upang sumasalamin o umalingawngaw


KABANATA II

MGA KAUGNAYAN NA LITERATURAA AT PAG - AARAL

Ang bahagi na ito ay mayroong nakatalang kaugnay sa pag-aaral o

pananaliksik na gianawa. Literaturang sumusuporta at may kaugnay sa

napiling paksa na ginawan ng pananaliksik, makakatulong ito para

masmaunawaan ang napiling paksa para sa pananaliksik.

Mga Kaugnay na Literatura

Naglalarawan ang mga piling o maikling kuwento mapag-aralan sa

kasalukuyang mga pangyayari na nanaranasan ng bawat indibidwal.

Inilalahad dito ang moral at mensahe na taglay ng bawat pangunahing tauhan

na kapulutan ng mga mahahalagang aral at mga batayang magiging

patnubay sa buhay.

Ayon kay Tolentino (2002) ang publikasyon ng mga maikling kuwento

ay limitado ngunit patuloy pa rin ang produksyon ng kwento. Sa kasalukuyan

ang publikasyon nito upang makahimok sa pagbasa at pagsuri ng maikling

kwento. Ipinaliwanag naman ni Tiempo (1995) na hindi biro ang pagsusuri ng

kuwento. Pinapatunayan lamang ni Tiempo na kailangan ng masusuring

pagkilatis sa mga detalyeng nakalahad. Tinalakay naman ni Mendiola (1994)

ang paggamit ng Bildungsroman Motif ng ilang manunulat na Pilipino sa

pagsulat ng maikling kwento. Ayon sa kanya, ang bildungsroman motif ay ang


ang paulit-ulit na ideya ng pag-unawa ng isang karakter sa mas malupit o mas

nakakatawang mga katotohanan ng buhay... ang kanyang pagsisimula sa

pagkalalaki, habang nakakamit niya ang kamalayan sa sarili...ay palaging

tinatrato nang mas malawak. Ayon pa kay Mendiola (1994), naging

pormasyon na sa pagsulat ng karamihan sa mga manunulat na Pilipino ang

motif na nabanggit. Bilang kongklusyon ng kanyang pag-aaral, sinabi rin na

“Ang iba't ibang tendensya ay nagtatagpo sa paggamit ng bildungsroman

motif ng mga dalawampung kinatawan ng Filipino short story writers - mula

Mature hanggang Sikat - satirical, romantic, naturalistic, impressionistic,

realistic at symbolic.

Ayon naman ay Herb Leibacher (2010), ang pagbabasa ng maikling kuwento

ay nakatulong sa kabataan dahil ito ay nagtuturo ng mga moral na pag-aaral

sa isip nila at magagamit nila sa kanilang pagtanda.

Makamit man ng tao ang lahat ng bagay dito sa mundo, ay mawawalan

naman ito ng saysay o halaga kung hindi ito nailaan sa isang mabuti o maayo

na layunin o patutunguan. Tandaan na hindi mahalaga ang materyal na

bagay maging ang pisikal, o materyal nakalikasan dahil ang mga ito ay

lumilipas. Sa pagbabasa nang Nobela, Dula, Maikling Kuwento, Tula at iba

pang mga babasahing pampanitikan hindi lamang aliw ang hatid nito kundi

pati na rin ang mga bagong kaalaman at higit sa lahat, ay mga magagandang

aral sa buhay.
KABANATA III

METODOLOHIYA

Nakatala sa kabanatang ito ay ang iba’t ibang paraan sa pagkuha ng

tamang datos na ginagamit sa pag bigay ng mga kasagutan sa mga tanong

na inihayag sa unang kabanata. Ang panunuring pampanitikan ay ang

pagsusuri, interpretasyon at ebalwasyon ng mga may-akda at kanilang mga

gawa ng panitikan, na maaaring kabilangan ng mga nobela, maikling kwento,

sanaysay, dula at tula.

Ang ganitong kritikal na pagsusuri ay kadalasang isinulat ng mga kritikong

pampanitikan at matatagpuan sa mga sanaysay, artikulo at libro.

ANG DISENYO NG PANANALIKSIK

Sa kabanatang ito ay ang metodolohiya, nakikita ang maikling

paliwanag ukol sa paraan o stratehiya ng pagsusulat. Ang sumusunod na

bahagi sa pagsasagawa ng pananaliksik bago dumako sa pangangalap ng

mga datos.

ANG INSTRUMENTO NG PANANALIKSIK

Upang mas maunawaan at mabigyan diin ang pananaliksik na ito isang

Focus Group Discussion (FGD) ang isinigawa nung saan nalaman ng ibat

ibang pananaw ng bawat myembro na kasama at kasangkot sa ginawang


pananaliksik, nabigay - daan ito para mas mapamahala nang mas maayos

ang pananaliksik o pag - aaral na ginawa.

ANG MGA TAGATUGON

Ang mga napiling tao bilang tagatugon sa pananaliksik na ito ay mga

mag - aaral ng ito labing - isang baitang, Pythagoras, Cookery BPP/FBS sa

pamamagitan ng kanilang mga ideya, maging mas malinaw

PAGSUSURI NG MGA DATOS

Ang ,pananaliksik ang mismong kumukuha ng mga impormasyon

upang lubos na maunawaan ang mga saklaw at mga posibilidad sa pag -

aaral upang matiyak ang kalidad ng ipipresentang datos. Ginagamit rito ang

mga ideya mula sa aming grupo at pinagtibay gamit ang internet, diksyunaryo

at mga pag-aaral sa mga nagdaang mananaliksik. Bago pa man naitala ang

mga nakalap na impormasyon, sinuguro ng mananaliksik na ang nakuhang

impormasyon ay galing sa mapagkatiwahan at lehitimong website.

PANUKATAN AT KRITERYA SA PAGSUSURI

Narito ang mga ginagamit na panukatan at kriterya sa pagsusuri:

A. Ang mga elementong gingamit sa maikling kuwentong “How my brother

Leon brought home a wife”

-Ang mga tauhan ng maikling kuwento


-Ang tagpuan

-Ang saglit na kasiglahan

-Ang suliranin o tunggalian

-Ang kasukdulan

-Ang kakalasan

-Ang wakas

B. Mga mensaheng nakapaloob sa maikling kuwento

- Itinatampok ng kuwento ang mensaheng kahalagahan ng pagkakaisa

at pamilya. Ito ay nagsasalita tungkol sa pagmamahal at pag-aalaga sa isa't

isa. Ito ay nangangailangan at nangangailangan ng kakayahan at pagpayag

na isakripisyo ang mga makasariling hangarin o maging ang mga

kaginhawahan upang mapasaya ang iyong mga mahal sa buhay.

PAGTATALA NG MGA DATOS

Ang mga nakuha na mga datos at impormasyon ay susuriin upang mas

mapadali ang paglalahad o pagtataya rito. Ginagamit din ng talahayan ang

mga mananaliksik upang ipresenta ang mga datos na nakaboud para mas

madali itong maintindihan. Ito rin ang batayan upang maging epektibo ang

isinagawang pagsusuri o pananaliksik.


KABANATA IV

PAGLALAHAD NG MGA DATOS, PAGSUSURI AT PAGBIBIGAY

INTERPRETASYON

Ang kabanatang ito ay tumatalakay sa pagsusuri at pagpapakahulugan

ng mga nakalap na mga datos at impormasyon sa siyang sumusuporta sa

mensahe at elementong nakapaloob sa maikling kuwentong “How my brother

Leon brought home a wife”

Talahayan I.

ELEMENTO INTERPRETASYON

Tauhan Ang mga tauhan sa kuwento ay ang sumusunod:

 Baldo – nakababatang kapatid ni Leon, sinundo sina Leon at Maria

mula sa daan patungong Nagrebcan, Siya rin ang

tagapagsalaysay ng kuwento habang ang kuwento ay isinalaysay


sa kanyang pananaw.

 Leon (o Noel) - kuya ni Baldo na nag-aral sa Maynila kung saan

niya nakilala ang kanyang asawa. Siya rin ang isa sa mga

pangunahing tauhan ng kwento.

 Maria - ang maganda at napakagandang asawa ni Leon mula sa

Maynila. Isa rin siya sa mga pangunahing tauhan ng kuwento.

 Labang – Ang toro na itinuturi ni Baldo bilang isang alagang

hayop.

Tagpuan Nagsimula ang kuwento sa bayan ni Leon na Bario Nagrebcan noon

1930’s. Ang kwento ay sinabi mula sa pananaw ni Baldo, ang

nakakabatang pinsan ni Leon

Parehong naghihintay sina Baldo at ang kanyang kuya Leon sa

pagdating ng kanilang bisita na nakasakay sa carretela. Nang makita ang

asawa ng kanyang kapatid, madaling natangay si Baldo sa kagandahan

ng babae mula sa lungsod habang isinasalaysay niya ang kanilang

paglalakbay sa Nagrebcan. Ang ideya na makipagkita sa mga magulang

ni Leon sa unang pagkakataon ay naging sanhi ng pagkabalisa ni Maria.

Ngunit sa kanilang pag-uwi, natuklasan ni Maria ang mga kakaibang uri

ng buhay sa Nagrebcan na taliwas sa kanilang buhay sa lungsod kung

saan siya nakilala at umibig kay Leon.

Banghay Simula – Hinintay nina Leon at Baldo ang pagdating ni Maria sa Baryo

Gitna – Natakot si Maria na hindi siya matanggap ng ama ni Leon dahil

baka hindi niya maibagay ang kaniyang pamumuhay sa probinsiya. Hindi


rin pinapansin ni Baldo ang tanong ng kaniyang kuya kung bakit

kailangan pa nilang pumunta sa Waig imbes na pumunta sila sa Camino

Real (Ang dahilan ay nais ng kanilang ama na subukan si Maria kung

siya ay karapat-dapat na maging asawa ni Leon)

Wakas – Nakipag-usap ang buong pamilya ni Leon kay Maria. Naging

mas masigla ang boses ng kanyang ama kumpara sa dati nang kausapin

niya ito. (Ito ay nangangahulugang na tinanggap na ng ama ni Leon si

Maria ng buong puso.)

Kaisipan Itinatampok ng kuwento ang mensaheng kahalagahan ng pagkakaisa at

pamilya. Ito ay nagsasalita tungkol sa pagmamahal at pag-aalaga sa isa't

isa. Ito ay nangangailangan at nangangailangan ng kakayahan at

pagpayag na isakripisyo ang mga makasariling hangarin o maging ang

mga kaginhawahan upang mapasaya ang iyong mga mahal sa buhay.

Suliranin Natakot si Maria na hindi siya matanggap ng ama ni Leon dahil baka

hindi niya maibagay ang kaniyang pamumuhay sa probinsiya, at natakot

rin si Maria nab aka hindi siya ikagugusto ng ama ni Leon (Noel).

Tunggalian Ang tunggalian sa kuwento ay tungkol sa tao laban sa ibang tao, dahil

nag-aalala si Leon tungkol sa sasabihin ng kaniyang ama tungkol kay

Maria yan ay kung karapat-dapat ba na maging asawa ni Maria si Leon.

Paksang-diwa  Pagtagumpayan ang mga paghihirap at takot at sa huli sa

paghahanap ng kapayapaan at kaligayahan sa ikakabuti at

kabutihan ng bawaat isa.

 Hindi hadlang ang katayuan sa lipunan kung talagang mahal mo

Ninyo ang isa’t-isa

 Maaring kailanganin ng isa na isakripisyo ang maliit na bahagi ng


kanyang buhay upang magkaroon ng masayahang buhay.

You might also like