You are on page 1of 4

TALUMPATI

Ang talumpati ay isang buod ng kaisipan o opinyon ng isang tao na pinababatid sa pamamagitan
ng pagsasalita sa entablado para sa mga pangkat ng mga tao. Layunin nitong humikayat,
tumugon, mangatwiran, magbigay ng kaalaman o impormasyon at maglahad ng isang
paniniwala. Isang uri ito ng komunikasyong pampubliko na nagpapaliwanag sa isang paksa na
binibigkas sa harap ng mga tagapakinig.

Sining ito ng pagpapahayag ng isang kaisipan tungkol sa isang paksa sa paraang pasalita sa harap
ng tagapakinig. Ang panandaliang talumpati (extemporaneous speech) ay ang agarang pagsagot
sa paksang ibinibigay sa mananalumpati at malaya siyang magbibigay ng sariling pananaw.
Maaaring may paghahanda o walang paghahanda ang talumpati. Tinatawag na impromptu sa
wikang Ingles ang talumpating walang paghahanda kung saan binibigay lamang sa oras ng
pagtatalumpati. Sinusubok ang kaalaman ng mananalumpati sa paksa.

Maaaring binabasa, sinasaulo o binabalangkas ang talumpati. Sa binabasang talumpati, inihanda


at iniayos ang sinusulat muna ang talumpati upang basahin nang malakas sa harap ng mga
tagapakinig. Samantalang ang sinaulong talumpati, inihanda at sinaulo para bigkasin sa harap ng
mga tagapakinig. Habang naghahanda ng balangkas ng kanyang sasabihin ang binalangkas na
talumpati kung saan nakahanda ang panimula at wakas lamang.

Layunin at Bahagi ng Talumpati


Ang talumpati ay maaaring maghatid ng tuwa o sigla, nagdaragdag ng kaalaman o impormasyon,
magpahayag ng katuwiran, magbigay paliwanag o mang-akit o mang-hikayat sa isang kilusan o
paniniwala. Maaari din namang magbigay papuri ang isang talumpati. Maaaring pagpasyahan
ang layunin ng anumang uri ng talumpati ayon sa pagkakataon, aksiyon ng pagdiriwang o
okasyon.

Nahahati sa tatlong bahagi ang talumpati:


Pamagat - inilalahad ang layunin ng talumpati, kaagapay na ang istratehiya upang kunin ang
atensiyon ng madla.
Katawan - nakasaad dito ang paksang tatalakayin ng mananalumpati.
Katapusan - ang pagwawakas ang pinakasukdol ng buod ng isang talumpati. Dito nakalahad ang
pinakamalakas na katibayan, paniniwala at katuwiran upang makahikayat ng pagkilos sa mga tao
ayon sa layunin ng talumpati.

Paghahanda sa Talumpati
Sa pagpili ng paksa, maaaring suriin kung saklaw ng paksang napili ang kaalaman, karanasan at
interes at mapukaw sa sarili o sa makikinig ng talumpati. Kapag nakapili na ng paksa, maaaring
magtitipon ng mga materyales na gagamitin sa pagsulat ng mga impormasyon na siya namang
gagamitin sa isusulat na talumpati. Maaaring pagkunan ng mga impormasyon ay ang dating
kaalaman at mga karanasan na may kinalaman sa paksa, mga babasahing kaugnay ng paksa, mga
awtoridad sa paksang napili. Pagkatapos makatipon ng mga materyales na gagamitin sa
talumpati, maaari ka nang magbalangkas ng mga ideya at hatiin sa tatlong bahagi: panimula,
katawan at pangwakas. Maaari pang mapabuti ang talumpati sa paglinang ng kaisipan na kung
saan nakapaloob ang mahalagang impormasyon na sumusuporta sa mga pangunahing kaisipan na
inilahad sa balangkas.

*Para maging epektibo ang talumpati, pinapayuhan ang mananalumpati na magkaroon ng


magandang personalidad, maging malinaw ang pananalita, may malawak na kaalaman sa
paksang tinatalakay, may mahusay na paggamit ng kumpas, at may kasanayan sa
pagtatalumpati. Dapat din tandaan ng mananalumpati ang tindig, galaw, pagbigkas,
pagbibigay diin at kaugnayan (rapport) sa madla.
MGA KASANGKAPAN NG TAGAPAGSALITA/MANANALUMPATI
Ang isang tagapagsalita o mananalumpati ay may mga kasangkapan ding ginagamit para maging
mabisa ang panghihikayat niya sa madla upang paniwalaan ang kanyang sinasabi o
pangangatwirang ibinibigay tungkol sa paksang tinatalakay.
1. Tinig
Nakakatulong ang tinig sa pag-unawa sa nilalaman ng talumpati. Kailangang ibagay ang tinig sa
nilalaman ng pananalita. Isinasaalang-alang sa bahaging ito ang tulin o bilis ng pananalita,
pagbibigay-diin sa mahahalagang salita o mensahe na kailangang maunawaan ng tagapakinig,
tono ng pananalita, pagtaas at pagbaba ng tinig, at paglakas at paghina ng tinig. Ang magandang
tinig ay madaling makaakit sa madla. Iwasan ang matining na tinig o kaya ay garalgal na tinig na
parang sirang plaka.
2. Tindig
Tumindig nang maayos at iwasan ang tindig militar na parang naninigas ang katawan. Sikaping
maging magaan ang katawan at nakarelaks. Mahalaga na magmukhang kapita-pitagan para
makuha agad ang atensyon ng mga tagapakinig. Ang ganitonng uri ng anyo ay
nakapagpapahiwatig na handang-handa ang tagapagsalita.
3. Galaw
Ang galaw ay tumutukoy sa anumang pagkilos na ginagawa ng tao na may kaugnayan sa
pagsasalita o pagpapahayag ng kaisipan o anumang damdamin sa madla o mga tagapakinig.
Nasasaklaw ng galaw ang mata, ekspresyon ng mukha, tindig, galaw ng ulo at katawan. Lahat ng
ito ay nakatutulong sa paghahatid ng mensahe.
4. Kumpas ng mga kamay
Ginagamit ang kumpas ng mga kamay sa pagbibigay-diin sa sinasabi. Halimbawa, karaniwang
itinataas ang hintuturo o braso kung ipinapahayag ang mahalagang opinion o puntos ng talumati
o pananalita. Ginagamit din ang mga kumpas ng kamay para biigyan ng pagtutumbas ang ideya.
Halimbawa, kung binabanggit ang dalawang magkaibang katwiran ay maaaring itaas ang kanan
at kaliwang kamay sa kumpas sa pagpapatuloy ng diwa, imbis na “umm ,saka, bale” ang
lumalabas sa tuwing may kailangang alalahanin sa pananalita, ginagamit ang galaw ng kamay
bilang di-verbal na komunikasyon. Kailangang tumpak, tiyak, tiyak at maayos ang kumpas ng
mga kamay. Ginagamit lamang ito bilang pantulong sa pananalita. Hindi dapat makaagaw ng
pansin ang sobrang pagkumpas ng kamay habang nagsasalita.

MGA KATANGIAN NG MAHUSAY NA TAGAPAGSALITA


1. Kahandaan
Malalaman agad ng mga tagapakinig kung pinaghandaang mabuti ang pagtatalumpati sa
panimula o introduksyong bibibigkas ng tagapagsalita. Kung maganda amg panimula, makukuha
agad ang atensyon ng mga tagapakinig. May dalawang mahahalagang salik para sa panimula ng
pananalita: (a) kilalanin ang tagapakinig at (b) isaalang-alang ang okasyon kung pormal o di-
pormal. Layunin ng dalawang ito na makapukaw ng atensyon ng tagapakinig. Kung alam ng
tagapakinig kung sino-sino ang kanyang tagapakinig, mailulugar niya ang pagpapatawa,
pagtatanong at iba pang teknik o istratehiya para makuha ang atensyon nila.
2. Kaalaman sa paksa
Ang sapat na kaaalaman sa paksa ng tagapagsalita ay masasalamin sa paraan ng pagbigkas o –
pagtatalakay na ginagawa niya. Makikita ang kanyang kahusayan sa paksang tinatalaky sa
paraan ng pagpapaliwanag, pagbibigay ng interpreyasyon, paglalapat, paghahambing, pag-uulit
ng padron at ang pagbibigay ng problema at solusyon. Madaling matuklasan kung kulang sa
kaalaman ang tagapagsalita dahil mararamdaman ito sa kanyang tinig at ikinikilos.
3. Kahusayan sa pagsasalita
Madaling maganyak na makinig ang publiko kung matatas at mahusay magsalita ang
mananalumpati/tagapagsalita. Ibinibigay ng tagapagsalita ang kanyang tinig sa nililalaman ng
kanyang talumpati. Dito rin makikita ang kasanayan sa wika ng tagapagsalita gaya ng paggamit
ng angkop na salita, wastong gramatika at wastong pagbigkas ng mga salita. Mahalaga na
maunawaan ng tagapakinig ang mensahe kaya nararapat na ibigay ang lenggwaheng gagamitin
sa uri ng tagapakinig.
Uri ng Talumpati
May anim (6) na uri ng talumpati o pananalumpati. Ito ay ang talumpating pampalibang,
nagpapakilala, pangkabatiran, nagbibigay-galang, nagpaparangal, at pampasigla.
Talumpating Pampalibang
Ang mananalumpati ay nagpapatawa sa pamamagitan ng anekdota o maikling kwento.
Kadalasan ito ay binibigkas pagkatapos ng isang salu-salo.

Talumpating Nagpapakilala
Kilala rin ito sa tawag na panimulang talumpati at karaniwan lamang na maikli lalo na kung ang
ipinapakilala ay kilala na o may pangalan na. Layon nitong ihanda ang mga tagapakinig at
pukawin ang kanilang atensyon sa husay ng kanilang magiging tagapagsalita.

Talumpating Pangkabatiran
Ito ang gamit sa mga panayam, kumbensyon, at mga pagtitipong pang-siyentipiko, diplomatiko
at iba pang samahan ng mga dalubhasa sa iba’t ibang larangan. Gumagamit dito ng mga
kagamitang makatutulong para lalong maliwanagan at maunawaan ang paksang tinatalakay.

Talumpating Nagbibigay-galang
Ginagamit ito sa pagbibigay galang at pagsalubong sa isang panauhin, pagtanggap sa kasapi o
kaya ay sa kasamahang mawawalay o aalis.
Talumpating Nagpaparangal
Layunin nito na bigyang parangal ang isang tao o kaya magbigay ng papuri sa mga kabutihang
nagawa nito. Sa mga okasyon tulad ng mga sumusunod ginagamit ang ganitong uri ng talumpati.

Iba pang uri ng talumpati


1. Impromptu – ito ay biglaang talumpati na binibigkas pamamaraan na maaaring gamiting
gabay sa pagbigkas ng biglaang talumpati. Ibinibigay rito ang paksa sa oras na mismo ng
pagsasalita.

Narito ang ilang paalala sa biglaang pagtatalumpati:


Maglaan ka ng oras sa paghahanda
Huminga nang malalim. Dahan-dahan tumayo at lumakad patungong tanghalan. Gamitin ang
oras na ito sa pagbuo ng mga ideya na gagamitin mo sa pagbigkas. Mag-isip din ng magandang
panimula.
Magkaroon ng tiwala sa sarili
Tingnan ang buong paligid at ngumiti sa mga tagapakinig. Tumindig nang maayos. Huwag
ilalagay ang mga kamay sa loob ng bulsa. Magsalita at kumilos nang may tiwala sa sarili
Magsalita nang medyo mabagal
Ang pagsasalita sa mabagal na paraan ay nakatutulong sa iyo na mag-isip kung ano ang susunod
mong sasabihin. Nakakatutulong din ito para mabawasan ang iyong nerbyos.
Magpokus
Magpokus sa paksa habang nagsasalita. Iwasang mag-isip ng negatibo dahil sa kawalan ng
kahandaan. Magsalita nang tuwiran sa mga tagapakinig at ibagay o iangkop ang sarili sa
nakikitang reaksyon ng mga tagapakinig. Panatilihing nakapokus ang paningin sa mga
tagapakinig. Iwasang magpaligoy-ligoy sa pagsasalita.

2. Extempore – ayon kay James M. Copeland(1964), ang unang kahirapan sa pagsasagawa ng


pagbigkas ng extempore sa isang kompetisyon ay ang kawalan ng kahandaan sa pagbigkas. Ang
paghahanda sa ganitong tipo o uri ng pagtatalumpati ay limitado sa oras sa pagitan ng pagkuha
ng paksa at mismong paligsahan. Ang ikalawang konsiderasyon ay ang pagtatakda ng oras sa
pagtatalumpati. Sa ibang paligsahan, ang mananalumpati ay tinatanggal kung lalampas o kaya ay
kulangin sa oras. Samakatwid, ang pagpili ng materyal at ang pag-aayos ng panimula, katawan at
ang konklusyon ay apektado sa itinakdang oras. Ang ikatlong kosiderasyon ay ang pag-uulit ng
paksa. Ibig ng lupon ng inampalan na makarinig sa mga tungkol sa magkakaparehong paksa.
Iminungkahi ni Copeland na mas maganda kung orihinal at maayos ang organisasyon ng
pagtalakay sa paksa.

3. Isinaulong talumpati – sa bahaging ito ang tagapagsalita ay gumagawa muna ng kanyang


talumpati. Samakatwid, may paghahanda na sa ganitong tipo ng pagtatalumpati at kailangang
memoryado o saulado ang pyesa bago bigkasin ang talumpati.

4. Pagbasa ng papel sa panayam o kumperensya- makikita sa bahaging ito ang kasanayan sa


pagsulat ng papel na babasahin sa kumperensya. Ang pag-oorganisa ng mga ideya at ang
pagsulat ng panimula, katawan at wakas/kongklusyon ay dapat na magkakaugnay at may
kaisahan.

Uri ng Talumpati ayon sa Pamamaraan


Dagli - Ito ang uri ng talumpati na hindi pinaghandaan.
Maluwag - May panahon para maihanda at magtipon ng datos ang mananalumpati bago ang
kanyang pagsasalita.
Pinaghandaan - Maaring isinulat, binabasa o sinasaulo at may sapat na pag-aaral sa paksa.

Paano Gumawa ng Talumpati? Narito ang ilang payo sa paggawa ng talumpati.

Pumili ng magandang paksa. Tipunin ang mga materyales na maaring pagkunan ng


impormasyon tungkol sa napiling paksa. Pwedeng mga dating kaalaman o karanasan o kaya ay
mga babasahin na may kaugnayan sa paksang gagamitin.
Simulan ang pagbabalangkas ng ideya at hatiin ito sa tatlong bahagi; ang simula, katawan at
katapusan.
Maging sensitibo. Kung maaari ay iwasan na pag-usapan lamang ang tungkol sa sarili at
pansariling kapakinabangan.
Iwasan din naman na maging “boring” ang iyong pagtatalumpati. Kung maari ay magkaroon ng
“sense of humor” sa pagdedeliber ng talumpati at laging isipin ang iyong tagapakinig.

Para sa Nag-iisa kong Ikaw


Ikaw na nagpaintindi sa akin kung paano ang umibig. Maligaya akong nakilala kita dahil
nalaman ko kung paano ang magbigay ng pagmamahal. Nalaman kong kaya ko pala ang
magpahalaga at maging isang bahagi ng relasyon.
Para sa nag-iisa kong ikaw na nagturo sa akin ng daan patungo sa maligayang mundo. Salamat sa
iyo dahil nalaman kong napakasayang sundin ang aking puso at di makinig sa iba.
Dahil sa iyo ay narating ko ang tunay na kaligayahan. Ikaw ang dahilan kung bakit naipakita ko
sa mundo ang tunay na ngiti at halakhak.
Para sa nag-iisa kong ikaw na lagi kong kasangga. Kakaiba ka kasi ikaw ang nagsilbi kong
pagkakapitan sa mga panahong ako ay mahina.
Salamat dahil pinabatid mo sa akin ang pag-ibig ay gamot sa anumang suliranin at minulat ako
sa katotohanang hindi ako nag-iisa.
Para sa nag-iisa kong ikaw na wala na ngayon, sana ay masaya ka sa piling ng pinili mo. Batid
kong marami akong pagkukulang at sapat na ito upang ako ay iyong iwan. Ikaw pa rin ang nag-
iisa kong ikaw kahit sakit ang nararamdaman ko ngayon.
Wala nang makatutumbas sa iyo, hindi na yata makahahanap pa ng ibang katulad mo. Para sa
nag-iisa kong ikaw, kahit hindi ako ang nag-iisa sa puso mo.

You might also like