You are on page 1of 1

TALUMPATI

Anumang buod ng kaisipan na naisusulat at naibibigkas sa mga tagapanood. Naglalayon itong


makahikayat o mangatuwiran sa mga napapanahong isyu o isang partikular na paksa.

Layunin: sumang-ayon, tumugon, o magbigay ng impormasyon sa mga tagapakinig. Karaniwang ang


talumpati ay binibigkas ng tagapagsalita sa isang entablado at mga panauhing pandangal.

Dalawang uri ang Talumpati:

1. Talumpating Handa - ay tumutukoy sa mga piyesang isinulat at kinabisa ng isang tagapagsalita


sa partikular na panahon o oras.

2. Talumpating hindi handa o extemporaneous speech - ay isang uri ng talumpati na isinulat at


binigkas din ng parehong araw at agad-agad. Wala nang pagkakataon ang magsasalita na
magsanay ay saliksiking maigi ang kaniyang talumpati.

Paggawa ng isang Talumpati:

1. Alamin Ang Layunin At Paksa Ng Isusulat


2. Gumawa Ng Balangkas O Outline Ng Talumpati
3. Gumamit Ng Mga Sanggunian At Kasabihan
4. Basahing Muli Ang Kabuuan Pagkatapos Isulat
5. Subukang Bigkasin Ang Talumpati

Sanggunian: https://www.panitikan.com.ph/ano-ang-talumpati

You might also like