You are on page 1of 2

Gelua, Vanna Kate C.

12-Plato 04/29/2021

TAKDA 1 (TALUMPATI)

Kahulugan ng Talumpati

Tinatawag na talumpati ang anumang buod ng kaisipan na isinulat at binibigkas sa mga


manonood. Naglalayon itong makahikayat o mangatuwiran sa mga napapanahong isyu o isang
partikular na paksa.

Layunin din ng mga talumpati na sumang-ayon, tumugon, o magbigay ng impormasyon sa


mga tagapakinig. Karaniwang ang talumpati ay binibigkas ng tagapagsalita sa isang entablado at
mga panauhing pandangal.

Dahil sa mabisa at malikhaing pagkakagawa ng mga talumpati ng mga kilalang personalidad


kabilang ang mga politiko, iskolar, eksperto sa isang uri ng paksa, at iba pang panauhin,
itinuturing na isang sining din ang talumpati.

Mga Paghahanda sa pagsulat ng Talumpati

1. Magsaliksik kung kinakailangan. Maghanap ng mga sangguniang makatutulong upang


mapalawig ang ideya kaugnay sa paksa.
2. Balangkasin ang estruktura ng talumpati. Isipin ang mga pangunahing ideya o kaisipan sa
bawat bahagi o seksiyon nito.
3. Palawigin ang mga pangunahing ideya sa iyong balangkas. Huwag munang tumuon sa
pagsulat o pag-isip ng pinakaangkop na mga salita. Hayaang dumaloy ang pagkamalikhain.
4. I-edit at paunlarin ang lahat ng naisulat hanggang mabuo ang unang borador ( draft) ng
talumpati.
5. Patuloy na magsanay sa pagsusulat. Habang patuloy itong ginagawa, matutuklasan kung aling
bahagi ang kailangang baguhin, paunlarin, at pinuhin, at aling mga salita o pangungusap ang
hindi angkop at mahirap sabihin o bigkasin. Habang isinasagawa ito, malalaman mo rin kung
gaano na kahaba ang talumpati.
6. Patuloy na ayusin at paunlarin o pinuhin kung kinakailangan ang nakasulat na talumpati
hanggang sa maging malinaw na ang daloy ng ideya at ito ay tumugon sa layunin, paksa,
tagapakinig, at oras na nakalaan para sa pagtatalumpati.
Uri ng Talumpati
Talumpating Walang Paghahanda – Ito ang isa sa pinakamahirap gawing talumpati. Tinatawag
ito na impromptu speech o daglian.
Ito ay talumpating biglaan at na bibigyan lamang ng ilang minuto o oras upang makasagot at mag
lahad ng ideya.
Talumpating Pabasa – Ito ay pinaghahandaan, sinusulat, at binabasa ng nagtatalumpati.
Binibigyan ng sapat na oras upang maghanda ang tagasalita.
Talumpating Pasaulo – Ito ay talumpating sinulat o minemorya pa. Hinahandaan muna ang
talumpati at pinag-eensayo muna bago gawin.

You might also like