You are on page 1of 44

Magandang

hapon!
Ang Akademikong sulatin:

Pagsulat ng Talumpati
Panimulang pagtataya:

1. Ito ay isang proseso o paraan ng pagpapahayag


ng ideya o kaisipan sa paraang pasalitang
tumatalakay sa isang partikular na paksa.

a.sanaysay b.talumpati
c.debate d.pagpapahayag
kasagutan: B. TALUMPATI
2. Isang uri ng talumpati na kung saan ang
layunin ay ipabatid sa mga nakikinig ang tungkol
sa isang paksa, isyu, o pangyayari.

a.pagbibigay-galang b. panlibang
c.panghikayat d.kabatiran
Kasagutan : D. KABATIRAN
3. Ito ay isang uri ng talumpati na ang
pangunahing layunin ay hikayatin ang mga
tagapakinig na tanggapin ang paniniwala ng
mananalumpati sa pamamagitan ng pagbibigay-
katwiran at mga patunay.
a.panghikayat b.pampasigla
c. papuri d.pagbibigay-galang
Kasagutan: A. PANGHIKAYAT
4. Ang layunin ng talumpating ito ay na
magbigay ng pagkilala o pagpupugay sa isang tao
o samahan.
a.Pagmpasigla b. papuri
c.panghikayat d.panlibang
Kasagutan: B. PAPURI
5. Ito ay uri ng talumpati na magbigay ng
kasiyahan sa mga nakikinig.

a.pagbibigay-galang b.kabatiran
c.pampasigla d.papuri
Kasagutan: C. PAMPASIGLA
6. Ang layunin ng talumpating ito ay
tanggapin ang bagong kasapi ng samahan o
organisasyon
a.pampasigla b.panghikayat
c.kabatiran d.pagbibigay-galang
Kasagutan: D. PAGBIBIGAY-GALANG
7. Isang uri ng talumpati na kung saan ay isinasagawa
nang biglaan o walang paghahanda nagbibigay ng ilang
minute para sa pagbuo ng ipahahayag na kaisipan.

a.maluwag na talumpati
b.manuskrito na talumpati
c.biglaang talumpati
d.isinaulong talumpati
Kasagutan : A. MALUWAG NA
TALUMPATI
8. Ito ay mahusay ding pinag-aralan at hinabi
nang maayos bago bigkasin sa harap ng mga
tagapakinig

a.biglaang talumpati
b.isinaulong talumpati
c.manuskrito na talumpati
d.maluwag na talumpati
Kasagutan: B. ISINAULONG
TALUMPATI
9. Ito ay ginagamit sa mga kumbensyon, seminar o
programa sa pagsasaliksik kaya pinag-aaralan itong
mabuti at dapat na nakasulat.

a.maluwag na talumpati
b.manuskrito na talumpati
c.biglaang talumpati
d.isinaulong talumpati
Kasagutan: B. MANUSKRITO
10. Isang uri ng talumpati na kung saan ibinibigay nang
biglaan o walang paghahanda na kaagad ibinibigay ang
paksa sa oras ng pagsasalita

a.biglaang talumpati
b.isinaulong talumpati
c.manuskrito na talumpati
d.maluwag na talumpati
Kasagutan: A. BIGLAANG
TALUMPATI
LAYUNIN:
Pagkatapos ng dalawa’t kalahating oras ng
talakayan, ang mga mag-aaral ay inaasahang:
a.) Nabibigyang ng kaukulang pagpapakahulugan ang tungkol
sa pagsulat ng talumpati
b.) Naiisa-isa ang mga uri ng talumpati, huwaran sa pagbuo
ng talumpati at mga katangiang taglayin ng katawan sa
talumpati
c.) Naibabahagi ang kahalagahan ng pagsulat ng talumpati
d.) Nakagagawa ng talumpati batay sa napiling propesyon sa
hinahara
e.) Naipapamalas ang naisaulong talumpati
Ano nga ba. . .?

Pagtatalumpati
- Ang pagtatalumpati ay isang uri ng sining. Maipapakita rito ang
katatasan at kahusayan ng tagapagsalita sa paghihikayat upang
paniwalaan ang kanyang paniniwala, pananaw, pangangatwiran sa
isang partikular na paksang pinag-uusaoan. Ang talumpati ay
kadalasang pinaghahandaan bago bigkasin sa harap ng tao kahit pa
man ito’y biglaan. Ang pagsulat ng talumpati ang susi sa mabisang
pagtatalumpati.

- Ang pagtatalumpati ay isang proseso o paraan ng pagpapahayag ng


ideya o kaisipan sa paraang pasalitang tumatalakay sa isang partikular
na paksa. ang isang talumpating isinulat ay hindi magiging ganap na
talumpati kung ito ay hindi mabibigkas sa harap ng madla
Talumpati para sa pag-unlad ng
Wikang Filipino
Ano nga ba. . .?

Pagtatalumpati
- Ang pagtatalumpati ay isang uri ng sining. Maipapakita rito ang
katatasan at kahusayan ng tagapagsalita sa paghihikayat upang
paniwalaan ang kanyang paniniwala, pananaw, pangangatwiran sa
isang partikular na paksang pinag-uusaoan. Ang talumpati ay
kadalasang pinaghahandaan bago bigkasin sa harap ng tao kahit pa
man ito’y biglaan. Ang pagsulat ng talumpati ang susi sa mabisang
pagtatalumpati.

- Ang pagtatalumpati ay isang proseso o paraan ng pagpapahayag ng


ideya o kaisipan sa paraang pasalitang tumatalakay sa isang partikular
na paksa. ang isang talumpating isinulat ay hindi magiging ganap na
talumpati kung ito ay hindi mabibigkas sa harap ng madla
Mga uri ng talumpati
1. Biglaang talumpati (impromptu)
2. Maluwag na talumpati (extemporaneous)
3. Manuskrito
4. Isinaulong talumpati
1.Biglaang talumpati (impromptu)
- ito ay ibinibigay ng biglaan o walang
paghahanda, kaagad na ibinibigay ang paksa
sa oras ng pagsasalita

2. Maluwag na talumpati
(extemporaneous) - isinasagawa ng biglaan
o walang paghahanda. Nagbibigay ng ilang
minuto para sa pagbuo ng ipahahayag na
kaisipan.
3.Manuskrito
-ang talumpating ito ay ginagamit sa mga
kumbersyon seminar o programa sa pagsasaliksik
kaya pinag-aaralan itong mabuti at dapat na
nakasulat

4.Isinaulong talumpati
- ito ay kagaya rin ng manuskrito sapagkat ito ay
mahusay ding pinag-aaralan at hinabi nang
maayos bago bigkasin sa harap ng mga
tagapakinig
 Isa sa mga dapat isaalang- alang sa
pagsulat ng talumpati ay ang gagamiting
hulwaran o balangkas sa pagbuo ng
talumpati.
Huwaran sa pagbuo ng
Talumpati
1. kronolohikal na huwaran- ang mga detalye o
nilalaman ng talumpati ay nakasalalay sa
pagkakasunod-sunod ng pang-yayari o panahon.

2.topikal na huwaran- ang paghahanay ng mga


materyales ng talumpati ay nakabatay sa
pangunahing paksa.
Huwaran sa pagbuo ng Talumpati

3. huwarang problema-solusyon- kalimitang nahahati sa dalawang bahagi ang pagkakahabi ng talumpati gamit ang
huwarang ito.
Kasanayan sa paghabi ng mga bahagi ng
talumpati
Ang paghahabi o pagsusulat ng nilalaman ng
talumpati mula sa umpisa hanggang sa
matapos ito ay napakahalaga ring isaalang-
alang upang higit na mahusay,
komprehensibo at organisado ang
bibigkasing talumpati.
BAHAGI NG TALUMPATI
BAHAGI NG TALUMPATI
1. Introduksyon- ito ang pinakapanimula. Ito ay paghahanda
sa mga nakikinig para sa nilalaman ng talumpati kaya naman dapat
angkop ang pambungad sa katawan ng talumpati.
Ang mga sumusunod na katangian sa isang mahusay na panimula:
Mapukaw ang kaisipan at damdamin ng mga makikinig
Maihanda ang mga tagapakinig sa gaganaping pagtatalakay sa
paksa
Maipaliwanag ang paksa
2. Diskusyon o katawan- dito makikita ang
pinakamahalagang bahagi ng talumpati sapagkat dito
tinatalakay ang mahahalagang punto o kaisipang nais ibahagi
sa mga nakikinig. Ito ang pinakaluluwa ng talumpati
Mga katangiang taglayin ng katawan sa talumpati

Kawastuhan- tiyaking wasto at maayos ang nilalaman ng


talumpati. Dapat na totoo at maliwanag nang mabisa ang lahat
ng detalye
Kalinawan- kinakailangang maliwanag ang pagkakasulat at
pagkakabigkas ng talumpati upang maunawaan ng mga
nakikinig
Kaakit-akit- gawing kawili-wili ang paglalahad ng mga
katwiran o paliwanag para sa paksa
3. konklusyon
- dito kalimitang nilalagom ang mga patunay at argumentong inilahad sa katawan ng
talumpati. Ito ay kalimitang maikli ngunit malaman. Maaaring ilagay rito ang pinakamatibay
na paliwanag at katwiran upang mapakilos ang mga tao ayon sa layunin ng talumpati
Sagutin ang mga sumusunod na katanungan: (1 buong papel)

1.Bakit mahalagang matutuhan ang pagsulat ng talumpati?

2.Para sa iyo, saan ka mas komportableng gawin batay sa mga uri ng talumpati? Ipaliwanag.
Pagsusulit. Ikapat na bahagi ng papel (1/4)
PANUTO: ISULAT SA PATLANG ANG SALITANG TSEK KUNG
NAGPAPAHAYAG NG KATOTOHANAN ANG PANGUNGUSAP SA BAWAT
BILANG AT EKIS NAMAN KUNG HINDI. (PAALALA NUMERO NA LAMANG
ANG ILALAGAY AT HINDI NA KAILANGANG KOPYAHIN ANG LAHAT NG
MGA PANGUNGUSAP SA BAWAT BILANG.)
____1. Kailangan ang pagbabasa at pananaliksik sa pagbuo ng mabisang
talumpati
____2. Sa pagsusulat ng talumpati dapat mapukaw at makuha ang interes ng mga
tagapakinig
____3. Hindi kailangan maliwanag ang pagkakasulat at pagkakabigkas ng
talumpati
____4. Malaking tulong sa pagbuo ng nilalaman ang pagtiyak sa nilaang oras
____5. Mahalagang magkaroon ng kabatiran ang mananalumpati
Kasagutan:
1. tsek
2. tsek
3. ekis
4. tsek
5. tsek
Gawain:
Sa isang buong papel, gumawa ng talumpati batay sa naisin niyong propesyon balang araw. Kinakailangang itong isaulo. Itatanghal ito sa susunod na
pagkikita sa loob ng klase na may akmang kasuotan ng napiling paksa/ propesyon. Ang bawat mag-aaral ay bibigyan lamang ng 3-5 minuto upang
magtalumpati.
Krayterya:
NILALAMAN / ISKRIP- 35%
PAGBIGKAS (DIIN, TONO)- 25%
PARAAN NG PAGKAKALAHAD (KASUOTAN, 20%
KUMPAS, PANG-AKIT AT ESTILO)
PAGTATANGHAL (DATING SA MANONOOD) 20%
KABUUAN: 100%
Takdang aralin:
Manood ng iba’t ibang pagtatalumpati

You might also like