You are on page 1of 17

Ano ang Talumpati?

Ang talumpati ay isang sining ng pagpapahayag ng kaisipan o opinyon ng


isang tao tungkol sa isang paksa na ipinababatid sa pamamagitan ng
pagsasalita sa entablado. Mananalumpati ang tawag sa taong gumagawa at
nagtatalumpati sa harap ng publiko o grupo ng mga tao.

Layon nitong magbigay ng kaalaman o impormasyon, tumugon, humikayat,


mangatwiran, at maglahad ng isang paniniwala. Isa rin itong uri ng
komunikasyong pampubliko kung saan ang isang paksa ay ipinapaliwanag at
binibigkas sa harapan ng mga tagapakinig.
Ayon sa U.P. Diksiyunaryong Filipino, ang talumpati ay
isang pormal na pahayag sa harap ng publiko at
pormal na pagtalakay ng isang paksa para sa mga
tagapakinig.
Dalawang elementong taglay ng talumpati

1.Teksto
2.Pagtatanghal (performance)

Hindi magiging talumpati ang isang teksto


kung hindi ito binigkas o binasa sa madla.
ANYO NG TALUMPATI

1.TALUMPATI NG PAGTANGGAP (Acceptance Speech) – ay


laganap sa mga programa ng paggawad o pagkilala sa kahusayan
ng isang tao.

2.TALUMPATI SA PAGTATAPOS (Commencement Speech) – ay


kadalasang binibigkas ng natatanging mag-aaral na may
pinakamataas na grade o pinakamatagumpay sa klase tuwing
pagtatapos.

3.LUKSAMPATI ( Eulogy) - ay nagsisilbing parangal at paggunita sa


alaala ng isang taong yumao
4.TALUMPATI NG PAMAMAALAM- (Farewell Speech) – ay bahagi ng
ritwal ng pamamaalam, paglisan sa bansa, o pagbibitiw sa
propesyon.

5. IMPORMATIBONG TALUMPATI – (Informative Speech) – ay


naglalayong mag-ulat sa madla ng resulta ng bagong pag-aaral o
kaya’y manghikayat ng pagkilos, kabilang na rito ang State of the
Nation Address (SONA) ng Pangulo ng Pilipinas upang itanghal sa
mamamayan ang kaniyang tagumpay at mga proyekto.

6. TALUMPATI NG PAG-AALAY –(Speech of Dedication) – ay


maaaring papuri sa piling tao, bayani o panauhing pandangal.
7. BRINDIS (Toast) – ay bahagi ng ritwal sa isang salusalo na
nagpapahayag ng pagpapahalaga at pagkilala sa taong
pararangalan
URI NG TALUMPATI

1. TALUMPATING IMPORMATIBO –(Informative) – ay


naglalayong magbigay ng impormasyon sa tagapakinig.
Maaari itong nagtuturo ng isang teorya o impormasyon.
Maaari itong pag-uulat ng pananaliksik sa kapwa mag-aaral o
sa kaguruan. Maaari rin itong paglalahad ng bagong
katangian ng teknolohiya na kadalasang itinatampok sa mga
patalastas.
2. TALUMPATING NAGLALAHAD- (Demonstrative) – ay halos
katulad din ng impormatibong talumpati, ngunit may
kasama itong demonstrasyon habang naglalahad ng
impormasyon. Mapapansin ito sa mga programang pang-
edukasyon gaya ng pagtuturo ng pagluluto, pananahi o
kaya’y pagpapalamuti ng tahanan. Lantad din ang ganitong
uri sa mga instructional na video sa internat na nagbibigay
ng demonstrasyon sa halos lahat ng larangan.
3. TALUMPATING MAPANGHIKAYAT – (Persuasive) – ay
naglalayong manghikayat o mag-imbita sa mga tagapakinig
na kumilos tungo sa pagbabago. Kailangan ng maingat na
paghahanda sa mga ganitong talumpati dahil sisikapin
nitong baguhin ang mga ideya, paniniwala, pamahiin,
kultura, at tradisyon ng nakararami. Maaaring talakayin ng
talumpating ito ang paggawad ng Karapatan sa komunidad
ng LBTQ, pagpapatupad ng mga batas, paghiling ng
proteksiyon sa mga dagat at lawa ng bansa, muling
pagbuhay sa mga makasaysayang gusali ng lungsod, o
kaya’y ang pagbibigay ng sapat na kaalaman tungkol sa HIV.
4. TALUMPATING MAPANG-ALIW –(Entertaining) – madalas
na maririnig sa mga personal na salusalo, gaya ng
annibersaryo, kasal, kaarawan, o victory party. Maririnig din
ito sa mga comedy bar na ang mga host ay nagbabahagi ng
mga katawa-tawang karanasan sa buhay. Nilalayon ng
talumpating ito na maghatid ng aliw at kasiyahan sa
tagapakinig. Maaaring pakasain nito ang pakikipagsapalaran
sa ibang bansa, pagbabahagi ng nakakatawang sikreto,
pagpapakilala ng mga kakaibang pagkain sa mga dayuhan, o
kung paano makatitipid sa panahon ng kagipitan.
MGA BAHAGI NG TALUMPATI
1.SIMULA –(Introduksiyon) – pang- akit atensyon.
Kailangan mag-isip ang mananaysay ng estratehiya upang
makuha kaagad ang atensyon ng tagapakinig.
Sa bahaging ito, hindi kailangang magpaumanhin ng
tagapagsalita
Wala siyang kailangang ipaliwanag kaugnay sa kaniyang
kakulangan bilang nagtatalumpati
Kailangan ding iwasang sabihing “maikli lamang ito” o
sana’y di kayo mabagot” dahil inilalantad na nito sa simula
pa lamang ang magiging suliranin ng pagtatanghal ng
talumpati
2. KATAWAN – GITNA (Nilalaman) – sistematiko at organisadong
paglalatag ng mga punto, ideya at iba pang nais sabihin.
 Maaaring magsaliksik upang magkaroon ng nilalaman
ang talumpati
Maaaring magsagawa ng panayam
Sa pagtalakay ng gitnang bahagi, sikapin ding tama ang
impormasyong ilalahad
Kung gamit ang sanggunian, dapat kilalanin ito upang
hindi maakusahang kinuha ang datos nang walang
pahintulot o pangongopya
Dito ilalahad ang lahat ng impormasyon upang mabigyang
linaw ang paksa ng talumpati
3. KONGKLUSYON – WAKAS – ito ay muling pag-uulit at
pagdidiin sa mahahalagang punto ng binigkas na akda.
Maaaring balikan ang pangunahing pangungusap upang
mailalarawan sa madla na ito ay natalakay nang husto.
Bukod sa pagbubuod at paglalagom na kadalasang
estratehiya sa kongklusyon, maaari ding mag-iwan ng
hamon o tanong ang tagapagsalita.
Maaari ding mag-imbita at manghikayat sa madla na
kumilos tungo sa pagbabago
Uri ng talumpati ayon sa Pamamaraan

1. Daglian o biglaan (impromtu) hindi


pinaghandaan.
2. Maluwag (extemporaneous) may maikling
panahon na ibinibigay sa pananalumpati upang pag-
isipan ang sasabihin.
3. Pinaghandaan (prepared) sinulat, binabasa, o
isinaulo ang talumpati at may sapat na pag-aaral sa
paksa
Biglaang Talumpati(Impromptu)-Ibinibigay ng biglaan o walang
paghahanda
Maluwag(Extemporaneous)-Nagbibigay ng ilang minute para sa
pagbuo ng ipahahayag na kaisipan batay sa paksang ibinigay bago
ito ipahayag.
Manuskrito-Ginagamit sa mgakumbensyon,seminar oprograma
sa pagsasaliksik kaya pinag-aaralan itong mabuti at dapat na
nakasulat. Kailangan ng matagal na panahon sa paghahanda ng
ganitong uri ng talumpati sapagkat ito ay itinatala
Memorized-Ito ay kagaya rin ng manuskrito.kailangang
memoryado ang pyesa bago bigkasin ang talumpati sa harap ng
mga tagapakinig .
GABAY SA PAGSULAT NG TALUMPATI
1.Alamin kung sino ang magiging tagapakinig at kung ano ang
okasyon
2.Alamin kung ilang minute o oras ang ilalaan para sa pagbigkas ng
talumpati.
3.Pumili ng paksang malapit sa karanasan, may natatanging halaga
sa iyong buhay, o mayroon kang sapat na kaalaman.
4.Tukuyin ang mga layunin ng pagsusulat at paghahanda ng
talumpati at ng isasagawang pagbigkas.
5.Kumalap ng datos at mga kaugnay na babasahin
6.Alamin ang magiging halaga ng isusulat na talumpati
7.Balangkasin at suriin ang mga nakalap na datos
8. Itala ang tatlo hanggang pitong mahahalagang punto ng
talumpati
9. Talakayin, pagyamanin, at paunalarin ang mga ideya
10. Ihanda ang mabisang kongklusyon
11.Huwag kalimutang kilalanin ang sanggunian sa talumpati
12. Kapag naisulat na ang unang burador, basahin ang teksto
nang ilang ulit
13. Pagkaraan ng rebisyon at kapag handa na ang pinal na
borador, mag-imprenta ng maraming kopya
14. Basahin ang kopya nang paulit-ulit

You might also like