• SENIOR HIGH SCHOOL INSTRUCTOR/TEACHER AT ARELLANO UNIVERSITY, PROCTOR AT PROFESSIONAL REGULATION COMMISSION, PART-TIME UNIVERSITY LECTURER ANO BA ANG TALUMPATI? Isang pormal na pagsasalita sa harap ng mga tagapagkinig o audience. Ang pagsulat ng talumpati ay isang proseso o paraan ng ng pagpapahayag ng ideya o kaisipan tumatalakay sa isang partikular na paksa. Ito ay karaniwang isinusulat upang bigkasin sa harap ng mga tagapakinig. 1. Biglaang Talumpati (Impromptu) - Ang Talumpating ito ay ibinibigay nang biglaan o walang paghahanda. Kaagad na ibinibigay ang paksa sa oras ng pagsasalita. Ang susi ng katagumpayan nito ay nakasalalay sa mahalagang impormasyong kailangang maibahagi sa tagapakinig. 2. Maluwag (Extemporaneous) - Kung biglaang talumpati ay isinasagawa nang biglaan o walang paghahanda, sa talumpating ito nagbibigay ng ilang minuto para sa pagbuo ng ipapahayag na kaisipan batay sa paksang ibinigay bago ito ipahayag. 3. Manuskrito – Ang talumpating ito ay ginagamit sa mga kumbensiyon, seminar, o programa sa pagsasaliksik kaya pinag-aaralan itong mabuti at dapat na nakasulat. Ang nagsasalita ay nakadarama ng pagtitiwala sa sarilisapagkat naisasaayos niya ng mabuti ang kanyang sasabihin. 4. Isinaulong Talumpati – Ito ay kagaya rin ng manuskrito sapagkat ito ay mahusay ding pinag-aaralan at hinabi nang maayos bago bigkasin sa harap ng mga tagapakinig May opurtunidad na magkakaroon ng pakikipag ugnayan sa tagapakinig sapagkat hindi binabasa ang ginawang manuskrito kundi sinasaulo at binibigkas ng tagapagsalita. MGA URI NG TALUMPATI AYON SA LAYUNIN 1.Talumpating Nagbibigay ng impormasyon o kabatiran. - Ang layunin ng talumpating ito ay ipabatid sa mga nakikinig ang tungkol sa isang paksa, isyu, o pangyayari. Dapat na maging malinaw at makatotohanan ang paglalahad ng datos kaya mahalagang sa pagsulat nito ay gumamit ng mga dokumentong mapagkakatiwalaaan. Ang ilan sa mga halimbawa nito ay ang paggamit ng tsart, dayagram, at iba pa at ang pinakinikilalang halimbawa nito ay ang State of the nation address SONA 2. Talumpating Panlibang - - Ang Layunin ng talumpating ito na magbigay ng kasiyahan sa mga nakikinig. Kaya naman sa pagsulat nito kailangang lahukan ito ng mga birong nakatatawa na may kaugnayan sa paksang tinatalakay. Madalas ginagawa ang ganitong talumpati sa mga salusalo, pagtitipong sosyal, at mga pulong ng mga samahan. 3. Talumpating Pampasigla. - Ang layunin ng talumpating ito ay magbigay ng inspirasyon sa mga nakikinig. Sa pagsulat nito. Tiyaking nilalaman nito ay nakapukaw at makapagpapasigla sa damdamin at isipan ng mga tao. Higit na makakamit ang layunin nito kung ang nagsasalita ay handang-handa sa pagsasagawa ng talumpati.
This Photo by Unknown author is licensed under CC BY.
4. Talumpating panghikayat - Ang layunin ng talumpating ito ay hikayatin ang mga tagapakinig na tanggapin ang paniniwala ng mananalumpati sa pamamagitan ng pagbibigay katwiran at patunay. 5. Talumpating pagbibigay galang. - Ang layunin ng Talumpating ito tanggapin ang bagong kasapi ng samahan o organisasyon. Ginagawa rin ito bilang pagtanggap sa isang bagong opisyal na natalaga sa isang tungkulin. 6. Talumpating ng papuri - Ang layunin ng talumpating ito ay magbigay ng pagkilala o pagpupugay sa isang tao o samahan. Kabilang sa mga ito ang talumpati ng pagtatalaga sa bagong hirang na opisyal, talumpati ng pagkilala sa isang taong namatay na tinatawag na Eulogy. Talumpati sa paggawad ng medalya o sertipiko ng pagkilala sa isang tao o samahang nakapag-ambag nang malaki sa isang samahan o sa lipunan. MGA DAPAT ISA-ALANG ALANG SA PAGSULAT NG TALUMPATI! A. URI NG MGA TAGAPAKINIG – Sa pagsulat ng isang mahusay na talumpati mahalagang magkaroon ng kabatiran ang mananalumpati tungkol sa kaalaman, pangangailangan at Interes ng kanyang magiging tagapakinig. Ayon kay lorenzo at sa kanilang aklat na sining ng pakikipag-talastasang panlipunan (2002) Ang alin sa dapat mabatid ng manunumpalati sa kanyang mga tagapakinigay ang sumusunod: MGA DAPAT ISA-ALANG ALANG SA PAGSULAT NG TALUMPATI! 1. Ang Edad o gulang ng mga makikinig – Mahalagang alamin ang edad o gulang ng nakararami sa mga tagapakinig. I-akma ang nilalaman ng paksa at maging ang wikang gagamitin sa edad ng mga makikinig. Ang bata ay tiyiak na hindi lubos na magiging interesado sa mga paksang pang-matanda, gayundin naman magiging kabagot-bagot para sa mga matatanda ang mga paksang pambata. MGA DAPAT ISA-ALANG ALANG SA PAGSULAT NG TALUMPATI!
2. Ang Bilang ng mga makikinig – Importante ring
malaman kung ilan ang mga taong makikinig sa talumpati. Kung Maraming makikinig, marami ring paniniwala at saloobin ang dapat isaalang-alang ng mananalumpati. Mapaghandaan ng husto ang talumpati kung batid ang dami ng makikinig. MGA DAPAT ISA-ALANG ALANG SA PAGSULAT NG TALUMPATI! 3. Kasarian – Madalas magkaiba ang interes, kawilihan, karanasan, at kaalaman ng kalalakihan sa kababaihan. Nagkakaroon din ng magkaibang pananaw ang dalawa hinggil sa isang partikular na paksa. Mahalagang malaman kung ang pagtitipong pupuntahan ay binubuo ng kalalakihan, Kababaihan, o ng magkahalong kasarian. MGA DAPAT ISA-ALANG ALANG SA PAGSULAT NG TALUMPATI! 4. Edukasyon o Antas ng lipunan – Mahalaga ring malaman ang antas ng edukasyon ng nakararaming dadalo sa ppagtitipon at maging ang antas ng kanilang buhay sa lipunan. Malaki ang kinalaman ng edukasyon sa kakayahan ng mga tagapakinig na umuunawa sa paksa. MGA DAPAT ISA-ALANG ALANG SA PAGSULAT NG TALUMPATI!
5. Mga saloobin at dati nang alam ng mga
nakikinig– Dapat mabatid din kung gaano na kalawak ang kaalaman at karanasan ng mga nakikinig tungkol sa paksa. B. Tema o Paksang Tatalakayin!
Ang isang pangunahing bagay na dapat isaalang-
alang sa pagsulat ng talumpati ay ang tema ng okasyon ng pagdiriwang o pagtitipon ng pagtatalumpatian. Mahalagang matiyak ang tema ng pagdiriwang upang ang bubuuoing talumpati ay may kinalaman sa layunin ng pagtitipon. 1. Pananaliksik ng datos at mga kaugnay na babasahin – Ito ay maaaring maisagawa sa pamamagitan ng pagbabasa at pangangalap ng impormasyon sa ensaklopedia , aklat, pahayagan, magasin, at dyornal. Mula rito ay maaaring kumuha ng mahahalagang datos o kakailanganing impormasyon tungkol sa paksa kasama sa sanggunian. 2. Pagbuo ng tesis – Matapos makapangalap ng sapat na datos o impormasyon ang susunodna hakbang na gagawin ay ang pagbuo ng tesis o pangunahing mensaheng ibabahagi sa mga tagapakinig. 3. Pagtukoy sa mga pangunahing kaisipan o punto - Kapag may tiyak nang tesis para sa talumpati, maaari nang alamin ng mananalumpati ang pangunahing punto na magsisilbing batayan ng talumpati. C. Hulwaran sa pagbuo ng talumpati – Isa pa sa mahalagang dapat isaalang-alang sa pagsulat ng talumpati ay ang gagamiting hulwaran o balangkas sa pagbuo ng talumpati. Malaki ang epekto ng paraan ng pagkakabalangkas ng nilalaman ng talumpati sa pag-unawa nito ng mga tagapakinig. 1. Kronolohikal na hulwaran – Gamit ang hulwarang ito ang mga detalye o nilalaman ng talumpati ay nakasalalay sa pagkakasunod sunod ng pangyayari o panahon. Maaaring isagawa ang paghahanay ng detalye mula sa pangyayari, sumunod na mga pangyayari at panghuling pangyayari. 2. Tropikal na hulwaran – Ang paghahanay ng mga materyales ng talumpati ay nakabatay sa pangunahing paksa ito ay dapat na may tiyak na paksa na mainam gamitin sa hulwarang ito. Maaring talakayin ang kultura na hatiin ito sa espisipikong paksa tulad ng sosyolohiya, antropolohiya at maging ang uri heograpiyang kinalalagyan ng tao. D. Kasanayan sa paghabi ng mga bahagi ng talumpati – Ang paghahabi o pagsulat ng nilalaman ng talumpati mula sa umpisa hanggang sa matapos ito ay napakahalaga ring isaalang- alang upang higit na maging mahusay, komprehensibo at organisado ang bibigkasing talumpati. MGA KASANAYAN SA PAGHABI NG MGA BAHAGI NG TALUMPATI: 1. INTRODUKSYON – Ito ang panimula ng talumpati. Ito ay naghahanda sa mga nakikinig para sa nilalaman ng talumpati kaya naman dapat ang angkop na pambungad sa katawan ng talumpati. Mahalaga ang isang mahusay na panimula upang: A. Mapukaw ang kaisipan at damdamin ng mga makikinig B. Makuha ang kanilang interes at intensiyon C. Maihanda ang mga tagapakinig sa gaganaping pagtalakay sa paksa D. Maipaliwanag ang paksa E. Maillahad ang balangkas ng paksang tatalakayin F. Maihanda ang kanilang puso at isipan sa mensahe MGA KASANAYAN SA PAGHABI NG MGA BAHAGI NG TALUMPATI:
2. Diskusyon o katawan - Dito makikita ang
pinakamahalagang bahagi ng nais ibahagi ng talumpati sapagkat dito tinatalakay ang mahahalagang punto o kaisipang nais ibahagi samga nakikinig. A. Kawastuhan – Tiyaking wasto at maayos ang nilalaman ng talumpati dapat na totoo at maipapaliwanag ang paksa. Kailangang gumamit ng angkop na wika at may kawastuhang pambalarila ang talumpati. MGA KASANAYAN SA PAGHABI NG MGA BAHAGI NG TALUMPATI:
B. Kalinawan – Kailangang maliwanag ang pagkakasulat
at pagkakabigkas ng talumpati upang maunawaan ng mga nakikinig. C. Kaakit-akit – Gawing kawili wili ang paglalahad ng mga katwiran o paliwanag para sa paksa. Sikaping makabuo ng nilalaman na kaugnay sa paksa at gigising sa kaisipan at damdamin ng mga nakikinig MGA KASANAYAN SA PAGHABI NG MGA BAHAGI NG TALUMPATI:
3. Katapusan o Kungklosyon – Dito nakasaad ang pinaka
kongklusyon ng talumpati. Dito kalimitang nilalagom ang mga patunay at argumentong inilalahad sa katawan ng talumpati. C. Haba ng talumpati – Ang haba ng talumpati ay nakasalalay kung ilang minuto o oras ang inilalaan para sa pagbigkas o presentasyon nito. Malaking tulong sa pagbuo ng nilalaman nito ang pagtiyak sa nilaang oras. WAKAS NG ARALIN 6: