You are on page 1of 7

CLUSTER B SCHOOLS

_________________________________________________
(Name of School)
Pagbasa, Pagsusuri at Pagsulat ng Iba’t-ibang Teksto Tungo sa Pananaliksik
Learning Activity Sheet (LAS)
FILIPINO 11
_______________________________________________________________________________________
Name: _____________________________ Score: ________________
Grade & Section: ____________________ Date: _________________
_______________________________________________________________________________________
Gawain : 3 ( Week 6-7 / 3rd Quarter )
Paksa: Reaksiyong Papel
Kasanayang Pampagkatuto: Naipaliliwanag ang mga kaisipang nakapaloob sa tekstong binasa.
Inaasahang Matamo:
1. Natutukoy ang mga pamamaraan upang magkaroon ng kaisahan, kaayusan at kaugnayan ang reaksiyong papel na
isusulat.
2. Naiisa-isa ang mga supportang ideya mula sa isinulat na reaksiyong papel.
3. Nailalahad ang bisa ng isinulat gamit ang mga gabay na katanungan.
Sanggunian: Pagbasa, Pagsusuri at Pagsulat ng Iba’t-ibang Teksto Tungo sa Pananaliksik ni Rolando A Bernales. P. 3-81
https://www.slideshare.net/charlenedianereyes/kohesyong-gramatikal-at-uri-ng-pang-abay?from_action=save
Tuklasin Mo ...
"Bago mo simulan ang mga gawain. Hayaan mo munang ilibot kita sa iba't ibang lugar sa
pamamagitan ng mga pahayag mula sa iba't ibang bansa. Subalit kailangang bigyan mo ng
maikling reaksyon ang bawat kasabihan."

1. Pagkatapos ng ulan, hindi na kakailanganin ang payong.(Bulgaria)

2. Ang aklat ang nagbibigay ng kaalaman ngunit ang buhay ang nagbibigay ng pag-unawa. (Hebreo)

3. Mas mainam na ang bumalik kaysa maligaw. (Russia

4.Mapapaamo ang anomang uri ng hayop ngunit ang hindi ang dila ng tao. (Pilipinas)

KONSEPTO:

Alam mo ba na ang reaksyong papel ay maituturing na isang akademikong gawain. Ayon kay
Lolita Bandril et. Al ang reaksyong papel ay mula sa pinaniniwalaang panig ng manunulat. Masusi na
tinimbang-timbang ang mga maaaring maging bunga ng isyung iikutan ng reaksiyong papel. Dagdag pa
niya, hindi matatawaran ang bisa nito bilang akademikong sulatin sapagkat mababakas dito ang kaalaman,
kasanayan at paninindigan sa usapin ng pagsulat ng may-akda.Nabanggit din sa aklat nina Atanacio et al.
na ayon kina E.B.White at William Strunk sa kanilang aklat na The Elments of Style, ang pagsusulat ay
matrabaho at mabagal na proseso dahil sa ugnayan at koneksiyon ng pag-iisip. Masmabilis ang
paglalakbay ng isip kaysa panulat.Kung kaya sa araling ito babalikan natin ang mga elemento sa pagsulat
ayon sa aklat nina Atanacio et. al.
Mga Elemento ng Pagsulat
A.Paksa

Ang pinakaunang dapat gawin ng manunulat ay umisip ng paksa. Saan maaaring kumuha ng paksa?
Ang pagsulat ay isang prosesong panlipunan na maaaring bunga ng sumusunod:
1.Bilang reaksyon ng isang tao sa kaniyang nabasa, naranasan, o namasdan upang maipaabot ang
kaniyang pananaw at panuntunan sa buhay.
2.Bilang reaksiyon ng sumulat sa kaniyang nabasa o nasaksihan, at naranasan upang ipahayag ang
kaniyang kaalaman at pagpapahalaga.
3.Layuning makapagbigay lugod o kasiyahan lalo't ito ay malikhaing sulatin na nagpapasigla ng
imahinasyon at tumutugon sa damdamin.
B.Mga layunin
1.Pansariling Pagpapahayag
May layuning magsulat o magtala ng mga narinig nakita, o nabasa.Maaaring ito ay
para sa isang gawaing-pampaaaralan o pansariling tala para sa talaaarawan o dyornal.

2.Pagbibigay ng lmpormasyon
lsinasagawa ito sa layuning magpaabot ng mensahe , balita magpaliwanag,
magpayo;mangatwiran o makiusap. Ang mga halimbawa nito ay liham,memorandum, rebuyu,
mungkahing saliksik, komentaryo, kritiko ulat, sanaysay,islogan at iba pa.
3.Malikhaing Pagsulat
Sa tulong ng imahinasyon ng manunulat at uri at antas ng wika, nagagawa ng
manunulat na ilarawan ang uri ng lipunan na kaniyang gingalawan, at ang mga damdaming nanaig
sa mga tauhang matatagpuan dito. May kakaibang kakayahan ang mga salita na ipadama sa
mambabasa ang buhay na larawan ng buhay.
C.Mambabasa
Dapat isaisip ng isang manunulat na may nagaganap na interaksiyon sa pagsusulat.Kung
minsan ang manunulat ay may interaksiyon sa kaniyang sarili kapag nagsusulat siya ng
talaarawan,halimbawa o isang liham na nagungumusta. Kailangang linangin din ng isang
manunulat ang kakayahang makipag-ugnayan sa ibang tao. Dapat na alamin niya kung sino ang
susulatan, ano ang gusto niyang isulat, ano ang lawak ng kaniyang pang-unawa, at iba
pa(Badayos,2000)
D.Wika
Mahalaga sa pagsusulat ang kakayahang gumamit ng wika. Ang paggamit ng balarila,
baybayan at bantas ay kailangang tumutugon sa mga alituntunin at kumbensiyon. Gayundin,
makikita sa paraan ng pagkakasulat ang estilo ng manunulat at kung paano siya gumagamit ng
wika.Kabilang sa paggamit ng wika ang kasanayan sa pagpili ng mga salita, pagbuo ng mga
pangungusap at pagtatagni-tagni ng mga ito. lnaasahang may kabuluhan ang mabubuong mga
pangungusap. Kailangang maipakita ang kaisahan at kaayusan ng akda, lalo na ang malinaw na o
pagkakaugnay-ugnay ng mga kaisipan upang makabuo ng makabuluhang nilalaman.

Ang Proseso ng Pagsulat


Ayon kina Stephen McDonald at William Salomone, mga may-akda ng batayang aklat sa
pagsulat at pagbasa, may tatlong pangunahing bahagi ang proseso ng pagsulat

1.Bago Magsulat
Sa bahaging ito ang manunulat ay kailangang mangalap ng mga ideya o impormasyon tungkol sa
paksang nais niyang isulat. Naglahad sina Atanacio et. Al ng mga katanungang makakatulong bago
magsulat. Ayon kina Atanacio et. Al maaaring ang unang maging katanungan ng manunulat sa
kaniyang sarili ay kung saan kukuha ng ideya? At ilan sa mga maaari niyang mapagkunan ay ang sumusu
nod:
Mga babasahin tulad ng pahayagan, magasin ibang lathalain, CD-ROM
Pakikipanayam tungkol sa paksang nais isulat
Midya-radyo,telebisyon, Internet Pelikula
at mga dokumentaryo Musika
Sining Biswal
Panaginip, imahinasyon
Personal na lnteres at iba pa.

Maaari na ring planuhin kung paano mo sisimulan ang iyong gagawing pagsulat, maaaring ito ay sa
pamamagitan ng sumusunod:
Malayang Pagsulat
Paggawa ng dyornal
Paglalagay ng sarili sa ibang katauhan, sa ibang oras, panahon o lugar mula sa
unang panauhan o paningin
Pagbuo ng listahan
Pagbuo ng hitsura ng isusulat
Talakayan o pag-iisip nang indibidwal o pangkatan
Pagmamapa ng mga ideya

2.Habang Nagsusulat
May dalawang prosesong nabanggit si Atanacio et. Al sa kanilang aklat na Pagbasa at Pagsusuri
itoay ang:

a.Pagsulat ng burador
Malaya at tuloy-tuloy na hindi muna isinasaalang-alang ang gramatika, estruktura at wastong porma ng
pagsulat. Ang mga kaisipan at saloobin hinggil sa paksang isinusulat ay malayang ipinahahayag.
Pagkaraan, maaaring balikan at suriin kung mayroon pang maaaring idagdag.

b.Muling Pagsulat
Ito ay binubuo ng:
1.Rebisyon - sa yugtong ito binibigyang pansin ang mga bagay na dapat ayusin. Sinusuri dito
ang kabuuan ng sulatin upang alamin ang mga bagay na dapat alisin o baguhin.
2. Pagwawasto - Kabilang dito ang pagwawasto ng baybay, etruksturang pambalarila at
paggamit ng bantas at malaking titik.
3.Pagkatapos Magsulat
Matapos ang rebisyon at pagwawasto, tinatantiya ang bisa ng akdang isinusulat sa
pamamagitan ng pagbabasa nito sa klase pagtalakay sa mga isinulat at paglalathala sa mga
aklat o pahayagang pampaaralan o pagsali sa timpalak panulat.
Mga katangian ng Maayos na Teksto
1.Kaisahan
Tumutukoy sa pagkakaroon ng iisang pokus ng buong nilalaman ng teksto. lbig sabihin,
ang lahat ng suportang ideya ay tungkol lamang sa pangunahing ideya ng talata o tesis ng
isang teksto.

2.Kaugnayan
Tumutukoy sa pagkakaugnay ng lahat ng kaisipang isinasaad ng isang teksto.
Nakatutulong ito upang malaman ng mambabasa ang ugnayan ng mga ideya sa isa't isa at
upang madaling maunawaan ang nilalaman ng teksto dahil maayos ang pagkakasunod-sunod
ng bawat kaisipan. Kasama rito ang kaayusan ng mga ideya upang madaling maunawaan ang
ayos nga mga ideya kapag binalangkas ito.
3. Kalinawan
Makikita dito kung naintindihan ng mambabasa ang nais ipahayag ng manunulat.
Nagagawa ito sa pamamagitan ng mga suportang ideya na nagpapatibay sa paksa at layunin
ng nagsulat.
4.Bisa
Nakasalalay ang bisa ng isang sulatin sa malinaw na pagpapahayag ng layunin sa
panimula.Kung nagawa ba ng sulatin ng mapaniwala, mapasang-ayon o makaunawa man
lang.
Narito naman ang mga pamamaraan upang magkaroon ng kaisahan, kaayusan at kaugnayan
ang susulatin.
A. Paggamit ng mga Panghalip
1.Anapora- ginagamit na pananda ng pangngalang pinalitan sa unahan.

Halimbawa: Marami ang dumarayo sa isla ng Bohol dahil sa kaakit-akit na mga dalmapasigan nito.
Paliwanag: Mapapansin na ang pangngalang ginamit sa pangungusap ay hindi na naulit
(Bohol), sa halip ito ay pinalitan ng panghalip na nito. At ito ay matatagpuan sa hulihang bahagi ng
pangungusap.

2.Katapora- ang panghalip na ginamit bilang pananda sa pangalang pinalitan sa hulihan.


Halimbawa: Pinarangalan siya ng paaralan, si Juan Santos, ang mag-aaral na nagwagi ng unang
karangalan sa paligsahan sa pagpinta sa Canada.

B. Paggamit ng mga pananda para maipakita ang maayos na ugnayan ng mga ideya at
pangungusap sa isa't isa.
1. Ugnayang hambingan - mga panandang madalas ginagamit sa mga tekstong naglalarawan.
Halimbawa: Hiqit na maganda sa Palawan kaysa sa Boracay.
Para sa akin, mas mainam pa ring mamuhay sa probinsya kaysa salungsod.
Ang paggamit ng mga panandang may kinafaman sa ikafawang antas ngpaghahambing ay
nangangahufugang may dafawang bagay na pinaghahambing.

2.Ugnayang pagpapalit -- tumutukoy sa pangkat ng mga bagay na inilarawan o nais bigyang-


tuon.
Halimbawa: Malapit lang ang bahay namin sa simbahan.
Ang paggamit ng lang ay panda ng pagfafarawan ng distansiya sa pagitan ng bahay at simbahan.
Lokal lanq ang suot niya kaya di gaanong maganda.Ginamit ang fang upang bigyang-tuon ang katangian
ng kasuotan ng pagiging l o k a l .

3.Pagkakaugnay- tumutukoy sa pagbibigay-kahulugan ng pagkakaugnay ng dalawang sugnay o


mga sugnay na naglalarawan.
Halimbawa: Kung natapos ko ang aking pag-aaral, disin sana'y mayroon na akongdangal.

Hindi ko na naipagpatuloy ang aking pag-aaral, manapa'y tinulungan komuna ang aking magulang
upang makapagtapos ang nakatatanda kong kapatid.

C. Paggamit ng mga panandang nagbibigay-linaw sa mahihirap na bahagi ng teksto.


Kinakatawan ito ng mga pang-ugnay o pangatnig.

1.Panandang naghuhudyat ng pagkakasunod-sunod ng pangyayari o gawain


Halimbawa: Saka, pagkatapos, sumunod ay

Ang pagsulat ay nangangailangan ng panahon saka tiyaga. Kailangan ding mangalap ng


mga impormasyon paqkatapos iisa-isahing suriin kung ang nakalap ba ay makakatulong sa
ginagawang pagsulat. Sumunod ay itatala lahat ng maaaring makatulong sa ginagawang pagsulat.

2.Panandang naghuhudyat ng paraan ng pagkakabuo ng diskurso


Halimbawa: una,sumunod,bilang resulta

Sa pagluluto ng anomang lutuin ang una dapat gawin ay ihanda ang mga kakailanganing sangkap,
sumunod ay hiwain ang mga sangkap ng naayon sa lulutuin. Higit sa lahat maging malinis upang hindi lang
masustansiya ang kakaining pagkain at bilanq resulta ng mga paghahandang nabanggit tiyak na magiging
madali lang ang paghahanda.

3.Pananda ng pagbabagong lakad


Halimbawa: ibig sabihin,kung iisipin,sa ibang salita

Ayon kay Kellog ang pag-iisip at pagsusulat ay kakambal ng utak, gayundin naman, ang kalidad ng
pagsulat ay hindi matatamo kung walang kalidad ng pag-iisip. lbig sabihin ang pagsulat ay
nangangailangan ng matamang pag-iisip upang makabuo ng maayos na sulatin. Kung iisipin tama ang
tinuran ni Kellog sapagkat nagmumula ang lahat ng impormasyon sa pamamagitan ng pagproseso ng lahat
ng nakalap na impormasyon sa ating utak. Sa ibanq salita kung ang isang tao ay nagtataglay
matalinong pagpapasiya sa mga impormasyon na dapat niyang isama sa kaniyang mga susulatin tiyak na
may maganda itong kalalabasan.

4.Panandang nagpapakita ng pagtitiyak


Halimbawa: Katulad ng, tulad ng, sumusunod
Ang pagbuo ng isang balangkas ay mahalaga upang magkaroon ng kaisahan ang bubuuing sulatin. Ayon
sa aklat nina Atanacio et al. nakatutulong ito upang maging gabay sa proseso ng pagsusulat. Paghahanay
ng mga ideya sa lohikal na ayos at marami pang iba. Samakatuwid mahalaga ang pagbuo ng balangkas
katulad ng nabanggit nina Atanacio et al. Tu/ad ng pagigi nitong gabay, ito rin ay nagpapakita ng ugnayan
ng mga ideya sa loob ng sulatin. Sumunod, tumutukoy din sa hangganan ng bawat ideyang nakapaloob
sa bawat pangkat.
5.Panandang nagpapakita ng paghahalimbawa
Halimbawa:
Halimbawa, tulad/gaya ng,mailalarawan ito sa pamamagitan ng..
Ang mga halimbawa ng maaaring pagkunan ng paksa ay diyaryo, magasin, telebisyon, sining biswal at
marami pang iba. llan sa mga nabanggit ay madali lamang hanapan ng mga impormasyong maisasama
sa gagawing sulatin tulad ng telebisyon. Malaking bahagi ng pamilyang Pilipino ang gumagamit ng
telebisyon.At maraming maaring makuhang paksa dito kung kaya mailalarawan ito sa pamamaqitan ng isang
malaking balon.

6.Panandang nagpapakita ng paglalahat


Halimbawa: Bilang paglalahat, bilang pagtatapos, anupa't
Bilanq paqlalahat ang pagsulat ay hindi lamang nangangailangan ng panahon kundi ng dedikasyon,
anupa't ang mga taong nagsusulat ay hahangaan mo ng lubusan.
7.Panandang nagpapakita ng pagbibigay-pokus
Halimbawa: Tungkol/hinggil sa,pansinin na,magtatapos ako sa
Ang panayam ng pangulo ay tunqkol sa pagbibigay ng ayuda sa mga mahihirap. Marami ang
maaaring matulungan kung ito ay maisasakatuparan. Ang programa ito ay hingqil sa mga ina ng tahanan
na walang hanap-buhay.
8.Panandang naghuhudyat sa pamamagitan ng may-akda
Halimbawa: Kung ako ang tatanungin, sa aking palagay, kaya lamang
Kung_ako anq tatanunqin maganda ang kinalabasan ng programang 4P's ng pamahalaan, sapagkat
nakakapag-aral ang mga anak nila at kahit paano ay may pambili ng makakain.Kaya lamanq may mga
pagkakataon lalo na kung ang mga magulang ay iresponsable ang dapat sana ay pantawid sa bisyo nila
napupunta.

lsaisip Mo ...
Tingnan natin kung naunawaan mo ang mga araling inilahad sa itaas. Handa ka na! Tara na!

GAWAIN#1: Panuto: Bumuo ng isang maikling reaksyon kaugnay sa tekstong nasa ibaba. Matapos
mong maisulat ang iyong sariling reaksyon hinggil sa tekstong inilahad, isa• isahin ang mga suportang
ideya na isinulat mo sa ginawang reaksyon

Marami ang naniniwala na dapat gamitin ang Filipino na midyum ng pagtuturo, maging sa Sayans at
Matematiks. Sa lektyur na ibinigay ni Maxima Acelajado (1993) na may pamagat na Teknikal na Filipino sa
Matematiks, nabanggit niya na ayon sa ilang masisigasig na tagapagtaguyod ng wikang Filipino, may
positibong pagkakaugnay ang gamit ng lenggwahe sa pagkatuto ng mag-aaral. At kung ang paggamit
ng Filipino ay makapagpapadali ng pag-aaral, lalo na sa Sayans at Matematiks, dapat lamang na pag-
ibayuhin ito.

Upang mapatunayan na maaaring ituro ang Matematiks sa Filipino, tinangka ko gamitin ito sa
pagtuturo ng Pangkolehiyong Algebra sa isang repeater's class sa Kolehiyo ng Malayang Sining sa
Pamantasang De La Salle noong ikalawang traymester ng 1989-1990. Sa unang karanasan kong ito sa
pagtuturo ng matematiks sa Filipino, hindi ko naranasan ang mga problemang nabanggit sa unang bahagi
ng talakayang ito. Sa klaseng ito, ang aking paliwanag at lektyur ay Filipino, subalit pinanatili ko sa
Ingles ang lahat ng termino at konsepto, dahil na rin sa mas sanay na pakinggan ng estudyante ang mga
ito sa wikang Ingles.Hindi naging mahirap para sa akin ang magpaliwanag sa Filipino dahil lumaki aka sa
Batangas na Tagalog ang ginagamit na dayalek. Kaya marami sa pagsasaling ginamit ko ay base sa
Tagalog

Napansin ko sa aking pagtuturo na kahit ang aklat namin ay isninusulat sa Ingles at ang pag-aaral namin
ay sa Filipino ay nagkakaintndihan kami. Nawala ang pagka• elitista ng mga estudyante dahil sa aminin
man nila o hindi, mas higit na naiintindihan nila ang mga leksyon sa Filipino. Ang pakiramdam naming
ay nanonood kami ng pelikulang Ingles at nagkwentuhan sa Filipino. Maganda ang naging resulta
ng pagtuturong ito sapagkat mas maraming estudyante ang nakapasa sa pagatatapos ng traymester.
Mula noon, ginamit ko ang Filipino sa pagtuturo ng College Algebra at Mathematics of Investment sa bawat
repeater's class na hawak ko.

Hango mula sa Pagbasa,Pagsulat,Pananaliksik ni Rolando Bernales

Reaksiyon:
__________________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________________
_____________________________________________________________________________________.

Itala ang mga sumusuportang ideya:

1. ________________________________________________________________________________________
_____________________________________________________________________________.
2. ________________________________________________________________________________________
_____________________________________________________________________________.
3. ________________________________________________________________________________________
_____________________________________________________________________________.
4. ________________________________________________________________________________________
_____________________________________________________________________________.

Sa bahaging ito muling tatayain ang iyong natutunan sa mga araling


nilahad
PANUTO:Tukuyin kung anong pamamaraan ang ginamit upang magkaroon ng kaisahan,
kaayusan at kaugnayan ang sulatin ltiman ang bilog ng napiling sagot.

1. Namimili si Ana sa mall kaya siya natagalan nang dating


O ugnayan ng mga ideya at pangungusap O panandang nagbibigay linaw
O ugnayan ng pagpapalit O paggamit ng panghalip
2. Gumamit ng palanggana o batya habang naliligo pagkatapos huwag hayaang umawas ang
tubig sa batya/palanggana.
O ugnayan ng mga ideya at pangungusap O panandang nagbibigay linaw
O ugnayan ng pagpapalit O paggamit ng panghalip
3. Ang prosidyur ay tumutukoy sa serye ng mga gawain upang matamo ang inaasahang resulta na tulad
halimbawa ng proseso ng pagluluto o pagkukumpuni ng sasakyan.
O ugnayan ng mga ideya at pangungusap O panandang nagbibigay linaw
O ugnayan ng pagpapalit O paggamit ng panghalip
4. lisa lang ang dapat tanghaling pambansang bayani..
O ugnayan ng mga ideya at pangungusap O panandang nagbibigay linaw
O ugnayan ng pagpapalit O paggamit ng panghalip
5 . Si Gracia Burnham ay isa sa mga dayuhang turista na pumunta sa Dos Palma Resort dahil ayon sa kanya
paborito niya itong pasyalan.
O ugnayan ng mga ideya at pangungusap O panandang nagbibigay linaw
O ugnayan ng pagpapalit O paggamit ng panghalip

You might also like