You are on page 1of 14

MODYUL 10

Pagsulat ng Tentatibong
Balangkas

FILIPINO

May Akda: Judith A. Calivara


Debuhista: Joseph Dolorpo

Tagapag-anyo: Rogelio C. Oro Jr.


Pansariling Kagamitang Pampagkatuto para sa Baitang 11
FILIPINO
Pagbasa at Pagsusuri sa Iba’t Ibang Teksto Tungo sa Pananaliksik

Nais kitang
batiin ng
magandang
araw aking
mag-
aaral. Ako si
Titser Ana, ang
makakasama
mo sa modyul
na .
ito

Ako naman si Titser Jose


na iyo ring makakasama.
Narito ako upang tumulong sa
iyo sa pamamagitan ng
pagbibigay ng mahahalagang
kaalaman at impormasyon na
tiyak na makatutulong sa
iyong pag-unlad.

2
Page
Tandaan Mo…

 Bago magsimula sa pag-aaral ng modyul na ito, sagutan mo muna ang


Panimulang Pagtataya na inihinanda ko para sa iyo. Itiman ang bilog ng tamang
sagot.
 Basahin at unawain ang panuto para sa mga gagawin sa bawat bahagi ng modyul
na ito.
 May mga sasagutan ka sa modyul na ito bago at pagkatapos ng aralin.
 Bawat bahagi ay may nakatakdang icon o character bilang
representasyon.
 Iwasto ang sagot ng panimula at pangwakas na pagtataya sa
dulong bahagi ng modyul na ito.
 Maging matapat sa pagsagot sa modyul.

Mag-isip Ka…

Bilang isang manlalakbay, ikaw ay may mga pagdaraanang


pagsubok na huhubog sa iyong kakayahan upang iyong matamo ang mga
sumusunod na kasanayang pagkatapos ng aralin:

Kasanayang Pampagkatuto:
 Naiisa-isa ang mga paraan at tamang proseso sa pagsulat
ng isang pananaliksik sa Filipino batay sa balangkas,
layunin, gamit, metodo, at etika ng pananaliksik.
(F11PU-IVef-91)

Layunin:

 Naibibigay ang kahulugan ng konseptong balagkas.


 Natutukoy ang ang pagkakaiba-iba ng uri o anyo ng
balangkas.
 Naisasabuhay ang tamang proseso ng pgsulat ng
balangkas mula sa paksang napili.
 Nakagagawa ng tentatibong balangkas mula sa paksang
napili.
3
Page
Masusukat Mo Kaya?

Panuto: Itiman ang bilog ng tamang sagot.

1. Malaki ang maitutulong nito upang maisaayos ang mga impormasyong nakalap
at nabibigyang direksyon ang gawaing pananaliksik.
A. Balangkas
B. Sintesis
C. Paksa
D. Datos

2. Karaniwang ginagamit ang numero-letrang pormat sa pagbabalangkas.Ito ay may


sinusunod na hierarchy.Alin sa mga ito ang nauuna?
A. Malaking Letra
B. Maliit na letra
C. Roman Numeral
D. Arabic Numeral

3. Sa mga uri ng balangkas, alin ang hindi gamitin sa pagsulat ng balangkas?


A. Balangkas na Papangungusap
B. Balangkas na Papaksa
C. Balangkas na Patalata
D. Balangkas ng Kuwento

4. Napapadali sa mananaliksik ang pagkakaroon ng balangkas.Anong naibibigay sa


mananaliksik na kabutihan ng balangkas sa pananaliksik?
A. Nagbibigay direksyon
B. Nagbibigay aliw
C. Nagbibigay kalituhan
D. Nagbibigay linaw

5. Binubuo ng mga salita at parirala ang balangkas na ito at nagsisilbing gabay sa


gawaing pananaliksik.
A. Papangngusap
B. patalata
C. papaksa
D. paparira

4
Page
Halaw-Kaalaman

Tuklasin Mo…

“Alam kong makatutulong ito sa iyo upang magkaroon ka ng gabay at


mapadali sa iyo ang daloy ng modyul na ito.”

Panuto:Buuin ang mga jumbled na letra upang makabuo ng mga salitang


may kaunayan sa koseptong pagbabalangkas.Isulat ang nabuong salita sa ibaba
ng ginulong salita.

CIMALDE

1._______

SAPAKPA

LANGKASBA 3.__________

2.__________
. ______

NGUPASAPNGUPA

TAPATALA 5.__________

4._______
___

5
Page
Suriin Mo…
Mula sa unang gawain, iyong suriin at
siyasatin ang kaugnayan ng mga salitang
iyong nabuo mula sa ginulong mga letra sa
susunod na gawain. Simulan mo na.

Panuto:Suriin ng mga balangkas na nasa A, B, at C. Paano kaya ito nagkakaiba?


Pagkatapos, tukuyin mo ang uri ng balangkas na ipinapakita sa bawat letra.

A B C

Paksa: Panitikang Popular Paksa: Mga Anyo ng Paksa: Batayang Kaalaman


Panitikan sa Komunikasyon
I. Kahulugan ng Panitikang
Popular I. May dalawang anyo ang I. Walang ugnayan at
panitikan unawaan kung walang
A. Ayon sa mga komunikasyon. Tunghayan
manunulat ng panitikan A. Ang tuluyan ay isang ang iba’t ibang kahuligan ng
B. Ayon sa mananaliksik anyo ng panitikan na ang komunikasyon.
paraan ng pagkakasulat ay
II. Uri ng Panitikang Popular patalata. A. Batay sa katuturang
B. Isa pang anyo ng ibinibigay ni Webster ang
A. Komiks panitikan ay patula na KOMUNIKASYON ay
B. Telebisyon pasaknong naman ang pagpapahayag,
C. Pelikula pagkakasulat. pagpapabatid o pagbibigay
D. Radyo ng impormasyon sa
mabisang paraan, isang
pakikipag-ugnayan,
pakikipagpalagayan o
pakikipag-unawaan.

Sagot: Sagot: Sagot:

_______________________ _______________________ _______________________


_______________________ _______________________ _______________________
_______________________ _______________________ _______________________
_______________________ _______________________ _______________________
_______________________ _______________________ _______________________
_______________________ _______________________ _________________

6
Page
Alam Mo Ba?

Matapos maisagawa ang Suriin Mo!Basahin at unawaing mabuti ang


teksto.Natitiyak kong pagkatapos mo itong mabasa ay higit mong mauunawaan
at matutukoy kung paano mo mabubuo ang tentatibong balangkas ng napili
mong paksa.

Pagsulat ng Tentatibong balangkas

Sinasabing ang balangkas ay larawan ng mga hakbang na dapat bigyan ng


pansin.
“Tara! Usap
Ayon sa ilang mananaliksik ang balangkastayo.”
ay ang iskeleton ng anumang sulatin.
Sa balangkas dapat makita kung ano ang hinahati-hati ang mga kaisipan na
isasama sa pagsulat, mula sa pinkamaliit hanggang sa pinakapangunahing kaisipan
na dapat isulat.

Malaki ang maitutulong ng balangkas upang maiayos ang mga impormasyong


nakalap. Nabibigyang direksiyon nito ang pananaliksik. Ang maayos na paghahanay ng
mga kaisipan ay makatitpid ng panahon at pagsisikap ng mananaliksik.

Kahalagahan ng pagbuo ng balangkas bago magsimula sa pagsulat.


1. Higit na nabibigyang diin ang paksa
2. Nakapagpapadali sa proseso ng pagsulat
3. Nakatutukoy ng mahihinang argumento
4. Nakatutulong maiwasan ang writers block
Ang pansamantalang balangkas ay magsisilbing gabay upang masagot ng
manananliksik ang dalawang mahalagang tanong:
1. Ano-ano na ang mga bagay na alam ko na o nasaliksik ko na at maaari ko nang I-
organisa patungkol sa aking paksa?
2. Ano-ano pang mga datos o impormasyon ang wala pa o kulang pa at kailangan ko
pang saliksikin?
Uri ng Pagbabalangkas
1. Balangkas na Papaksa- Binubuo ito ng mga salita at parirala. Pangkalahatan ang
pagtingin sa ganitong balangkas at nagsisilbing gabay upang tingnan sa kabuuan ang
gawaing pananaliksik.

7
Page
Halimbawa: Paksa: Panitikang Popular

I. Kahulugan ng Panitikang Popular

A. Ayon sa mga manunulat ng panitikan


B. Ayon sa mananaliksik

II. Uri ng Panitikang Popular

A. Komiks

B.Telebisyon

C. Pelikula

D. Radyo

2. Balangkas na Papangungusap- Binubuo ito ng mga pangungusap na nagsasaad ng


kompletong ideya.Mas detalyado ito kaysa sa balangkas na papaksa. Tinitingnan ng
balangkas na ito ang mahahalagang impormasyon tataglayin ng pananaliksik.

Halimbawa:Paksa: Mga Anyo ng Panitikan

I. May dalawang anyo ang panitikan

A. Ang tuluyan ay isang anyo ng panitikan na ang paraan ng pagkakasulat ay


patalata.
B. Isa pang anyo ng panitikan ay tula na pasaknong naman ang pagkakasulat.

2. Balangkas na Patalata- Gumagamit ang balangkas na patalata ng pariralang may maikling


buod upang ipaliwanag ang bawat paksa at binubuo ng mga pangungusap na naglalahad
ng nilalaman ng buong mga talata ng sulatin

Halimbawa: Paksa: Batayang Kaalaman sa Komunikasyon

I. Walang ugnayan at unawaan kung walang komunikasyon. Tunghayan ang iba’t ibng
kahuligan ng komuniksatiii

A. Batay sa katuturang ibinibigay ni Webster ang KOMUNIKASYON ay


pagpapahayag, pagpapabatid o pagbibigay ng impormasyon sa mabisang paraan, isang
pakikipag-ugnayan, pakikipagpalagayan o pakikipag-unawaan.

Katangian ng Balangkas
1. Magkakaugnay ang mga ideya ng bawat bahagi.
2. May kaisahan sa anyo.
3. Malawak ang mga ideya at nagagawang sa pagbabahagi nito ay naroon pa rin ang
ugnayan.
8
Page
4. May maayos na pagkakasunod-sunod.
5. May konsistensi sa anyo ng pagkakabuo.
Mga hakbang sa Pagbabalangkas
1.Ayusin ang tesis na pangungusap o pahayag.
2.Ilista ang susing ideya na nakapaloob sa tesis na pangungusap.
3.Tiyaking kung paano ilalahad nang maayos ang ideya
4.Pagpasyahan ang uri o lebel ng pagbabalangkas
5.Isaayos ang pormat

Pormat/Sistema ng Pagbabalangkas

1. Pagnunumero at Paggamit ng Letra


Halimbawa:
Binubuo nga mga dibisyon ang mga pangunahing bahagi.Nilalagyan ng Numerong
Romano (I, II, III, IV, V ). Ang mga pantulong ng ideya at ginagamitan ng malalaking letra ayon
sa dami ng dibisyon.

I. _________________________Dibisyon
A. ________________________Subdibisyon
1. _______________________Seksyon

II.
A. ______________________
B. ______________________
1. ____________________
2. ____________________
3. ____________________

2. Sistemang Bilang-Arabic
May panimula, pangunahing ideya at pagpapalawak ng ideya, detakye o halimbawa.
Halimbawa:
1.0 Panimula
2.0 Pangunahing ideya
2.1
2.2
2.3
2.4
2.5
2.5.1
2.5.2

Sa ibang balangkas naman, ginagamit din ang decimal na pormat. Magsimula sa isang Arabic
Numerical, na kasunod ay decimal.

Halimbawa:

1. __________________________
1.1 ________________________
1.1.1 _____________________

9
Page
Hango mula sa:

Villanueva, Bautista, at Aguirre.(2016) Pagbasa at Pagsusuri sa Iba’t Ibang Teksto


Tungo sa Panaliksik. Quezon City: Vibal Group, Inc..Pp. 148-151

Castro, Cusi, Pura, at Ruzol.(2008) Pagbasa at Pagsulat Tungo sa Panaliksik. Pateros,


Metro Manila:Grandbook Publishing..Pp. 157-219

Isaisip Mo…

Tingnan natin kung paano mo


maisasabuhay ang mga paksang
natalakay sa modyul ito.Handa ka na
ba?
Tara, Game!

Panuto: Naiisa-isa ang tamang proseso sa pagsulat ng tentatibong paksa .Malayang pumili
ng paksa batay sa iyong interes at pormat na balangkas na nais gamitin. Lapatan ito ng
papaksa at papangungusap na siyang gamitin sa pagbuo ng balangkas.

Papaksa Papangungusap

Paksa: Paksa:

10
Page
Tugunan Mo…

Ating subukin kung paano


mo maisasakatuparan
ang iyong pagkatuto sa
araling nakapaloob sa
modyul na
ito

Panuto: Naiisa-isang mailapat ang tamang prosesso sa pagbuo ng isang balangkas


pananaliksik mula sa ginawa mo ng pag-aral ng nakaraang asignatura sa Filipino. Malayang
pumili kung ito ay papaksa, papangungusap o patalatang balangkas.

__________________________
Pamagat

11
Page
Kayang-kaya…

“Kapag may simula mayroong wakas!


Tiyakin natin ang iyong pagkatuto.”

Panuto: Itiman ang bilog ng tamang sagot.

1. Ang balangkas na patalata ay __________ sa pagpaplano ng anumang sulatin.


A. patuloy na ginagamit
B. minsan ginagamit C. Gamit na gamit
D. Hindi gamitin

2. Sa mga uri ng balangkas, malimit ginagamit ang dalawang ito..


A. Papangngusap/papaksa
B. Papangusap/Patalata
C. Patalata/Papaksa
D. Lahat ng nabanggit

3. Ang mga salitang ito ay may kaugnayan sa pagbabalangkas maliban sa salitang


ito.
A. Numerical Number
B. Numero-letra
C. Bahagdan
D. Decimal
4. Anong halimbawa ito ng balangkas?
I. Halaga ng Iisang Wikang Filipino
A. Sagisag ng bansa
B. Buklod ng pagkakaunawaan
A. Papangungusap
B. Papaksa
C. Patalata
D. Wala sa nabanggit
5. Anumang gamiting uri ng pagbabalangkas ay makakatulong sa anumang
pagasulat lalo na sa gawaing ito.
A. Pananaliksik
B. Pag-uulat
C. Rebyu
D. Lagom.

12
Page
Paghandaan Mo…

Binabati ka namin dahil natapos mo nang matagumpay ang mga pagsubok


sa modyul. Dahil diyan, gusto naming maging handa ka sa susunod na pagsubok na
iyong kahaharapin.

Iwasto mo…

Iwasto ang sagot mula sa


panimula at pangwakas
na pagtataya na
ginawa sa naunang
bahagi ng modyul na ito.

Panimulang Pagtataya: Halaw Kaalaman: Tuklasin mo


1. A Balangkas 1. decimal
2. C Roman Numeral 2. balangkas
3. C Balangkas ng patalata 3. papaksa
4. A Nagbibigay direksyon 4. patalata
5. C papaksa 5. papangungusap

Pangwakas na Pagtataya:
1. D Hindi gamitin
2. A Papangungusap/papaksa
3. C Bahagdan
4. B Papaksaa
5. A Pananaliksik 13
Page
Rubrik sa Gawain: Isaisip Mo at Tugunan mo

Batayan ng Napakahusay Mahusay Bayagyang Walang


Grado Mahusay Kahusayan
4 3 2 1
Magkaka-ugnay
ang mga ideya
ng bawat bahagi

May kaisahan sa
anyo
May maayos na
pagkakasunod-
sunod
My konsistensi
sa pagkakabuo
Kabuuan

Alam kong nasiyahan ka sa naging


resulta ng iyong modyul. Dahil masaya ka sa
kinalabasan, maaari ka nang dumako sa isa
pang modyul na kasunod nito. Tiyak akong
matutuwa ka at magugustuhan mo
ito.

14
Page

You might also like