You are on page 1of 1

Nagdesisyon ang paaralan na alisin na ang pagtuturo ng kursong Filipino sa kurikulum.

Ang kursong Filipino bilang asignatura sa mataas na paaralan ay nagbibigay-diin sa


komunikatibong paraan sa paggamit ng wika para sa pagkatuto ng mga mag-aaral sa iba't ibang larangan
tulad ng kasaysayan,sining,pulitika,ekonomiya,at iba pa .Ang asignaturang tumutulong sa bawat mag-
aaral na mahasa pang lalo sa pagsasalita ng sariling wika.

Taos puso po naming paki-usap na wag alisin ang pagtuturo ng kursong Filipino sapagkat ito ay
isang asignatura kung saan natuto tayong magbasa ,magsulat,at magsalita gamit ang wikang tagalog . Ang
Filipino ay napakahalagang asignatura sapagkat ito ang humuhubog sa ating pagka-pilipino .Dahil rito
tayo ay bihasa at pamilyar sa ating kultura . Ito ang ating wika. Kung kaya't marami sa mamamayang
pilipino na gustong tanggalin sa kurikulum ang kursong Filipino. Minsan,hindi natin maikakaila na meron
paring mga pilipino na kinakahiya ang sariling atin at mas binibigyang halaga ang wika ng iba. Kung
tuluyang tatanggalin ang Filipino mas lalong mawawalan ng importansya ang ating sariling wika. Kahit
tinuturo pa nga ang Filipino marami paring mga estudyante na hindi bihasa sa asignaturang Filipino.
Kung may naidudulot ang asignaturang Filipino na hindi kaaya-aya mas marami parin itong naidudulot na
maganda. Naniniwala ako na dapat ipagpatuloy ang pagtuturo ng Filipino sa kurikulum. Dagdag rito,bakit
hahayaan na mas maging bihasa tayo sa wika ng iba? Pinapatunayan lamang natin na mababaw tayong
mga pilipino. Kakalimutan ang sariling at mas tinatangkilik ang wika ng iba. Oo,alam kong kilala tayong
mga pilipino sa gaya-gaya ngunit hindi ito rason upang hayaang mawala ng tuluyan ang kabuluhan at
kahalagan ng ating sariling wika. Ipaglaban natin ang sariling atin. Iyan ang tunay na Pilipino! Hindi
pasusupil kanino man. Dahil tayong mga pilipino ay may paninindigan at handang ipaglaban ang sariling
atin. Mula sa ating mga ninuno hanggang sa kasalukuyan at makabagong panahon. Ipaglaban,pagyamanin
at huwag nating hayaan na ang asignaturang Filipino ay tanggalin sa kurikulum. “TATAG NG WIKA ,
LAKAS NG MAMAMAYANG PILIPINO “ – Roxanne J. Templa BSA2 (2014) .

You might also like