You are on page 1of 15

Tungkulin at Responsibilidad

ng Mananaliksik
Ang Mananaliksik sa Larangan ng
Pananaliksik
• Matiyaga sa paghahanap ng mga datos mula sa
iba’t ibang mapagkukunan maging ito’y sa
aklatan, upisina, institusyon, tao, media,
komunidad at maging sa Internet;
• Maparaan sa pagkuha ng datos na hindi
mdaling kunin at nag-iisip ng sariling paraan
para makuha ang mga ito;
• Sistematiko sa paghahanap ng materyales, sa
pagdodokumento dito at sa pag-iiskedyul ng
mga gawain tungo sa pagbubuo ng
pananaliksik.
• Maingat sa pagpili ng mga datos batay sas
katotohanan at sa kredibilidad ng pinagkunan
sa pagsiguro na lahat ng panig ay sinisiyasat;
at sa pagbibigay ng mga konklusyon,
interpretasyon, komento at rekomendasyon.
• Ang katotohanan ay mahirap
pasubalian kung ito’y napatunayan ng
mga ebidensya.
• Ang kredibilidad ng pinagkunan ng
datos ay napapatunayan sa motibo,
awtoridad, at realidad (pagiging totoo)
ng datos.
• Lahat ng panig ay sinisiyasat kung matiyagang
hahanapin ang lahat ng datos ukol sa paksa
kahit na may makitang negatibong epekto sa
ginagawang pananaliksik;
• Ang mga konklusyon, interpretasyon, puna at
rekomendasyon ay hindi mo basta gagawin o
ibibigay kung hindi mo pa nabibistay,
natitimbang, at nasusuri ang mga argumento at
mga batayang datos.
• Analitikal sa mga datos at
interpretasyon ng iba ukol sa paksa
at mga kaugnay na paksa.
•Kritikal sa pagbibigay ng
interpretasyon, konklusyon, at
rekomendasyon sa paksa.
• Matapat sa pagsasabing may nagawa nang pag-aaral
ukol sa paksang pinag-aaralan mo; sa pagkuha ng
mga datos nang walang
itinatago/iniiwasan/ipinagkakaila nang walang
pagkilala at permiso sa kinunan; at sa pagtanggap sa
limitasyon ng pananaliksik.
• Responsable sa paggamit ng mga nakuhang datos, sa
mga tao/institusyong pinakunan mo ng mga ito, at sa
pagsisigurong maayos at mahusay ang mabubuong
pananaliksik mula pormat hanggang sa nilalaman at
sa prosesong pagdadaanan.
ETIKA AT RESPONSIBILIDAD NG
MANANALIKSIK
Sa pananaliksik, mayroon ding mga ganito. Anu-ano ang mga
etikang ito?
• 1. Kilalanin mo ang ginamit mong ideya.
Anumang hindi iyo ay ipaalam mong hindi iyo sa
pamamagitan ng mga tala at bibiliograpiya.
2. Huwag kang kumuha ng datos kung hindi ka
pinapayagan o walang permiso.
3. Iwasan mong gumawa ng mga
personal na obserbasyon, lalo na kung
negatibo ang mga ito o makakasirang-
puri sa taong iniinterbyu.
4. Huwag kang mag-shortcut.
5. Huwag kang mandaya. Isang
“krimen” ang pandaraya sa
pananaliksik.
Plagiarism at ang Responsibilidad ng
Mananaliksik
• Plagiarism ang teknikal na salitang ginagamit sa
wikang Ingles kaugnay ng pangongopya ng gawa ng
ibang nang walang pagkilala.
Narito ang ibang anyo o uri ng plagiarism:
• 1. Tahasang pag-angkin sa gawa ng iba.
• 2. Pagkopya sa ilang bahagi ng akda nang may
kaunting pagbabago sa ayos ng pangungusap at
hindi kinilala ang awtor.
• 3. Pag-aangkin at/o paggaya sa pamagat ng iba.
katanungan

•1. Bilang isang mananaliksik,


ano-ano ang mga hakbang
upang maisagawa ng mabuti
ang isang pananaliksik?
•2. Papaano maibabatid sa
mambabasa na ang inyong
saliksik ay hindi galling sa
iba?
•3. Paano
maiiwasan ang
Plagiarism?
•4. Ano ang dapat isaalang-
alang upang matiyak ang
kredibilidad ng inyong
saliksik?

You might also like