You are on page 1of 3

PAMANAHONG PAPEL

Ang pamanahong papel ay isang uri ng papel-pampananaliksik na karaniwang


ipinagagawa sa mga estudyante sa mataas na paaralan at kolehiyo bilang isa sa mga
pangangailangang akademiko.

A. MGA PAHINANG PRELIMINARI


1. Fly leaf 1- ang pinakaunang pahina ng pamanahong papel.
2. Pamagating Pahina- ang tawag sa pahinang nagpapakilala sa pamagat ng
pamanahong papel.
3. Dahon ng Pagpapatibay- ang tawag sa pahiang kumukumpirma sa pagkakapasa ng
mananaliksik at pagkakatanggap ng guro ng pamanahong papel.
4. Pasasalamat o Pagkilala- dito tinutukoy ng mananaliksik ang mga indibiduwal,
pangkat, tanggapan o institusyong maaaring nakatulong sa pagsulat ng pamanahong
papel at kung gayo’y nararapat pasalamanatan o kilalanin.
5. Talaan ng Nilalaman- dito nakaayos nang pabalangkas ang mga bahagi at nilalaman
ng pamanahong papel at nakatala ang kaukulan bilang ng pahina kung saan
matatagpuan ang bawat isa.
6. Talaan ng mga Talahanayan at Grap- nakatala ang pamagat ng bawat talahanayan
at/o grap na nasa loob ng pamanahong papel at ang bilang ng pahina kung saan
matatagpuan ang bawat isa.
7. Fly Leaf 2- isang blankong pahina bago ang katawan ng pamanahong papel.

B. KABANATA I: ANG SULIRANIN AT KALIGIRAN NITO

1. Panimula o Introduksyon - isang maikling talatang kinapapalooban ng pangkalahatang


pagtalakay sa paksa ng pananaliksik.
2. Layunin ng Pag-aaral - inilalahad ang pangkalahatang layunin o dahilan kung bakit
ginagawa ang pag aaral. Tinutukoy rin and espisipikong suliranin na nasa anyong
patanong.
3. Kahalagahan ng Pag-aaral - inilalahad ang kabuluhan ng pagsasagawa ng
pananaliksik ng paksa ng pag aaral. Ang maaaring maging kapakinabangan o halaga na
maidudulot ng pag aaral sa iba't ibang larangan.
4. Saklaw at Limitasyon - tinutukoy ang simula at hangganan ng pananaliksik.
5. Depinisyon ng mga Terminolohiya - ang mga katawagang makailang ulit na ginamit
sa pananaliksik at ang bawat isa’y binigyan ng kahulugan.
- Ang pagpapakahulugan ay maaaring maging konseptwal (ibinibigay ang
standard na depinisyon ng mga katawagan bilang mga konsepto) o sa paraang
operasyonal (binigyang-kahulugan ang katawagan kung paano ito ginamit sa
pamanahong papel)
C. KABANATA II: MGA KAUGNAY NA PAG-AARAL AT LITERATURA

Sa kabanatang ito, tinutukoy ang mga pag-aaral at mga babasahin o literaturang


kaugnay ng paksa ng pananaliksik. Kailangan ding matukoy ng mananaliksik
kung sino-sino ang mga may-akda ng naunang pag-aaral o literatura, disenyo ng
pananaliksik na ginamit mga layunin at mga resulta ng pag-aaral. Mahalaga ang
kabanatang ito dahil ipinaaalam dito ng mananaliksik ang kasalukuyang estado ng
kaalaman kaugnay ng kanyang paksa.

Hangga't maaari rin, tiyaking ang mga materyal na gagamitin ay nagtataglay ng mga
sumusunod na katangian:
a.) obhetibo o walang-pagkiling,
b.) nauugnay o relevant sa pag-aaral, at
c.) sapat ang dami o hindi napakaunti o napakarami.

D. KABANATA III: DISENYO AT PARAAN NG PANANALIKSIK

1.Disenyo ng Pananaliksik
- Dito nililinaw kung anong uri ng pananaliksik ang kasalukuyang pag-aaral.
- Para sa inyong pamanahong papel, iminumungkahi ang pinasimple
na,deskriptib-analitik na isang disenyo ng pangangalap ng mga datos at impormasyon
hinggil sa mga salik o factors na kaugnay ng paksa ng pananaliksik.
2. Respondente
- Kung ilan sila at paano at bakit sila napili.
3. Instrumento ng Pananaliksik
- Inilalarawan ang paraang ginamit ng mananaliksik sa pangangalap ng mga datos at
impormasyon.
- Iniisa-isa rito ng mga hakbang na kanyang ginawa at kung maaari, kung paano at bakit
niya ginawa ang bawat hakbang.
-
4. Sa Tritment ng mga Datos
- Inilalarawan kung anong istatistikal na paraan ang ginamit upang ang mga numerikal na
datos ay mailarawan.

E. KABANATA IV: PRESENTASYON AT INTERPRETASYON NG MGA DATOS


Sa kabanatang ito inilalahad ang mga datos na nakalap ng mananaliksik sa pamamagitan ng
tekstuwal at tabular o grapik na presentasyon. Sa teksto, inilalahad ng mananaliksik ang
kanyang analisis o pagsusuri.
● Presentasyon
○ Tabular - talahayan
○ Grapikal - bilog na graf, linyang graf, bar graf
● Interpretayon

F. KABANATA V: LAGOM, KONGKLUSYON AT REKOMENDASYON


1. Sa Lagom, binubuod ang mga datos at impormasyong nakalap ng mananaliksik na
komprensibong tinalakay sa KABANATA IV.
Pagsulat ng Lagom
● Maikling layunin ng pag-aaral
● Respondent at Saklaw
● Limitasyon at panahon ng pag-aaral
● Pamamaraan at instrumento

2. Ang Kongklusyon ay mga inference, abstraksyon, implikasyon, interpretasyon,


pangkalahatang pahayag at/o paglalahad batay sa mga datos at impormasyong nakalap
ng mananaliksik.

Pagsulat ng Kongklusyon
● Dapat batay sa lohika ng mga datos at impormasyong nakalap.
● Dapat masagot ng tumpak at maayos ang mga katanungang tinukoy sa Layunin
ng Pag-aaral.

3. Ang Rekomendasyon ay mga mungkahing solusyon para sa mga suliraning natukoy o


natuklasan sa pananaliksik.

Pagsulat ng Rekomendasyon
● Dapat naglalayong lutasin ang mga suliraning natuklasan sa imbestigasyon.
● Bagamat ang mga rekomendasyon ay maaaring maging ideal, kailangan na ito
ay maging praktikal at nakakamit.
● Huwag magrekomenda ng mga solusyon a anumang suliraning hindi naman
natuklasan o natalakay sa pag-aaral.

G. MGA PANGHULING PAHINA


1. Ang Listahan ng Sanggunian ay isang kumpletong tala ng lahat ng mga hanguan o
sorses na ginamit ng mananaliksik sa pagsulat ng pamanahong papel.
2. Ang Apendiks ay tinatawag ding Dahong-Dagdag. Nakapaloob dito ang mga liham,
pormularyo ng ebalwasyon, transkripsyon ng interbyu, sampol ng arbey kwestyuneyr,
bio-data ng mananaliksik, mga larawan, kipling, etc.

You might also like