You are on page 1of 7

Mga Hakbang sa Pananaliksik

1. Unang Hakbang
• Pumili at maglimita ng paksa
• Ang paksa ay dapat na alam mo, nakawiwili, mapagkukunan ng datos, may sanggunian, may
kabuluhan at magagawan ng kongklusyon.

2. Ikalawang Hakbang
• Magsagawa ng pansamantalang balangkas.
I. Ilahad sa isang pangungusap ang nais pag-aralan sa paksa.
II. Ilahad ang layunin.
III. Itala o ilista ang mga tanong.
IV. Pangatwiranan ang kahalagahan ng paksa.

3. Ikatlong Hakbang
• Magtala ng sanggunian
• Huwag takdaan ang bilang ng maksimum na bilang ng sanggunian ngunit gawin itong
minimum sa pitong sanggunian.

4. Ikaapat na Hakbang
• Mangalap ng datos
• Importante ang dating kaalaman sa mga nabasa na. Ideya lamang ng nabasa ay sapat na.
• Makatutulong ang paggamit ng index card sa pagtatala ng mga sanggunian

5. Ikalimang Hakbang
• Bumuo ng konseptong papel
• Ginagawa kapag sigurado ka na sa paksang sasaliksikin.
• Kasama rito ang balangkas/framework ng daloy ng laman ng pananaliksik na magbibigay-
linaw sa isusulat.

6. Ikaanim na Hakbang
• Gumawa ng dokumentasyon
• Sinupin ang mga datos, gumamit ng parentetikal na paglalahad ng sanggunian at
obserbahan ang paggamit ng wastong pagbabantas.

7. Ikapitong Hakbang
• Isulat ang pinal na kopya ng pananaliksik.

A N G PA M A N A H O N G PA P E L

Ang pamanahong papel ay isang uri ng papel-pampananaliksik na karaniwang ipinapagawa


sa mga estudyante sa kolehiyo bilang isa sa mga pangangailangan sa isang larangang akademiko. Ito
ay kadalasang kulminasyon ng mga pasulat na gawain kaugnay sa isang paksa. Tinatawag din itong
term paper.
BAHAGI NG PAMANAHONG PAPEL

MGA PAHINANG PRELIMINARI O FRONT MATTERS


a) Fly Leaf 1– ang pinakaunang pahina ng pamanahong papel. Walang nakasulat sa pahinang
ito sa madaling salita blangkong papel ito.

b) Pamagating Pahina– ito ay nagpapakilala sa pamagat ng pamanahong papel. Nakasaad din


dito kung kanino iniharap o ipinasa ang papel, kung saang asignatura ito pangangailangan, kung
sino ang gumawa at komplesyon. Nagmukhang inverted pyramid ang pagkakaayos nito.

c) Dahong Pagpapatibay- ang tawag sa pahinang kumukumpira sapagkakapsa ng mananaliksik


at pagkakatanggap ng guro ng pamanahong- papel.

d) Pasasalamat o Pagkilala– tinutukoy nito ang sinumang nakatulong ng mananaliksik sa


pagsasagawa ng pananaliksik gayo’y nararapat na pasalamatan.

e) Talaan ng Nilalaman– nakaayos ang pagbabalangkas ng mga bahagi at nilalaman ng


pamanahong papel at nakatala ang kaukulang bilang ng pahina kung saan matatagpuan ang
bawat isa.

f) Talaan ng mga Talahanayan o Graf– nakatala ang pamagat ng bawat talahanayan o graf na
nasa loob ng pamanahong papel at ang bilang ng pahina kung saan matatagpuan ang bawat isa.

g) Fly Loaf 2– isang blankong papel o pahina bago ang katwan ng pamanahong papel.

KABANATA I: ANG SULIRANIN AT KALIGIRAN NITO

a) Ang Panimula o Introduksyon


• ay isang maikling talataang kinapapalooban ng pangkalahatang pagtatalakay ng paksa ng
pananaliksik.

b) Layunin ng Pag-aaral
• inilalahad ang pangkalahatang layunin o dahilan kung bakit isinasagawa ang pag-aaral.
• tinutukoy din dito ang mga ispesifik na suliranin na nasa anyong patanong.

c) Kahalagahan ng Pag-aaral
• inilalahad dito ang sigifikans ng pagsasagawang pananaliksik ng paksa ng pag-aaral.
Inilalahad dito kung sino ng makikinabang.

d) Saklaw at Limitasyon
• tinutukoy ang simula at hangganan ng pananaliksik.
e) Depinisyon ng mga Terminolohiya
• ang mga katawagang makailang ginamit sa pananaliksik at ang bawat isa’y binigyan ng
kahulugan. Maaari itong:
 Operational na Kahulugan– kung paano ginamit sa pananaliksik
 Conceptual na Kahulugan– istandard na kahulugan. Makikita sa
diksyunaryo.

KABANATA II: MGA KAUGNAY NA PAG-AARAL AT LITERATURA

• Tinutukoy ang mga pag-aaral at mga babasahin o literaturang kaugnay ng paksa ng


pananaliksik.
• Tukuyin ang bago o nailimbag sa loob ng huling sampung taon.
• Gumamit ng pag-aaral at literaturang lokal at dayuhan.

KABANATA III: DISENYO AT PARAAN NG PANANALIKSIK

a) Disenyo ng Pananaliksik
nililinaw kung anong uri ng pananaliksik ang kasalukuyang pag-aaral. Para sa inyong
pamanahong papel, iminumungkahi ang pinasimple na deskriptiv- analitik na isang disenyo
ng pangangalap ng mga datos at impormasyon hinggil sa mga salik o factors kaugnay ng
paksa ng pananaliksik.
b) Respondente
tinutukoy kung ilan sila at paano at bakit sila napili.
c) Instrumentong Pananaliksik
inilalarawan ang paraanng ginagamit ng pananaliksik sa pangangalap ng mga datos
at impormasyon. Iniisa- isa rin ang mga hakbang na kanyang ginawa at kung maaari, kung
paano at bakit nya ginawa ang bawat hakbang.
d) Tritment ng mga Datos
inilalarawan kung ano ang istatiskal na paraan ang ginamit upang ang mga numerikal
na datos ay mailalarawan. Dahil ito’y isang pamanahong- papel lamang, hindi kailangang
gumamit ng kompleks na istatistikal na tritment. Sapt na ang pagkuha ng porsyento o
bahagdan matapos mai- tally ang mga kasagutan sa kwestyoneyr ng mga respondente.

KABANATA IV: PRESENTASYON AT INTERPRETASYON NG MGA DATOS

Sa kabanatang ito, inilalahad ang mga datos na nakalap ng mga mananaliksik sa


pamamagitan ng tekstwal at tabular o grafik sa presentasyon. Sa teksto, inilalahad ng mananaliksik
ang kanyang mga analisis o pagsusuri.

KABANATA V: LAGOM, KONKLUSYON AT REKOMENDASYON

a) Lagom– dito binubuod ang mga datos at impormasyong nakalap ng mananaliksik sa


komprehensibong tinatalakay sa kabanata III.

b) Konklusyon– ito ay mga inferenses, abstraksyon, implikasyon, interpretasyon, pangkalahatang


pahayag, at/o paglalahad batay sa mga datos at impormasyong nakalap ng mananaliksik.
c) Rekomendasyon– Ito ang mga mungkahing solusyon para sa mga suliraning natukoy o natuklasan
sa pananaliksik.

MGA PANGHULING PAHINA

Ang Listahan ng Sanggunian ay isang kumpletong tala ng lahat ng mga hanguan o sorses na ginamit
ng mananaliksik sa pagsulat ng pamanahong papel.

Ang Apendiks ay tinatawag ding Dahong-Dagdag, Maaaring ilagay o ipaloob dito ang mga liham,
formularyo ng evalwasyon, transkripsyon ng intervyu, sampol ng sarvey- kwestyoneyr, bio- data ng
mananaliksik, mga larawan, kliping at kung anu-ano pa.

PAMANAHONG PAPEL PART 2

Pamanahong Papel

Ito ay isang uri ng papel-pampananaliksik na karaniwang ipinagagawa sa mga estudyante sa kolehiyo


bilang isa sa mga pangangailangan sa isang larangang akademiko.

Ito ay nagsisilbing kulminasyon ng mga pasulat na gawain kaugnay ng pag-aaral ng isang paksa sa
isang kurso o asignatura sa loob ng isang panahon o term.

Ang sulating pananaliksik ay isang paglalahad ng kinalabasan ng isang pagtuklas at pagtatalakay ng


mga bagay-bagay hango sa mga nakalap na impormasyon mula sa mga inilathala ng mga taong
nagsaliksik at nag-aral tungkol sa iba't ibang paksa.

HAKBANGIN NA DAPAT SUNDIN SA PAGSULAT NG SULATING PANANALIKSIK

1. Unang Hakbang: Pumili ng isang magandang paksa.


2. Ikalawang Hakbang: Suriin ang iyong paksa, siguraduhing hindi ito magiging malawak o
masaklaw.
3. Ikatlong Hakbang: Mangalap ng mga sapat na sanggunian na pagbabasehan ng paksang
napili.
4. Ikaapat Hakbang: Gumawa ng balangkas ng paksang tatalakayin.
5. Ikalimang Hakbang: Ihanda na ang mga sangguniang magiging kapakipakinabang sa pagsulat
ng sulatin.
6. Ikaanim Hakbang: Gumawa ng talaan ng iba't ibang sanggunian tulad ng mga sumusunod:
a) aklat
b) artikulo
c) magasin
d) peryodiko
7. Ikapitong Hakbang:Mangalap na ng mga tala. Isulat ito ng organisado, malinaw, at may
kaisahan.
8. Ikawalong Hakbang: Suriing mabuti ang mga naitala at saka ito rebisahin.
9. Ikasiyam na Hakbang: Ihanda na ang talasanggunian.
BAHAGI NG PAMANAHONG PAPEL

1. Mga Pahinang Preliminari O Front Matters


2. Kabanata I: Ang Suliranin At Kaligiran Nito
3. Kabanata II: Mga Kaugnay Na Pag-aaral At Literatura
4. Kabanata III: Disenyo At Paraan Ng Pananaliksik
5. Kabanata V: Lagom, Kongklusyon At Rekomendasyon
6. Mga Panghuling Pahina

MGA PAHINANG PRELIMINARI O FRONT MATTERS

1. FLY LEAF 1
Ito ang pinakaunang pahina ng pamanahong papel. Walang nakasulat na kahit na
ano sa pahinang ito.
2. PAMAGITANG PAHINA
Ito ang pahinang nagpapakilala sa pamagat ng pamanahong-papel.
3. DAHON NG PAGPAPATIBAY
Ito ang pahinang kumukumpirma sa pagkakapasa ng mananaliksik at
pagkakatanggap ng guro ng pamanahong papel.
4. PASASALAMAT O PAGPAPAKILALA
Sa pahinang ito tinutukoy ng mananaliksik ang mga indibidwal, pangkat, tanggapan o
institusyong maaaring nakatulong sa pagsulat ng pamanahong-papel at kung gayo’y
nararapat pasalamatn o kilalanin.
5. TALAAN NG NILALAMAN
Dito nakaayos ang pagbabalangkas ng mga bahagi at nilalaman ng pamanahong-
papel at nakatala ang kaukulang bilang ng pahina kung saan matatagpuan ang bawat isa.
6. TALAAN NG TALAHANAYAN AT GRAP
Dito nakatala ang bawat pamagat ng bawat talahanayan ato grap na nasa loob ng
pamanahong papel at ang bilang ng pahina kung saan matatagpuan ang bawat isa.
7. FLY LEAF 2
Ito ay isa na namang blangkong pahina bago ang katawan ng pamanahong papel.

KABANATA 1: ANG SULIRANIN AT KALIGIRAN NITO

1. LAYUNIN PANIMULA O INTRODUKSYON


Ito ay isang maikling talataang kinapapalooban ng pangkalahatang pagtalakay ng
paksa ng panananaliksik.
2. LAYUNIN SA PAG-AARAL
Dito nilalahad ang layunin o dahilan kung bakit isinasagawa ang pananaliksik ng
paksa ng pag-aaral. Tinutukoy rin dito ang mga ispesipik na suliranin na nasa anyong
patanong.
3. KAHALAGAHAN NG PAG-AARAL
Dito inilalahad ang signipikans ng pagsasagawa ng pananaliksik ng paksa ng pag-
aaral.
4. SAKLAWAT LIMITASYON
Tinutukoy dito ang simula at hangganan ng pananaliksik.
5. DEPINISYON AT TERMINOLOHIY
Dito itinatala ang mga katawagang makailang ginamit sa pananaliksik at ang bawat
isa’y binibigyang kahulugan.

KABANATA 2: MGA KAUGNAY NA PAG-AARAL AT LITERATURA

• Tinutukoy dito ang kaugnay na literatura o babasahing may kaugnayan sa pananaliksik.


• Dito tinutukoy kung sinu-sino ang mga may-akda ng naunang pag-aaral o literatura,disenyo
ng pananaliksik na ginamit, mga layunin at mga resulta ng pag-aaral.
• Dito ipinaalam ng mananaliksik ang kasalukuyang estado ng kaalaman kaugnay ng kanyang
paksa.
• Bago at nailimbag sa loob ng huling sampung taon.
• Piliting gumamit ng lokal at dayuhan Katangian: obhektibo o walang pagkiling; nauugnay o
relevant sa pag-aaral; at sapat ang dami o hindi napakakaunti o napakarami.

KABANATA 3: DISENYO AT PARAAN NG PANANALIKSIK

1. DISENYO NG PANANALIKSIK
Nililinaw kung anong uri ng pananaliksik ang kasalukuyang pag-aaral. Halimbawa
Deskriptib-analitik – isang disenyo ng pangangalap ng mga datos at impormasyon hinggil sa
mga salik o factors na kaugnay ng paksa ng pananaliksik.
2. RESPONDENTE NG SARVEY
Kung ilan sila at paano at bakit sila ang napili.
3. INSTRUMENTO NG PANANALIKSIK

Inilalarawan ang paraang ginamit ng pananaliksik sa pangangalap ng mga datos at


informasyon. Sa bahaging ito, maaaring mabanggit ang intervyu o pakikipanayam, pagko-
conduct ng sarvey at pagpapasagot ng sarvey-kwestyoneyr sa mga respondente bilang
pinakakaraniwan at pinakamadaling paraang aplikable sa isang deskriptiv-analitik na
disenyo.

4. TRITMENT NG MGA DATOS

Inilalarawan kung anong istatistikal na paraan ang ginamit upang ang mga numerical
na datos ay mailarawan. Sa pamanahong-papel, sapat na ang pagkuha ng porsyento o
bahagdan matapos mai-tally ang mga kasagutan sa kwestyuneyr ng mga respondente.

KABANATA 4: LAGOM, KONGKLUSYON AT REKOMENDASYON

1. LAGOM- binubuod ang mga datos at impormasyong nakalap ng mananaliksik na


komprehensibong tinatalakay sa Kabanata III.
2. KONGKLUSYON- mga inferences, abstraksyon, implikasyon, interpretasyon at
impormasyong nakalap ng mananaliksik.
3. REKOMENDASYON- mga mungkahing solusyon para sa mga suliraning natukoy o natuklasan
sa pananaliksik.

MGA PANGHULING PAHINA

LISTAHAN NG SANGGUNIAN isang kumpletong tala ng lahat ng mga hanguan o sorses na ginamit ng
mananaliksik sa pagsulat ng pamanahong-papel.

APENDIKS / DAHONG-DAGDAG maaaring ilagay o ipaloob dito ang liham, pormularyo ng


ebalwasyon, transkripsyon ng interbyu,sampol ng sarbey-kwesyoneyr, bio-data, ng mananaliksik,
mga larawan, kliping at kung anu-ano pa.

You might also like