You are on page 1of 54

Panuto: Isaayos ang sipi batay sa nakitang mga

pagkakamali at muling isulat sa isang papel.

Ang Maging Guro


Dakila ang maging guro. Hindi lamang ito simple
propisyon kundi isang bukasyon. Kinkailangang ang
matibay na damdamin at malalim na pagtupad sa
pangakong laging uunahin ang kapakanan at
pagkarunong ng mga mag-aaral kaysa sarili.
Naging pangalawang magulang ng sinu mang mag-aaral
ang mga guro. Kahit na umuuwi na sariling pamilya ang
isang guro, madalas trabaho rin sa paaralan ang inuuwi.
Nasa kamay ng mga guro, hindi lamang ang pagkatuto ng
mga mag-aaral sa aspetong akademiko, kung di ang
pagiging Mabuti nilang tao. Uunlad ang isang lipunan mula
sa ambag ng mahusay na abogado, duktor, inhenyero, nars,
sundalo, arkitektu, accountant, negosyanti, at ib pa, ngunit
lahat sila ay dadaan sa pagtuturo at pagkalinga ng isang
guro.
KAKAYAHANG LINGGUWISTIKO
• Tinatawag na kakayahang lingguwistiko ang abilidad ng
isang tagapagsalitang wika na gumagamit ng angkop na
salita at ayusin ang mga pagkakasunod-sunod nito sa isang
pangungusap upang makabuo ng epektibong pahayag.
• Ang kakayahang lingguwistiko ay tumutukoy sa natural o
likas na kakayahan ng isang tagapagsalita na malalimang
gamitin at unawain ang isang wika (Chomsky, 1965).
• Ang Lingguwistikong Pagtatanghal (linguistic
performace) na isang pasulat o pasalitang paglalapat ng
lingguwistikong kakayahan; bagaman, hindi
nangangahulugan ng kawalan ng kakayahang
lingguwistiko ang kawalan ng kasalanayan sa
pagsasalita sa publiko o husay sa pagsusulat. Inaasahang
may ganitong uri ng kakayahan ang lahat na
tagapagsalita ng isang tiyak na wika.
• Ang lingguwistika ay isang sistematikong kaalaman sa
pag-aaral ng wika.
PONOLOHIYA (Palatunugan)
• Makaagham na pag-aaral ng ponema.
• Tawag sapag-aaral ng tunog ng wika ayon sa
pasalitang anyo nito.
• Ipinauunawa nito kung paanong nililikha ang tunog sa
pamamagitan ng bibig,ilong,ngipin, at dila, gayundin ng
pag-unawa kung paanong naririnig ng tainga ang bawat
tunog at ang kakayahan nitong pag-iba-ibahin ang mga
ito.
• Ginagamit ang ponetika upang makita ang
pagkakaayos ng mga tunog at mga simbolo nito.
• Nag-iiba ang kahulugan ng salita kapag may
pagbabago sa pagkakaayos ng tunog ng ponema.
• Nakapaloon din sa ponolihiya ang pag-aaral ng
mga pantig, ritmo, tono at intonasyon ng wika.
Ponemang Patinig
MORPOLOHIYA (Palabuuan)
• Ang pag-aaral kung paano binubuo ang mga salita.
• Ang morpolohiya ay tumutukoy sa pag-aaral ng mga salita at kung
paano itong nabubuo mula sa mga makabuluhang yunit na
tinatawag na morpema.
• Halimbawa, ang salitang “umalis” ay binubuo ng dalwang bahagi.
Ang alis ay salitang ugat habang ang “um” naman ay panlaping
ikinakabit sa salitang-ugat upang ipakita ang kilos na naisagawa na.
• Morpolohiya ang nag-uugnay sa ponolohiya at sintaks sapagkat
ito ang nagsasama-sama sa mga tunog na maaring magpaiba sa
kahulugan ng salita.
SINTAKS (Palaugnayan)
• Pag-aaral ng istruktura ng mga pangungusap.
• Ang sintaks naman ang pag-aaral kung paanong binubuo
ang mga parirala, sugnay, at pangungusap sa isang
particular na wika.
• Itinituro ng gramatika ang mga patakaran sa pagbuo ng
pangungusap sa isang wika.
• Ang mga patakarang ito ay kinapapalooban ng tamang
pagkakaayos ng mga salita at ang tamang pagkakabuo ng
salita ayon sa kanilang posisyon sa pangungusap
Parirala VS Pangungusap
• Ito ay lipon o lipon ng • Ito ay lipon ng mga
mga salita na; salita na;
1. Hindi nagsisimula sa 1. Nagsisimula sa malaking
malaking tititk titik
2. Walang bantas 2. May bantas
3. Hindi kumpleto ang diwa 3. Buo ang diwa
Halimbawa:
Parirala Pangungusap
1. ang bata 1. Ang bata ay masigasig na pumapasok sa
paaralan para sakanyang pangarap na
maging doktor.

2. nagluto ang lahat 2. Noong naganap na Nutrition Day nagluto


ang lahat ng masusutansyang pagkain.

3. magandang umaga 3. Magandang umaga ang bumungad na


bati ng aming butihing guro.

4. nagtanim ng puno 4. Nagtanim ng puno ang mga mag-aaral ng


AVM bago sila tuluyang magtapos sa
kolehiyo.
A. Panuto:Tukuyin ang mga lipon ng salita sa ibaba
kung ito ay PR (parirala) o PN (pangungusap).

1. naging bahagi ng buhay 1. Naglalaba ang


2. Maganda ang bayan ko. magkapatid.
3. nagbabalik sa sariling 2. si beybi ay
bansa 3. Ang tatay ay nagsisibak
4. bumalik siya sa pilipinas ng kahoy.
5. ako ay 4. Nagsasagot ang lahat.
5. kumakanta
B. Panuto:Dagdagan ang sumusunod na mga parirala
upang mabuo ang diwa ng mga pangungusap.

1.Ang mga Pilipino


2.ang awit
3.Ang Pilipinas
4.Sa bahay
5.Kanina ay
Bumubuo ng anim na grupo na may tig-
limang miyembro at mamili ng isa sa
sumusunod na sitwasyong gagawan ng
maikling skit.
•Sa tingin ninyo ay kulang ang panahong
ibinibigay ng inyong guro sa paggawa ng
inyong pinal na proyekto. Kakausapin
ninyo siya upang humiling ng ekstensyon
sa deadline. Sa tingin ninyo, paano
tatakbo ang magiging usapan?
• Sa paggawa ng proyektong pangguro sa klase,
isang kagrupo ninyo ang hindi dumalo sa mga
pulong at hindi gaanong tumulong sa paggawa
ng proyekto. Sa peer evaluation, kailangan
ninyong sabihin sa kanya na mababa ang ibibigay
ninyong grado dahil hindi sapat upang hindi
sumama ang loob niya sa mababang gradong
makukuha?
• Hindi kayo sang-ayon sa pagbabago ng uniform na
ipinatutupad sa inyong paaralan dahil bukod sa
dagdag-gastos ito para sa inyong mga magulang, hindi
rin komportable ang disensyo ng bagong uniform.
Napag-alaman ninyong mayora ng mga mag-aaral ay
may kaparehong sentimyento. Sa pamamagitan ng
isang diyalogo, paano ninyo ipaparating sa principal ng
paaralan ang hinaing ng mga mag-aaral?
Mga Gabay na katanungan;
1.Ano ang mapapansing pagkakaiba-iba
ng paggamit ng wika sa bawat
sitwasyon?
2.Bakit iba’t iba ang gamit ng wika sa
bawat sitwasyon? Ipaliwanag.
Kakayahang
Sosyolingguwistiko
•Tumutukoy ang sosyolingguwistikong
kakayahan sa kapasidad ng isang taong
nakapaloob sa komunikatibong proseso
na alamin at unawain kung paanong
gagamitin ang wika sa tiyak na
pagkakataon at iba’t ibang kontekstong
panlipunan.
• Pangunahing layunin ng isang taong gumagamit ng
kakayahang sosyolingguwistiko sa isang komunikatibong
proseso ang makagamit at makaunawa ng wika sa iba’t ibang
komunikatibong sosyolingguwistikong konteksto, nang may
pagsaalang-alang sa istatus ng mga kalahok sa
komunikasyon,proseso ng interaksyon at sa mga
nakagawiang kaugalian at kumbensyon sa interaksyon
(Freeman at Freeman,2004).
• Nakapaloob din sa kakayahang ito ang tamang pagpapahayag
ng emosyonat angkop na ugali sa pakikipag-usap, pag-unawa
sa antas ng pormalidad ng wika at pagkilala sa mga
idyomatikong ekspresyon.
Upang makamit ang kakayahang ito, may mga bagay at
kaugnaya na tanong ang kailangang isaalang-alang ng isang
gumagamit ng wika.
1. Tagpuan- Saan magaganap ang komunikatibong proseso? Sa bahay ba,
paaralan, opisina, o kalsada? Sa anong tiyak na pangyayari o uri ng
eksena nakapaloob ang komunikasyon?
2. Paksa- Tungkol saan ang pag-uusapan? Seryoso ba ito o hindi?
Sensitibo ba ang paksa at mangangailangan ng maingat na pagpili ng
mga salita.
3. Ugnayan- Ano ang ugnayan ng nag-uusap? Personal bang kakilala ang
kausap o kaya’y isang taong mas mataas ang posisyon sa paaralan o
trabaho? Paanong ipapahayag ang paggalang, awtoridad,
pakikipagkaibigan o relasyon nang naaayon sa ugnayan sa kausap?
4. Layunin- Ano ang layunin o inaasahang magiging
bunga ng pakikipag-usap? Nais bang makipagkaibigan,
humingi ng pabor, paumanhin o kaya ay pahintulot?
Ano ang angkop na saloobin sa pakikipag-usap upang
makamit ang layon ng komunikasyon?
• Kailangan ding isaalang-alang na kapag ang isang tao ay
nagsasalita na ng ibang wika lagpas sa kanyang unang
wika, maaaring mag-iba ang mga salik na nabanggit sa
ibang sitwasyon.
• Mahalaga ang sociolinguistic relativity para sa mga taong
nag-aaral ng ikalawang wika. Ibigsabihin, kailangang
maunawaan na ang bawat lipunan ay may iba’t ibang
kultura kung kaya’t may iba’t ibang kalipunan ng
kumbensyon, patakaran, paniniwala, kaugalian, at
pamamaraan sa komunikasyon (Wolfson,1989).
Ano ba ang kaugnayan ng
wika sa kultura?
• Ang wika ay nalilinang dahil sa kultura, ang
kultura ay nalilinang dahil sa wika at ang
wika ay ang kultura mismo. Maari natin
itong ituring bilang batayang gabay sa
matibay na kaugnayan ng wika at kultura, at
bilang mabisang kasangkapan sa
pagtataguyod ng pagkakakilanlan nating
mga Pilipino.
•Ayon kay Walt Whitman, ang wika ay hindi
abstraktong nilikha ng mga nakapag-aral o
ng bumubuo ng disyunaryo, kundi ito ay
isang bagay na na nilikha mula sa mga
gawa, pangangailangan, kaligayahan,
panlasa ng mahabang talaan ng henerasyon
ng lahi at nagtataglay ito ng malawak na
batayang kasama (Peña et. Al. 2012)
Wastong Gamit ng mga Salita
Nang at Ng

1.Ang nang ay ginagamit sa sumusunod na pagkakataon:


A. ginagamit na pangatnig (conjuction) sa hugnayang
pangungusap at sa gayun ay siyang panimula ng sugnay na di
makapag-iisa. Ito’y katumbas ng salitang when sa Ingles.
        Nang ako’y dumating sa bahay, tulog na ang mga bata.
          Ako ay nasa paaralan na nang maalaala kong naiwan ko

pala ang aking cellphone.


     Mag-aral kang mabuti nang makapasa ka sa eksam.
     
B. na nagbubuhat sa na na naangkupan ng ng ay
ginagamit din bilang pang-abay (adverb) na
pamanahon na katumbas ng salitang already sa Ingles.
Marami nang tao sa bulwagan.
Iilan nang panauhin ang naiwan.

C. ginagamit bilang pang-ugnay sa pandiwa


(verb) at sa pang-abay (adverb) na pamaraan
Binigkas ni Juana nang buong husay ang kanyang talumpati
Magsalita ka nang malakas at malinaw at nang ikaw ay
maunawaan nila.
D. ginagamit na pang-ugnay sa mga salitang inuulit sa loob ng
pangungusap
Huwag kang takbo nang takbo.
Kahit na madilim ay gawa pa rin nang gawa ang masipag na iskolar.

E. kasingkahulugan din ng upang at panumbas sa so that o in


order to sa wikang Ingles.
Makisama tayong mabuti sa ating kapwa nang tayo ay lumigaya.
Iwasan mo ang barkada at mag-aral kang mabuti nang ikaw ay
makapasa sa taong ito
2. Ginagamit ang ng sa sumusunod na pagkakataon:
A. bilang pantukoy(article/determiner) na palayon na kasama ng
tuwirang layon ng pandiwa.
Ang guro ay nagtuturo ng Filipino.
Ang magsasaka ay nagbubungkal ng lupa.

B. bilang pantukoy (article/determiner) na palayon na kasama ng


tagaganap ng pandiwang balintiyak. Katumbas ng by sa Ingles.
Ang silid-aralan ay nalilinis ng mga iskolar.
Tinanggap ng dalaga ang handog ng binata.
C. bilang pantukoy na maaaring kasama ng salitang
siyang nag-aari sa bagay na binabanggit sa
pangungusap.
Ang kantina ng Phil. Sci. ay malaki at malinis.
Ang aklat ng mga iskolar ay palagi nilang binabasa.

D. bilang pang-ukol (preposition) na katumbas ng with


sa Ingles
 Ako ay sinalubong niya ng ngiting magiliw.
 Hinampas ni Gari ng malaking kahoy ang palaka.
May at Mayroon
1.       Ginagamit ang may sa sumusunod na pagkakataon:
a.       kapag ang sumusunod  na salita ay pangngalan, pang-uri,
pang-abay at pandiwa.
·         May panauhin sa kanilang tanggapan. (Pangngalan)
·         May virus ang nahiram niyang flashdrive. (Pangngalan)
·         May magandang dalaga sa silid. (Pang-uri)
·         May bagong selpon si Aldrin. (Pang-uri)
·         Tila may kumakatok sa pinto. (Pandiwa)
·         May pupuntahan ka ba mamaya? (Pandiwa)
·         Sa silid ay may dahan-dahang pumasok. (Pang-abay)
b.kapag ang sumusunod ay isang panghalip na
panao sa kaukulang paari.
 May kanya-kanya silang gawain kaya madali nila itong
natapos.
 May kanilang sariling bahay ang mga aso.
 Masayang ipinagdiriwang ang pista roon sa may amin.
c.kapag sinundan ng pantukoy na mga at pang-
ukol na sa:
 May mga iskolar na naliligo sa ilog kaninang umaga.
 Tila may mga tungkulin ang mga classroom officers na
kanilang nakalilimutan.
 Tila may sa ahas ang babaing iyan.
2. Ginagamit ang mayroon sa sumusunod na pagkakataon:
a. Kapag sinusundan ng mga katagang tulad ng daw, din, pa,
yata, ba, baga at iba pa.
 Mayroon daw kilusan ngayon laban sa mga basura.
 Ang mga magbubukid ay mayroon ding magandang
kinabukasan.
 Mayroon pa bang natirang ulam?
b. Kapag ang sumusunod dito ay isang panghalip na panao sa
kaukulang palagyo.
 Mayroon kaming palatuntunan para sa Buwan ng Wika.
 Hindi pa kayo dapat na umalis dahil mayroon pa tayong pag-
uusapan.
c. ginagamit bilang panagot sa tanong.
Tanong: May pera pa ba tayo?
Sagot: Mayroon.     
Tanong: May kaibigan na ba si Evram?
Sagot: Mayroon.

d. Kapag ito’y nagsasaad ng patalinghagang


kahulugan ng salitang mayaman o may kaya sa
buhay.
Ang mga Zobel de Ayala ay tunay na mayroon.
 Lumapit ka sa mga mayroon upang makahingi ka ng
tulong sa kanila.
Daw-Raw, Din-Rin, Doon-Roon, Dito-Rito
1.Ginagamit ang daw, din, doon at dito kapag ang
nauunang salita rito ay nagtatapos sa katinig.

 Tumawag daw siya sa akin sa telepono kanina.


 Umawit din si Rodolfo kasami ni Cheena.
 Inabutan doon ni Jake si Jenny.
 Sinigawan dito ni Anna si Julius.
2. Ginagamit ang raw, rin, roon at rito kapag ang
nauunang salita rito ay nagtatapos sa patinig at
malapatinig

 Payapa raw ang kalagayan ngayon sa Timog.


 Maghihintay pa rin ako sa iyo kahit abutin man ng gabi.
 Puntahan mo roon si Maria Divina Gracia.
 Ikasasaya ko kung ikaw ay pupunta rito mamaya.
Kung at Kong
1.       Ang kung ay ginagamit na pangatnig sa mga sugnay
na di-makapag-iisa sa mga pangungusap na hugnayan.
Katumbas ng if sa Ingles.
 Kung narito ka sana ay higit kaming masaya.
 Sumama ka sa kanila kung ibig mo.

2. Ang kong naman ay buhat sa panghalip na panao ng ko


na nilagyan ng pang-angkop na ng.
 Ibig kong makatulong sa mga mahihirap.
 Pangarap kong maging mabuting mamamayan.
Subukin at Subukan

1. Ang subukin ay nangangahulugan ng pagsusuri o


pagsisiyasat sa uri, lakas o kakayahan ng isang tao o
bagay.
 Subukin mong gamitin ang sabong ito at baka hiyang
sa iyo.
 Subukin mong kumain ng gulay at prutas upang
sumigla ka.
 Susubukin ng mga tagalalawigan ang galing ng mga
tagalunsod.
2. Ang subukan ay nangangahulugan ng pagtingin
upang malaman ang ginawa ng isang tao o mga tao.

 Subukan mo siya upang malaman mo ang kanyang


sekreto.
 Ani Erap noon, “Wag n’yo akong subukan!”
 Subukan mo ang iyong kasintahan hanggang sa
makarating siya sa kanyang paroroonan.
Pahirin at Pahiran

1. Ang pahirin ay nangangahulugan ng pag-alis o


pagpawi ng isang bagay.

 Pahirin mo ang iyong pawis sa noo.


 Pahirin mo ang iyong uling sa mukha.
 Pinahid ni Ace ang dugong umagos mula sa kanyang
labi.
2. Ang pahiran ay nangangahulugan ng paglalagay ng
isang bagay.

 Pahiran mo ng Vicks ang likod ng bata.


 Pahiran mo ng biton ang sapatos mo upang magmukha
iyong bago.
 Masarap na almusal ang pandesal na pinahiran ng
mantekilya.
Punasin at Punasan

1. Ang punasin ay ginagamit kapag binabanggit ang bagay na


tinatanggal.
 Punasin mo ang alikabok sa mesa.
 Punasin mo ang uling sa iyong pisngi.

2. Ang punasan ay ginagamit kapag ang binabanggit ay ang


bagay na pinagtatanggalan ng kung ano man.
 Punasan mo ang mesa.
 Punasan mo ang iyong noo.
Operahin at Operahan
1. Tinutukoy ng operahin ang tiyak na bahaging tinitistis.
 Ooperahin bukas ang mga mata ni Geelyn.
 Kailan nakatakdang operahin ang bukol sa iyong dibdib?
 Dok, operahin na po ninyo ang kumikirot kong tiyan.

2. Tinutukoy ng operahan ang tao at hindi ang bahagi ng


kanyang katawan.
 Ooperahan na ng doctor ang naghihirap na bulag.
 Inoperahan na si Emil kahapon.
 Kasalukuyang inooperahan si Woody sa Ospital ng
Makati.
Pinto at Pintuan

1. Ang pinto (door) ay bahagi ng daanan na isinasara at


ibinubukas. Ginagawa ito upang ilagay sa pintuan.

·Isinara niya ang pinto upang hindi makapasok ang lamok.

2. Ang pintuan (doorway) ay ang kinalalagyan ng pinto. Ito


rin ang bahaging daraanan kapag bumukas na ang pinto.

·Nakaharang sa pintuan ang paso ng halaman kung


kaya’t hindi niya maisara ang pinto.
Hagdan at Hagdanan

1. Ang hagdan (stairs) ay mga baytang at inaakyatan at


binababaan sa bahay/gusali.

·Mabilis niyang inakyat ang hagdan upang marating ang


klinika.

2. Ang hagdanan (stairway) ay bahagi ng bahay na


kinalalagyan ng hagdan.

·Matitibay ang hagdanan ng kanilang bahay kaya hindi


gumuho ang hagdan niyon matapos ang lindol.
Iwan at Iwanan

1. Ang iwan (to leave something) ay nangangahulugang


huwag isama/dalhin.
·Iwan mo na ang anak mo sa bahay nyo.
·Iwan na lang niya ang bag niya sa kotse ko.

2.Ang iwanan (to leave something to somebody) ay


nangangahulugang bibigyan ng kung ano ang isang tao.
· Iwanan mo ‘ko ng perang pambili ng pananghalian.
· Hindi iniwanan ng alak ng dumalaw na kamag-anak ang
presong lasenggero.
Sundin at Sundan

1. Ang sundin (follow an advice) ay nangangahulugang sumunod


sa payo o parangal.
·Sundin mo ang mga payo ng iyong mga magulang kung ayaw
mong maligaw ng landas.

2.Ang sundan (follow where one is going; follow what one does)
ay nangangahulugang gayahin ang ginagawa ng iba o pumunta sa
pinuntahan ng iba.
· Sundan mo ang demonstrasyon sa telebisyon kung nais mong
matuto ng pagluluto ng paella.
· Sundan mo agad ang umalis mong kaibigan at baka tuluyan na
iyong magtampo.
KUMUHA at MANGUHA
 Kumuha (to get);
 Manguha (to gather, to collect)
  Hal. Kumuha ng isang basong tubig si Neth para kay Jean.
                   Nanguha ng mga kabibe ang mga bata sa
dalampasigan.

BUMILI at MAGBILI
 Bumili (to buy);
  Magbili (to sell) – magbenta
   Hal. Pumunta ang nanay sa Baguio para bumili ng mga
sariwang gulay.
Wastong Gamit ng mga Salita
Gumawa ng tag-iisang halimbawa 1. Operahin at Operahan
ng pangungusap ng mga 2. Pinto at Pintuan
sumusunod:
3. Hagdan at Hagdanan
1. Nang at Ng
4. Iwan at Iwanan
2. May at Mayroon
5. Sundin at Sundan
3. Daw-Raw,Din-Rin,Dito-
Rito,Doon-Roon 6. Kumuha at Manguha
4. Kung at Kong 7. Bumili at Magbili
5. Subukin at Subukan
6. Pahirin at Pahiran
7. Punasin at Punasan

You might also like