You are on page 1of 230

Filipino sa Piling Larangan

Tech-Voc

NUEVA VIZCAYA STATE UNIVERSITY LABORATORY HIGH SCHOOL


(G-12 Senior High School)

SHIRLEY C. VENIEGAS, MAT


Diskripsyon ng Kurso: Pagsulat ng iba’t ibang anyo ng sulating lilinang
sa mga kakayahang magpahayag tungo sa mabisa, mapanuri, at
masinop na pagsusulat sa piniling larangan.

Pamantayang Pangninilaman: Nauunawaan ang kalikasan,


layunin at paraan ng pagsulat ng iba’t ibang anyo ng sulating
ginagamit sa pag-aaral sa iba’t ibang larangan (Tech-Voc)
Pamantayan sa Pagganap: Nakabubuo ng isang
pahayagang pahayagang pang-isports na naglalaman
ng iba’t ibang anyo ng sulating isports.
( Manual para sa ICT)
UNANG SESYON
Abot-Tanaw
Matapos ang aralin, inaasahang maisasagawa ng mga
 .;;;;; mag-aaral ang sumusunod:
1. nasusuri ang kasaysayan ng komunikasyon teknikal;
2. naipapaliwanag ang pag-unlad ng komunikasyong
teknikal bilang isang disiplina;
3. napaghahambing ang mga unang tagapagsulong ng
komunikasyong teknikal;
 4. nabibigyang-kahulugan ang komunikasyong
teknikal;
 5. naiisa-isa ang mahahalagang elemento at
katangian ng komunikasyong teknikal; at
 6. natutukoy ang mga prinsipyo at kaisipan ng
tradisyonal at modernong kaparaanan ng
komunikasyong teknikal.
Paunang Gawain
Labinlimang (15) minutong papel- (15 Puntos)
 .;;;;;
Ang mga mag-aaral ay hahayaang lumikha ng isang
maikling kwento tungkol sa mga bagay-bagay sa lipunan.
Maaaring personal na karanasan, isyung panlipunan, mga
napapansin sa kapaligiran, sa kalikasan at iba pa na kung
saan doon nakapokus ang kanilang interes.
Pagkatapos ay hayaang ipabasa ang nabuong kwento sa
mga kaklase.
\

Pagnilayan (Balik-Tanaw)

Para sa iyo, ang komunikasyong teknikal?

May pagkakaiba kaya ang komunikasyong teknikal sa sulating


 .;;;;;
teknikal?
Ano ang kaibahan ng komunikasyong teknikal sa iba pang uri ng sulating
akademiko?

Gaano kahalaga ang komunikasyong teknikal bilang paghahanda mo sa daigdig


ng trabaho?

May benepisyo ba ito upang maging mahusay kang propesyonal pagdating ng


panahon?
Lusong-Kaalaman
Alin sa mga sumusunod ang mga sulating matagumpay mong isinagawa noong
ikaw ay nasa ikasampung grado pa lamang.

 .;;;;;
-liham pangangalakal -suring-aklat
-liham pangkaibigan -pagkritik ng papel
-sanaysay
-pananaliksik

-siyentipikong ulat -rebyu ng pelikula


-teknikal na ulat
Iba pa ( maglahad)
KASAYSAYAN NG KOMUNIKASYONG TEKNIKAL

 Matagal ng tinugunan ng mga guro, mga pilosopo at


mga iskolar ang mga hadlang tungo sa mabisang
komunikasyon.
 Sa pag-aaral ni Aristotle ng Retorika, pinag-iba nya

ang panghihikayat sa argumento. Ayon sa kanya ang


panghihikayat ay nakatuon sa kaparaanan kung
paano maiaangat ang interes ng mambabasa at
tagapakinig.
 Samantalang ang argumento naman ay ang
wastong pagsasalansan ng mga
mapanghikayat na ideya.
 (samakatwid, sa pananaw na ito nababakas

ang pagsilang ng komunikasyong teknikal lalo


na’t pinahahalagahan dito ang proseso o pag-
eestruktura ng isang mansahe.)
Komunikasyong Teknikal
Ayon kina Martinez et al. (2011), ang komunikasyong
teknikal ay nagtataglay ng tiyak na anyo na nakapokus
sa pasulat at pasalitang diskurso.
Ang mahusay na komunikasyong teknikal ay nararapat
na tiyak, malinaw at maikli. Mahalaga ring maisaalang-
alang ang awdyins, layunin, at konteksto tungo sa
mabisang komunikasyon.
 Sulating Teknikal
-Isa lamang sa maraming anyo ng
komunikasyong teknikal na higit na
nagtataglay ng mataas na antas ng
kasanayan mula sa isang disiplina.
 MAKIKITA ANG KOMUNIKASYONG TEKNIKAL SA
PAGGAMIT NG VIDEO, AUDIO, SLIDES, AT IBA PANG URI
NG MULTIMEDIA NA KAGAMITAN.
ANG KOMUNIKASYONG TEKNIKAL AY ISANG MAHIGPIT
NA PANGANGAILANGAN NA NAKATUON SA
PASALITANG KASANAYAN, KUNDI LALO’T HIGIT SA
PASULAT NA KORESPONDENSIYA GAYA NG LIHAM,
MEMORANDUM, IBA’T IBANG URI NG ULAT, MGA
PRESENTASYON, PUBLISIDAD, PROMOSYON, AT
MARAMI PANG IBA.
Komunikasyong Teknikal
Ang komunikasyong teknikal ay isang
espesyalisadong anyo ng komunikasyon. Karaniwan
itong naihahalintulad sa iba pang uri ng mga sulatin
bagaman ito ay may tiyak na awdiyens, layunin, estilo,
pormat, sitwasyon, nilalaman, at gamit na siyang
pangunahing elemento ng komunikasyong teknikal.
Ito ay kakaiba sa akademikong sulatin. Iba rin ito sa
malikhaing pagsulat.
Komunikasyong Teknikal

Ito ay maituturing ding applied na uri ng


komunikasyon na ang mensahe ay nakalaan lamang
para sa inaasahang tagatanggap nito na
nangangailangan ng agarang pagtugon o paglunas sa
isang suliranin.
Komunikasyong Teknikal

Tinatawag itong komunikasyong teknikal dahil ang


kalikasan ng mensaheng inilalahad ay nasa anyong
espesyalisado.
-Ito ay isang proseso ng mahusay na pamamahala ng
mensahe upang makapagbigay-tugon o solusyon sa
suliranin.
Halimbawa ng Komunikasyong
Teknikal
Blogs Grant at proposal Siyentipikong
sarbey

Papel katalog Polyeto Website


Handbook Materyal para sa Procedure
presentasyon manual

Dokumentong Materyal para sa Ebalwasyon


pampagsasanay presentasyon

Ginabayang Ulat
reperensiya
Ikalawang
MgaSesyon
Elemento ng Komunikasyong Teknikal
Mga Elemento ng Komunikasyong Teknikal

1) Awdiyens-nagsisilbing tagatanggap ng mensahe at


maaaring siya ay isang tagapakinig, manonood, o
mambabasa.
2) Layunin-ito ang dahilan kung bakit kinakailangang
maganap ang pagpapadala ng mensahe.
3) Estilo- Kinapapalooban ito ng tono, boses, pananaw, at
iba pang paraan kung papaanong mahusay na maipadadala
ang mensahe.
4) Pormat-tumutukoy ito sa ginabayang estruktura ng
mensaheng ipadadala.
5) Sitwasyon- pagtukoy ito sa estado kaugnay sa layuning
nais iparating ng mensahe.
7) Nilalaman- dito nakasaad ang daloy ng ideya ng
kabuuang mensahe ng komunikasyon.
8) Gamit- ito ang nagpapakita ng halaga kung bakit
kinakailangan na maipadala ang mensahe.
MGA KATANGIAN NG KOMUNIKASYONG TEKNIKAL

1. Oryentasyong nakabatay sa awdiyens- ang


pangunahing prinsipyo sa pagbuo ng komunikasyong
teknikal ay ang pagsulat para sa awdiyens. Ang
mensahe ay kinakailangang mula sa pananaw ng
awdiyens at hindi sa manunulat. Malaki ang kaibahan
nito sa iba pang uri ng sulatin na nakasentro ang
himig at damdamin sa sumulat.
Mga Katangian ng Komunikasyong Teknikal

2. NAKAPOKUS SA SUBJECT
Sa pagsulat ng komunikasyong teknikal, higit na
binibigyang-pansin ang pangunahing paksa ng
usapan dahil dito ibinabatay ang lahat ng
impormasyong sangkot sa pagtalakay. Layunin nitong
puspusang matalakay at maisa-isa ang inaasahang
proseso na tutulong sa awdiyens na maisagawa ang
inaasahan sa kaniya.
Mga Katangian ng Komunikasyong Teknikal

3. KUMAKATAWAN SA MANUNULAT
Ang katangiang ito ang nagpapakilala kung ano at
sino ang sumulat o ang kultura ng organisasyong
kaniyang kinabibilangan. Tumutukoy rin ito sa
kung anong imahe ang nais ipakita ng manunulat
na sumasalamin sa samahang kabahagi siya.
Tinawag din itong branding na nagsisilbing
pagkakakilanlan o identipikasyon.
Mga Katangian ng Komunikasyong Teknikal
4. KOLABORASYON
Ang prosesong ito ay tungo sa mahusay na pagbuo ng anumang
uri ng komunikasyong teknikal. Dito nagsasama-sama ang iba’t
ibang indibidwal na may magkakaibang kasanayan sa pagbuo ng
komunikasyong inaasahan. Halimbawa na lamang, sa pagbuo ng
mobile phone manual, nangangailangan ng paglahok ng
maraming eksperto tulad ng system analyst, layout artist,
graphics specialist, technical communicator, at iba pa. Bawat isa
sa kanila ay nagtataglay ng kasanayang lubos na inaasahan
upang makabuo ng mabisang manwal.
MGA SUSING PATNUBAY SA KOMUNIKASYONG
TEKNIKAL SA MODERNONG PANAHON

Interaktibo at Angkop

Pokus sa Mambabasa

Nakabatay sa Kolektibong Gawain


Komunikasyong
Teknikal
Biswal
Etikal, Legal, At Politikal na Katanggap-
tanggap

Pandaigdigan at Tawid-Kultural
Ipinapaliwanag sa mga susing gabay na ito na ang
komunikasyong teknikal bilang espesyalisadong disiplina.
Kailangang may lubos na kasanayan ang mga taong
sumusulat ng komunikasyong teknikal upang
maintindihan ng babasa at maisagawa ang pagkilos na
inaasahan. Sa modernong panahon ng komunikasyon,
hatid ay kompyuter ang mabilis at episyenteng daloy ng
impormasyon bunsod ng internet. Sa pamamagitan nito,
napadadali ang access ng mga tao sa lahat ng uri ng
kaalamang nais niyang matamo.
 Gamit ang website, iba’t ibang search engines,
elektronikong liham, at iba pa, nagiging mabilis ang
proseso ng impormasyon. Mahalaga rin ang
impormasyon ay nakasentro sa mga mambabasa nito
upang maging episyente, madaling maunawaan,
marating, at makatugon sa kinakailangan nila. Upang
maisakatuparan ito, ang mga ilalahad na impormasyon
ay nararapat na nagtataglay ng wastong tala, dayagram,
at iba pang anyo ng ilustrasyon bilang mga biswal na
pantulong.
Sa kabilang dako, bunsod ng modernong teknolohiya
ang mga usaping etikal, legal, at politikal kaugnay sa
komunikasyong teknikal. Mahalaga ang pagiging
maingat lalo’t higit sa pagkuha ng mga impormasyon
sa malawak na batis ng kaalaman upang ang
komunikasyong teknikal ay maging katanggap-tanggap
at etikal.

Ang wastong pagsipi sa pinaghanguan ng
impormasyon ay isang paraan upang maging tiyak
ang mensahe. Ang pagiging sensitibo sa gamit ng
mga salita at mga ilustrasyon ay nararapat ding
may panlahat na pagtanggap bilang anyo ng tawid-
kulturang pagdulot.
ORAL RECITATION
Layag-Diwa
1. Gaano kahalaga ang pagkakaroon ng mataas na kasanayan sa
komunikasyong teknikal?
2. Ano-ano ang benepisyong dulot ng may kasanayan sa
komunikasyong teknikal sa panahon ng information technology?
3. Paano naging applied na uri ng komunikasyon ang
komunikasyong teknikal?
4. Ipaliwanag ang ibig sabihin ng ideyang, “ magsulat para sa
awdiyens.
Ang blog ay iba pang katawagan o pinaiksing salita para sa
weblog (literal na "talaan sa web"). Isa itong websayt o sityo
sa web na parang isang talaarawan. Karamihan sa mga tao
ang makagagawa ng isang blog at, pagkatapos nito, sumulat
kasunod ng blog na iyon. Tinatawag na mga blogero (mula
sa Ingles na blogger o literal na "taga-blog") ang mga taong
sumusulat sa mga blog. Kalimitang isinusulat ng mga blogero
sa mga blog ang kanilang mga opinyon at mga naiisip.
KOLABORATIBONG GAWAIN
Bumuo ng grupo na may limang miyembro. Gumawa ng isang blog gamit
ang isa sa mga paksa sa ibaba.
1. Inaasahang katangian ng pangulo ng Pilipinas
2. Usapin hinggil sa operasyon ng MRT/LRT
3. Pagpapalawig ng mga pambansang proyekto sa mga lalawigan ng
Pilipinas
4. Karapatan ng mga hayop
5. Lumalalang kaso ng HIV sa bansa
6. Pagpapalago ng turismo ng Pilipinas
SA PAGBUO NG BLOG, ISAALANG-
ALANG ANG SUMUSUNOD:

1. Hindi bababa sa tatlong daang salita ang haba ng


blog.
2. Nagtataglay ng mapanghikayat na pamagat.
3. Natutukoy ang mga elemento ng komunikasyong
teknikal na nakatala sa ibaba:
Paksa : __________________________
Elemento ng Komunikasyong Teknikal Pagtalakay

Awdiyens

Layunin

Estilo

Pormat

Sitwasyon

Nilalaman

Gamit
Pamantayan Puntos Iskor

1. Mahusay na naipapaliwanag ng nabuong 10


blog ang lahat ng elemento ng
komunikasyong teknikal

2. May magandang pamagat ang blog spot 10


at gumamit ng mga angkop na larawan

3. May tatlong daang salita ang blog spot 10

Kabuuan 30
PAMANTAYAN SA PAG-UULAT

a) May kahandaan sa paksang


tinatalakay -5 puntos
b) May kaugnayan sa paksang
tinatalakay -5 puntos
c) Wastong gamit ng mga salita-5 puntos
Kabuuang puntos: 15 puntos
DAONG KAMALAYAN

Maghanap ng mga produkto gaya ng


liham, user manual ng cellphone o
anumang electronic gadget, o maaari ring
label ng mga produkto at dalhin ang mga
ito sa susunod na pagkikita. Gagamitin
ang mga ito bilang halimbawa ng iba’t
ibang uri ng sulating teknikal upang higit
na mapatatag ang inyong kaalaman.
Matapos nito, tukuyin ang sumusunod:
1. Para kanino ito?
2. Ano ang mga layunin kung bakit ito nilikha?
3. Ano-ano ang maitutulong nito para sa inaasahang
mambabasa nito?
IKALAWANG SESYON
ANG AWDIYENS BILANG MAMBABASA AT ANG
KAHALAGAHAN NG KOLABORATIBONG
PAGSULAT
Layunin:
1) Natutukoy ang halaga ng awdiyens bilang mambabasa;
2) Naiisa-isa ang mga paraan ng pagtatasa sa profile ng
mambabasa;
3) Naikakategorya ang mga uri ng mambabasa ng
komunikasyong teknikal; at
4) Nagagamit ang pangunahing kaalaman at kaisipan sa
kolaboratibong gawain.
Sino kaya ang
tinutukoy
awdiyens? Bakit
mahalagang Bakit mainam na
matukoy ang target isaalang-alang ang
na mambabasa o mga awdiyens?
awdiyens? Ano kaya ang
benepisyo nito sa
isang manunulat?

Simulan mo ng
talakayin yan….
LUSONG KAALAMAN

Nagbabasa ka
Oo naman
ba ng iba’t
bessy
nagbabasa ibang genre ng
ako… panitikan?
Paano
nagsimula ang
hilig mong
magbasa ng
ganitong uri ng
genre?
ANG AWDIYENS BILANG MAMBABASA

Ang pagkilala at pagtukoy 


Ang pagtukoy at pagkilala
sa iyong awdiyens bilang sa iyong awdiyens bilang
mga mambabasa ay isang mambabasa at
napakahalagang salik na tagataganggap ng mensahe
nararapat mong isaalang- ay higit na mahalaga
alang sa pagbuo ng upang malinaw mong
anumang uri ng sulatin. maiparating ang iyong
mensahe.
PAANO NGA BA KIKILALANIN ANG MGA AWDIYENS?

Sino ang magbabasa?

Ano ang kailangan nilang impormasyon?

Saan nila ito babasahin? Kailan nila ito babasahin?

Bakit kailangan nilang basahin ang impormasyon?

Paano nila ito babasahin at uunawain?


MGA GABAY SA PAGTATASA SA MGA
MAMBABASA NG KOMUNIKASYONG TEKNIKAL

1. Karamihan sa mambabasa ng mga komunikasyong


teknikal ay nakatuon lamang sa mahahalagang
impormasyon iyong ibabahagi. Nais ng mga mambabasa na
basahin lamang ang tekstong kailangan nilang malaman.
 2. Ang mga mambabasa ang nagbibigay ng interpretasyon
ng tekstong iyong isinulat. Inaasahan na madali nilang
maunawaan ang paraan ng iyong pagsulat lalo’t hindi mo
ito maipaliliwanag sa kanila sa lahat ng pagkakataon.
Mga Gabay sa Pagtatasa sa mga Mambabasa ng
Komunikasyong Teknikal

3 .Tandaan, kung mas maikli ang teksto, mas binabasa


nila ito.
4. Sa kasalukuyan, isa sa preperensiya ng mga
mambabasa ang infographics sa halip na puro teksto
lang ang kanilang nakikita.
4 NA URI NG MAMBABASA

1) Primaryang mambabasa- sila ay mga tuwirang


pinatutunguhan ng iyong mensahe na umaaksiyon o
nagbibigay-pasya.
2) Sekondaryang mambabasa- sila ang mga nagbibigay-payo
sa primaryang mambabasa. Sila ang mga ekspertong may
espesyal na kaalaman upang matulungan sa pagpapasya ang
primaryang mambabasa. Halimbawa: abogado, inhenyero o
mga espesyalista sa iba’t ibang propesyon.
4 na Uri ng Mambabasa
3) Tersyaryang mambabasa- sila ang mga maaaring may interes
sa impormasyong matatagpuan sa dokumento. Nagsisilbing
ebalweyter o interpreter gamit ang iba’t ibang perspektiba.
Karaniwan sa kanila ay mga reporter, analyst, historyador, mga
grupong may kanila-kaniyang isinusulong na adbokasiya, at iba
pa.
4) Gatekeepers-sila ang namamahala ng dokumento
gayundin sa estilo nito bago pa man ito ipahatid sa
primaryang mambabasa.
PAGTUKOY SA PANGANGAILANGAN, PAGPAPAHALAGA,
AT SALOOBIN NG MGA MAMBABASA
Sa pamamagitan nito ay magkakaroon ka ng
kabatiran hinggil sa antas ng kanilang kaalaman,
kasanayan, at higit sa lahat, sa kani-kanilang mga
karanasan.
Maitatawid mo bilang manunulat ang mga

posibleng hadlang tungo sa pagkamit ng mabisang


komunikasyon.
KOLABORASYON
Susi sa isang matagumpay na proyekto ang
pagkakaroon ng kolektibo at kolaboratibong
pagkilos.
Pangunahing prinsipyo nito na maipamalas ang

kalakasan at konsentrasyon ng bawat indibidwal na


maibabahagi niya sa grupo.
MGA BENEPISYO NG
KOLABORATIBONG GAWAIN

1. Nakasentro sa kalakasan ng bawat miyembro.


Napaghahati-hati nito ang kompleks na gawain sa
pamamagitan ng wastong distribusyon.

2. Napalulutang ang pagkamalikhain. Nagagawa nitong


mabigyang-diin ang magkakaibang perspektiba ng bawat
miyembro na nagpapalakas sa kaalamang panggrupo.
Mga benepisyo ng kolaboratibong
gawain

3. Napalalakas ang paniniwalang pansamahan. Sa


kasalukuyan, malakas ang impact ng pananaw na
shared responsibilities sa alinmang larangan. Sa
pamamagitan nito, nagiging kaaya-aya ang daloy
ng proyekto.
4 NA YUGTO NG KOLABORASYON

1. Forming- ang pagbibigay-buhay sa misyon,


pagtatakda ng mga layunin, pagtukoy sa mga
responsibilidad, at pagmamapa ng iskedyul.

2. Storming- tumutukoy sa wastong pamamahala ng


mga tunggalian, tensyon sa pamumuno at
pamamahala, at pagkadismaya.
4 NA YUGTO NG KOLABORASYON

3. Norming-pagtasa sa kaisahan ng grupo, sa


napagkasunduan, pagpapakinis ng mga itinakdang
layunin, pagpapatibay ng samahan, at pagpopokus sa
papel na ginagampanan ng bawat miyembro.
4. Performing- ang pagbabahagi ng tunguhin,
paghahati-hati ng gawain, pagtugon sa mga
tunggalian, at pagkakaiba-iba ng pananaw ng bawat
miyembro.
LAMBAT LIKHA

Bumuo ng grupong may limang miyembro at sundin


ang prosesong nakatala sa ibaba upang makasulat ng
isang sanaysay tungkol sa hilig o interes ng inyong mga
kaklase. Maaaring ito ay may kaugnayan sa kanilang
paboritong kasuotan, musika, palabas, laro at iba pa.
1) Magsagawa ng impormal na sarbey o panayam sa iyong
upang matukoy ang panlahat na interes.
2) Pagsama-samahin ang mga nakuhang datos.
3) Magpasya ang grupo kung alin sa mga ito ang gagawan
ng sanaysay.
4) Balangkasin ang magiging daloy ng sanaysay.
5) Simulan ang pagsulat ng sanaysay. Gawin itong
mapanghikayat.
6) Ilahad ito sa klasrum sa susunod na pagkikita.
TATAYAIN ANG GINAWANG SANAYSAY GAMIT
ANG PAMANTAYAN SA IBABA.

Pamantayan Iskor

Puntos
1. Mayaman ang datos o batis ng impormasyon 10

2. Malinaw ang mensahe ng sanaysay 10

3. Mahusay ang paglalahad ng sanaysay sa harap 10


ng klase
Kabuuan 30
IKATLONG SESYON

Kabanata 2 Mga Elemento at Etika ng


Komunikasyong Teknikal sa Lokal at Pandaigdigang
Pakikipagkomunikasyon
BALIK-TANAW Sumulat ng isa hanggang
dalawang talata na nagpapakita ng
iyong repleksiyon at obserbasyon
hinggil sa kultura ng bansang
iyong napuntahan. Kung hindi ka
pa nakabibisita sa ibang bansa,
maaring magtala ng repleksiyon
hinggil sa isang lugar sa Pilipinas
na nagtataglay ng isang 15
natatanging kultura. PUNTOS
Ayon sa Ano nga
aking ba ang
nabasa… etika?

Ang ETIKA ay isang sistemang


kinapapalooban ng pagpapahalagang
moral, sosyal, at kultural ng isang
lipunan. Bawat desisyong ating ginagawa
ay may nakapaloob sa etikal na
dimensiyon.
Samakatwid..

Bawat tao, bago pa man siya magpasya, ay


maraming isinaalang-alang gaya ng epekto ng
desisyon, damdamin, panlipunang pananaw,
relihiyon, paniniwala, at marami pang iba.
PAG-ISIPAN

1. Naitanong mo na ba sa sarili mo kung bakit may


mga taong hindi sumusunod sa kanilang
pagpapahalagang moral, sosyal, at kultural?
2. Ano ang nagtutulak sa kanila upang hindi sumunod?
3. May pansariling pamantayan ba sila ng etika?
4. Hindi ba nila isinaalang-alang ang mga nakapaligid
sa kanila?
PINAGMULAN NG ETIKA

Ang etika ay nag-uugat sa pagpapahalagang mayroon ang isang


tao. Ang mga pagpapahalagang ito ay maikakategorya sa tatlo.

1) Personal na Etika- ito ang pagpapahalagang


natatamo ng tao mula sa pamilya, kultura, at
pananampalatayang mayroon siya. Binibihisan agad
siya ng mga paniniwala at pagpapahalagang mayroon
ang kaniyang pamilya, pamayanan, at relihiyong
kinabibilangan.
2. PANLIPUNANG ETIKA

Ito ay nagmumula sa batas at mga pagpapahalagang


panlipunan na kinalakhan ng isang tao. Ito ay
karaniwang makikita sa pakikihalubilo natin sa ating
pamayanan.
4 NA KATEGORISASYON NG
PANLIPUNANG ETIKA

a. Karapatan- ang pangunahing aspeto na nakakabit sa tao simula nang siya


ay isilang at karaniwan itong nasusulat sa batas.
b. Hustisya- tumutukoy ito sa pagbibigay ng patas na pagtingin sa dalawa o
higit pang magkakaibang bagay, na higit na kinakailangan sa
pagdedesisyon.
c. Epekto- tinatanaw rito ang interes ng nakararami kaysa sa interes ng
iilan.
d. Pagkalinga- tumutukoy ito sa mas nararapat na pagpapairal ng pagiging
mapangalaga o mapagkalinga kaysa sa pagiging marahas.
3. ETIKANG PANGKONSERBASYON

Ito ang etikang tumutulong sa tao para mapahalagahan niya ang


kaniyang paligid na ginagalawan lalo’t higit na pinag-uukulan
ngayon ng pansin ang isyu ng global warming at ang mga kaugnay
na kalamidad.
Samaktwid, ang etikang pangkonserbasyon ay nakatuon hindi
lamang sa pangangailangan ng tao bagkus sa impact din ng
kapaligiran sa kaniya.
MGA PAMANTAYAN SA KOMUNIKASYONG TEKNIKAL

1. Malinaw na ipaalam at ipaunawa sa mambabasa


ang lahat ng impormasyong dapat nilang mabatid.
2. Ilahad ang katotohanan sa pasulat na paraan.
3. Iwasang magbigay ng husga sa impormasyong
ipahahatid sa mga mambabasa.
4. Kung may alinlangan, isangguni ito sa tamang tao o
eksperto para sa angkop na payo.
MGA PAMANTAYAN SA KOMUNIKASYONG TEKNIKAL

5. Iwasan ang pagmamalabis o eksaherasyon lalo’t higit kung


makakaapekto ito sa impormasyong tatanggapin ng mambabasa.
6. Iwasan ang paggamit ng maligoy na wika gaya ng marahil, di
umano, siguro, at iba pa.
7. Sa pagsulat, siguraduhing naitala ang lahat ng anggulo o detalye
nang sa gayon ay matulungan ang mambabasa na magpasya.
8. Tiyaking patas ang lahat ng pinaghahanguan ng impormasyon.
9. Kilalanin ang lahat ng nagbigay-ambag sa pagkakabuo ng
impormasyon.
GAWAIN
A. Ipaliwanag ang tatlong kategorya ng etika batay sa pinagmulan
nito.
ETIKA

Etikang
Personal na Etika Panlipunang Etika Pangkonserbasyon
KALIGIRAN NG TAWID-KULTURANG KOMUNIKASYON
yahoo.co
ask.com Information and m
google.com
Communications msn.com
Technlogy o ICT
 Hindi maisasantabi ang pagdagsa ng milyon-milyong
impormasyong hatid ng Information and Communications
Technology o ICT. Bunsod din ito ng napakaraming search
engines na mapaghahanguan ng mga datos gaya ng ask.com,
google, yahoo, at iba pa
Paano nakatutulong
ang ICT sa iyong
pag-aaral? Ang mga platapormang ito ay naging batis
ng karunungan sa daigdig.

Naging batis, dahil naging malapit sa mga


tao ang lahat ng impormasyong kaniyang
kakailanganin.
INFORMATION GLUT (Labis na
Kasaganaan)

Ayon kay Sheenan (2011), ang information


glut ay tumutukoy sa dami ng
impormasyong maaaring makolekta,
maintrepreta, at mapagsama-sama na
nagdudulot ng information overload sa mga
tao.
 Bawat paaralan, pribado o
NOON…
publikong tanggapan, at mga
kompanya ay may kani-kaniyang
sinusunod na anyo o pormat ng
komunikasyon, maging ito man
ay sa pasalita o pasulat na
paraan.
 Sa madaling salita ang bawat isa
ay may sariling pamantayan na
sinusunod at ipinapatupad.
 Karamihan ay sumusunod sa
NGAYON…
global na pamantayan upang higit
na mapaghusay ang operasyon sa
paaralan, mga tanggapan, o mga
kompanya.
Samakatwid, ang dati-rati’y

magkakaibang estilo ng
komunikasyon, ngayon ay maaaring
kakaunti na lamang ang kaibahan
dahil sa epekto ng information glut.
NGUNIT…
 Sa kasalukuyan mabilis ang palitan ng komunikasyon,
mabilis at madali saang lugar man naroroon, magkakaiba
man ng wika, paniniwala, relihiyon o kulturang kinalakhan.
 Dahil dito, maituturing na eklektiko ang anyo ng
komunikasyon dahil hindi lamang iisang kultura ang
pinagmumulan ng kaalaman, kundi tawid-kultura na ring
maituturing o hindi na nahaharangan ng wika at kultura ng
iba’t ibang bansa.
HALIMBAWA…

 Ang business process outsourcing o BPO ay isang uri ng


organisasyong namamahala sa pangangailangang
pangnegosyo ng ibang kompanya na karaniwang
sineserbisyuhan ng mga call center agent.
 Ang sitwasyong ito ay maituturing na tawid-kulturang
anyo ng pakikipagkomunikasyon dahil hinihingi sa
sitwasyong ang kahusayan sa pagkilala at pagtanggap sa
kultura ng iba upang maging mabisa ang transaksyon.
2ND QUARTER Pagsulat ng Piling-anyo ng sulating Teknikal-Bokasyunal

LIHAM PANG NEGOSYO AT MEMORANDUM


A) INTRODUKSYON SA KORESPONDENSIYA
Sa mga klase sa komposisyon at malikhaing pagsulat, ang mga sulatin ay
kadalasang nagsisimula sa sarili, personal na damdamin at mga karanasan ang
batayan sa mga nakatakdang sulatin upang tulungan ang mag-aaral na maging
komportable sa pagpapahayag( gramatika at estilo) sa organisasyon ng mga talata.
Sa kabilang banda, ang teknikal na komunikasyon ay
bihirang nagbibigay-tuon sa damdamin ng manunulat.
Ang tuon nito ay kapwa. Sumasagot ito sa tanong na, “
Ano ang magagawa ko para sa iyo?” o “Paano ka
makikinabang sa pagtanggap sa aking iniaalok? Sa mundo
ng trabaho, ang mga “takdang sulatin” ay bunsod ng
praktikal na mga pangangailangan sa loob ng isang
ahensya, institusyon, o negosyo.
KORESPONDENSIYA
Ang korenspondensiya ay binubuo ng tinatawag na liham
pangnegosyo, memorandum, at elektronikong liham.
Ang mga ito ay mga rekord na nanghihikayat ng aksiyon,
nakikipagtransaksiyon tungkol sa negosyo at nagpapanatili
ng tuloy-tuloy na daloy ng komunikasyon sa trabaho.
Mahalagang ingatan ang tono at ang estratehiyang
organisasyonal sa pagsulat. Tingnan ang isusulat na
korespondensiya mula sa perspektiba ng pagtugon ng
mambabasa.
LIHAM PANG NEGOSYO
Karaniwang isinusulat ang mga liham
5. pagkalap ng pondo;
pangnegosyo para sa mga tao sa labas
ng organisasyon o kompanya. May iba’t 6. pagrerehistro ng mga
ibang sitwasyon na sinasaklaw ang reklamo;
liham pangnegosyo:
7. pagbibigay ng tulong para sa
1. paghahanap ng trabaho;
pagsasaayos ng mga patakaran o
2. paghingi ng impormasyon; sitwasyon;
3. pagtugon sa mga tanong o
8. koleksyon ng mga bayad;
paglilinaw;
4. promosyon ng mga ibinebenta at/o 9. pagbibigay ng intruksiyon
serbisyo
10. pagpapasalamat at pagpapahayag ng pagpapahalaga o
pagkalugod;
11. pag-uulat tungkol sa aktibidad;
12. pagbibigay ng magandang balita o positibong mensahe;
13. pag-aanunsiyo;
14. talaan o rekord ng mga kasunduan
15. follow-up sa mga usapan sa telepono; at
16. pagpapadala ng ibang dokumentong teknikal.
MEMORANDUM O MEMO

 Ang memo ay karaniwang isinusulat sa mga taong nasa loob


ng isang organisasyon o kompanya. Gayunman, may mga
memo din na ipinapadala sa labas ng kompanya o
organisasyon sa pamamagitan ng e-mail o kaya ay telefax.
Narito ang mga gamit ng memo:
 1. paghingi ng impormasyon;
 2. pagkompirma sa kumbersasyon;
 3. pag-aanunsiyo ng mga pagbabago sa mga pulong;
 4. pagbati sa kasamahan sa trabaho;
 5. pagbubuod ng mga pulong;
 6. pagpapadala ng mga dokumento; at
 7. pag-uulat ng pang-araw-araw na gawain.
Bagaman halos katulad din ng sa liham pangnegosyo ang mga paksang tinatalakay sa
memo, maraming panloob na ulat ang isinusulat sa anyong memo tulad ng ulat sa
paglalakbay (trip report), progress report, at maiikling proposal.
ELEKTRONIKONG LIHAM O E-MAIL

 Sa pamamagitan ng elektronikong liham, nakapagpapadala ng mga


liham, memo, at iba pang dokumento mula sa isang kompyuter
papunta sa isa pang gamit ang serye ng mga network ng kompyuter.
Milyon-milyon ang gumagamit ng email ngayon dahil sa bilis ng
pagpapadala at kombinyente ito lalo na ang pagpapalitan ng maiikling
mensahe ng mga tao na may takdang usapan o paksa o nakikipag-
ugnayan sa isa’t isa tungkol sa pang-araw-araw na gawain.
PAGSULAT NG LIHAM PANGNEGOSYO

 Ang liham pangnegosyo ay isang pormal na sulatin. Higit sa


pormal ito kaysa sa isang personal na sulat. Sa pagsulat ng
isang liham pangnegosyo, nararapat na sundin ang
karaniwang pormat na margin na isang pulgada (inch) sa
bawat gilid ng papel. Ito ay karaniwang isinusulat sa 8 ½”x11”
na bond paper. May anim na bahagi ang isang liham na
pangnegosyo.
Mga Bahagi ng Liham Pangnegosyo
1) Pamuhatan

Ang pamuhatan ay mula sa salitang ugat na “buhat” ibig sabihin,


pinagmulan o pinanggalingan. Nagtataglay ito ng address ng nagpapadala
ng liham na kadalasang nasa dalawang hanggang tatlong linya lamang. Sa
huling linya ng bahaging ito inilalagay ang petsa, para sa bilang ng telepono,
numero ng fax, address ng e-mail o iba pang kahalintulad ng mga ito.
Hindi na kailangang ilagay ang pamuhatan kung ang ginagamit na papel ay
ang tinatawag na stationery na may nakalimbag nang pamuhatan at/o
pangalan ng kompanya. Ngunit laging nilalagayan ng petsa ang liham
pangnegosyo.
Mga Bahagi ng Liham Pangnegosyo
2) Patunguhan

Nagmula ang katawagan sa bahaging ito ng liham sa salitang “tungo”


o ang pupuntahan, patutunguhan, o padadalhan ng liham.
Samakatwid, ito ang address ng pinadadalhan ng liham. Kompletuhin
ang address na ito at isama ang mga titulo at pangalan ng padadalhan
ng liham. Lagi itong nasa kaliwang bahagi. Mahalaga ang patunguhan
upang matukoy ang pinadadalhan ng liham kung sakaling magkaroon
ng sira ang sobre o kung sakaling hindi mabasa ang address. Mag-iwan
ng isang linyang espasyo sa pagitan ng pamuhatan at patunguhan.
Maglagay rin ng isang linyang espasyo bago ang pagbati.
Mga Bahagi ng Liham Pangnegosyo
3) Bating Pambungad

Laging pormal ang bating pambungad sa isang liham pangnegosyo.


Karaniwang nagsisimula sa mga salitang “Mahal na” na sinusundan
naman ng apelyido ng taong sinusulatan. Karaniwan ding may
titulo ng taong pinadadalhan ng liham. Ang titulo ang maaaring G.
(Ginoo), Gng. (Ginang), Bb. (Binibini), o ang mismong propesyon
o katungkulang hawak ng taong pinadadalhan, halimbawa, prop.
(para sa Propesor) o Dr.(para sa Doktor). Ang bating pambungad sa
liham pangnegosyo ay laging nagtatapos sa tutuldok (:), hindi sa
kuwit (,).
Mga Bahagi ng Liham Pangnegosyo
4) Katawan

Nasusulat bilang teksto o talata ang katawan ng liham


pangnegosyo. Tandaan na hindi ito isinusulat-kamay, palagi
itong typewritten o computerized. Depende sa estilo ng liham
na iyong gagamitin, maaaring may indensiyon ang mga unang
linya ng mga talata. Ano pa man ang pormat, maglaan ng isang
linyang espasyo sa pagitan ng bawat talata, sa pagitan ng
pagbati at ng katawan, at sa pagitan ng katawan at ng
pangwakas.
MGA DAPAT TANDAAN SA PAGSULAT NG KATAWAN NG LIHAM
PANGNEGOSYO

Sa unang talata ng katawan ng liham, nararapat na malinaw na ipahayag ang punong diwa at ang
buod ng nais sabihin
Maging magalang
Iwasan ang paggamit ng nananakot na pananalita
Iwasan ang pagbibigay ng mga negatibong mungkahi
Iwasan ang paggamit ng walang kaugnayan at di-mahalagang pananalita
Iwasan ang paggamit ng panghalip (pronoun) sa unang panauhan lalo na sa unang pangungusap o
talata ng katawan ng liham
Sa gitnang bahagi ng katawan nararapat isalaysay ang mga pangyayari at/o magbigay ng mga
katibayan hinggil sa pangyayari o usapin
Sa huling pangungusap ng liham, sinasabi ang aksiyong dapat gawin sa mapitagang pamamaraan
Mga Bahagi ng Liham Pangnegosyo
5)Pamitagang pangwakas

 Isa itong maikling pagbati na nagpapahayag ng paggalang at


pamamaalam, Ito ay nagtatapos sa kuwit (,) at kadalasang
nasa kaliwang gilid (margin) ng liham, depende sa pormat na
iyong pinili, Madalas na ginagamit ang block style na pormat
dahil hindi na nito kinakailangan ang anumang indensiyon
sa buong liham.
Mga Bahagi ng Liham Pangnegosyo
6) Lagda

 Maglaan ng dalawang linyang espasyo bago ilagay ang


pangalan ng taong lalagda. Kadalasan kasama rito ang
panggitnang inisyal ng pangalan, bagaman hindi naman
laging kinakailangan.
DALAWANG PANGUNAHING PORMAT NG LIHAM

 1) Anyong Block (Block Form)-lahat ng bahagi ay nasa


kaliwa maliban sa katawan.
 2) Anyong may Indensiyon (Indented Form)-nakapasok
ang unang salita sa bawat talata at ang patunguhan ay nasa
kaliwang bahagi. Nasa kanan naman ang pamuhatan at
pamitagang pangwakas.
KATANGIANG DAPAT TAGLAYIN NG MABISANG LIHAM PANGNEGOSYO

1) Malinaw ngunit magalang- Kailangang malinaw


ang layunin at maingat ang pananalita sa liham
pangnegosyo. Gumamit ng pormal na pananalita at
iwasan ang maging personal ang pakikipag-usap sa
liham.
2) Maikli ngunit buong-buo- mahahalang tungkulin
at transaksiyong nakapaloob na nangangailangan
ng agarang aksiyon.
3) Tiyak- kailangan tiyak at tama ang detalye ng
isusulat sa isang liham pangnegosyo. Iwasan ang
detalyeng walang kaugnayan sa liham na inihahain.
KATANGIANG DAPAT TAGLAYIN NG MABISANG LIHAM PANGNEGOSYO

4) Isaaalang-alang ang kapakanan ng kapwa –palaging isaalang-alang ang


etika. Upang maiwasang may mapahamak na tao o may pangalang masira.
5) Wasto ang gramatika –Nararapat lamang na tama ang mga ginagamit
na salita, sapagkat ang maling gamit ng salita ay maaaring magdulot ng
ibang pakahulugan, at kalaunan ay hindi pagkakaunawaan sa nilalaman at
mensahe ng liham.
6) Maganda sa paningin- sa unang tingin pa lamang mambabasa,
nararapat na maganda na ang liham. Malinis ito at walang mga bura o
alterasyon sa anumang bahagi, at wala rin dapat itong anumang dumi.
PAGSULAT NG MEMORANDUM (MEMO)

 Memorandum o memo ay karaniwang ipinapadala ng isang boss o may


mas nakatataas na tungkulin sa mga nakabababang kasamahan sa
trabaho.
 Ang layunin ng isang memo ay upang paalalahanan ang mga empleyado
hinggil sa dati na, kasalukuyan, o bagong usapin o tuntunin sa trabaho.
 Layunin din nito na magbigay ng mga anunsiyo o magbaba ng mga
patakaran na kinakailangang mabatid ng lahat.
 Ang memo ay nagbibigay ng babala sa isang partikular na sektor o
departamento, o kaya ay sa isang indibdwal na empleyado kung may
nagawa silang pagkukulang o kamalian sa trabaho.
Karaniwang binubuo ng Ulo at
ng katawan ang isang memo. Sa
Sa pagtukoy sa padadalhan o
ulo matatagpuan ang eksaktong
tagatanggap ng memo, dapat
petsa kung kailan sinulat at
laging ilagay ang kaniyang
ipinaskil ang memo at ang
buong pangalan, hindi dapat
paksa nito o tungkol saan ito.
gumagamit ng mga palayaw
Sa katawan naman
lamang.
matatagpuan ang panimula at
ang buod.
Laging ikonsidera ang awdiyens o ang mga mambabasa ng memo.
Mahalagang iakma ang tono, haba, at antas ng pormalidad nito sa mga
magbabasa upang maengganyo ang mga tao na basahin ito. Upang
magawa ito, kailangang malinaw sa nagpapadala kung para kanino ang
ibinabang memo.
Sa pagsusuri ng awdiyens ng isang memo, nararapat na pag-isipang
mabuti ang sumusunod na mga pahayag.
1. Pag-isipan kung ano ang mga priyoridad at ang mga
pinahahalagahan ng mga taong magbabasa. Isipin kung bakit at
paano magiging mahalaga para sa kanila ang isusulat na memo.
2. Paghandaan ang mga posibleng katanungan ng mga mambabasa.
Suriing mabuti ang nilalaman ng memo at ihanda ang mga
halimbawa, ebidensya, o anumang impormasyong makatutulong
para mahikayat sila.
3. Maging sensitibo sa anumang impormasyon at sentimyento na
hindi angkop para sa mambabasa.
KATAWAN NG MEMORANDUM
PAGSULAT NG PANIMULA
1. Ipakilala ang suliranin o isyu sa panimulang bahagi. Bigyan ang
kinauukulan ng pahapyaw o pasilip sa konteksto sa likod ng aksiyong
nais ipagawa sa kanila. Ito ang thesis statement ng memo, na siyang
nagtataglay ng paksa at naglalahad kung bakit ito mahalaga.
2. Ilagay lamang ang impormasyong kailangan. Hindi ito dapat mahaba.
Maging mapanghikayat tungkol sa ipinaliliwanag na problema upang
maniwala at makumbinsi ang mambabasa.
3. Karaniwang ang haba ng panimula ay nasa ¼ ng kabuuang haba ng
memorandum.
PAGSULAT NG BUOD
Ang buod sa isang memorandum ay ang pangunahing aksiyong
nais ipagawa ng nagpapadala sa mambabasa. Nagtataglay ito ng
ilang ebidensya bilang pansuporta sa mga rekomendasyong
ibinibigay ng nagpapadala. Sa isang napakaikling memo, hindi na
kinakailangan ang buod; isinasama na ito sa pagtalakay na nasa
gitnang bahagi nito.
INDIBIDWAL NA GAWAIN
SURIIN ANG PAGKAKATULAD AT PAGKAKAIBA NG LIHAM PANGNEGOSYO AT
MEMORANDUM. DUGTUNGAN ANG SUMUSUNOD NA MGA PANGUNGUSAP SA LOOB NG
MGA KAHON SA IBABA BATAY SA IYONG NALALAMAN AT MGA PALAGAY. (10 PTS)

Liham Pangnegosyo Memorandum


1. Kadalasang isinusulat ito 1. Kadalasang isinusulat ito kapag
kapag______________________________ ___________________________________
_________________________________. __________________________________.
2. Ang tono ng liham pangnegosyo ay 2. Ang tono ng memorandum ay
___________________________________ ___________________________________
_______________________________. ___________________________________
3. Ang liham pangnegosyo ay isinusulat ng 3. Ang memorandum ay isinusulat ng
________para sa ________ _____para sa _____________
4. Mahalaga ang liham pangnegosyo sa 4. . Mahalaga ang memorandum sa isang
isang kompanya o organisasyon sapagkat sa kompanya o organisasyon sapagkat sa
pamamagitan nito pamamagitan nito
___________________________________ ___________________________________
_______________________ _________________________________
A. Sumulat ng liham pangnegosyo para sa mga kapwa estudyante
tungkol sa ilang pagbabago sa inyong paaralan. Dapat taglayin ng liham
ang sumusunod na mga impormasyon.
PANGKATANG GAWAIN 1. Maraming gusali sa loob ng paaralan ang kasalukuyang ginagawa.

2. Sa Pagsisimula ng bagong termino, itatayo ang bagong recreation


center at student services center. Mahalaga ang mga gusaling ito.
3. Habang itinatayo ang mga gusali sa loob ng siyam na buwan,
magkakaroon ng retriksyon o pagbabawal sa pagpasok sa ilang
mahahalagang gusali.
4. Pumili ng mga gusali na bawal pasukin at magdagdag ng iba pang
detalyeng kaugnay ng sitwasyong ito.
5. Sundin ang pormat at mga gabay sa pagsulat ng liham pang
negosyo.
B. Sumulat ng memorandum para sa isa sa mga paksang inihain
sa ibaba. Bumuo muna ng burador o rough draft bago ito isulat
o i-print nang malinis sa isang maikling bond paper.
1. Nakakita ng problema sa iyong opisina ang isa sa iyong mga
PANGKATANG GAWAIN
empleyado at sumulat siya ng isang liham para
magmungkahi ng solusyon. Hindi ka naniniwalang mabisa
ang inihain niyang solusyon sa sinasabing problema.
Sumulat ka ng memo bilang tugon sa kaniya.
2. Isang malaking proyekto para isa isang subject sa paaralan
ang iyong isasagawa. Sumulat ng isang memo para sa iyong
mga kagrupo na nagtatalaga sa kanila ng kanilang mga
tungkulin at responsibilidad sa nasabing proyekto.
Pamantayan sa paggagrado

Pamantayan Puntos Iskor


1. May maayos na nilalaman at 10
pagbabanggit sa sitwasyon.
2. Malinaw ang mga punto. 10
3. Kompleto ang mga bahagi at tama ang 10
pormat.
4. Mahusay ang gamit ng wika at tono ng 10
pananalita.
5. Malinis at presentable ang papel. 10
Kabuuan 50
FLYERS AT LEAFLETS

 Kalimitang ipinamumudmod ang mga flyer/leaflet at promotional


material upang makahikayat sa mga tagatangkilik ng isang produkto o
serbisyo. Bukod pa rito, nagbibigay-impormasyon din ang mga
material.
 Ang mga flyers o leaflets ay paraan ng patalastas kung saan
malikhaing inilalapat sa maliit na papel ang mga detalye ng isang
produkto, konsepto, paalala o  polisiya. Gaya ng mga komersyal sa
telebisyon o radio, maging ng mga poster o billboards sa mga tabing
kalsada at establisyemento, ito’y nagbibigay daan upang mas mabilis
na maibahagi ang impormasyon sa nakararami.
 Higitpa dito, hindi tulad ng mga naunang nabanggit na
pamamaraan ng pagkuha ng atensyon ng mga tao, ang
pamamahagi ng mga leaflets o flyers ay higit na mas
mura’t madali.
 Dahil halos magkatulad ang mga kahulugan, ang mga
terminolohiyang “leaflets” at “flyers” ay madalas na
ipinagpapalit kaya’t dapat tandaan na mas naayon ang
tawag na “leaflet” kapag ang isang flyer ay nakatupi.
Dagdag pa rito, kadalasang ipinamimigay ng libre ang
mga ganitong mga uri ng patalastas.
PAGBUO NG FLYER

Maraming aplikasyon ang maaaring magturo o makatulong kaugnay sa paggawa ng


isang flyer sapagkat nagtataglay ito ng mahahalagang impormasyong nais ipakalat.

Maaaring gamitin ang aplikasyong Microsoft Publisher o Adobe Photoshop sa


pagbuo nito. Doon ay mayroon nang mga gabay sa bubuuing layout.
Kailangan na lamang maging maingat at matalino sa isusulat sa nilalaman.
FLYERS
Paggawa ng Flyers FL
YE
RS
 Ginagamit ang flyers sa diseminasyon o pagpapakalat ng impormasyon tungkol
sa isang personal na Gawain o sa isang negosyo. Karaniwang ginagamit ito
bilang promosyonal na materyal.

 Bukod sa mura ang flyers madali itong itong gawin at mabisang paraan ito ng
pagpapakalat ng impormasyon lalo na kung maraming kopya ang ilalathala at
ipamimigay o ipapaskil.

 Mahalaga ito para sa mga maliliit o nagsisimulang negosyo sapagkat


nakatutulong ito na mapansin ng mga tao ang kanilang mga produkto o
serbisyo.
TIPS SA PAGGAWA NG FLYER

1. 1. Sumulat ng pamagat- kailangang simple at malaki ang pamagat. Hindi


dapat hihigit sa limang salita, kasya dapat sa isang linya sa pahina, at nagitna.
Dapat mas malaki kaysa sa buong teksto ang lettering ng pamagat upang
Makita ito ng mga tao mula sa malayo.
2. Gumamit ng mamalalaking titik (all caps) at sans serif font tulad ng Arial.
May serif ang mga pormal na font tulad ng Times New Roman at Book
Antiqua. Mas simple naman ang sans serif fonts, Maaaring lagyan ng kulay
ang pamagat.
TIPS SA PAGGAWA NG FLYER

 2. Gawing simple ang mensahe. Dapat ay hindi na kailangang basahin ng


mambabasa ang kabuuan ng flyer. Dapat maunawaan na agad ito ng titingin o
babasa.
 3. Magdagdag ng larawan o grapikong presentasyon. Mas natatandaan ng mga
tao ang mensahe sa tulong ng mga kasamang imahe. Iwasan ang sobrang
daming larawan upang hindi magmukhang siksik at magulo ang flyer.
 4. Maglagay ng deskripsyon sa ibaba ng larawan. Nararapat na maikli lamang
ito, ngunit detalyado na. Maaari itong dalawa hanggang tatlong linya.
Gumamit ng malalaking titik para sa mga susing salita. Gumamit ng
mapanghikayat na mga salita.
TIPS SA PAGGAWA NG FLYER

 5. Huwag kalimutang ilagay ang numerong dapat tawagan ng mga taong nais
tumugon o interesado sa nilalaman ng flyer.
 6. Pagsasapubliko ng impormasyon ang pinakamahalagang bahagi sa pagbuo ng
flyer. Mamigay ng kopya nito sa mga pampubliko o matataong lugar.
Leaflets/Brochures/Pamphlets
BROCHURES
PAMPHLETS
PAGSULAT NG LEAFLETS

 Ang leaflets, tulad ng flyers, ay uri din ng promosyonal na material.


Gayunman, Higit na malaki at mas komprehensibo ang nilalaman ng
leaflets kaysa sa flyers.
 May iba’t ibang dahilan sa pagpapalaganap ng leaflets na tinatawag ding
brochures o pamphlets. Karaniwang ginagawa ito ng mga nagsisimula ng
isang negosyo o kaya ay para sa isang kampanyang pangkamalayan para
sa isang adbokasiya o pangyayari.
 Karaniwan itong isang buong papel na itinupi sa dalawa o Higit pang
bahagi, na may iba’t ibang disenyo at teksto ayon sa particular na layunin.
PAGGAWA NG LEAFLETS

 1. Planuhin ang mga detalyeng nais ilagay sa leaflet. Bumuo


ng rough layout o guhit na nagpapakita kung paano gustong
iposisyon ang mga larawan at teksto sa leaflet.
 2. Gumamit ng mga parirala para sa mga pamagat at teksto.
 3. Kompara sa flyers, mas malaki ang espasyong inilalaan sa
leaflets at maaaring magdagdag ng impormasyon tungkol sa
produkto o serbisyo. Gayunman, hindi pa rin kinakailangan
dito ang mahaba at detalyadong paliwanag. Maglagay ng web
link na maaaring puntahan ng mga interesadong mambabasa
kung may karagdagang tanong.
PAGGAWA NG LEAFLETS

 4. Maaaring gumamit ng MS Word, na popular sapagkat


karaniwan na itong ginagamit sa halos lahat ng kompyuter.
Madali ring gumawa ng mga kolum sa MS word; ang mga
kolum na ito magagamit sa leaflet. Bukod sa MS word,
maaari ding gamitin ang publisher na mayroon nang
nakahandang templates ng mga disensyo na maaaring
pagpilian.
PAGGAWA NG LEAFLETS

 5. Magsama ng mga larawan upang maiwasan ang


pagkakaroon ng bulto ng teksto na hindi naman babasahin ng
mga tao.
 6. Tingnan kung may mga pagkakamali sa baybay at sa
gramatika. Ang anumang pagkakamali ay nakakasira sa
magandang naisagawa.
 7. Maglimbag ng mga sampol bago ipamahagi ang mga
kopya.
PANGKATANG GAWAIN

 1. Bumuo ng grupong may hindi bababa sa 4-5 ang miyembro. Magprint ng


isang flyer tungkol sa alinman sa sumusunod:
 a. isang serbisyong pang-mag-aaral na ibinibigay ng inyong paaralan.
 b. isang organisasyong pampaaralan
 c. negosyong nais pasukin
 d. produktong nais ibenta
 e. serbisyong maaaring ibigay at pagkakitaan
Tiyaking sapat ang impormasyong ilalagay sa flyer sa pamamagitan ng
pakikipanayam sa mga awtoridad na may alam sa napiling paksa. Gawing kaakit-
akit ang disenyo ng inyong flyer.
PANGKATANG GAWAIN

 2. Bumuo ng grupong may hindi bababa sa 4-5 miyembro. Gumawa ng leaflet


kaugnay sa isang tema sa ibaba. Gawing malikhain at malinaw ang mensaheng
nais iparating.
 a. pinakamagandang lugar sa Nueva Vizcaya
 b. pinakamasarap at naiibang pagkain sa Nueva Vizcaya
 c. pinakamurang shopping centers sa Nueva Vizcaya
PAMANTAYAN SA
PAGPUNTOS

Pamantayan Puntos Iskor

1. Kompleto at malinaw ang impormasyong inilahad 10

2. Mahusay ang paggamit ng wika 10

3. Malikhain at gumamit ng mga biswal na elemento 10

4. Malinis at maayos ang kabuuang gawa 10

Kabuuan 40
DESKRIPSIYON NG PRODUKTO

Paunang Gawain
Pumili ng isang kagamitan sa bahay o sa paaralan. Ilarawan
ang bagay na ito gamit ang teknikal o pormal na wika.

Halimbawa:
Headphones-bahaging pisikal o aksesorya ng kompyuter na
ginagamit upang makapakinig ng musika at video sa mga
website sa internet. Ginagamit din ito kasama ng camera
ng kompyuter upang makipag-chat o video call.
DESKRIPSIYON NG PRODUKTO

 Ang deskripsiyon ng produkto ay isang maikling sulatin


na ginagawa para sa pagbebenta ng mga produkto para sa
isang negosyo. Kinakailangan ang paglalarawan sa
produkto upang maging kaakit-akit at maibenta ito sa
mga target na awdiyens o mamimili.
 Mahalaga ang deskripsiyon ng produkto upang
mabigyang impormasyong ang mamimili tungkol sa mga
benepisyo, katangian, gamit, estilo, presyo, at iba pa ng
produktong nais ibenta.
DESKRIPSIYON NG PRODUKTO

Mahalaga ito sa larangan ng kalakalan o


negosyo dahil napakalakas ng
kompetisyon ng iba’t ibang kompanya.
Karaniwan ang deskripsiyon ay isang
maikling talata lamang.
Maaaring gumawa ng bulleted lists sa
pagsulat ng deskripsiyon sa produkto lalo
na kung sa online stores.
MGA PARAAN SA PAGSULAT NG
DESKRIPSIYON NG PRODUKTO
 1. Maikli lamang ang deskripsiyon ng produkto. Sa
larangan ng negosyo, ipinapalagay palagi na ang mga
mambabasa o mamimili ay walang panahon para magbasa
ng mahahabang teksto. Kailangang masabi sa maikling
talata ang mga kinakailangang ilarawan tungkol sa
produkto.
 2. Magtuon ng pansin sa ideyal na mamimili. May iba’t
ibang buyer persona ang bawat produkto. Ito ay kung para
kanino ibinebenta ang isang produkto. Mahalagang
malaman ang katangian ng target na mamimili, sapagkat
sa pagsulat ng deskripsiyon ng produkto, sila ang
nararapat na direktang kausapin.
ISAALANG-ALANG ANG
SUMUSUNOD
Ang target mo bang mamimili ay may
pormal na personalidad?

Nagtatrabaho ba sa opisina?

Sila ba ay mula sa masa?


ADVERTISEMENT
DESKRIPSIYON NG PRODUKTO
GAANTXT20 Sa papiso-pisong dagdag, pwede mag-load! Unlitxt all day at all
nyt pa! Walang maraming ite-text! Di kelangan magregister! Bili lang sa suking
tindahan ng GAANTXT20 load, solb na ang tawagan ang textan nyo ni Mahal!
MGA PARAAN SA PAGSULAT NG
DESKRIPSIYON NG PRODUKTO

 3. Mang-akit sa pamamagitan ng mga


benepisyo. Bigyan ng diin ang mga
benepisyong makukuha ng mamimili mula
sa produkto.
MGA PARAAN SA PAGSULAT NG
DESKRIPSIYON NG PRODUKTO

 4. Iwasan ang mga gasgas napahayag. Gumamit ng mga


paglalarawan na nagbibigay ng impresyon ng kalidad.
 Hal. Ditas Doll Shoes
 Tignan din ang video para sa deskripsiyon ng produktong ito.
 Malambot ang panloob na talampakan para sa buong araw na
komportableng paglalakad.
 Hindi masakit sa paa.
 Hindi nakakagasgas sa sakong.
MGA PARAAN SA PAGSULAT NG
DESKRIPSIYON NG PRODUKTO
 5. Patunayan ang paggamit ng superlatibo. Kung gagamit ng mga salitang
magpapakita ng pagiging pinakamahusay o pinakamabisa, magbigay ng
espesipikong patunay kung bakit. Sa halimbawa sa ibaba, gumamit ng
salitang “pinakamoderno” at “pinakamura”, at naglagay ng pruweba dito.
 Halimbawa:
Stratz phone- ang pinakamoderno at pinakamurang android phone sa bansa-
may mataas na resolution, mas mataas na contrast ng touchscreen, at 8-week
battery life.
-patented ang build-in light na nagbibigay ng liwanag sa screen para mas
madaling magbasa
-72% mas maraming pixels kaya malinaw ang resolution
-User-friendly menu at magaan ang touchscreen
-hindi madaling ma-lowbatt
-sa halagang Php 3, 000 may android phone kana
MGA PARAAN SA PAGSULAT NG DESKRIPSIYON NG PRODUKTO

 6. Pukawin ang imahinasyon ng mambabasa. Maging


malikhaing sa paglalarawan. Mag-isip ng senaryong
pamilyar at malapit sa kanila.

 7. Magkuwento tungkol sa pinagmulan ng produkto.


Mahusay na estratehiya ng mga kilalang produkto ang
paglalarawan ng mga kompanya nito sa pamamagitan
ng pagkukuwento.
MGA PARAAN SA PAGSULAT NG DESKRIPSIYON NG PRODUKTO

 8. Gumamit ng mga salitang umaapela sa pandama.


Gumagamit ng mga pang-uring pandama. Nagbibigay
ang mga ito ng kapangyarihan sa mga pangungusap.
 Halimbawa
“nuot sa sarap” ang ginamit ng Chicken Heaven sa
paglalarawan sa kanilang mga manok.
MGA PARAAN SA PAGSULAT NG DESKRIPSIYON NG
PRODUKTO

 9. Gumamit ng mga testimonya o patunay


mula sa social media. Nagiging personal at mas
kaakit-akit kapag may ibang mga taong
nagkukuwento tungkol sa iyong produkto.
Maaaring gamitin sa ONLINE SHOPS ang mga
positibong rebuy mula sa mga kostumer bilang
testimonya.
MGA PARAAN SA PAGSULAT NG DESKRIPSIYON NG PRODUKTO

 10. Gumamit ng pormat na madaling i-scan


 Tinatawag na scannable format kapag medaling basahin ang isang
pahina. Narito ang payo:
 Maglagay ng kaakit-akit na ulo o headline
 Gumamit ng subheadings
 Lakihan ang font size para medaling basahin ninuman
 Gumamit ng video o mga litrato para mapataas ang pagkagusto ng
mamimili na bilhin ang produkto
 Gumamit ng Maraming puting espasyo upang maging kaaya-aya
MGA PARAAN SA PAGSULAT NG
DESKRIPSIYON NG PRODUKTO

 11. Gumamit ng kaakit-akit na larawan ng produkto


 Sa larawan pa lamang, kailangang mapukaw na ang atensyon ng target
na mamimili, kaya kinakailangang maganda ang kulay, anggulo, at kuha
ng modelo (kung mayroon) ng litrato ng produkto.
SAGUTIN ANG MGA SUMUSUNOD
NA MGA TANONG. (15 PTS)

 1. Ano ang kahalagahan ng deskripsiyon ng


produkto?
 2. Bakit kinakailangang maging maikli lamang ang
deskripsiyon ng produkto?
 3. Bakit kailangang isaalang-alang ang katangian ng
target na mamimili sa gamit ng wika sa isang
Deskripsiyon ng produkto?
KOLABORATIBONG GAWAIN

 Bumuo ng isang pangkat na may limang miyembro at lumikha


ng maikling video (30 Segundo-1 minute) ng isang patalastas
para sa produktong nais itanghal at ibenta. Tiyaking makikita
sa video ang deskripsiyong teksto na kaugnay ng produkto.
Gawing malikhain at angkop sa uri ng produkto ang estilo ng
presentasyon nito.
PAMANTAYAN SA PAGPUNTOS
Pamantayan Puntos Iskor

1. Malinaw, mahusay, angkop, at kaakit-akit ang deskripsiyon 10

2. Malikhain at makulay ang disenyo ng video 10

3. Mahusay ang pagsulat at paggamit ng wika 10

4. Nakawiwili ang presentasyon 10

5. Malinis ang pagkakagawa 10

Kabuuan 50
FEASIBILITY STUDY

 Maglista ng limang (5) suliraning pampaaralan. Sa tapat ng mga


suliraning ito, isulat naman ang naiisip mong posibleng solusyon sa mga
suliraning inihain. Makipagpalit ng listahan sa katabi. Suriin ang mga
isinulat na problema at solusyon ng iyong kapareha. Lagyan ng tsek ang
kolum ng Posible kung ang solusyong isinulat ay posibleng maisagawa,
lagyan ng tsek ang kolum ng hindi possible kung ito y hindi posibleng
maisagawa.
SULIRANING POSIBLENG POSIBLE HINDI POSIBLE
PAMPAARALAN SOLUSYON
1.
2.
3.
4.
5.

Ang Feasibility Study ay isang ebalwasyon ng mga inihaing


proposal o aksiyon kaugnay sa mga proyekto ng pagpapaunlad
sa mga sitwasyon o mga bagay sa trabaho.
 Kahalagahan ng Feasibility Study

May pagpaplano sa proyekto pero hindi nakatitiyak kung maaaring


isagawa o maisakatuparan ang produktong iyon.

Mahalaga ang Feasibility Study upang makapagdesisyon


ang kompanya sa pinakamainam na aksiyong dapat
gawin.
 Halimbawa, sa pagdedesisyon sa pagbili ng bagong makinarya o kagamitan sa kompanya,
kailangang ikonsidera ang halaga nito at kung kaya nitong punan ang mga kailangang
gawain. Sa pagdedesisyon ng isang negosyante kung magpapakilala ng bagong produkto
sa Merkado, kailangang munang pag-aralan kung may tiyak na konsyumer ang
produktong ito.

Samakatwid, tungkulin ng feasibility study na pag-aralan o suriing mabuti ang


pangkalahatang kalagayan ng mga bagay, tao, o sitwasyong nakakaapekto sa negosyo o sa
kompanya bago magpatupad ng anumang proyekto o magsagawa ng anumang aksiyon,
upang matiyak ang tagumpay.
 Sa FEASIBILITY STUDY tinitignan ang posibilidad kung maisasagawa
ang isang proyekto. Iisa lamang ang tinitingnang solusyon sa feasibility
study at dinedetermina nito kung ang solusyong iyon ang kayang isagawa.
 Tulad ng isang proposal, ang feasibility study ay isang dokumentong
nangangailangan ng pananaliksik. Sinasaliksik dito ang lugar ng negosyo,
ang mga taong magiging bahagi niyo, ang merkado, at ang kaangkupan
ng produkto o serbisyong ihahain sa tao.
Mga Dahilan sa Pagsasagawa ng
Feasibility Study

Ang feasibility study ay isang pormalisadong pagsulat na dulog


na ginagamit sa pagtataya ng ideya upang matukoy kung ang
ideyang ito ay:
Mga Dahilan sa Pagsasagawa ng
Feasibility Study

 maisasagawa o hindi;
 isang makabuluhang impormasyon at datos na makatutulong
sa pagbuo ng desisyon; o
 maaaring gawing alternatibong dulog at solusyon upang
maisagawa ang isang ideya.
Mga Uri ng Feasibility Study

1) Deskripsiyon ng proyekto-tinutukoy nito ang kalidad at uri


ng produkton o serbisyong inihahain at kung maaari itong
isagawa para sa isang particular na larangan, grupo, o negosyo.
Mga Uri ng Feasibility Study

2) Market feasibility- binibigyang-pansin sa pag-aaral na ito


ang merkado (mga posibleng customer), ang laki at lawak nito,
potensyal nito, at/o akses nito.
Mga Uri ng Feasibility Study

3) Technical feasibility-sinusuri sa pag-aaral na ito ang laki at


uri ng mga pasilidad pamproduksyon, mga gusali, kagamitan,
teknolohiya, at hilaw na material na kailangan ng negosyo.
Mga Uri ng Feasibility Study

4) Financial/Economic feasibility- tinataya sa pag-aaral na ito


na ang kakayahan ng puhunan, mga pangangailangan sa pag-
utang, mga halagang kailangang upang makabawi (break even)
ang negosyo, at iba pang aspektong pinansiyal.
Mga Uri ng Feasibility Study

5) Organizational/Managerial feasibility-ang tuon dito ay


ang pamamahala at legal na estruktura ng negosyo.
Mga Komponent o Bahagi ng Feasibility Study

1. Ehekutibong buod-pinakalayunin nito ay tawagin ang


pansin ng mambabasa. Ibinibigay ang maikli at malinaw na
pangkalahatang pagtingin ng mahahalagang punto para sa
bawat bahagi ng plano ng negosyo. Huli itong isinusulat at
hindi dapat hihigit sa dalawang pahina.
Mga Komponent o Bahagi ng
Mga Uri ng Feasibility Study
Feasibility Study

2.Produkto/Serbisyo- ang produkto ay kahit naong


nahahawakan (tangible) at maaaring magamit at
maubos(consumable) na ginagawa at ibinebenta sa publiko.
Ang serbisyo naman ay ang mga gawaing ibinibigay o
inilalaan para sa mga tao.
Mga Komponent o Bahagi ng
Feasibility Study

3.Presyo at posibleng kita-magkano pepresyuhan ang


produkto o serbisyong inilalako? Kinakailangan na ang presyo
ay sapat upang mapunuan ang mga gastusin( expenses).
Mga Komponent o Bahagi ng
Feasibility Study

4. Plano para sa susunod na aksiyon-ipinapakita ba ng plano


na ang ideyang nais gawin ay may halaga at maisasagawa?
Kung mayroon, narito ang mga susunod na dapat buuin.
 A. Ideya-
 -paglalarawan ng ideya o nais gawin sa negosyo o ang plano para sa
isang proyekto. Tiyakin kung ano ang tawag dito, paano ito gagawin,
paano ito naiiba sa ibang pang negosyo, at sino ang bibili.
 -Ito ang kabuuan ng kaisipan tungkol sa balak na negosyo, mula sa
pisikal na itsura , mga taong mamamahala, mga kagamitang kailangang,
pinansiyal at ekonomikal na aspeto, Tinatawag itong business idea.
 B. Mahahalagang Tao
 Hindi sapat ang isang magandang business ideya.
 Mga kailangang ikonsidera sa staffing o pagpili ng staff:
 -sino-sino sila?
 -magkano ang kakailanganin sa pagpapasuweldo sa kanila?
-ano ang kanilang magiging tungkulin?
 -anong mga pagsasanay (training)ang kinakailangan?
 -ano ang mga alternatibo bukod sa pagkuha (hire) ng mga tauhan o staff?
C. Mga Personal na layunin
Dito inilalahad ng negosyante ang dahilan kung bakit nais niyang simulant
ang negosyo. Kailangan niyang tignan ang kanyang mga short-term(isang
taon pababa) medium term (isa hanggang tatlong taon) at long term(Higit sa
tatlong taon) na layunin o goals.
Kailangang matukoy niya muna ang personal na mga hangarin upang
maiwasan ang posibleng conflict sa pagitan ng pribadong buhay at ng
trabaho. May magandang epekto ba sa komunidad.
 D. Merkado
 mayroon bang merkado o malalaking grupo ng tao, na kadalasang may
iisa o halos magkakaparehas na interes, trabaho, gawi o lifestyle at antas
ng lipunan na maaaring tumangkilik sa ideya o produkto ng iyong
negosyo.
 A) Kustomer-sino ang mga potensyal na customer?
 B) Kompetisyon- ito ay ang tunggaliang pangnegosyo.
Mga Komponent o Bahagi ng Feasibility Study

5) Pangkalahatang pagtingin sa negosyo-dito matatagpuan


ang pagtingin o pagtanaw sa mga kakailanganin sa negosyo na
makaaapekto sa pangkalahatang kalagayan o kita nito, Tulad ng
lugar kung saan itatayo ang negosyo at ang mga plano kaugnay
dito. A) Lokasyon B) Site plan, floor plan, assets
Mga Komponent o Bahagi ng Feasibility
Study

6) Puhunan o Kapital-sa pagkakalkula kung magkano ang


kailangang puhunan, paghandaan ang hanggang anim (6) na
buwang pondo. Ito ay dahil maaaring hindi pa makabawi sa benta
(sales) mula sa pagkakataon ng utang (credit), sa pamumuhunan ng
labis na kagamitan, o sa hindi inaasahang pagtaas ng bayarin o
gastusin(overheads)
Mga Komponent o Bahagi ng
Feasibility Study

7) Rekomendasyon
Mula sa isinasagawang pag-aaral tungkol sa posibilidad ng
pagtatayo ng isang negosyo, mahalagang banggitin ang
rekomendasyon kung nararapat itong ituloy o hindi. Nararapat na
ito ay maging tapat, maikli, at direkta.
 KOLABORATIBONG GAWAIN

Sumulat ng feasibility study ayon sa sumusunod na mga sitwasyon.


Sundin ang mga pangunahing bahagi ng feasibility.
1. Magtatayo kayo ng negosyong coffee shop na malapit sa isang
unibersidad.
2. Magbubukas kayo ng isang computer apparatus ng isang online
shop.
Pamantayan Puntos Iskor

1. Komprehensibo ang nilalaman 10

2. Kompleto ang mga bahagi at tama ang pormat 10

3. Tama ang gamit ng wika 10

4. Mahusay ang presentasyon at pagsulat ng feasibility study 10

5. Malinaw at tiyak ang rekomendasyon 10

Kabuuang puntos 50

Maghanda para sa isasagawang pag-uulat sa harap ng klase


NARATIBONG ULAT

 Balik-Tanaw
Ibuod ang nakaraang aralin sa pamamagitan ng talakayan. Isalaysay ang
mga aktibidad na isinagawa sa klase. Banggitin ang mga pinagdaanang
proseso, mga problemang kinaharap at paano ito sinolusyunan, at ang mga
aral na natutuhan mula sa nakaraang aralin.
Magsalaysay sa klase ng mga karanasang kaugnay sa alinman sa sumusunod na
mga paksa o sitwasyon sa ibaba. Habang isinasagawa ang talakayan, magtala
tungkol sa salaysay ng mga kaklase. Magtanong at magbahaginan ng mga
komentaryo sa pagtatapos ng mga ulat.

Paraan ng pangongolekta ng basura sa inyong barangay

Aksidente sa kalsada

Programa ng paghahanda at pagkakawanggawa sa panahon ng sakuna sa inyong barangay


ANG NARATIBONG ULAT/NARRATIVE REPORT

 Ang Naratibong ulat ay kailangang sa iba’t ibang larangan.


 Ito ay isang dokumentong ulat ng isang pangyayari na isinusulat sa
paraang kronolohikal.
 Ang pagsulat sa paraang naratibo o ang pagsulat na nagsasalaysay ng
kwento ay pinakaakma sa mga ulat na may mga pangyayaring may
simula, gitna at wakas.
Ang Naratibong ulat ay isang representasyon ng serye ng mga
pangyayari. Kailangang tandaan na sa isang naratibong ulat, may
isinasalaysay o ikinukwento kaya ang sumusulat nito ay kailangang
may ideya ng banghay o pagkakasunod-sunod ng mga pangyayari.
Mahalagang alam ng nagsusulat kung paano sisimulan ang naratibo
at kung saan ito magtatapos upang maging matagumpay ang pagsulat.
( Onega at Landa, 1996)
Nagkakaroon ng saysay ang mga pangyayari kapag ginagamitan
ng pagkukuwento. Pinupukaw ng mga salaysay o naratibo ang
atensiyon at emosyon ng mambabasa (Legitt 2011)

Ang gamit ng wika sa naratibong ulat, bagaman pormal, ay


maaaring magaan upang gawing mas komportable sa mambabasa
ngunit hindi rin naman nila dapat maramdaman na nakapaimpormal
ng ulat.
 Mahalaga ang kronolohikal na ayos o ang tamang pagkasunod-
sunod ng naratibong ulat ayon sa pangyayari.
 Natural na pagkukwento ang tono ngunit isinasaalang-alang pa rin
ang ang paggamit ng tamang mga salita.
 Karaniwang nagsisimula ang mga manunulat ng naratibong ulat sa
unang pangyayari na naglalatag sa kabuuang pangyayari o
nagpapakilala kung paano nagsimula ang kwento.
KAHALAGAHAN AT BENTAHE NG PAGSULAT NG
NARATIBONG ULAT SA KOMUNIKASYONG TEKNIKAL

 Mahalaga ang naratibo sa pagsulat ng mga teknikal na ulat. Dahil sa


taglay nitong personal na kaugnayan ng manunulat sa ulat at sa
pamilyar na paraang nagsasalaysay o nagkukwento, nakapupukaw ito
ng atensiyon at emosyon ng nagbabasa.
 Batay sa agham sa mga obserbasyon, katotohanan, estadistika, at
pagsusuri, gayundin ang mga ulat na teknikal ay nararapat na obhetibo,
masinsin, ar nagtataglay ng ilang tuyot na nilalaman. Kailangan din ng
estilo sa teknikal na pagsulat. ( Legitt 2011)
KAHALAGAHAN AT BENTAHE NG PAGSULAT NG
NARATIBONG ULAT SA KOMUNIKASYONG TEKNIKAL

 Mga bentahe ng naratibong ulat ayon kay Borton (1988) ay:


1) mas madaling maunawaan ng mambabasa at mas mabilis basahin ang
teksto;
2) mas epektibong napoproseso sa utak ng mambabasa;
3) mas natatandaan ang daloy ng mga isinalaysay na pangyayari; at
4) higit na kapani-paniwala at mapanghikayat kaysa sa paglalahad.
Nararapat, kung gayon, na ang
pagsulat ng naratibong ulat ay
matutuhan ng mga mag-aaral ng
komunikasyong teknikal upang
mapakinabangan ang kasanayang ito sa
hinaharap.
PARAAN NG PAGSULAT NG NARATIBONG ULAT

Sundin ang SAKS- Pahalagahan ang element


BP ng oras at detalye
(Sino-ano-kailan- (Sitwasyon at bunga ng
saan/Bakit-paano) mga desisyon o gawa)

Iwasan ang paggamit ng Piliin ang pinakaakmang anyo ng


aktwal na pangalan kung naratibo batay sa iyong layunin
iniimbestigahan ay isang (Pagsulat na walang diyalogo
kaso o di-tiyak na salarin o /Anyo na may kasamaang

Tumutukoy sa taong nagsasalita
Unang Panauhan ●
Ako, ko, kami, tayo

Tumutukoy sa taong kausap sa pangungusap


Ikalawang Panauhan


Ikaw, ka, kayo, inyo

Inihahalili sa taong tinutukoy sa pangungusap


Ikatlong Panauhan


Siya, sila, nila, kanya, kanila
PARAAN NG PAGSULAT NG NARATIBONG ULAT
Gawing detalyado ang ulat. Gumamit ng anekdota kung
Ilarawan ang kailangang Ipaliwanag ang
mahahalagang katangiang mga eksena, araw, oras, o
ng mga taong kasangkot sa sitwasyon kung kailan sinabi
pangyayari o ginawa ang isang bagay

Gumamit ng teknik Tulad ng


maayos na pagkakasunod-
sunod at karakterisasyon, at
paglalarawan sa mga karanasan,
 Sumulat ng isang naratibong ulat tungkol sa isa sa sumusunod na mga paksa.
 a) artikulo sa magasin ng iyong interes
 b) artikulo sa isang blog
 c) isang pangyayari tungkol sa isports sa bansa
 d) isang pangyayari tungkol sa musika o kultural na iyong nasaksihan
 e) isang pelikula
 f) isang talumpati ng isang kilalang tao

DAONG KAMALAYAN (20 PUNTOS)


 Mario at Leslie
Mga Kaibigan,
May foreber! Kami ay nagagalak na ianunsyo sa inyong lahat ang engagement ng aking anak na si Leslie Ara, sa kanyang mahal at
matalik na kaibigan na si Mario Acpal Jr. Matapos ang mahabang panahon, hiningi ni Mario ang kamay ng aking anak. Siyempre, matamis
na oo ang tugon ni Leslie.
Nais din naming ibahagi sa inyo ang mga susunod pang anunsiyo, lalo na kaugnay sa kanilang kasal. Sana ay mapuspos din kayo ng
ligaya sa sariling mga buhay. Kalakip nito ang imbitasyon para sa detalye. Magkita-kita tayo sa Engagement Party!
Nagpapasalamat,
Eugene at Joshua Ara
PAALALA/BABALA/ANUNSIYO
 

 Ang Anunsiyo
Sinusulat ang anunsiyo upang makapagbigay at makapagbahagi ng impormasyon. Ipinapaalam ng isang
tao ang isang balita para sa mga kasama sa negosyo o sa mga katrabaho, gayundin sa mga tagatangkilik
ng negosyo o sa mga partikular na tao o sektor na maaapektuhan ng anunsiyong kaugnay sa trabaho.
 Isang karaniwang katangiang ng mga anunsiyo ang pagiging malinaw at maikli. Ito
ay sapagkat ayaw ng mga tao ng mahabang diskursyon. Ang nais ng mga
tagatanggap nito ay impormasyong tuwiran at kaugnay sa sitwasyon.
 Sa sulating teknikal, karaniwang itong nasa anyo ng liham o memorandum lalo na
kung ito ay ipinapadala sa mga empleyado sa loob ng isang kompanya o
organisasyon o kaya ay isang patalastas na ipinapaskil.
ILAN SA MGA PAKSA NG ANUNSIYO SA TRABAHO TUNGKOL SA:

 bagong negosyo, tindahan, o sangay ng opisina


 bagong lokasyon ng negosyo
 pagtatanggal sa trabaho o pagbabawas ng tauhan

 pagbubukas para sa pagtanggap ng mga bagong empleyado


 masamang panahon o plano kapag may di-inaasahang sitwasyon
 labis na badyet o plano ng kompanya sa pagtitipid

 Anibersaryo ng negosyo o kompanya


ILAN SA MGA PAKSA NG ANUNSIYO SA TRABAHO TUNGKOL SA:

mga pagbabago sa patakaran o halaga ng bayarin


plano ng pamunuan kapag welga
pagpapalit ng pangalan ng negosyo
programa sa drug testing
Pagpapatigil sa pagtanggap ng bagong empleyado (freeze hiring)
MGA PAYO SA PAGSULAT NG ANUNSIYO

1) Mangalap ng impormasyong may kaugnayan at kailangang maipahatid sa


mambabasa. Ilista ang mga ito ayon sa pinakamahalaga o kaugnayan sa sitwasyon.
2) Gawing direkta at maikli ang anunsiyo upang madaling maunawaan ng
pinatutungkulang tao o sektor kung para saan ang anunsiyo.
3) Gumamit ng tamang tono. Dapat itong ay sumasalamin sa kung anong uri ito ng
anunsiyo.
MGA PAYO SA PAGSULAT NG ANUNSIYO

4) Kilalanin ang natamo ng ibang tao sa anunsiyo. Bigyan sila ng motibasyon upang mag-
asam ng katulad ng mga tunguhin at tagumpay.
5) Ipresenta ang impormasyon sa paraang Kompleto at payak upang maiwasan ang
paulit-ulit o maraming tanong mula sa mga mambabasa.
6) Tiyaking tama ang gramatika, bantas, at baybay ng anunsiyo. Magsagawa ng rebisyon
bago ipadala o ipalabas ang pinal na anunsiyo.
PAALALA AT BABALA

 Ang mga paalala at babala ay kadalasang bahagi ng pagsulat ng instruksiyon.


 Ang instruksiyon ay pangkalahatang tawag sa mga sulating karaniwang ginagamit para sa mga manwal,
mga assembly at maintenance, mga polyeto, at mga korespondesiyang pangnegosyo.
 Isinusulat ang instruksiyon sa pormat na sunod-sunod, may mga numero ng bawat hakbang, at sa
anyong pautos,
 Makatutulong din kung gagamit ng grapikong presentasyon at mga larawan.
 Gumamit ng maikli at malilinaw na mga pahayag sa bawat hakbang. Gumamit ng terminolohiyang
pamilyar sa gagamit. (Borowick 2000)
PAALALA AT BABALA

 Ang mambabasa ng instruksiyon ay ang mga taong kailangang magsagawa ng isang gawain o tungkulin
o kailangang maunawaan kung paano isasagawa ng ibang tao ang isang gawain.
Hal. Ang waitress o waiter na magsasara ng isang restawran ay kailangang maunawaan ang mga proseso o
pamamaraan sa pagsasara.
-Ang surveyor na sumusukat sa kalsada para sa paglalagay ng mga tubo sa ilalim ng lupa ay kailangang
malaman kung paano gumagana ang transit.
-Kailangang malaman ng isang gamer kung paano gumagana ang kaniyang control keys ( Mehlich 1997)
 Inilalagay ang mga paalala at babala bago ang mga instruksiyon kung saan sila
kaugnay upang maiwasan ang pagkasira o panganib ng mga gagamit o magbabasa
ng instruksiyon.
Ang babala (Warning) ay isang instruksiyon na inilalagay upang makaiwas na masaktan
ang tapagsagawa o operator. At/o maiwasang ang pagkasira ng equipment o kagamitan sa
normal na operasyon.

Nagbibigay ng espesyal na atensiyon ang babala sa anumang


maaaring makasakit o makapahamak sa mambabasa.

AL A Sa teknikal na sulatin, ang babala ay nagpapaliwanag ng mga panganib na maaaring


magresulta sa kamatayan o panganib, sakit, o pagkabalda. Pautos at awtoritatibo ang tono

BA B nito upang magbigay ng pakiramdam ng pagiging alisto o takot sa magbabasa.

G
AN
 Isang uri ng babala ang paunawa (caution). Dito, ang instruksiyon ay para sa
tagapagsagawa at tinutukoy para sa kaniya ang mga pag-iingat na akma sa
ilalim ng partikular na sirkumstansiya upang maiwasan ang pagkasira ng
kagamitan.
 Pinupukaw ng paunawa ang atensiyon ng tao tungkol sa anumang bagay na
maaaring makasira ng kagamitan o makapagdulot ng pagkawala ng datos.
Inilalarawan nito ang maaaring mangyari kapag hindi pinansin ang paunawa.
 Paunawa: Huwag munang hugutin ang saksakan kung hindi pa napapatay ang monitor.
Maaaring masira ng monitor. Patayin muna ang monitor bago hugutin ang saksak.
Ang Paalala
 Ang paalala (note) ay ginagamit upang tukuyin ang mga aytem na Nagbibigay
lamang ng impormasyon at Makatutulong sa taong gumagamit upang maunawaan
ang layunin ng isang instruksiyon.
PAALALA:  Hindi ginagamit ang paalala upang magbigay ng impormasyon kaugnay sa
Mapapadali nito kaligtasan ng mga tagapagsagawa o sa pagkasira ng kagamitan. Ito ay para lamang
ang proseso ng sa dagdag na kaalaman na maaaring makapukaw ng interes ng mambabasa. May
magaan na tono kaysa sa awtoritatibong tono ng babala, sapagkat ito ay
pagdidikit ng nagpapaliwanag lamang o nagdadagdag ng mahalagang detalye na walang
turnilyo kapag panganib na maaaring idulot sa sinuman.
itinaas na ang
beam.
MGA PAYO SA PAGSULAT NG PAALALA AT BABALA

1) Simulan sa simple at malinaw na utos.


2) Sumulat para sa pinatutungkulan, halimbawa para sa
tagapangasiwa o sa technician.
3) Pumili ng mga tiyak na salita.
4) Maaaring kailanganin ang pagdagdag ng paliwanag upang mas
maging malinaw ang mga panganib. Mapapahaba nito ang babala o
paunawa ngunit mas maging epektibo ito.
5) Ilista ang mga kondisyong kailangang bago magsimula ng isang
gawain o pamamaraan.
6) Maglagay ng headings o grapikong presentasyon kasama ng babala
at paalala.
LAYAG-DIWA
 A. Sabihin kung ang sumusunod ay paunawa, paalala o babala.
1. Tiyakin na ang boltahe ay katugma ng boltaheng nakalagay sa makina. Maaaring
sumabog ang baterya ng makina kapag napabayaang nakasaksak sa labis ng
boltahe.
2. Ihiwalay ang puting damit sa de-kolor upang hindi humawa ang kulay ng damit na
de-kolor.
3. Huwag punuin ang dryer. Para sa mabisang pag-dry, dapat ay may espasyo sa
pagitan ng mga damit. Maaaring masira ng dryer kapag punong-puno ito.
4. Lagyan ng turnilyo ang mga pader para sa make-shift house. Tiyaking matibay
ang pagkakadikit at kung hindi, maaari itong bumagsak at magbunga ng aksidente.
5. Bago sumakay ng bisikleta, alamin muna kung saan ang bike lanes sa mga
nadaraanang lugar.
Pangkatang gawain. Bumuo ng grupong may apat na miyembro. Sumulat
ng isang babala para sa jaywalking. Iguhit sa illustration board na ½ ang
sukat. Gumamit ng malalaking titik, disenyo, at kulay na Angkop sa
babalang nais iparating.

Pamantayan Puntos

1. Malinaw ang babala at instruksiyon 10

2. Malinis ang pagkakagawa at Mahusay ang disenyo 10

3. Kompleto ang mga bahagi at tama ang pormat 5

4. Mahusay ang paggamit ng wika at Angkop ang tono ng pananalita 5

Kabuuang Puntos 30
PAGBUO NG MANWAL
Balik-tanaw
 Sumulat ng mga panuto o gabay sa isa sa mga sitwasyon sa ibaba:

Paano pananatilihing malinis ang paaralan? Paano pananatilihing balance ang akademiko at extra-
curricular na mga gawain?

1. 1.

2. 2.

3. 3.

4. 4.

5. 5.
Pagbuo ng Manwal

Ang manwal ay mga pasulat na gabay o reperensiyang material na ginagamit sa


pagsasanay, pag-oorganisa ng mga gawain sa trabaho, pagbuo ng mga mekanismo,
pagpapatakbo ng mga kagamitan o makinarya, pagseserbisyo ng mga produkto o
pagkukumpuni ng mga produkto.
Pagbuo ng Manwal

Ang mga gamit tulad ng appliances sa bahay, mga gamit sa opisina tulad ng
kompyuter, fax machine, printer, cell phone, at iba pang laging may tinatawag na
user manual o user guides. Tungkulin ng isang teknikal na manunulat ang pagsulat
ng mga manwal na ito.
Pagbuo ng Manwal

 Ang manwal ay nagtuturo sa isang tao kung paano gagamitin o gagawin ang isang bagay.
Higit sa komprehensibo at malawak ang saklaw nito kaysa sa instruksiyon.
 Ang manwal ay nagbibigay ng mga panuto para sa mga komplikadong gawain katulad ng
pagsasaayos ng mga kompleks na kagamitan. Sa malalaking Sistema tulad ng eroplano o
sasakyan, maraming magkakahiwalay na manwal ang kinakailangan.
Iba’t ibang uri ng Manwal ayon sa gamit:

1) Manwal ng Pagbuo (Assembly Manual)-para sa konstruksiyon ng isang gamit, alignment,


calibration, testing, at adjusting ng isang mekanismo.
2) Manwal para sa gumagamit o gabay sa paggamit (User Manual o Owner’s Manual)-
naglalaman ng gamit ng mekanismo , routine maintenance o regular na pangangalaga at
pagsasaayos ng mga kagamitan, at mga pangunahing operasyon o gamit ng isang mekanismo.
Iba’t ibang uri ng Manwal ayon sa gamit:

3) Manwal na Operasyonal (Operational Manual)- kung paano gamitin ang


mekanismo at kaunting maintenance.
4) Manwal-Serbisyo (Service Manual)-routine maintenance ng mekanismo,
troubleshooting, testing, pag-aayos ng sira o pagpapalit ng depektibong bahagi.
Iba’t ibang uri ng Manwal ayon sa gamit:

5) Teknikal na Manwal (Technical Manual)-nagtataglay ng espesipikasyon ng mga


bahagi, operasyon, calibration, alignment, diagnosis, at pagbuo.
6) Manwal para sa Pagsasanay (Training Manual)-ginagamit sa mga programang
pampagsasanay ng partikular na mga grupo o indibidwal.
(2)Deskripsiyon
(1)Tiyak ang
ng mga
depinisyon mekanismo

(3)Sunod-sunod
(4)Pagsusuri ng
na hakbang o
mga proseso
KOMPONENTinstruksiyon;
NG at/o
MANWAL
AWDIYENS

 Pangunahing konsiderasyon sa pagbuo ng manwal.


 Ang wika at teknikal na detalye ay dapat na Angkop at nauunawaan ng inaasahang
gagamit ng isang produkto o mekanismo.
 Kailangan ng deskripsiyon ng mekanismo, depinisyon ng mga termino, instruksiyon sa
pagpapagana o pagpapatakbo, at solusyon sa mga posibleng problema sa operasyon ng
produkto.
 Tandaan: Kahit gaano pa kakomplikado ang isang produkto o mekanismo,
kailangang gawing malinaw, simple at tiyak ang wika sa user manual.
 Kailangan din ikonsidera ang mga pagpapaikli ng mga salita o mga simbolong
gamit sa manwal upang maging akma sa kakayahan ng gagamit nito.
DISENYO

Narito ang mga gabay sa pagbuo ng mabisang manwal:


1) Madaling basahin at madaling sundan ang mga panuto.
2) May kaakit-akit na disenyo.
3) May mga ilustrasyon upang palawakin ang pag-unawa ng mambabasa.
4) Magagamit na reperensiya sa hinaharap.
5) Naglalaman ng tungkol sa mga paksa, gawain, pamamaraan, at iba pang impormasyong
nakaayos sa lohikal na pagkasunod-sunod.
BALANGKAS NG ISANG MANWAL O GABAY SA PAGGAMIT

1) Pabalat na Pahina- “ tungkol saan ang manwal na ito?” Ano ang nilalaman ng
manwal? Ang pamagat ay maaaring may disenyo na Angkop sa larangang paggagamitan nito.
2) Talaan ng Nilalaman- dito itinatala ang mga pahina at ang pagkakasunod-sunod ng
mga gawain sa loob ng manwal. Mabisa itong kasangkapan upang madaling mahanap ng
mambabasa ang pahina ng paksang kaniyang hinahanap at Makatutulong sa kanya upang
maisagawa nang mabuti ang anumang bagay o prosesong kailangan niyang isaayos.
BALANGKAS NG ISANG MANWAL O GABAY SA PAGGAMIT

3) Introduksiyon-nagpapaliwanag tungkol sa ano-paano-sino. Ano ang nilalaman ng


manwal o tungkol saan ang manwal? Paano gamitin ang manwal? Sino ang gagamit o para kanino ang
manwal?
4) Navigational Tips-pahina na may biswal na simbolo na magagamit upang unawain ang
mga bahagi ng manwal.
BALANGKAS NG ISANG MANWAL O GABAY SA PAGGAMIT

a) Gamit at Tungkulin-dito nakalahad kung paano ginagamit o saan ginagamit ang isang bagay.
1. Saklaw-dito nakasulat kung ano lamang ang mga paksang tatalakayin sa manwal, partikular sa
mga gamit at tungkulin.
2. Takdang gamit –dito isa-isang nakalahad ang mga gamito usage ng isang bagay.
3. Deskripsiyon-dito Inilalarawan ang bawat bahagi ng bagay at kadalasang karugtong ito ng mga
takdang gamit.
4. Espesipikasyon-dito iniisa-isa ang mga katangiang ng gamit at gayundin kung espesyal na mga
katangiang ang mga ito na wala sa ibang kagamitan.
BALANGKAS NG ISANG MANWAL O GABAY SA PAGGAMIT

b) Prinsipyo ng Operasyon- binabanggit dito kung ano disenyo at kung bakit ito idinisenyo nang
gayon.
1. Introduksiyon-ipinapakilala nito kung ano ang katawagan sa gamit o instrument. Inuulit at
binibigyang-diin din ang mga takdang gamit nito.
2. Teoretikal na kaligiran- isinasaad ang mga pinagbatayang teorya at mga pag-aaral na naging
dahilan sa pagkakabuo ng gamit o instrumento.
3. Pagsusuri ng datos- dito inilalagay ang pagsusuri o analisis ng mga datos na pinag-aralin sa
pagbuo at produksiyon ng gamit o instrumento.
BALANGKAS NG ISANG MANWAL O GABAY SA PAGGAMIT

c) Instruksiyon sa Operasyon- dito inilalagay ang sinusunod na mga panuto at pamamaraan sa


paggamit ng mga bagay o kung paano gagamitin o paandarin ang mga ito.
1. Ang gumagamit- sino ang maaaring gumamit ng instrumento? Nagbibigay din ito ng paalala
kaugnay sa paggamit at pangangalaga nito.
2. Mga Kontrol at Indikasyon- sa bahaging ito ay may guhit, ilustrasyon o larawan ng mga control
na pinipindot o ginagalaw upang magamit ang instrumento.
BALANGKAS NG ISANG MANWAL O GABAY SA PAGGAMIT

3) Pamamaraan sa Pagsisimula- iniisa-isang ipaliwanag ang bawat hakbang na kailangang sundin upang
mabuksan at magamit ang instrumento, kung ano ang kailangang kuryente o baterya, at kung ano-ano
ang buton na pipindutin.
4) Mga hakbang sa Paggamit-isa-isang nakalahad kung paano gamitin ang bawat bahagi ng gamit o
instrumento. Ipinapaliwanag dito ang mga prosesong dapat sundin upang maisagawa ang isang
tungkulin ng instrumento.
BALANGKAS NG ISANG MANWAL O GABAY SA PAGGAMIT

d) Serbisyo at Pagmementena-dito nakasulat ang mga paraan ng pagsasaayos ng gamit o instrumento


kung sakaling magkaroon ng anumang di inaasahang problema sa paggamit dito.
1. Karaniwang problema- ilahad ang mga posibleng maranasang problema ng gamit o instrumento at
mga posibleng dahilan kung bakit umuusbong ang mga problemang ito.
2. Simpleng Solusyon- nagbibigay ng mga mungkahing solusyon sa mga karaniwang problemang
nararanasan ng gamit o instrumento at mga solusyong maaari at kayang gawin ng user nang hindi
na kailangang pumunta sa opisinang nagseserbisyo.
BALANGKAS NG ISANG MANWAL O GABAY SA PAGGAMIT

5) Apendiks-ito ang mga kalakip na dokumentong may kaugnayan sa kabuuang ng nilalaman ng


manwal.

1. Glosaryo para sa mga termino- nakatala nang paalpabeto ang mga termino ng mga bagay, proseso
gamit ng instrumento, kahulugan ng mga ito.
2. Talahanayang Reperensiya-nasa anyong talahanayan o table ang mga reperensiyang ginamit sa
mga pagsusuri ng datos o sa alinmang bahagi ng papel o manwal.
BALANGKAS NG ISANG MANWAL O GABAY SA PAGGAMIT

6) Bibliyograpiya- paalpabetong talaan ng mga reperensiya o mga binasang dokumento,


lumilitaw o nababanggit man ang mga ito sa mismong papel ng manwal o hindi.
MGA PAYO SA PAGSULAT NG MANWAL

 1. gumamit ng payak na salita. Iwasan ang mga jargon o teknikal na salita, maliban kung sadyang
kinakailangan. Ipaliwanag ang teknikal na salita sa unang beses na gagamitin ito.
 2. Buuin ang mga akronim sa unang banggit.
 3. Maging konsistent sa paggamit ng terminolohiya, tono, at estilo ng pagsulat.
 4. Gumamit ng maikling pangungusap at parirala.
 5. Gumamit ng numbered lists.
MGA PAYO SA PAGSULAT NG MANWAL

 6. Gumamit ng ilustrasyon (larawan, grap, flowchart, o screen display) kung angkop sa


tinatalakay ng konsepto at para sa pagpapadali sa pag-unawa. Dapat laging malapit ang
posisyon ng mga biswal na element sa inilalarawang teksto.
 7. Tingnan at rebisahin ang mga posibleng mali sa ispeling at gramatika.
Pamantayan Puntos Iskor

1. Malinaw ang mga panuto sa ginawang manwal 15

2. Gumamit ng mg ilustrasyon para Ipaliwanag ang nilalaman ng manwal 15

3. Simple ang mga salita, konsistent sa paggamit ng terminolohiya, tono, at estilo sa 15


pagsulat

4. Sinunod ang espesipikong mga bahagi ng isang manwal 15

5. Malinis ang pagkakagawa at presentable ang papel 10

Kabuuan 70
TALASANGGUNIAN

Francisco, Christian George C. at Gonzales, Mary Grace H. Filipino sa Piling Larangan (Tech-Voc) 2017-
Rex Bookstore Manila, Philippines
https://images.search.yahoo.com/search/images;_ylt=A0SO80s3s5lZFqwAXAhXNyoA;_ylu=X3oDMTE0
MDk3aDltBGNvbG8DZ3ExBHBvcwMxBHZ0aWQDQjQ0NTdfMQRzZWMDcGl2cw--?
p=halimbawa+ng+blog+tungkol+sa+pamilya&fr2=piv-web&fr=tightropetb#id=0&iurl=http%3A%2F
%2F2.bp.blogspot.com%2F-VaXwblUARy4%2FTo1tX8eSAuI%2FAAAAAAAAALU
%2Fy33wGXwdDi8%2Fs1600%2Ftypo_guro.jpg&action=click retrieved August 21, 2017 12:24pm
UPISMC.BLOGSPOT.COM
Pagkakaiba ng flyers at leaflets
https://brainly.ph/question/416963 date retrieved Oct. 29, 2017

You might also like