You are on page 1of 7

2.

Kakayahang Sosyolingguwistiko
KAKAYAHANG PANGKOMUNIKATIBO
Kakayahang Sosyolingguwistiko
Mga mag-aaral, kilala na natin si Dell Hymes, (isa siya sa
mahuhusay na linggwista na may malaking naiambag sa larangan
ng gramatika). Ayon sa kanya, magiging maayos lamang ang
komunikasyon kung ito’y isasaayos. Paano ito aayusin?
Basahin at unawaing mabuti ang ACRONYM na kanyang
ginawang modelo upang makamit ang isang maayos, na usapan.
Ang Acronym na S P E A K I N G.
S Setting
P Participant
E Ends
A Act sequence
K Keys
I Instrumentalities
N Norms
G Genre
S-(Setting)- Pook o lugar kung saan nangyayari ang usapan o
pakikipagtalastasan. Mahalagang salik ang lugar kung saan nag-uusap
ang mga tao. Kailangan iangkop natin ang ating pananamit, at
pananalita sa lugar kung saan nangyayari ang usapan. Halimbawa:
Kapag tayo ay nasa pormal na palatuntunan, hindi tayo makikiapag-
usap na tayo ay parang nasa kalsada.
P- (Participant)- Mga taong nakikipagtalastasan. Dapat nating isaalang-
alang kung sino ang ating kakausapin. Hindi natin kinakausap ang ating
guro tulad ng pakikipag-usap natin sa ating kaklase o kaibigan dahil sa
ating guro kinakailangan nating maging magalang samantalang
kampante naman tayo sa ating mga kaklase o kaibigan.
E- (Ends) – Mga layunin o pakay sa pakikipagtalastasan. Alamin natin
kung ano ang ating mga layunin sa gagawing pakikipag-usap. Halimbawa
kung hihingi tayo ng pabor, kinakailangan natin ang pagpapakumbaba.
A-(Act sequence)- Takbo ng usapan. Maging sensitibo sa takbo ng
usapan. Halimbawa, kapag mainit ang takbo ng usapan, kailangan nating
maging kalmado sa pakikipag-usap upang magtatapos sa isang
mapayapang usapan. Kung minsan naman ang biruan ay nagbubunga ng
pagkapikon at alitan kaya kailangan maging mapagmasid tayo sa kahit
anong takbo ng usapan.
K- (Keys)- Tono ng pakikipag-usap. Katulad ng setting o pook/lugar
nararapat ding isaalang-alang ang sitwasyon ng usapan, kung ito ba ay
pormal o di- pormal. Halimbawa ang mga salitang balbal o mga salitang
kalye ay di dapat gamitin sa mga sitwasyong pormal.
I-(Instrumentalities)- Tsanel o midyum na ginamit, pasalita man o pasulat.
Dapat alamin natin kung ano ang dapat sabihin at kung saan natin ito
sasabihin.
N- (Norms)- Paksa ng usapan. Mahalagang alamin natin kung tungkol
saan ang usapan. Minsan may mga sinasabi ang mga nakakatanda, “ito
ay usapang pang matanda lamang”, usapang pambabae o “girls talk”,
may usapang panlalaki rin. Ibig sabihin kailangan nating iangkop ang
paksa ng ating usapan kung saan ito nababagay o nabibilang.
G- (Genre)- Diskursong ginagamit. Kailangang maging sensitibo tayo sa
kung anong diskurso ang gagamitin. Nagsasalaysay ba, nangangatwiran,
o nakikipagtalo. Minsan, dahil miskomunikasyon sa genre, hindi
nagkakaunawan ang magkausap.
MGA DAPAT TANDAAN:
KAKAYAHANG SOSYOLINGGUWISTIKO -ang pag-unawa batay sa
kung SINO, PAANO, KAILAN, SAAN at BAKIT nangyayari ang
Sitwasyong Pangkomunikatibo. Binibigyang-pansin dito ang
pagkakaiba ng COMPETENCE o KAGALINGAN o KAKAYAHAN sa
PERFORMANCE o PAGGANAP.
Ayon kay Savignon (1972), isang propesor sa University of Ellinois,
ang competence ay ang batayang kakayahan o kaalaman ng isang
tao sa wika samantalang ang performance ay ang paggamit ng tao
sa wika.

You might also like