You are on page 1of 15

Mga Sitwasyong

Pangwika sa
Pilipinas
Mga Sitwasyong Pangwika sa
Telebisyon, Radyo, Diyaryo at Pelikula.
Sitwasyong Pangwika sa Telebisyon
Ang telebisyon ay itinuturing na pinakamakapangyarihang media sakasalukuyan
dahil sa dami ng mamamayang naaabot nito. Sa paglaganap ngcable o satellite
connection ay lalong dumarami ang manonood ng telebisyonsaanmang sulok ng
bansa sapagkat nararating na nito maging angmalalayong pulo ng bansa at maging
mga Pilipino sa ibang bansa. Ang magandang balita, Wikang Filipino ang
nangungunang midyum sa telebisyonsa ating bansa. Halos lahat kasi ng mga
palabas sa mga lokal na channel aygumagamit ng Wikang Filipino at ng iba’t ibang
barayti nito. Ito ang wika ngmga teleserye, mga pantanghaling palabas, mga
magazine show, news and public affairs, komentaryo, dokumentaryo, reality TV,
mga programang pang-showbiz at maging mga programang pang-edukasyon may
mangilan-ngilang news program sa wikang Ingles subalit ang mga ito’y hindi sa
mganangungunang estasyon kundi sa mga local na news TV at madalas ayinilalagay
hindi sa primetime kundi sa gabi kung kailan tulog na ang nakararami.
Sitwasyong Pangwika sa Radyo at Diyaryo

Katulad ng telebisyon, Filipino rin ang nangungunang wika sa radyo.


Ang halos lahat ng mga estasyon ng radyo sa AM man o sa FM ay
gumagamit ng Filipino sa iba’t ibang barayti nito.
May mga programa rin sa FM tulad ng Morning Rush na gumagamit ng
wikang Ingles sa pagbo-broadcast subalit nakararami pa rin ang gumagamit
ng Filipino. May mga estasyon ng radyo sa probinsiyang may mga
programang gumagamit na rehiyonal na wika pero kapag may
kinapanayam sila ay karaniwang sa wikang Filipino sila nakikipag-usap.
Sitwasyong Pangwika sa Pelikula

Bagama’t mas maraming banyaga kaysa lokal na pelikula ang


naipalalabas sa ating bansa taon-taon, ang mga lokal na pelikulang
gumagamit ng midyum na Filipino at mga barayti nito ay mainit ding
tinatangkilik ng mga manonood. Katunayan, sa dalawampung
nangungunang pelikulang ipinalalabas noong 2014, batay sa kinita, lima sa
mga ito ang local na tinatampukan din ng mga lokal na artista. Iyon nga
lang, Ingles ang karaniwang pamagat ng mga pelikulang Pilipino.

Sipi mula kay AM Dayag. et.al. (2016). Pinagyamang Pluma Komunikasyon at Pananaliksik sa Wika at Kulturang
Pilipino. Phoenix Publishing House.2016 p117-145
Sitwasyong Pangwika sa Iba
pang Anyo ng Kulturang
Popular
ANO ITO?
Flip Top
Ito’y pagtatalong oral na isinasagawa nang pa-rap. Nahahawig ito sa
balagtasan dahil ang mga bersong nira-rap ay magkatugma bagama’t sa
flip top ay hindi nakalahad o walang linaw na paksang pagtatalunan. Kung
ano lang ang paksang sisimulan ng naunang kalahok ay siyang sasagutin
ng kanyang katunggali. Di tulad ng balagtasan na gumagamit ng pormal
na wika sa pagtatalo, sa fliptop ay walang nasusulat na iskrip kaya
karaniwang ang mga salitang ibinabato ay di-pormal at mabibilang sa iba’t
ibang barayti ng wika. Pangkaraniwan din ang paggamit ng mga salitang
nanlalait para mas makapuntos sa kalaban.
Pick-up Lines
May mga nagsasabing ang pick-up lines ay makabagong bugtong kung
saan may tanong na sinasagot ng isang bagay na madalas maiuugnay sa
pag-ibig at iba pang aspekto ng buhay. Sinasabing nagmula ito sa boladas
ng mga binatang nanliligaw na nagnanais magpapansin, magpakilig,
magpangiti at magpaibig sa dalagang nililigawan.
Hugot Lines
Ang hugot lines na tinatawag ding love lines o love quotes ay isa pang
patunay na ang wika nga ay malikhain. Hugot lines ang tawag sa mga linya
ng pag-ibig na nakakikilig, nakatutuwa, cute, cheesy, o minsa’y nakaiinis.
Karaniwang nagmula ito sa linya ng ilang tauhan sa pelikula o telebisyong
nagmamarka sa puso’t isipan ng mga manonood subalit madalas
nakagagawa rin ng sarili nilang “hugot lines” ang mga tao depende sa
damdamin o karanasang pinagdaraanan nila sa kasalukuyan.
Sitwasyong Pangwika sa
Social Media at Internet
Sa panahong ito ay mabibilang na lang marahil sa daliri ang tao lalo na
ang kabataang wala ni isang social media account tulad ng Facebook,
Instagram, Twitter, Printerest, Tumblr at iba pa. Maging mga nakatatanda
tulad ng mga lolo at lola ay kabilang na rin sa mga netizen na
umaarangkada ang social life sa pamamagitan ng social media.
Sitwasyong Pangwika sa Kalakalan
Wikang Ingles ang higit na ginagamit sa boardroom ng malalaking
kompanya at korporasyon lalo na sa mga pag-aari o pinamuhunan ng mga
dayuhan at tinatawag na multinational companies.
Sitwasyong Pangwika sa Pamahalaan
Sa bisa ng Atas Tagapagpaganap Blg. 335, serye ng 1998 na "nag-aatas
sa lahat ng mga kagawaran, kawanihan, opisina, ahensiya, at
instrumentaliti ng pamahalaan na magsasagawa ng mga hakbang na
kailangan para sa layuning magamit ang Filipino sa opisyal na mga
transaksyon, komunikasyon, at korespondensiya,” naging mas malawak
ang paggamit ng wika sa iba’t ibang antas at sangay ng pamahalaan.
Sitwasyong Pangwika sa Edukasyon
Sa mababang paaralan (K hanggang Grade 3) ay unang wika ang gamit
bilang wikang panturo at bilang hiwalay na asignatura, samantalang ang
wikang Filipino at Ingles naman ay itinuturo bilang magkahiwalay na
asignaturang pangwika. Sa mas mataas na antas ay nanatiling bilingguwal
kung saan ginagamit ang wikang Ingles bilang mga wikang panturo.
Register o Barayti ng Wikang Ginagamit
sa Iba’t Ibang Sitwasyon
Napag-aralan natin sa mga nagdaang aralin ang tungkol sa iba’t ibang
barayti ng wika. Ang mga barayting ito ay nagagamit sa iba’t ibang
sitwasyong pangwikang ating natalakay rito. Isa sa mga uri ng sosyolek
ang nais bigyang-diin dito, ang paggamit ng mga jargon o mga terminong
kaugnay ng mga trabaho o iba’t ibang hanapbuhay o larangan.

- Sipi mula kay AM Dayag et.al. . Pinagyamang Pluma Komunikasyon at Pananaliksik sa Wika at
Kulturang Pilipino. Phoenix Publishing House.2016 p117-145
Ayon sa aklat ni Dayag, et.al (2016), batay sa mga
nailatag na sitwasyong pangwika sa iba’t ibang
larangan, maliwanag na makikita ang kapangyarihan
at lawak ng paggamit ng wikang Filipino na
itinuturing na wika ng masa sakasalukuyang
panahon. Makikita sa mga ito ang lubos na
pagtanggap ng karamihan sa mga mamamayan sa
sarili nating wika.

You might also like