Varayti ng Wika Layunin ng Talakayan masabi kung ano ang register bilang varayti ng wika;
maiklasipika ang mga salita ayon sa disiplina o larangang
pinaggagamitan ng mga ito;
makapagtala ng mga halimbawa ng register ayon sa iba’t ibang
larangan o disiplina;
makasulat ng maikling talatang ginagamitan ng mga register; at
makabuo ng word list ng mga register sa iba’t ibang larangan o
disiplina. Daloy ng Talakayan Espesyalisadong termino;
Ang register bilang varayti ng wika; at
Register para sa iba’t ibang propesyon at
larangan. Espesyalisadong Termino
Napakaraming gawain ng mga tao ang ginagamitan ng mga
espesyalisadong termino.
Madalas, ang mga terminong ito ay hiram na mga salita o
mula sa mga banyagang kultura. Espesyalisadong Termino Mga Halimbawa:
Nang hiramin natin ang kultura ng paggamit ng washing
machine, ang mayamang salita natin sa paglalaba gaya ng kuskos, kusot, piga, kula, babad, banlaw, palo-palo, palanggana, batya, at iba pa ay nadagdagan ng mga salitang wash, rinse, spin, reserve, soak, speed, hyper speedy, normal, mini, delicate, tub, tub hygiene, at iba pa.
Sa larangan ng komunikasyon gamit ang cell phone, marami
ang espesyalisadong terminong ginagamit gaya ng text, call, outbox, unlimited text, unlimited call, message, camera, bluetooth, post paid, ringtone, earphone, send, inbox, at iba pa. Espesyalisadong Termino
Ang Register bilang Espesyalisadong Termino
Ang isang salita o termino ay maaaring magkaroon ng iba’t
ibang kahulugan ayon sa larangan o disiplinang pinaggamitan nito. Register ang tawag sa ganitong uri ng mga termino.
Tinatawag na Register ang mga espesyalisadong termino gaya
ng mga salitang siyentipiko o teknikal na nagtataglay ng iba’t ibang kahulugan sa iba’t ibang larangan o disiplina. Espesyalisadong Termino Mga Halimbawa ng Register spin Ang spin sa washing Ang spin sa paggawa ng machine ay sinulid ay nangangahulugan nangangahulugan ng ng paghahabi ng hibla o ber mabilis na pag-ikot ng upang maging sinulid. makina upang mapiga o matanggal ang tubig sa mga damit.
text Ang text sa cell phone ay Ang text sa literatura ay
tumutukoy sa ipinadalang tumutukoy sa anomang mensahe patungo sa isa o nakasulat na akda gaya ng iba pang cell phone. tula, sanaysay, at kuwento. Kapital Ang kapital sa larangan ng Ang kapital sa larangan ng pagnenegosyo ay heograpiya ay nangangahuluhan ng nangangahulugan ng punong puhunan. lungsod o kabisera. Espesyalisadong Termino Gamit ng Register sa Iba’t Ibang Propesyon
Bawat propesyon ay may register o mga espesyalisadong
salitang ginagamit. Iba ang register ng wika ng guro sa abogado. Iba rin ang sa inhinyero, computer programmer, game designer, negosyante, at iba pa.
Samantala, ang doktor at nars ay pareho ang register ng
wika sapagkat iisa ang kanilang propesyon o larangan—ang medisina. Register Bilang Varayti ng Wika
Hindi lamang ginagamit ang register sa isang partikular o
tiyak na larangan kundi sa iba’t ibang larangan o disiplina rin.
Dahil iba-iba ang register ng wika ng bawat propesyon at
nababago ang kahulugang taglay ng register kapag naiba ang larangang pinaggagamitan nito, itinuturing ang register bilang isang salik sa varayti ng wika. Register Bilang Varayti ng Wika Iba Pang Halimbawa ng Register ng Wika Isang tiyak na halimbawa ng register ng wika ang magkakaibang tawag sa binibigyan ng serbisyo ng bawat propesyon o larangan.
Propesyon o Larangan Tawag sa binibigyan ng serbisyo
guro estudyante doktor at nars pasyente abogado kliyente pari parokyano tindero/tindera suki drayber/konduktor pasahero artista tagahanga politiko nasasakupan/mamamayan Register Para sa Iba’t Ibang Propesyon at Larangan