You are on page 1of 34

• 1.

Nasusuri ang kalikasan, gamit, ang mga kaganapang


pinagdaanan at pinagdaanan ng Wikang Pambansa
ng Pilipinas
• 2. Naiuugnay ang mga konseptong pangwika sa sariling
kaalaman, pananaw, at mga karanasan .
• 3. Nakasusulat ng editorial gamit ang iba’t ibang barayti
ng wika.
Paghahawan ng sagabal:
a. Konseptong Pangwika
• b. Barayti ng Wika
• c. Editoryal
• Paano makatutulong ang mga kaalaman ukol sa
mga barayti ng wika?
• a. Ano-anong salik ang pinagmulan ng pagkakaiba
o ng barayti ng wika?
• b. Bakit kaya sinasabing walang buhay na wika ang
maituturing na homogeneous?
• c. Sa papaanong paraan nagiging heterogeneous
ang wika?
• d. Paano nagkakaiba ang Pidgin at Creole?
• e. Ano-ano ang pagkakaiba ng bawat barayti ng
wika?
MGA BARAYTI NG WIKA
a. Ano-anong salik ang pinagmulan ng pagkakaiba o ng barayti
ng wika?
b. Bakit kaya sinasabing walang buhay na wika ang
maituturing na homogeneous?
c. Sa papaanong paraan nagiging heterogeneous ang
wika?
d. Paano nagkakaiba ang Pidgin at Creole?
e. Ano-ano ang pagkakaiba ng bawat barayti ng wika?
Heterogenous at Homogenous na Wika
Walang buhay na wika ang maituturing
homogenous dahil ang bawat wika ay binubuo
nang mahigit sa isang barayti. Masasabi lang kasing
homogenous ang wika kung pare-parehong
magsalita ang lahat ng gumagamit ng isang wika.
Subalit hindi ganito ang wika sapagkat nagkakaroon
ng pagkakaiba-iba sanhi ng iba’t ibang salik sa
lipunan tulad ng edad, hanapbuhay o trabaho, antas
ng pinag-aralan, kasarian, kalagayang panlipunan,
rehiyon o lugar, pangkat-etniko o tinatawag ding
etnolingguwistikong kumonidad kung saan tayo’y
nabibilang, at iba pa. Ipinakikita ng ibat ibang salik
panlipunang ito ang pagiging heterogenous ng
wika. Ang iba’t ibang salik na ito ay nagreresulta
sa pagkakaroon ng iba’t ibang barayti ng wika.
Barayti ng Wika
Hindi maiiwasan ang pagkakaroon ng barayti ng
wika dahil sa pakikipag-ugnayan ng tao sa kapwa tao
mula sa ibang lugar na may naiibang kaugalian at wika.
Mula sa pag-uugnayang ito ay may nalilinang na
wikang may pagkakaiba sa orihinal o istandard na
pinagmulan nito.
Mula pa noon hanggang sa kasalukuyan ay
sinisikap na pag-aralan ang pagkakaroon ng iba’t ibang
barayti ng wika. Mababanggit din ang tungkol sa Tore
ng Babel mula sa bibliya sa Genesis 11:1-9 kung saan
sinasabing naging labis na mapagmataas at
mapagmalaki ang mga tao at sa paghahangad ng lakas
at kapangyarihan, sila ay nagkaisang magtayo ng
toreng aabot hanggang langit. Pinarusahan sila ng
Diyos sa pamamagitan ng pagbibigay sa kanila ng iba’t
ibang wika. Dahil hindi na sila magkaintindihan, natigil
ang pagtatayo ng tore na tinawag na Babel at dito
naganap ang pagkaiba-iba ng wika ng mga tao.
DAYALEK
Ito ang barayti ng wika na ginagamit ng
partikular na pangkat ng mga tao mula sa
isang partikular na tulad ng lalawigan, rehiyon
o bayan. Maaaring magkapareho ang
dayalekto ng dalawang lalawigan pero
magkaiba ang tono ng pananalita.
Halimbawa

• pakiurong nga po ang plato (Bulacan –


hugasan)

• pakiurong nga po ang plato (Maynila –


iusog)
IDYOLEK
kahit iisang dayalek ang sinasalita ng pangkat ng mga
tao ay mayroon pa ring pansariling paraan ng
pagsasalita ang bawat isa. Ito ang tinatawag na idyolek.
Sa barayting ito, lumulutang ang katangian at
kakanyahang natatangi ng taong nagsasalita. Sinasabing
walang dalawang taong nagsasalita ng isang wika ang
bumibigkas nito ng magkaparehong-magkapareho. Dito
lalong napatunayang hindi homogenous ang wika
sapagkat may pagkakaiba ang paraan ng pagsasalita ng
isang tao sa iba pang tao batay na rin sa kanyang
indibidwal na estilo o paraan ng paggamit ng wika
kung saan higit siyang komportableng magpahayag.
Halimbawa
• Tagalog – Bakit?
• Batangas – Bakit ga?
• Bataan – Bakit ah?
• Ang idyolek ni Marc Logan – paggamit ng salitang
magkakatugma
• Ang idyolek ni Mike Enriquez – hindi namin kayo
tatantanan
• Ang idyolek ni Kris Aquino - Aha!, ha, ha… okey! Darla!
SOSYOLEK
Ito ang barayti ng wikang nakabatay sa katayuan o antas
panlipunan o dimensyong sosyal ng mga taong gumagamit
ng wika. Kapansin-pansing ang mga tao ay nagpapangkat-
pangkat batay sa ilang katangian tulad ng kalagayang
panlipunan, paniniwala, oportunidad, kasarian, edad at iba
pa. May pagkakaiba ang barayti
ng nakapag-aral at ng hindi nakapag-aral; ng matanda
sa mga kabataan; ng mga maykaya sa mahirap; ng
babae sa lalaki, o sa bakla; gayundin ang wika ng preso;
wika ng tindera sa palengke at ng iba pang pangkat. Ang
sosyolek ay isang mahusay na palatandaan ng
istratipikasyon ng isang lipunan,na siyang nagsasaad sa
pagkakaiba ng paggamit ng wika ng mga tao na
nakapaloob dito batay sa kanilang katayuan sa lipunan
at sa mga grupo na kanilang kinabibilangan. Para
matanggap ang isang tao sa isang grupong sosyal,
kailangan niyang matutunan ang sosyolek.
ETNOLEK
Ito ay barayti ng wika mua sa mga etnolingguwistikong
grupo ang salitang etnolek ay nagmula sa pinagsamang
etniko at dayalek. Taglay nito ang mga salitang nagiging
bahagi ng pagkakilanlan ng isang pangkat etniko.
Halimabawa ay ang sumusunod:
• ang vakkul na tumutukoy sa gamit ng mga Ivatan na
pantakip sa ulo sa init man o ulan
• ang bulanon na ang ibig sabihin ay full moon
• ang kalipay na ang ibig sabihin ay tuwa o ligaya
• ang palangga na ang ibig sabihin ay mahal o
minamahal
• ang paggamit ng mga Ibaloy ng SH sa simula, gitna at
dulo ng salita tulad ng shuwa (dalawa), sadshak
(kaligayahan), peshen (hawak)
REGISTER
Ito ang barayti ng wika kung saan naiaangkop ng
isang nagsasalita ang uri ng wikang ginagamit niya sa
sitwasyon at sa kausap. Nagagamit ng nagsasalita ang
pormal na tono ng pananalita kung ang kausap niya ay
isang taong may mas mataas na katungkulan o
kapangyarihan, nakakatanda o hindi niya masyadong
kakilala. Pormal na wika rin ang nagagamit sa mg
pormal na pagdiriwang o pangyayari tulad ng pagsimba
o pagsamba, sa mga seminar o pagpupulong, sa mga
talumpati, sa korte, sa paaralan at sa iba pa.
Kapag susmusulat ng panitikan, ulat at iba pang uri ng
pormal na sanaysay ay pormal na wika rin ang
ginagamit.
Ang di-pormal na paraan ng pagsasalita ay
nagagamit naman kapag ang kausap ay mga kaibigan,
malalapit na kapamilya, mga kaklase, mga kassing-edad,
At matatagal nang kakilala. Nagagamit ito sa mga
pamilyar na okasyon tulad ng kasiyahang pampamilya o
magbabarkada gayundin sa pagsulat ng liham-
pangkaibigan, komiks, sariling talaarawa at iba pa.
Isang halimbawa nito’y ang pagsasabing “Hindi ako
makakasama, wala akong datung” kapag ang kaibigan ang
kausap pero nagiging “Hindi po ako makakasama dahil wala po
akong pera” kapag sa guro na sinasabi ang sitwasyon.
PIDGIN AT CREOLE
Ang pidgin ay umusbong na bagong wika o tinatawag sa Ingles
na “nobody’s native language”o katutubong wikang di pag-aari
ninuman. Nangyayari ito kapag may dalawang taong
nagtatangkang mag-usap subalit pareho silang may
magkaibang unang wika kaya’t ‘di magkaintindihan dahil hindi
nila alam ang wika ng isa’t is. Halimbawa’y ang nagyari nang
dumayo ang mga Espanyol sa Zamboanga at makipag-
usap sila sa mga katutubo roon. Dahil pareho silang
walang nalalaman sa wika ng bawat isa kaya sila
nagkakaroon sila ng tinatawag na makeshift language.
Wala itong pormal na estruktura kaya’t ang dalawang
nag-uusap ang lumilinang ng sarili nilang tuntuning
pangwika. Sa kaso ng mga Espanyol at katutubo ng
Zamboanga, nakalikha sila ng wikang may pinaghalong
Espanyol at wikang katutubo. Pidgin ang tawag sa
nabuo nilang wika.
Kalaunan, ang wikang ito na nagsimula bilang
pidgin ay naging likas na wika o wika na ng batang
isinilang sa komunidad ng pidgin. Nagamit ito sa
mahabang panahon, kaya’t nabuo ito hanggang sa
magkaroon ng pattern o mga tuntuning sinunod na ng
karamihan. Ito ngayon ay tinatawag nang creole, ang
wikang nagmula sa isang pidgin at naging unang wika
sa isang lugar. Halimbawa, ang sinimulang wika ng mga
Espanyol at wikang katutubo ng Zamboanga ay pidgin
subalit nang maging unang wika na ito ng mga batang
isinilang sa lugar, nagkaroon ng sariling tuntuning
panggramatika at tinawag na Chavacano (kung saan
ang wikang katutubo ay nahaluan na ng
impluwensiya at bokabularyo ng wiakng Espanyol o
Kastila) at ito na ngayon ay naging creole.
Tukuyin kung anong barayti ng wika nabibilang ang sumusunod na
mga pahayag o sitwasyon.
• _____________1. Kilalang-kilala ng madlang tagapanood ang paraan ng pagsasalita ni Noli De
Castro lalo na kapag sinasabi niya ang pamoso niyang linyang” Magandang Gabi,
Bayan!”
• _____________2. Nagtatagalog din ang mga taga-morong, Rizal pero may punto silang kakaiba sa
Tagalog ng mga taga-Metro Manila.
• _____________3. Marami ang gumagaya sa paraan ng pagsasalita ni Kris Aquino lalo na ang
malutong niyang “ Ah , ha, ha! Okey! Darla! Halika!”
• _____________4. Nagtagpo ang mga unang nakipag kalakalang Tsino at Mga Katutubo sa Binondo
bago pa man dumating ang mga Espanyol. Dahil parehong walang alam sa wikain
• ng isa’t isa, bumuo sila ng wikang walang sinunsunod sa estruktura at hindi pag-aari
ng sinuman sa kanila.
_____________ 5. Ang ilan sa mga Tsinong nakipagkalakalan sa ating mga ninuno ay nagpakasal sa
mga dalagang taga-Binondo. Ang wikang kanilang binuo na maituturing na hindi
• pag-aari ninuman ay siyang nagging unang wika ng mga nagging anak nila.
• _____________ 6. Maririnig sa usapan nina Aluro a.k.a. “ Laura “ at ng kaibigan niya si
Danilo a. k. a “ Dana” ang mga salitang charot, chaka, bigalou, at iba pa.
• _____________ 7. Habang nakasakay sa bus si Norie ay narining niyang nag-uusap ang
dalawang babae sa unahan. Nairnig niya sa usapan ang mga salitang lesson, plan, quiz,
essay,
• at grading sheets. Mula rito’y alam na niyang mga guro ang mga nakaupo sa harap niya.
• ______________8. Habang naghahanda ng report o ulat ang magkaibigang Rio at Len ay
maharot at nakatatawa ang ginagamit nilang mga salita subalit nang maihanda ang mga
• kagamitan at magsisimula silang mag-ulat sa harap ng klase at ng guro ay biglang nag-iba at
nagging pormal ang paraan nila ng pagsasalita.
• ______________9. Natutuhan ni Joven ang salitang vakkul mula sa mga Ivatan nang
mamasyal siya sa Batanes. Saan man siya mapunta ngayon, kapag narinig niya ang salitang
• vakkul ay alam niyang ang salitang ito ng mga Ivatan ay tumutukoy sa ganit nilang
pananggalang sa init at ulan.
• _______________10. “ Handa na ba kayo?” ito ang pamosong linyang binibigkas ni Korina
Sanchez sa kanyang programang Rated K. Kahit hindi ka nakatingin sa telebisyon at
• naririnig lamang ang kanyang pagsasalita ay tiyak na malalaman mong si Korina nga ito
dahil sa sarili niyang estilo ng pagbibigkas.
Pamantayan sa Pagsulat ng Editoryal
3 2 1
Pamantayan Nakapahusay Mahusay Nangangailangan pa
ng pagsasanay
Nilalaman Malinaw na nailatag ang Sapat na nailatag ang Hindi nailatag ang
layunin, isyu at argumento sa layunin, isyu at layunin, isyu at
isang isyung pampaaralan argumento sa isang argumento sa isang
isyung pampaaralan isyung pampaaralan
Organisasyon May lohikal at maayos na Maayos ang paglalahad Maraming kailangang
ng ideya paglalahad ng mga ideya ng mga ideya isaayos sa paglalahad
ng ideya
Gamit ng Wika Nagagamit ang angkop na salita Nagagamit ang angkop Hindi masyadong
at maayos na pag-uugnay- na salita ngunit hindi nagagamit ang angkop
ugnay ng mga ideya. Malinaw at masyadong malinaw na salita at hindi
wasto ang pagbabaybay at masyadong malinaw.
pagbabantas.
• Hahatiin ang klase sa limang pangkat. Bawat pangkat ay
magsusulat ng editoryal gamit ang iba;t ibang barayti ng
wika. Ito ay tatayain gamit ang sumusunod na
pamantayan.

You might also like