You are on page 1of 27

Gamit ng Wika sa

Lipunan

INIHANDA NI: VIRGEL A.


PINLAC
Gamit ng Wika sa Panlipunang
Pangangailangan at Konteksto Ayon kay
Malinowski (1923)
Ipinapalagay ni Malinowski na ang wika ay repleksiyon ng
panlipunang pangangailangan at konteksto (Haslett 2008). Ibig
sabihin, ang silbi at tungkulin ng wika ay nalilikha alinsunod sa
papel na ginagampanan nito sa isang partikular na kultura.
Halimbawa, may mga salita sa Filipino na sensitibong
ginagamit bilang konsiderasyon sa kultural na aspekto ng
pakikipag-ugnayan. Gaya na lamang ng pag-uutos, gumagamit
tayo ng "paki" bilang pagpapakita ng paggalang at mabuting
pakikitungo.
Gamit ng Wika sa Panlipunang
Pangangailangan at Konteksto Ayon kay
Malinowski (1923)
Ang paggamit ng "po" at "opo" ay mga katagang nakabatay sa
kultural na aspekto ng ating wika at walang kinalaman sa
estruktura. Kultural din ang lohika sa paggamit ng "kayo" at
"sila" na estruktural na tumutukoy sa maramihan ngunit sailang
pagkakataon ay ginagamit bilang pananda sa pagpapakita ng
paggalang. Maihahambing ito sa kultura ng mga Espanyol sa
paggamit ng tu (pamilyar na ikaw) at usted (magalang na
pagtukoy sa ikaw).
Gamit ng Wika sa Sitwasyonal na Konteksto
ng Pagpapakahulugan Ayon kay Firth (1957)
Binibigyang-diin naman sa prinsipyo ng sitwasyonal na
konteksto ni John Rupert Firth (1957) ang paglalarawan sa
kahulugan na nakabatay sa paggamit ng wika sa tiyak na
konteksto. Inilahad niya ang proseso ng pormal na paglalapat
nito: (1) pagsusuri sa mga kalahok (kabilang ang kanilang mga
makabuluhang berbal at di-berbal na pahayag); (2)
makabuluhang bagay at di-berbal na pangyayari o pagkakataon
sa isang tiyak na konteksto; at (3) epekto ng mismong mga
pahayag.
Gamit ng Wika sa Sitwasyonal na Konteksto
ng Pagpapakahulugan Ayon kay Firth (1957)
Halimbawa, may magkakaibang paraan ang mga tao sa
pagpapahayag ng kanilang nararamdaman gaya ng pagkainis. Maaari
itong ipahayag sa pasalitang pagsasabi ng "hindi ka na nakakatuwa"
o "nakakasakit ka na," o sa paraan ng "pag-alis ng walang pasabi" o
"aktong padabog." Kung susuriin, may kadikit na dahilan sa iba't
ibang sitwasyon kung bakit ito ang pinipili nilang paraan sa
pagpapahayag. Maaaring bunga ito ng umiiral na kumbensiyong
pangkomunikasyon o impluwensiya ng sitwasyong kinasasangkutan
ng mga kalahok.
Gamit ng Wika sa Sitwasyonal na Konteksto
ng Pagpapakahulugan Ayon kay Firth (1957)
Kapag ang mga paraang berbal at di-berbal na pagpapahayag ng
pagkainis ay inilagay sa isang tiyak na sitwasyonal na konteksto kung
saan, kailan, at paano ito ginamit, maaari itong magkaroon ng bagong
gamit at kahulugan. Ang pagpapahayag ng pagkainis sa paraang
"padabog" sa harap ng napakaraming tao ay maaaring magpahiwatig ng
kabastusan.
Sa huling proseso, mahalagang indikasyon ang naging bisa o epekto ng
mga pahayag na idinikit sa konteksto batay sa reaksiyon ng mga kalahok
at kung nakatugon ito sa inaasahang panlipunang gamit ng wika sa
partikular na sitwasyon at layunin ng komunikasyon.
Gamit ng Wika sa Prinsipyo ng Dulog-Sa-
Gamit (Functional Approach) Ayon kay
M.A.K. Halliday (1973)
Anumang wika ay may gamit na tumugon sa pangangailangan ng tao at
lipunang kinabibilangan nito. Halimbawa, hindi lubos na mauunawaan ang
baryasyon ng wika kung ang pag-aaralan lamang ay ang mga lingguwistikong
estrukturang bumubuo rito, at isasantabi ang mga di-lingguwistikong
pangyayari o pagkakataon na nagbunsod sa pag-iral nito bilang panlipunang
gamit at produkto ng isang layunin sa komunikasyon. Sa ganitong diwa,
mailalapat ang prinsipyong dulog-sa-gamit (functional approach) na pag-aaral
sa wika na ipinanukala ni Michael Alexander Kirkwood (M.A.K.) Halliday
(1973), mula sa pagpapalawak at pagpapaunlad ng mga naunang teorya nina
Malinowski (1923), Firth (1957), at iba pa.
Gamit ng Wika sa Prinsipyo ng Dulog-Sa-
Gamit (Functional Approach) Ayon kay
M.A.K. Halliday (1973)
Sa obserbasyon ni Halliday, nabuo niya ang pitong gamit ng wika
batay sa iba't ibang yugto ng pagkakagamit ng isang bata. Napansin niya
na ang isang bata ay may hakbang-hakbang na yugto ng kakayahan sa
paggamit ng wika samantalang ang nakatatanda ay may kakayahan nang
ilapat ang maraming tungkulin na ito. Nagsisimula ang isang bata sa
yugto na ginagamit niya ang wika upang magpahayag ng kaniyang
pangangailangan, na tutungo sa pag-uutos at pagkontrol sa mga tao sa
kaniyang paligid, hanggang sa may sapat na siyang kakayahan para
magtanong tanong upang tumuklas.
Gamit ng Wika sa Prinsipyo ng Dulog-Sa-
Gamit (Functional Approach) Ayon kay
M.A.K. Halliday (1973)
Naniniwala si Halliday na may gampanin ang wika sa
pagbubuo ng panlipunang realidad at mahalaga ang
panlipunang gamit nito sa pagbibigay-interpretasyon sa wika
bilang isang sistema. Ibig sabihin, ang wika bilang potensiyal
sa pagpapakahulugan ay naisasagawa sa pamamagitan ng
pagsusuri sa partikular na panlipunang setting ng
komunikasyon.
Pitong Gamit ng Wika 
Instrumental na Gamit ang
Wika
 May instrumental na gamit ang wika kung layunin
nitong makipagtalastasan para tumugon sa
pangangailangan ng tagapagsalita.
 Ginagamit ang wika para tukuyin ang mga
pangangailangan ng tagapagsalita.
Instrumental na Gamit ang
Wika
 Sa aktuwal na karanasan, karaniwang instrumental ang
gamit ng wika para sa paglutas ng problema, pangangalap ng
materyales, pagsasadula, at panghihikayat.
 Kailangang gamiting mabisa ang instrumental na gamit ng
wika sa pamamagitan ng paglilinaw at pagtitiyak ng
pangangailangan, naiisip, o nararamdaman sa partikular na
gawain.
Instrumental na Gamit ang
Wika
 Halimbawa, alin sa dalawang pahayag sa ibaba ang
naglilinaw ng mensahe ng ninanais na pakikipaghiwalay?

a) Sa palagay ko, kailangan na nating magpahinga muna.


b) Sa akin, gusto ko munang makipaghiwalay.
Instrumental na Gamit ang
Wika
 Sa unang pahayag, hindi mabisang nailapat ang instrumental
na tungkulin ng wika sapagkat hindi ito naglilinaw ng tiyak na
kagustuhan at pangangailangan ng tagapagsalita, hindi gaya
ng ikalawa na may tiyak na paggamit ng pahayag na "gusto ko
... " upang sapat na makatugon sa hinihingi ng tagapagsalita.
 Sa kabilang banda, maaari ring ituring na mabisa ang
pahayag kung ginamit ito sa angkop na sitwasyon at layunin
sa pakikipagkapwa.
Regulatori na Gamit ang
Wika
 May regulatori na gamit din ang wika na may kakayahang
makaimpluwensiya at magkontrol sa pag-uugali at kaasalan
ng iba.
 Magagamit ng tagapagsalita ang kapangyarihan ng wika
upang makapanghikayat, mag-utos, at humiling sa kaniyang
kausap o sinoman sa kaniyang paligid.
 Madalas ay may negatibong konotasyon ang ideya ng
pagkontrol, ngunit maaari namang isagawa ito sa positibong
paraan na angkop sa paggamit ng wika
Regulatori na Gamit ang
Wika
 Kailangang maging malinaw na ang anumang uri ng
komunikasyon ay makapangyarihan; maaaring positibo ngunit
maaari ding maging negatibo ang implikasyon sa kapwa
tagapagsalita at tagapakinig.
Halimbawa, sa berbal na komunikasyon, maaaring gamitin ang
regulatori na gamit ng wika sa pagpapahayag ng mga positibong
salita para humikayat sa isang indibidwal na ipagpatuloy ang
kaniyang mga kalakasan. Maaari din naming makasakit ito kung
iinsultuhin ang isang tao dahil sa kaniyang mga limitasyon.
Regulatori na Gamit ang
Wika
 Kailangang maging malinaw na ang anumang uri ng
komunikasyon ay makapangyarihan; maaaring positibo ngunit
maaari ding maging negatibo ang implikasyon sa kapwa
tagapagsalita at tagapakinig.
Halimbawa, sa berbal na komunikasyon, maaaring gamitin ang
regulatori na gamit ng wika sa pagpapahayag ng mga positibong
salita para humikayat sa isang indibidwal na ipagpatuloy ang
kaniyang mga kalakasan. Maaari din naming makasakit ito kung
iinsultuhin ang isang tao dahil sa kaniyang mga limitasyon.
Regulatori na Gamit ang
Wika
 Maaaring gamitin ang regulatori na gamit ng wika sa mga aktuwal
na karanasan ng pagbibigay ng panuto, batas, at pagtuturo.
 Halimbawa sa ideolohiya ng mga negosyante at entreprenyur,
ginagamit nila ang wika sa mga patalastas upang makapanghikayat
at impluwensiyahan ang mga konsyumer na bilhin ang produkto
dahil nililikha nila sa isip ng kausap ang pangangailangan nila sa
produkto (kailangan mo ito ... ) at nag-uutos na gayahin o gamitin
ang kanilang produkto (gawin mo ito ... ) para sa interes ng kapital.
Heuristiko na Gamit ang
Wika
 Kapag ginagamit naman ang wika sa pag-aaral at pagtuklas upang
makapagtamo ng kaalaman ukol sa kapaligiran, nagiging heuristiko ang
tungkulin ng wika.
 Sumusulpot ang ganitong heuristikong gamit ng wika sa mga
pagkakataong nagtatanong, sumasagot, o dumadaloy ang isang
pamumuna bilang pagkilos ng isang bata o indibidwal. Maaari din na
umusbong ito sa paraan ng pag-alam sa mga bagay-bagay, pagdududa, o
palagay. Sa aktuwal na karanasan, maaaring makita ang gamit ng wikang
heuristiko sa mga gawain ng imbestigasyon, pagtatanong, at
pananaliksik.
Representatibo na Gamit ang
Wika
 Representatibo naman ang tawag sa gamit ng wikang
ginagamit sa paglalahad ng impormasyon, datos, at
nakalap na ideya na nirerepresenta sa iba't ibang
paraan.
 Bagaman, kaugnay ng representatibo ang
heuristikong gamit ng wika sa pagbibigay kahulugan
sa realidad ng lipunan
Representatibo na Gamit ang
Wika
 Kung sa heuristiko nagaganap ang proseso ng
pagtuklas, sa representatibong gamit naman
nagsisimulang bigyan ng interpretasyon at ilahad ang
mga natuklasang ideya, konsepto, at kaisipan.
 Halimbawa, ginagamit ang pag-uulat, paglahok sa
forum, at paggamit ng mga estadistika upang
ipaliwanag ang mga impormasyon at kaalaman.
Representatibo na Gamit ang
Wika
 Kung sa heuristiko nagaganap ang proseso ng
pagtuklas, sa representatibong gamit naman
nagsisimulang bigyan ng interpretasyon at ilahad ang
mga natuklasang ideya, konsepto, at kaisipan.
 Halimbawa, ginagamit ang pag-uulat, paglahok sa
forum, at paggamit ng mga estadistika upang
ipaliwanag ang mga impormasyon at kaalaman.
Interaksiyonal na Gamit ang
Wika
 Kapag ginagamit ang wika sa pagbubukas ng interaksiyon o
humuhubog ng panlipunang ugnayan, ang wika ay nagiging
interaksiyonal. Ang wika ay may panlipunang gampanin na pag-
ugnayin ang isang tao at ang kaniyang kapwa sa paligid.
 Ang "ako" at "ikaw" na tungkulin ng wika ay lumilikha ng mga
panlipunang ekspresyon at pagbati upang bumuo ng interaksiyon
at palakasin ang layuning makipagkapwa gaya ng, "Mahal kita,"
"Kumusta?" "Nanay," at "Mabuhay!"
Interaksiyonal na Gamit ang
Wika
 Mabisang matatamo ang mahusay na interaksiyon sa pamamagitan ng
estratehiyang interaksiyonal gaya ng paggamit ng mga katangiang hindi
gumagamit ng salita tulad ng kilos, tuon ng mata, at pagpapahayag gamit
ang katawan (mga muwestra o galaw ng kamay, pagkiling-kiling ng ulo,
at ibang mga kilos).
Gayundin, nagpapatuloy ang epektibong interaksiyon kung paiba-iba
ang ekspresyon, tono, at intonasyon na nagpapahiwatig ng interes sa
pakikipag-usap. Pinalalakas ng interaksiyonal na gamit ng wika ang
pagbubuo ng ugnayan sa isang lipunan.
Personal na Gamit ang Wika
 Nagsisilbing gampanin naman ng personal na gamit ng wika ang
palakasin ang personalidad at pagkakakilanlan ng isang indibidwal.
 Ginagamit ng isang tao ang wikang personal upang ipahayag ang
kaniyang mga personal na preperensiya, saloobin, at
pagkakakilanlan na hindi sumasaklaw sa kaniyang
pangangailangan.
Halimbawa, sa pagpapahayag ng pansariling paniniwala sa isyu at
paggamit ng sariling paraan ng pangangatuwiran ay napatitingkad
ang personal na gamit at layunin ng wika.
Imahinatibo na Gamit ang
Wika
 Mahalaga naman ang imahinatibong tungkulin ng wika
upang ipahayag ang imahinasyon at haraya, maging
mapaglaro sa gamit ng mga salita, at lumikha ng bagong
kapaligiran o bagong daigdig.
 Sa pagsulat ng mga malikhaing komposisyon,
gumagamit ng tayutay at ibang estratehiya upang
matupad ang layon ng mapangakit na komunikasyon.
Imahinatibo na Gamit ang
Wika
 Ang paglikha ng popular na pick-up lines, halimbawa,
ay nagpapakita ng malikhaing gamit ng wika upang
magpatalas ng isang ipinahihiwatig na kahulugan at
damdamin.
Halimbawa:
 Password ka ba? 'Di kasi kita makalimutan.
 Ipapupulis kita! Ninakaw mo kasi ang puso ko.

You might also like