You are on page 1of 13

Gamit ng wika sa

Lipunan
Mga Batayang Prinsipyo at Teorya ukol sa
Panlipunang Gamit ng Wika

Konteksto ni Malowski
Konteksto ni Firth
Teorya ni M.A.K. Halliday
Gamit ng Wika (Halliday)
Wika bilang Repleksiyon ng Panlipunang
Pangangailangan

Ayon kay Malowski, Nalilikha ang esensiya, importansiya, at


gampanin ng wika ayon sa gamit nito sa isang espesipikong
kultura. Sa bawat okasyon, sitwasyon o kalagayan na
kinasasangkutan ng isang miyembro ng isang komunidad,
wika ang salaminan ng kanyang ugali, kilos, at gawa. Ang
bawat pamayanan ay may katangiang namumukod sa iba. Ang
katangiang ito ang nagsisilbing tatak o simbolo ng kanyang
pagkakakilanlan. Ang mga katangiang ito ay mapapansin sa
kanyang mga pahayag o mga katagang nakaangkla sa kultural
na aspeto ng wikang kanyang ginagamit subalit ang mga ito ay
walang malaking kaugnayan sa estruktural na kalikasang
panlingguwistika ng kanyang wika.
Prinsipyo ng Sitwasyonal (1)

Tatlong Paraan ng Paglalapat (Firth)

1. Katangian ng mga Partisipant. Tumutukoy ito sa


kalagayan, estado, relasyon ng mga kalahok sa
sitwasyon na kanilang kinasasangkutan.

Hal. Madalas, sa larangan ng isports nagyayapan


na may kasamang hiyawan ang mga player
pati ang kanilang coach….
Prinsipyo ng Sitwasyonal (2)

2. Kabuluhan ng Pangyayari. Tumutukoy naman ito sa


uri ng sitwasyon o pangyayari na kinasangkutan ng mga
partisipant.
Hal. …kapag sila’y nagkampeon …
3. Bisa ng mga Pahayag. Tumutukoy ito sa tindi ng
emosyon/damdamin ng mga kasangkot sa isang
sitwasyon pangyayari .
Hal. …dahil sa sobrang saya’t tuwa.
* Kapag off season ang kanilang laro at ganoon pa rin ang
ginagawa, ano ang bisa ng kanilang mga pahayag o kilos???
Panlipunang Gamit ng Wika (Halliday)

Ayon kay Halliday (1978), sa araw-araw na


gawain ng tao, pumapaloob siya sa mga
samu’t saring panlipunang konteksto kung
saan limitado ang paggamit niya ng wika.
Magkagayon pa man, may tungkuling
ginagampanan ang wika na bigyang-linaw ang
tiyak na layunin at mga iba’t ibang kalagayan
o mga pangyayaring kinasasangkutan ng tao.
7 Gamit ng Wika (Halliday)

1. Instrumental
Instrumento ng komunikasyon. Ito ang
pangunahing gamit ng wika. Ginagamit din ang wika
sa pagtugon sa mga nais o ibig ng tao. Ang mga
pangangailangang ito ay maaaring biyolohikal o
emosyonal. Ginagamit din ang wika upang mag-utos o
makiusap sa ating kapwa para sa isang nilalayon.
Gayon din sa pagpahayag ng ating mga opinyon o
katwiran sa isang napapanahong usapin sa lipunan.
7 Gamit ng Wika (Halliday)

2. Regulatori
Makapangyarihan ang wika. Nagagawa niyang
kontrolin, gabayan, at impluwensiyahan ang isip,
galaw, at kilos ng isang tao. Dahil sa birtud ng wika,
ang buhay ng tao sa araw-araw ay nagiging maayos,
mapayapa, at matiwasay. Masasalamin ang gamit ng
wika sa mga panuto, batas, polisiya, patnubay, atbp.
na nakapaskil sa ating paligid o nakalimbag sa mga
aklat o sa mga opisyal na dokumento ng pamahalaan.
7 Gamit ng Wika (Halliday)

3. Heuristiko
Nagaganap ang gamit ng wika kapag nangangalap o
naglilikom ng mga datos at impormasyon sa
pamamagitan ng pagtatanong, sarbey, at interbyu
kaugnay sa isang paksa na ginagawan ng isang
pananaliksik o pag-aaral. Ang heuristikong gamit ng
wika ay nagsisilbing kolektor ng mga kaalaman. Ang
mga balita, ulat, pamanahong papel ay ilan lamang sa
mga halimbawa ng heuristikong produkto ng wika.
7 Gamit ng Wika (Halliday)

4. Interaksyonal
Ito ang pinakagamiting tungkulin ng wika. Wika nga
ng mga Pilosopo, “Man is a political animal”. Tao
lamang ang may kakayahan at kasanayan na
makisalamuha at makitungo sa kanyang kapwa tao. Sa
pamamagitan ng wika, nagagawa nating bumuo ng isang
lipunan. Isang lipunang napapanatili ang kanyang
kapayaan at kaayusan dala ng magandang interaksyon
ng gobyerno at ng mamamayan. At isang lipunang
lalong tumatatag dahil sa aktibong relasyong sosyal ng
mga tao ano mang lugar o dako.
7 Gamit ng Wika (Halliday)

5. Personal
Pang-indibidwal na gamit ng wika sa pagpapahayag ng kanyang
sariling tindig, pasya o hatol sa isang usapin o kalagayan na
maaaring makaimpluwensiya ng kapwa o simpleng pagpapahayag
lamang ng kanyang naiisip o nadarama.
Madalas, dito nagkakaiba-iba ng mga pananaw o saloobin ang
mga tao kaugnay sa isang isyu. Dala ng magkakasalungat ang mga
pananaw sa mga bagay-bagay kaya madalas ding nauuwi sa hindi
pagkakaunawaan. Magkagayon pa man, natututo ang isang tao na
tumanggap ng katwiran ng iba pang tao na siyang nagiging sanhi
rin ng paglawak ng kanyang pang-unawa.
7 Gamit ng Wika (Halliday)
6. Imahinatibo

Gamit ang wika, nagagawa ng isang indibidwal na paglakbayin ang


kanyang guni-guni sa malawak na mundo ng kawalan. Dito,
nagagawa ng isang tao na kathain o balangkasin, ang kanyang mga
panaginip o adhikain sa buhay.
Sa tulong ng wikang pampanitikan o panretorika,
pansamantalang tumatakas sa realidad ng buhay at sumandaling
nananahan sa kinatha-kathang lugar, panahon, at kalagayan ang isip
at imahinasyon ng tao. Ang karanasang ito sa paggamit ng wika ang
nagpapatalas sa kanyang isip upang lalo siyang maging malikhain at
masining sa kanyang pagpapahayag.
7 Gamit ng Wika (Halliday)

7. Representatibo
Wika ang kumakatawan sa ating mga naiisip,
nadarama , at ginagawa sa tulong ng arbitraryong mga
tunog at mga simbolo.
Sa akademikong mga sulatin gaya ng pamanahong
papel, tesis, at disertasyon ginagamit natin ang wika
upang ilahad ang mga impormasyon at datos na ating
nakalap. Sa ganitong paraan nabibigyang-linaw ang
isang palagay, nasusuhayan ang nauna ng mga kaalaman
at nakapagdaragdag tayo ng mga bagong kaalaman sa
sangkatauhan.

You might also like