You are on page 1of 6

ANG MGA TUNGKULIN NG WIKA

Ipinasa ni: Harty mae ledesma


BA FILIPINO 2A

Ipinasa kay: Emmanuel Raz Wales


INTODUCTION

Ginagamit natin ang wika, hindi kaya ginagamit tayo nito?  Mga Panlahat na Gamit ng
Wika  Sa anumang bagay o gawain, saan mang lugar, o pagkakataon ang wika ay lagi
na nating ginagamit. Ito ang nagbibigay katuparan sa lahat ng ating pagkilos,
kinokontrol nito ang ating pag-iisip maging ang ating pag- uugali. Naglahad sina Michael
A.K. Halliday, Roman Jakobson at W.P. Robinson ng pangkalahatang gamit ng wika
upang mapag-aralan natin kung papaano napapakilos o napagagalaw ng wika ang
lahat ng bagay sa mundo

METOLOHIYA:
Mga Tungkulin ng wika

1.Instrumental – ang wika ng tagapagsalita para mangyari / maganap ang mga bagay-
bagay.

2.Regulatory - ang wika para alalayan ang mga pangyayaring nagaganap (pag-alalay
o maintenance of control)

3.Representasyunal – sa pagpaparating ng kaalaman tungkol sa daigdig, pag-uulat ng


mga pangyayari, paglalahad, pagpapaliwanag ng mga pagkakaugnay-ugnay,
paghahatid ng mga mensahe,

4.Interaksyunal - (Phatic communion ayon kay Malinowski) ang wika upang mapanatili
ang pakikipagkapwa-tao.

5.Personal – ang wika para ipahayag ang katauhan ng isang tao, alam ng bawat isa
na bahagi ng kanyang katauhan ang wika
6. Heuristic – ang wika bilang kagamitan sa pagkatuto ng mga kaalaman at pag-
unawa.

7. Imahinatibo – ang wika sa pagbuo ng isang sistema ng haraya maging mga akdang
pampanitikan, sistemang pampilosopiya, o huwarang pangarap (utopian visions) sa
isang dako o pangarap at pag-iisip ng walang magawa sa kabilang dako.

RESULTA

Ang araling ito ay nag bibigay linaw at patnubay sa pagamit ng wika. Kung anu ang
mga kahulugan at tungkulin nito. Ito ang mga gamit ng wika

ANALISYS

Sa pakikipagkomunikasyon, kailangang mabatid ng isang nagsasalita ang mga paraan


ng paggamit ng wika. Mahalaga ito upang magkaroon ng pagkakaunawaan ang bawat
isa. Mababatid ng kinakausap ang layunin ng nagsasalita, gayundin naman,
maiaangkop ng nagsasalita ang paraan ng kanyang pagpapahayag ayon na rin sa
pagkakilala niya sa kausap.

DISCUSTION
Intrumental

Ginagamit ang wika para tukuyin ang mga preperensiya, kagustuhan, at pagpapasiya
ng tagapagsalita. Sa aktuwal na karanasan, karaniwang instrumental ang amit ng wika
para sa paglutas ng problema, pangangalap ng materyales, pagsasadula, at
panghihikayat. Kailangang gamiting mabisa ang instrumental na gamit ng wika sa
pamamagitan ng paglilinaw at pagtitiyak ng pangangailangan, naiisip, o nararamdaman.
Regulatory

Maaaring gamitin ang regulatori na tungkulin ng wika sa mga aktuwal na karanasan ng


pagbibigay ng panuto, batas, at pagtuturo. Halimbawa sa ideolohiya ng mga
negosyante at kapitalista, ginagamit nila ang wika sa mga patalastas upang
makapanghikayat at impiuwensiyahan ang mga konsyumer na bilhin ang produkto dahil
nililikha nila sa isip ng kausap ang pangangailangan nila sa produkto (kailangan mo
ito…) at nag-uutos na gayahin o gamitin ang kanilang produkto (gawin mo ito…) para
sa interes ng kapital. Suriin ang mga tag line ng patalastas ng produktong inumin kung
paano inilalapat ang regulatori na tungkulin ng wika sa kanilang tag line.

Representasyunal

Gamit ng wika sa pagpaparating ng kaalaman tungkol sa daigdig, pag-uulat ng mga


pangyayari, paglalahad, pagpapaliwanag ng mga pagkakaugnay-ugnay, paghahatid ng
mga mensahe, atbp.  May nagaganap na pagpapalitan ng kaisipan. May mga tuntunin
upang alalayan ang gawi/ ugaling pangwika kapag may pagpapalitan ng impormasyon
ay dapat maging totoong-totoo at hindi kalahati lamang ang dapat gumawa ng palagay
(assumptions) tungkol sa alam ng tagapakinig; hindi dapat kulang o pumupuri ang
impormasyong ibinibigay; at kung tapat ang intensyon, dapat iwasan ang ano mang
misrepresentasyon at kalalabisan. Sa mga pagkakataong naiiba(idiosyncratic view) ang
pananaw ng isang tao tungkol sa kung ano ang daigdig; maaaring ituring na naiiba
(peculiar) ang mga bigkas na nagsasaad ng pagkatawan sa daigdig.

Interaksyunal

(Phatic communion ayon kay Malinowski) Gamit ng wika upang mapanatili ang
pakikipagkapwa-tao. Bahagi nito ang phatic communion; iyong mga di-pinupuna/
walang kabuluhang (meaningless) pakikipagpalitan na nagsasaad ng isang bukas na
tulay (channel) ng pakikipagtalastasan kung kinakailangan.  Sa isang malawak na
kaisipan, tumutukoy ang gamit na ito sa lahat ng gamit ng wika upang mapanatili ang
mga lipon/ grupo: salita ng mga teenager; mga biruan ng pamilya/ mag-anak; mga
katawagan sa bawat propesyon (jargon), mga palitan sa mga ritwal; mga wikang
panlipunan at panrehiyon, atbp. Dapat matutuhan ng mga tao ang mga iba’t ibang uri
ng gamit ng wika kung nais nilang makisalamuha nang mahusay sa iba.
Personal
Gamit ng wika para ipahayag ang katauhan ng isang tao, alam ng bawat isa na bahagi
ng kanyang katauhan ang wika. May “tinig” o kinalalaman ang mga tao sa nangyayari
sa kanila. Malaya silang magbuka ng bibig o hindi, magsabi ng marami o magsawalang-
kibo kung nais nila, ang pumili ng kung paano sasabihin ang kanilang sasabihin.
Halimbawa: pagsigaw, pagrerekomenda, pagmumura, pagpapahayag ng galit, paghingi
ng paumanhin

Heuristiko

Kapag ginagamit ang wika sa pag-aaral at pagtuklas upang makapagtamo ng kaa-


laman ukol sa kapaligiran, nagiging heuristiko ang tungkulin ng wika. Sumusulpot ang
ganitong heuristikong tungkulin ng wika sa mga pagkakataong nagtatanong,
sumasagot, o dumadaloy ang isang pamumuna bilang pagkilos ng isang bata o
indibidwal.

Imahinatibo

Gamit ng wika sa pagbuo ng isang sistema ng haraya maging mga akdang


pampanitikan, sistemang pampilosopiya, o huwarang pangarap (utopian visions) sa
isang dako o pangarap at pag-iisip ng walang magawa sa kabilang dako.  Ito rin ang
wikang ginagamit para sa kasiyahan sa paggamit ng wika bilang tunog; pag-iingay ng
sanggol ( baby’s babbling), pag-awit ng isang mang-aawit at ang paglalaro ng malikot
na isip ng makata.

Mga sangunian

https://www.slideshare.net

https://www.academia.com

https://www.elcomblus.com

You might also like