You are on page 1of 4

FILIPINO 1 : MGA KATANGIAN NG NG FILIPINO BILANG WIKA

1. May simple ngunit perpektong palatunugan o ponolohiya.


2. May pambihirang panlapi.
3. May ugaling mag-ulit.
4. May kakayahang mang hiram.

Ayon kay Caroll (1964) , ang wika ay sistema ng mga sagisag na binubuo at tinatangap ng lipunan.

Sa aklat ni Dr, Aurora Batneg ( Kabayan 2001) isinisaad na ang Pilipinas ay multilingual at multicultural, nabubuklod an gating watak watak ba isla ng iisang
mithiin na ipinapahayag hindi lamang sa maraming tinig ng ibat iang rehiyon kundi gayon din sa isang medium na wikang Filipino.

Ayon kay Alfred Whitehead, “ ang wika ang gamit ng tao upang magkaroon ng ugnayan sa bawat isa at ipinapalagay na ang wika ay salamin ng lahi at ang
kanyang kalagayan.”

Ayon kay Zeus Salazar, Ang wika pa rin ang ipika_kuhanan ng isang kultura.

Ayon naman kay Henry Gleanson, ang tumutukoy na ang wikay ay masistemang balangkas na sinasalitang tunog, pinipili at isiasaayos sa paraang arbitaryo
upang magamit ng mga taong kabilang sa isang kultura.

Ayon kay Carol (1964), ang wika ay isang sistema ng mga sagisag na binubuo at tinatangap ng lipunan.

Ayon kay Pamela Constantino at Galileo Zafra, ang wika ay kalipunan ng mga salita at pamamaaran ng pagsasama-sama ng mga ito para magkaunawaan o
makapagkomyunekeyt ang isang grupo ng mga tao.

UNIBERSAL NA KATANGIAN NG WIKA

1. Masistemang Balangkas – proseso ito upang makabuo ng isang, mahusay, makabuluhang pahayag at magamit nang mabisa ang wika sa pakikipag
komunikasyon.

2. Sinasalitang Tunog – Maraming tunog ang naririnig natin sa ating kapaligiran tulad na lamang ng lagaslas ng tubig sa ilog, hanging sumusipol. Tunog
ng kampara at iba pang tunog ng naririnig natin sa ating kapaligiran, subalit, hindi lahat ay matatawag na wika.

3. May kakanyahan, Maingat na pinili at Isinasaayos – tulad ng pahayag na walang kambal na magkapareho, wala rin naming wikang lubos na
magkatulad, sapagkat, ang wika ay likas na “unique o kakaiba.”

4. Arbitaryo – Maraming wika ang ginagamit at binibigyang kahulugan na nakabatay sa isang grupo o samahan ng mga tao.

5. Kabuhol ng kultura – kabuhol nan g kultura ng bawat tao sa mundo ang wika. Sabi nga, kung ano ang wika mo, iyon ka.

6. Ang wika ay Buhay – Sa paglipas ng panahon, may bagong salita o wika ang isinisilang at umuusbong.

7. Daynamik o Nagbabago – Sa paglipas ng panahon, maaring ang wika ay mabago batay sa mga grupo o samahan ng mga taong gumagamit nito.

8. Ginagamit sa komunikasyon – Ayon sa kasabihan sa English: “Man is by nature gregarious” ang tao ay naghahangad na lagging may makakasama.

PITONG GAMIT O TUNGKULIN NG WIKA


Sa “Exploration in the functions of Language” ni M.A.K Halliday, (1973), ang wika ay:

1. Personal - Sa pamamagitan ng wika naipapahayag ng tao ang kanyang sariling pananaw, damdamin, tulad ng pagkagulat, galit, hinanakit at tuwa.
2. Imaginative – Ang mga manunulat sa akdang pampanitikan, gigamamit and wika sa masinang paraan, sa paglalaganap ng ibat- ibang uri ng damdamin
naipapahayag ng kanilang ng mga nilikhang kwento, nobelo at iba pang mga akda, na bunga ng kanilang malikhang kaisipan.

3. Interaksyunal

Sa iba't ibang grupo o samahan, ang wika ang siyang tagapamagitan sa pananatili ng magandang relasyon ng mga miyembro o magkakaibigan at sa relasyong
panlipunan. Maging sa pagbibiruan ng mga magkakaibigan, mga magkakamag-aral, mga bakla at mga propesyonal, wika ang pangunahing gamit sa
pakikisalamuha at pakikpag-ugnayan.

Halimbawa: Saan ka pupunta

4. Informative

Sa pagnanais natin na ipaalam ang iba't ibang kaalaman, katotohanan, pangyayari, datos o impormasyon ay kinakailangan natin na gumamit ng wika. Nagiging
pormal ang gamit nito sa larangan ng pagtuturo, pagtatalumpati, pagpapalitan ng kuro-kuro o pagbabalita at pag-uulat.

Halimbawa: Magkakaroon ng eleksyon ngayon.!

5. Regulatory

Sa mga taong nagtataglay ng kapangyarihan na magsubaybay at pagkontrol sa kanyang kapwa, wika ang ginagamit nito, pasalita o pasulat upang pakilusin ang
mga taong may katungkulang gawin para sa pagpapatupad ng kanilang gawain at pagtutol sa hindi karapat-dapat na gawain o mga bawal na gawin.

Halimbawa: Bawal tumawid dito nakamamatay!

6. Heuristic

Ang wika ay ginagamit ng mga taong nais matuto at makamit ang mga kaalamang akademik o propesyunal. Ginagamit din and wika kung kinakailangan ang
pagsusuri, pag-eksperimento, pagtatanong at pagsagot, pakikipagtalo, pagpuna at pagbibigay ng kahulugan o pagpapaliwanag

Halimbawa: Maari po bang ipaliwanag ninyo kung ang "seat belt" sa sasakyan ay palamuti lamang o may kahalagahan ito?

7. Instrumental

Kung may binabalak tayong isagawa o ipag-utos sa iba, makiusap, humingi, magmungkahi o magpahayag ng ating ninanais o mithiin, maaari nating gawin ang
mga nabanggit, gamit ang wika sa paraang pasalita o pasulat.

Halimbawa: Saklolo! Hinablot ang celpon ko!

1.5 KAHALAGAHAN NG WIKA


Ayon sa Aklat ni L.C. Garcia et.al., (2011) may tatlong kahalagahan ang wika

 Kahalahagang Pansarili
 Kahalagahang Panlipunan
 Instrumento ng Komunikasyon
 Nagpapalaganap sa mga kaalaman.
 Nagbubuklod ng bansa
 Lumilinang ng malikhang pag-iisip

1.6 MGA TEORYA NG PINAGMULAN NG WIKA


1. Teoryang Ding-dong

Ang teoryang ito ay pinaniniwalaan na ang wika ay nagmula sa mga tunog na likha ng tao.

2. Teoryang Bow-wow

Ipinapaliwanag ng teoryang ito na ang wika ay nagmula sa pang-gagaya ng tao sa tunog ng kalikasan.

3. Teoryang Pooh-Pooh
Nabuo ang teoryang ito sa dahilan na ang mga tao ay biglang napapabulalas sa bugso ng kanyang damdamin.

4. Teoryang Yum-yum

Isinasaad sa teoryang ito na ang tao ay tumutugon sa pamamagitan ng pagkumpas ng kamay sa alinmang bagay na nangangailangan ng aksyon.

5. Teoryang Yo-he-ho

Ito'y teoryang hinggil sa wika na nagsasabing bumabanggit ang tao ng salita kapag siya'y gumagamit ng pisikal na lakas.

6.Teoryang Ta-ra-ra-boom de-ay – Ito’y haka-haka mula sa sinaunang tao na nsg-ugat sa mga tunog na nalilikha mula sa ritwal at dasal.

7. Teoryang Ta-ta – Ito ay salitang pranses (ta-ta) na ang kahulugan ay paalam o “goodbye”. Sa teoryang ito ay pinaniniwalaan na ang kumpas ng kamay ng
tao sa kanyang ginagawa sa bawat dpiling-pili na okasyon ay sinusundan ng paggalaw ng dila at nagigingsanhi upang makabuo ng salita ang tao.

8.Teoryang Biblikal – Teoryang batay sa bibliya.

ANG TORE NG BABEL

Sa larangan ng Sikolohiya, ayon sa mga pananaliksik na isinagawa, ang mga sumusunod na teorya ay may malaking impluwensya sa
proseso ng pagkatuto (Castillo et. Al, 2008):

1.Teoryang Behaviorist

Isinasaad sa teoryang ito na ang sanggol mula nang ipinanganak ay may likas na kakayahan sa pagkatuto. Ang mga namana nya mula sa
kanyang mga magulang gaya ng gawi, kilos at pag-uugali ay maaring hubugin sa pamamagitan ng pagkontrol ng kanyang kapaligiran.

2.Teoryang Innovative

Ipinaliliwanag ni Noam Chomsky, sa teoryang ito na ang kakayahan sa pagkatuto ng wika ay likas na kasama na mula sa pagkasilang na
umuunlad sa pakikisalamuha ng bata sa kanyang kapaligiran kung saan nahuhubog ang kanyang kakayahang sosyo-kultural.

3.Teoryang Cognitive

Ayon sa teoryang ito, nagaganap ang pagkatuto ng wika pagkatapos na maunawaan ng tao ang mga impormasyon, bagay o pangyayari at
makabuo ng orihinal o sariling pangungusap. Ang pagkakamali sa paggamit ng wika ay karaniwan at madalas na nangyayari at ayon sa
mga "cognitivist", ang pgkakamali ay palatandaan ng pagkatuto.

May iba pang teorya ng wika na idinagdag ni Dr. Rolando A. Bernales, (Kumonikasyon sa Modernong Panahon, 2011), na isang
dalubhasang manunulat. Narito ang ilan:

Teoryang Coo Coo - nagmula ang wikang ito sa mga tunog na nililikha ng mga sanggol. Ginagaya ng mga matatanda ang mga tunog
bilang pagpapangalan sa mga bagay-bagay sa kapaligiran.

Teoryang sing-song- ang teoryang ito ay iminungkahi ng linggwistang si Jefferson na ang wika ay nagmula sa paglalaro, pagtawa,
pabulong sa sarili, panliligaw a iba pang bulalas-imosyunal.

Teoryang Babble Lucky - ayon sa teoryang ito, ang wika daw ay nagmula sa biglaang pagsambit ng tao ng mga tunog o kataga na
walang kahulugan. Sa pagkabigla ng tao ay napapabulalas siya nang hindi sinasadya at nakakalikha siya nang walang kabuluhang tunog
at inuugnay sa mga bagay-bagay sa paligid at kalaunan ay nagiging pangalan na ng mga iyon.
1. Sinasabi ng mga dalubwika na ito ay kabuhol ng kultura.

-WIKA

2. Ito ay teorya na nagsasabi na ang tao ay bumabanggit ng salita kapag siya'y gumagamit ng lakas.

-TEORYANG YO-HE-HO

3. Kauna-unahang wika na ginamit sa daigdig.

4. Isang paraan ng pagpapayabong ng ating wika.

5. Antas ng wika na ginagamit ng mga manunulat sa aklat para sa paaralan at pamahalaan.

6. Pang-araw-araw na salita na may kagaspangan ng kaunti.

7. Pinakamababang antas ng wika.

-BALBAL

8. Aklat na nagsasabi na ang wika ay may pitong tungkulin.

9. Katangiang taglay ng wika na pagbabago nito pagdaan ng iba't ibang panahon.

10. Siya ang nagsabi na ang mga Filipino ay nagsasalita ng eleganteng bersyon ng Taglish.

11. Kakambal ng bata sa kanyang pagsilang.

12. Antas ng wika na gumagamit ng salitang makulay at masining.

13. Sinabi niya na ang tao ang may tanging taglay na regalo - wika na siyang naghihiwalay sa ating mga tao at sa mga hayop.

14. Katangian ng wika kung ito ay dumadaan sa isang proseso.

-MASISTEMANG BALANGKAS

15. Teorya na ang wika ay nagmula sa tunog ng kalikasan.

-TEORYANG BOW-WOW

16. Katangian ng wika kung saan ang gagamiting salita ay batay sa kanilang napagkasunduan.

17. Diksyunaryong nagpapaliwanag na ang wika ay isang sistema ng komunikasyon ng mga tao sa pamamagitan ng mga pasulat at pasalitang simbolo.

18. Ito ang tawag sa mga tanging bokabularyo ng isang partikular na pangkat.

19. Katumbas ng sitaw sa salitang Ilokano.

20. Kahulugan ng toyo sa Higaynon.

APAT NA BARAYTI NG WIKA


1. Dayalek – Wikang ginagamit ng isang particular na rehiyon ns may natatanging tono, punto, bokabulryo at istraktura ng pangugusap.
2. Idyolek - Ito ang barayti ng wika na nakabatay sa nakasanayang gawi o katangian sa pagsasalita ng isang indibidwal.
3. Sosyolek – Barayti ng wika na batay sa katayuan ng nagsasalita sa lipuna, sa grupo na kanyang kinabibilangan at ayon sa antas ng kaniyang
pamumuhay.
4. Rehistro ng wika - Sa pamamagitang estilo at “code” na gianagamit sa pakikipag komunikasyon, ang mga taong kapwa guamagmit nito ay walang
duda na nagkakaunawaan lalo na kung ma kinalaman sa propesyon, Gawain at hilig.

VISION
Ang Kolehiyo ng Viillaflores ay patuloy na naghahangad na bumuo ng mga tumutugon at produktibong mga mag-aaral upang matugunan ang mga
hinihingi ng lipunan sa pamamagitan ng pagbibigay ng mga kasanayan, kakayahan at kanais-nais na mga saloobin upang paganahin silang maging
mapagkumpitensya sa buong mundo.

MISSION
Ang kolehiyo ng Villaflores na may pilosopiya, pananaw at layunin na nakahanay, ay naglalayong magbigay ng pangkalahatang programa sa edukasyon,
epektibong mataas na kalidad na mga karanasan sa pagtuturo at pagkatuto; nauugnay na kurikulum at mga serbisyo ng suporta sa isang ligtas at malusog na
kapaligiran.

You might also like