You are on page 1of 11

MODYUL 1

PANIMULA
Sa lahat ng nilalang ng Diyos, ang tao lamang ang binigyan ng kapangyarihang makapagsalita,
makarinig, makabasa, at makasulat nang may kritikal na pag-unawa. Dahil dito, kanyang natutuklasan ang mga
bagay-bagay na may kinalaman sa kanyang kapaligiran at ang mga pangyayaring nakatutulong sa paghubog ng
kanyang kamalayan .Sa taglay niyang kakayahang magsalita, makinig, magbasa at magsulat nagiging mulat siya
sa kanyang mga pangangailangang makipag-ugnayan sa iba.Ang pagkakaroon ng talino at isipan, ang
kakayahang makalikha ng tunog at makipag-kritik ang dahilan kung bakit kailangang mahasa sa tao ang
tinatawag na makrong kasanayan sa pagbasa, pagsulat, pagsasalita, at pakikinig.
Ang wika ay isang pinakamabisang kasangkapan upang magkaroon ng pag-uugnayan ang mga tao.
Dahil dito, naibabahagi at naipapahayag ng tao ang kanyang kaisipan at saloobin pasulat man o pasalita. Sa
wika nalilinang ang kanyang kakayahan at kasanayanang makipag-ugnayan sa mga taong nasa lipunan at
pamayanang humubog sa kanyang pagkatao. Sa wika rin natatamo ng tao ang mga kaalaman sa kanyang paligid
na may malaking epekto sa kanyang pang araw-araw na pamumuhay.

MGA LAYUNIN:
Pagtatapos ng talakayan ang mga mag-aaral ay inaasahang:
1. Natutukoy ang iba’t ibang katuturan ng wika.
2. Nasusuri ang mga katangian ng wika bilang instrumento sa komunikasyon.
3. Naipaliliwanag ang mga bawat teorya ng pinagmulan ng wika.

Ang modyul na ito ay naglalaman ng mga sumusunod na paksa:


ARALIN: 1 AT 2
1. KATANGIAN NG WIKA
2. TEORYA NG PINAGMULAN NG WIKA

Unang paksa: KATANGIAN NG WIKA


Mga Tiyak na Resulta ng Pag-aaral:
A- Nabibigyang halaga ang pag aaral sa katangian ng wika tungo sa masusing paglalahad ng wastong kaalaman.
S- Nakapagbibigay ng sariling hinuha batay sa paksang tinalakay sa pamamagitan ng “video presentation”
K- Naibabahagi ang wastong kaalaman ng paksa bilang tugon sa unang pag-aaral ng asignatura.
Pangganyak:
 Pagbati:

Kumusta mga mag-aaral, isang napakaganda at maaliwalas na araw sa lahat! Kumusta kayo ngayon?
Nasa mabuting kalagayan ba kayo? nawa ay nasa ligtas na sitwasyon ang bawat isa sa inyo sa mga oras
na ito. Dahil sa krisis/pandemya na kinakaharap natin ngayon, mabuting manatili sa tahanan, maging
positibo sa iyong sarili at gumawa ng mga tamang hakbang para sa inyong pag-aaral. Mayroon akong
ilang mga katanungan na inihanda para sa iyo upang makonekta sa ating aralin sa mga oras na ito.

 Pagtatanong:

 Ano ang ibig sabihin ng salitang katangian?


 Ano ang iyong hinuha kapag nakarinig/nakabasa ka ng salitang katangian?
 Ano ba ang wika para sa iyo?
 Bakit may katangian ang ating wika?
 Naging palasak ba ang salitang “sana all” sa lugar mo? Ano ang kaugnayan nito sa katangian ng wika?

Discussion/Talakayan:
Ang wika ay isang bahagi ng pakikipagtalastasan na ginagamit araw-araw. Kalipunan ito ng mga simbolo,
tunog, at mga kaugnay na bantas upang maipahayag ang nais sabihin ng kaisipan. Tinatayang nasa pagitan ng
6,000 hanggang 7,000 ang mga wika sa daigdig, depende sa kung gaano katiyak ang pangahulugan sa "wika", o
kung paano ipinag-iiba ang mga wika at mga diyalekto. Ang siyentipikong pag-aaral ng wika ay tinatawag na
lingguwistika. Nag-ugat ang salitang wika mula sa wikang Malay. Samantalang nagmula naman sa Kastila ang
isa pang katawagan sa wika: ang salitang lengguwahe. Tinatawag ding salita ang wika. Katulad ng language -
tawag sa wika sa Ingles - nagmula ang salitang lengguwahe sa salitang lingua ng Latin, na nangangahulugang
"dila", sapagkat nagagamit ang dila sa paglikha ng maraming kombinasyon ng mga tunog, samakatuwid ang
"wika" - sa malawak nitong kahulugan - ay anumang anyo ng pagpaparating ng damdamin o ekspresyon, may
tunog man o wala, ngunit mas kadalasang mayroon.
Ayon kay Pamela Constantino at Galileo Zafra, ang Wika ay isang kalipunan ng mga salita at ang
pamamaraan ng pagsasama-sama ng mga ito para magkaunawaan o makapag-usap ang isang grupo ng mga tao.
Ang wika ay parang hininga. Gumagamit tayo ng upang kamitin ang bawat pangangailangan natin, ayon
kay Bienvenido Lumbera.
Si Henry Gleason ang tumutukoy na ang wika ay masistemang balangkas ng sinasalitang tunog na pinili
at isinaayos sa paraang arbitraryo upang magamit ng mga taong kabilang sa isang kultura.

KATANGIAN NG WIKA
Bawat wika ay may sariling katangiang kanyang kanya lamang. Tulad din ng lahi na may kanya-
kanyang mapagpapakilanlan. Halimbawa, tayo raw mga Pilipino ang the most hospitable people sa Asya at
marahil sa buong daigdig. Gayon din ang mga wika. Samakatuwid ang ingles, bilang isang ay may angking
katangiang ikinaiiba sa Filipino. (Nenita P. Papa, 2000)
1. Masistemang Balangkas

Proseso ito upang makabuo ng isang mahusay, makabuluhang pahayag at magamit nang mabisa ang wiaka
sa pakikipagkomunikasyon. Ang wika ay may kaakibat na tunog at ang tawag dito ay ponema. Tinatawag
naman na ponolohiya ang makaagham na pag-aaral sa mga tunog na ito. Kung pagsama-samahin ang mga
ponema makabubuo ng yunit ng salita na tinatawag na morpema. Morpolohiya ang tawag sa makaagham na
pag-aaral ng mga ponema.

2. Sinasalitang Tunog

Maraming tunog ang naririnig natin sa ating kapaligiran tulad na lamang ng lagaslas ng tubig sa ilog,
hanging sumisipol, tunog ng kampana at iba pang tunog na naririnig natin sa ating kapaligiran, subalit, hindi
lahat ay matatawag na wika. Ang wika ay ay nabubuo sa tulong ng iba’t ibang sangkap sa pagsasalita tulad ng
labi, ngipin, ngala-ngala at lalamunan.

3. May kakanyahan, Maingat na Pinipili at Isinasaayos

Tulad ng pahayag na walang kambal na magkapareho, wala rin naming wikang lubos na magkatulad,
sapagkat, ang wika ay likas na “unique o kakaiba”. Maituturing na masining an gating pahayag kung ito ay
maingat na pinipili at isinasaayos. Nagiging mas makabuluhan ito kung pinag-iisipan at maingat na pinipili ng
bawat tagapagsalita ang angkop na mga salita sa kanilang pagpapahayag particular sa isang pormal na usapan o
depende sa pangangailanagan at taong kikaharap.

4. Arbitraryo

Maraming wika ang ginagamit at binibigyang kahulugan na nakabatay sa isang grupo o samahan ng mga
tao. Minsan ang isang pamayanan ay maaaring kakatwa sa iba dahil sa pagkakaiba ng kahulugan. At kung
minsan naman may mga mga salitang ginagamit na nang makabagong panahon ngunit walang katuwiran kung
ito’y susuriin. Iba ang kahulugan sa isang bayan at iba naman sa ibang bayan, bagamat parehas naman sila ng
lengguwaheng ginagamit.

Halimbawa:

Toyo sa tagalog - patis sa Hiligaynon

Sitaw sa tagalog - latoy sa bisaya at utong sa Ilocano

5. Kabuhol ng kultura

Kabuhol na ng kultura ng bawat tao sa mundo ang wika. Sabi nga, kung ano ang wika mo, iyon ka.
Wika ang nagpapakilala sa kinagisnang kultura, ito ang repleksyon ng ating pagkatao. Sa bawat tradisyon,
paniniwala, kaugalian, pananampalataya at pakikibaka ay wika ang kaakibat upang isalaysay at isaling bibig
ang lahat ng nangyayari sa iba’t ibang henerasyon ng kanilang lahi.
Halimbawa: Kano at Pinoy (paraan ng pagsasalita) Halimbawa: Ingles at Filipino (ice formation)

Kano: Tayo na? Ingles: glacier, hailstorm, icebergs, frost at iba pa


Pinoy: Pwede manligaw Filipino: yelo o nyebe lamang

6. Ang Wika ay Buhay

Sa paglipas ng panahon, may bagong salita o wika ang isinisilang at umuusbong. Buhay ang
wika kung ating mapagninilayan. Likas sa tao ang pagiging malikhain, hindi lamang sa usapin ng
teknolohiya kung di pati na rin sa wika. Habang ang tao’y umuunlad, kasabay, kaakibat nito ang wika.
Sa katunayan, ito ay parami ng parami sa paglipas ng panahon depende sa pangangailangan ng tao o
lipunang ating ginagalawan. Katulad na lamang halimbawa ng mga salitang kanto (balbal) “gay-linngo”,
ilang grupo ng mga tao batay sa kanilang trabaho, gaya ng mga drayber, guro, magsasaka, barber,
reporter at iba pa.

7. Dinamiko o Nagbabago

Sa paglipas ng panahon, maaaring ang wika ay mabago batay sa mga grupo o samahan ng mga
taomng gumagamit nito. Napapalawak ang gamit at mapapayabong an gating wika sa iba’t ibang paraan,
tulad ng pananaliksik ng mga manunulat at mga dalubhasa sa wika, subalit, hindi ito nawawala o
namamataykung ito ay nagbabago lamang. yumayaman ang bokabularyo ng wika kapag may
naidadagdag na mga bagong salita na dulot ng pananaliksik, pagkamalikhain ng tao kasabay ng
modernong teknolohiya. Tulad ng mga lenggwahe ng mga kabataan ngayon, siyota ang tawag sa
“girlfriend” nila, samantalang noong mga taong 1960, kasintahan o kaya’y nobya ang katawagan nito.
Ang mga salitang hindi na ginagamit dahil itinuturing na luma at hindi naaayon sa modernong panahon
ay nawawala at namamatay.

8. Ginagamit sa Komunikasyon

Ayon sa kasabihan sa English: “Man is by nature gregarious”, ang tao ay naghahangad na


lagging may makakasam. Sa puntong ito ang tao ay hindi masaya na nag-iisa at kailangan niya ng
kasama upang maipahayag ang anuman na nararamdaman, saloobin, damdamin, paniniwala,
kalungkutan, kaligayahan, idelohiya at iba pa. an gating lipunan ay binubuo ng mga grupo o lipon ng
mga tao na patuloy sa pakikisalamuha sa kapwa, na-uugnayan at nagtatalastasan. Saan mang lugar,
sinuman an gating kausap mayaman o mahirap, may pinag-aralan o wala, wika ang gamit natin.

9. Ang wika ay makapangyarihan

Maaaring maging kasangkapan upang labanan ang bagay na salungat sa wastong pamamalakad
at pagtrato sa tao. Isang halimbawa nito ay ang walang kamatayang akdang “Uncle Tom’s Cabin” na
isinulat ni Stowe. Dahil sa nobelang ito, nagkakaroon ng lakas ang mga aliping itim na ipaglaban ang
kanilang mga karapatang pantao laban sa mga Amerikano. Ang salita, sinulat man o sinabi ay isang
lakas na humihigop sa mundo. Ito ay nagpapatino o nagpapabaliw, bumubuo o nagwawasak,
nagpapakilos o nagpapahinto.
10. Ang wika ay kagila-gilalas

Bagamat ang pag-aaral ng wika ay isang agham, kayraming salita pa rin ang kay hirap
ipaliwanag.

Halimbawa:
1. May ham ng aba sa “hamburger”? (beef ang laman nito at hindi hamo)
2. May itlog ng aba sa gulay na “eggplant”?

Mga Aktibidad / Pagsasanay:


Sa puntong ito ay magkakaroon tayo ng pagsasanay upang masuri mo ang iyong sarili kung natutunan
mo ang mga kaalaman mula sa ating talakayan, mangyaring ihanda ang iyong sarili para sa isang aktibidad:

 Batay sa mga katangian ng wikang tinalakay, pumili ng isang katangian at gawan ng isang patalastas sa
pamamagitan ng video presentation.
Video duration: (2 minuto na presentasyon)

Pamantayan sa pagmamarka:
Pamantayan Indikador Puntos Marka
Nilalaman Maayos ang pagkabuo ng 20%
ideya
Kaangkupan ng ideya May kaugnayan sa paksa 15%
Presentasyon Maayos ang paglalahad 15%
ng sariling konsepto
Kabuuan : 50%

Paalala sa mga mag-aaral: I post/ipadala ang inyong Video Presentation sa GC natin.

Interaksyon ng guro:
Mga minamahal kong mag-aaral: para sa karagdagang katanungan ukol sa klase, paksa, modyul at iba pang mga
gawain sa asignaturang ito, mangyari lamang dumulog sa ating bawat pangkat (GC) sa Fb account. Pwede nyo
rin akong I email o kontakin sa aking fb acc. O tumawag sa aking CP#
Fb Acc. Christelle T. Omboy
Email Acc. christellerepolidontalita@gmail.com
CP#: 09507004485
Pagtataya:

Punan ang patlang:


Panuto:

Kumuha ng isang kalahating papel pahalang (yellow pad paper). Isulat ang iyong pangalan, araw/oras ng iyong
klase at seksyon. Basahin/unawain at sagutin ang mga sumusunod na katanungan. Kopyahin ang tanong bago i
sulat ang sagot. BAWAL ang pagbubura.

A.

1______ Ito ay isang bagay na kumikilala sa pagiging tao, bagay na hindi pwedeng ipagpalit dahil minana at
kailangan mabubuhay sa isip at puso ng bawat isa.

2.______ Ano ang pambansang wika ng Pilipinas?

3.______ Ilang wika mayroon sa daigdig ayon sa pagtataya ng mga seyentipiko?

4.______ Ilang katangian mayroon ang wika?

5.______ Saan nagmula ang salitang lengguwahe?

B. Bakit mahalaga ang wika sa lipunan?

____________________________________________________________________________________

C. Paano nagpapalaganap ng kaalan ang wika?

Takdang-Aralin:

Naniniwala kaba na dinamiko/nagbabago ang wika? Kung gayon, sumulat ng mga bagong salitang
narinig/nakilala/alam mo sa lipunang ginagalawan mo ngayon (maximum of 20 words-1/4th yellow pad papper)

Mga Sanggunian / Kagamitan sa Pagbasa:

https://philnews.ph/2019/07/22/katangian-ng-wika-at-kahlugan/
https://tl.wikipedia.org/wiki/Wika
https://www.youtube.com/watch?v=K36PKvcEpVQ
sining ng kumunikasyon sa akademikong Filipino pp.1-7
kumunikasyon sa akademikong Filipino (pagdulog modyular) pp.1-8
Pangalawang paksa: TEORYANG PINAGMULAN NG WIKA SA DAIGDIG

A- Nakikilala at Naipaliliwanag ang iba’t ibang teorya tungkol sa pinagmulan ng wika sa daigdig

S- Natitimbang at nasusuri ng may katalinuhan sa katotohanan ng iba’t-ibang teorya ng pinagmulan ng wika

K- Makakagawa at makakalikha ng personal na teorya ukol sa pinagmulan ng wika ng tao sa mundo

Pangganyak:

 Pagbati:
Magandang araw mga minamahal kong mag-aaral nawa’y sa nakaraang paksang ating tinalakay ay marami
kayong natutuhan.

Araw-araw, oras-oras, minu-minuto ano mang pagkakataon ay marami tayong naririnig na iba’t ibang ingay o
tunog, tulad ng tunog ng mga sasakyan, sigawan ng mga kapit-bahay, mga huni ng ibon at marami pang iba.
Ngayon, lumabas kayo sa inyong mga tahanan, pagkatapos ay magmasid at makinig sa iba’t ibang tunog sa
iyong paligid.

 Pagtatanong:
1. Ano-anong mga tunog ang iyong mga narinig?
2. Gaano kahalaga ang tunog sa buhay ng tao?
3. May kaugnayan ba ang bawat tunog na iyong napakinggan sa larangan ng pakikipatalastasan?
Discussion/Talakayan:
Mga Teoryang Pinagmulan ng Wika- Maraming haka-haka tungkol sa pinagmulan ng wika. Bukod sa dami-
daming teorya ng iba’t ibang tao hindi pa rin maipaliwanag kung saan, paano at kailan talaga nagsimula ang
wika. Tinatanggap ng mga dalubwika na hanggang sa ngayon ay wala pa ring katiyakan ang iba’t ibang teorya
tungkol sa pinagmulan nito. Isa itong palaisipang hanggang sa kasalukuyan ay hinahanapan ng patunay subalit
nananatili pa ring hiwaga o misteryo. Teorya ang tawag sa siyentipikong pag-aaral sa iba’t ibang paniniwala ng
mga bagay-bagay na may mga batayin subalit hindi pa lubusang napapatunayan. Iba’t ibang pagsipat o lente
ang pinanghahawakan ng iba’t ibang eksperto. Ang iba ay siyentipiko ang paraan ng pagdulog samantalang
relihiyoso naman sa iba. May ilang nagkakaugnay at may ilan namang ang layo ng koneksiyong sa isa’t isa.
Narito ang iba’t ibang teorya ng wika sa tulong ng talahanayan.
 TORE NG BABEL Batay sa istorya ng Bibliya, iisa lang ang wika noong unang panahon kaya’t
walang suliranin sa pakikipagtalastasan ang tao. Naghangad ang tao na higitan ang kapangyarihan ng
Diyos, naging mapagmataas at nag-ambisyong maabot ang langit, at nagtayo ng pakataas-taas na tore.
Mapangahas at mayabang na ang mga tao, subalit pinatunayan ng Diyos na higit siyang
makapangyarihan kaya sa pamamgitan ng kaniyang kapangyarihan, ginuho niya ang tore. Ginawang
magkakaiba ang Wika ng bawat isa, hindi na magkaintindihan at naghiwa-hiwalay ayon sa wikang
sinasalita. (Genesis Kabanata 11:1-8)
 BOW-WOW Ayon sa teoryang ito, maaaring ang wika raw ng tao ay mula sa panggagaya sa mga tunog
ng kalikasan. Ang mga primitibong tao diumano ay kulang na kulang sa mga bokabularyong magagamit.
Dahil dito, ang mga bagay-bagay sa kanilang paligid ay natutunan nilang tagurian sa pamamagitan ng
mga tunog na nalilikha ng mga ito. Marahil ito ang dahilan kung bakit ang tuko ay tinatawag ng tuko
dahil sa tunog na nalilikha ng nasabing insekto. Pansinin ang mga batang natututo pa lamang magsalita.
Hindi ba’t nagsisimula sila sa panggagaya ng mga tunog, kung kaya’t ang tawag nila sa aso ay aw-aw at
sa pusa ay miyaw. Ngunit kung totoo ito, bakit iba-iba ang tawag sa aso halimbawa sa iba’t ibang bansa
gayong ang tunog na nalilikha ng aso sa Amerika man o sa Tsina ay pareho lamang?
 DING-DONG Kahawig ng teoryang bow-bow, nagkaroon daw ng wika ang tao, ayon sa teoryang ito, sa
pamamagitan ng mga tunog na nalilikha ng mga bagay-bagay sa paligid. Ngunit ang teoryang ito ay
hindi limitado sa mga kalikasan lamang kungdi maging sa mga bagay na likha ng tao. Ayon sa teoryang
ito, lahat ng bagay ay may sariling tunog na siyang kumakatawan sa bawat isa at ang tunog niyon ang
siyang ginagad ng mga sinaunang tao na kalauna’y nagpabagu-bago at nilapatan ng iba’t ibang
kahulugan. Tinawag din ito ni Max Muller na simbolismo ng tunog.
 POOH-POOH Unang natutong magsalita ang mga tao, ayon teoryang ito, nang hindi sinasadya ay
napabulalas sila bunga ng mga masisidhing damdamin tulad ng sakit, tuwa, sarap, kalungkutan, takot,
pagkabigla at iba pa. Pansinin nga naman ang isang Pilipinong napapabulalas sa sakit. Hindi ba’t siya’ y
napapa-Aray! Samantalang ang mga Amerikano ay napapa-ouch! Ano’ng naibubulalas natin kung
tayo’y nakadarama ng tuwa? Ng sarap? Ng takot?
 YO-HE-HO Pinaniniwalaan ng linggwistang si A.S. Diamond (sa Berel, 2003) na ang tao ay natutong
magsalita bunga diumano ng kanyang pwersang pisikal. Hindi nga ba’t tayo’y nakalilikha rin ng tunog
kapag tayo’y nag-eeksert ng pwersa. Halimbawa, ano’ng tunog ang nililikha natin kapag tayo’y
nagbubuhat ng mabibigat na bagay, kapag tayo’y sumusuntok o nangangarate o kapag ang mga ina ay
nanganganak?
 YUM-YUM Katulad ng teoryang ta-ta, sinasabi rito na ang tao ay tutugon sa pamamagitan ng
pagkumpas sa alinmang bagay na nangangailangan ng aksiyon. Ang pagtugong ito ay isinasagawa sa
pamamagitan ng bibig ayon sa posisyon ng dila. Katulad halos ng teoryang ta-ta ang paliwanag ng mga
proponent ng teoryang ito sa pinagmulan ng wika.
 TA-TA Ayon naman sa teoryang ito, ang kumpas o galaw ng kamay ng tao na kanyang ginagawa sa
bawat partikular na okasyon ay ginaya ng dila at naging sanhi ng pagkatuto ng taong lumikha ng tunog
at kalauna’y nagsalita. Tinatawag itong ta-tana sa wikang Pranses ay nangangahulugang paalam o
goodbye sapagkat kapag ang isang tao nga namang nagpapaalam ay kumakampay ang kamay nang
pababa at pataas katulad ng pagbaba at pagtaas na galaw ng dila kapag binibigkas ang salitang ta-ta.
 SING-SONG Iminungkahi ng linggwistang si Jesperson na ang wika ay nagmula sa paglalaro, pagtawa,
pagbulong sa sarili, panliligaw at iba pang mga bulalas-emosyunal. Iminungkahi pa niya na taliwas sa
iba pang teorya, ang mga unang salita ay sadyang mahahaba at musikal, at hindi maiikling bulalas na
pinaniniwalaan ng marami.
 HEY YOU! Hawig ito ng teoryang pooh-pooh. Iminungkahi ng linggwistang si Revesz na bunga ng
interpersonal na kontak ng tao sa kanyang kapwa tao ang wika. Ayon kay Revesz, nagmula ang wika sa
mga tunog na nagbabadya ng pagkakakilanlan (Ako!) at pagkakabilang (Tayo!). Napapabulalas din tayo
bilang pagbabadya ng takot, galit o sakit (Saklolo!). Tinatawag din itong teoryang kontak.
 COO COO Ayon sa teoryang ito, ang wika ay nagmula sa mga tunog na nalilikha ng mga sanggol. Ang
mga tunog daw na ito ang ginaya ng mga matatanda bilang pagpapangalan sa mga bagay-bagay sa
paligid, taliwas sa paniniwala ng marami na ang mga bata ang nanggagaya ng tunog ng mga matatanda.
 BABBLE LUCKY Ayon sa teoryang ito, ang wika raw ay nagmula sa mga walang kahulugang bulalas
ng tao. Sa pagbubulalas ng tao, sinuwerte lamang daw siya nang ang mga hindi sinasadya at walang
kabuluhang tunog na kanyang nalikha ay naiugnay sa mga bagay-bagay sa paligid na kalaunan ay
naging pangalan ng mga iyon.
 HOCUS POCUS Ayon kay Boeree (2003), maaaring ang pinanggalingan ng wika ay tulad ng
pinanggalingan ng mga mahikal o relihiyosong aspeto ng pamumuhay ng ating mga ninuno. Maaari raw
kasing noo’y tinatawag ng mga unang tao ang mga hayop sa pamamagitan ng mga mahikal na tunog na
kalaunan ay naging pangalan ng bawat hayop.
 EUREKA! Sadyang inimbento ang wika ayon sa teoryang ito. Maaari raw na ang ating mga ninuno ay
may ideya ng pagtatakda ng mga arbitraryong tunog upang ipakahulugan sa mga tiyak na bagay. Nang
ang mga ideyang iyon ay nalikha, mabilis na iyong kumalat sa iba pang tao at naging kalakaran sa
pagpapangalan ng mga bagay-bagay (Boeree, 2003).
 LA-LA Mga pwersang may kinalaman sa romansa. Ang salik na nagtutulak sa tao upang magsalita.
 TA-RA-RA-BOOM-DE-AY Likas sa mga sinaunang tao ang mga ritwal. Sila ay may mga ritwal sa
halos lahat ng gawain tulad ng sa pakikidigma, pagtatanim, pag-aani, pangingisda, pagkakasal,
pagpaparusa sa nagkasala, panggagamot, maging sa paliligo at pagluluto. Kaakibat ng mga ritwal na
iyon ay ang pagsasayaw, pagsigaw atincantation o mga bulong. Ayon sa teoryang ito, ang wika raw ng
tao ay nag-ugat sa mga tunog na kanilang nililikha sa mga ritwal na ito na kalauna’y nagpapabagu-bago
at nilapatan ng iba’t ibang kahulugan.
 MAMA Ayon sa teoryang ito, nagmula ang wika sa mga pinakamadadaling pantig ng
pinakamahahalagang bagay. Pansinin nga naman ang mga bata. Sa una’ y hindi niya masasabi ang
salitang mother ngunit dahil ang unang pantig ng nasabing salita ang pinakamahalaga diumano, una
niyang nasasabi ang mama bilang panumbas sa salitang mother.
 RENE DESCARTES Hindi pangkaraniwang hayop ang tao kung kaya’t likas sa kaniya ang gumamit
ng wika na aangkop sa kaniyang kalikasan bilang tao. May aparato ang tao lalo na sa kaniyang utak
gayundin sa pagsasalita upang magamit sa mataas at komplikadong antas ang wikang kailangan niya
hindi lamang para mabuhay bagkus magampanan ang iba’t ibang tungkulin nito sa kaniyang buhay.
 PLATO Nalikha ang wika bunga ng pangangailangan. Necessity is the mother of all invention. Sa
paniniwalang ito, gaya ng damit, tirahan at pagkain, pangunahing pangangailangan din ng tao ang wika
kung kaya’t naimbento ito ng tao.
 CHARLES DARWIN Nakikipagsalaparan ang tao kung kaya’t nabuo ang wika. Survival of the fittest,
elimination of the weakest. Ito ang simpleng batas ni Darwin. Upang mabuhay ang tao, kailangan niya
ng wika. Ito ay nakasaad sa aklat na Lioberman (1975) na may pamagat na “On the Origin of
Language”, sinasaad dito na ang pakikipagsapalaran ng tao para mabuhay ang nagtuturo sa kanya upang
makalikha ng iba’t ibang wika.
 WIKANG ARAMEAN May paniniwalang ang kauna-unahang wikang ginagamit sa daigdig ay ang
lenggwahe ng mga Aramean. Sila ang mga sinaunang taong nanirahan sa Syria (Aram) at Mesopotamia.
Tinatawag na Aramaic ang kanilang wika. Haring Psammithicus Sinasabi sa paniniwalang ito na bilang
hari ng Ehipto,
 EKSPERIMENTO SI PSAMMATICHOS kung paano nga ba nakapagsasalita ang tao. May dalawang
sanggol siyang pinalaki sa loob ng kuweba at mhigpit na ipinag-tos na hindi ito dapat makarinig ng
anumang salita. Sa tagal ng panahon nakapagsalita raw ng “Bekos” ang dalawang bata na ang ibig
sabihin ay tinapay. Sa maikling sabi, likas na natututuhan ng tao ang wika kahit hindi ituro ang
pinanghahawakan ng teoryang ito. Alin sa mga teoryang ito ang wasto? Hindi natin matutukoy. Kaya
nga teorya ang tawag sa mga ito, mga haka-haka lamang na mahirap patunayan at husgahan. Ang
pagpipilit na ang isa ang tama ay tiyak na hahantong lamang sa walang hanggang pagtatalo. Bawat
teorya ay may sari-sariling kalakasan at kahinaan na maaaring maging batayan upang ating paniwalaan o
di kaya’y tanggihan. Magkagayon man, mahalaga ang bawat isa sa pagtalakay sa pinagmulan ng wika.
Mga Aktibidad / Pagsasanay:

Sa puntong ito ay magkakaroon tayo ng pagsasanay upang masuri mo ang iyong sarili kung natutunan
mo ang mga kaalaman mula sa ating talakayan, mangyaring ihanda ang iyong sarili para sa isang aktibidad:

Sa iyong silid, gumawa ng isang Video Presentation ukol sa teorya ng pinagmulan ng wika, pumili ng
isang teorya mula sa paksang tinalakay natin at gumawa/bumuo ka ng isang tunog mula sa teoryang napili mo.
Pwede kang gumamit ng kahit na anong bagay/hayop sa iyong paligid o dikaya, ang boses mo.
Video duration: (2 minutes only)

Pamantayan sa pagmamarka:
Pamantayan Indikador Puntos Marka
Nilalaman Maayos ang pagkabuo ng 20%
ideya
Kaangkupan ng ideya May kaugnayan sa paksa 15%
Presentasyon Maayos ang paglalahad 15%
ng sariling konsepto
Kabuuan : 50%

Paalala sa mga mag-aaral: I post/ipadala ang inyong Video Presentation sa GC ng asignaturang ito (Fil1
Akademiko sa wikang Filipino).

Interaksyon ng guro:
Mga minamahal kong mag-aaral: para sa karagdagang katanungan ukol sa klase, paksa, modyul at iba pang mga
gawain sa asignaturang ito, mangyari lamang dumulog sa ating bawat pangkat(GC) sa Fb acc. At I hayag sa
inyong tagapamahala(presidente) ang inyong mga nais ipabatid ukol sa asignaturang ito. Pwede nyo rin akong I
email o kontakin sa aking fb acc/tumawag sa aking CP#
Fb Acc. Christelle T. Omboy
Email Acc. christellerepolidontalita@gmail
CP#: 09507004485

Ebalwasyon:

Pagsusuri:
Tukuyin ang teoryang pinagmulan ng mga sumusunod. Isulat ang titik ng tamang sagot.

A- Para sa Teoryang Bow-wow D- Para sa Teoryang yo-he-ho


B- Para sa Teoryang yum-yum E- Para sa Teoryang ding-dong
C- Para sa Teoryang pooh-pooh F- Para sa Teoryang ta-ra-ra-boom-de-ay
_____1. tiktak ng orasan _____8. Pagbulong at pagsigaw sa ritwal
_____2. Lagitik ng Kidlat _____9. Napabulalas ng aray!
_____3. Wow! _____10. Tunog ng tuko
_____4. Langitngit ng pinto _____11. Huni ng ibon
_____5. Mapwersang suntok _____12. Buhos ng ulan
_____6. Pananakot ng leon _____13. Paraan kung paano kumain ang baboy
_____7. Dagundong ng kulog _____14. Panaghoy at pagtangis
_____15. Matinding tuwa

Takdang-Aralin:

Hanapin sa google/internet web. Ang paksang (Batayang kaalaman sa komunikasyon). Pag-aralan at alamin ang
mga elemento, proseso, uri at antas ng komuniksyon.

Mga Sanggunian / Kagamitan sa Pagbasa:


https://www.google.com/search?
q=batayang+kaalaman+sa+komunikasyon+mga+elemento+uri+at+antas&rlz=1C1ONGR_enPH973PH973
&oq=batayang+kaalaman+sa+komunikasyon+mga+elemento+uri+at+antas&aqs=chrome..69i57.34094j0j9
&sourceid=chrome&ie=UTF-8

Inihanda ni:

Christelle T. Omboy
BSED-FILIPINO Part-Time Insructor

You might also like