You are on page 1of 4

FIL 1 - Komunikasyon sa Akademikong Filipino

Lesson 1 Wika

Ang baybayin ay binubuo ng 17 titik:


3 patinig
14 na katinig

 Kapag ang isang katinig ay may tuldok sa ibabaw, binibigkas iyon nang may kasamang tunog na E o
I.
 Kapag nasa ilalim naman ang tuldok, ang kasamang patinig ay O o U.

Kahulugan ng Wika
 Ang wika ay ang kalipunan ng mga salita na ginagamit ng isang lipunan.
 Bawat lipunan sa daigdig ay may wikang ginagamit na tanging pekulyar sa isa't isa maging ito ay
nasa anyong pasulat at pasalita.
 Ito rin ang nagsisilbing sandata tungo sa mabisang interaksyon sa kanyang kapwa.
Ang wika ay maraming bagay:
 isang sistema ng komunikasyon,
 isang kasangkapan ng kaisipan,
 isang pamamaraan ng pagpapahayag ng sarili,
 isang panlipunang institusyon,
 hanguan ng pagpapahalagang katutubo at kontrobersiyang political
 “Ang wika ay sumusunod lamang sa lakad ng mga bagay. Kapag nagbago ang bagay, nag-iiba rin
ang wika” P.L. STRAWSON
 Kailangan ang iba’t ibang gamit ng wika para sa iba’t ibang uri ng tagapakinig o sa bawat
magkaibang pagkakataon
 Ito ang midyum na ginagamit sa maayos na paghatid at pagtanggap ng mensahe na susi sa
pagkakaunawaan.
 WIKA ay isang masistemang balangkas ng sinasalitang tunog na pinili at isinasaayos sa paraang
arbitraryo upang magamit sa komunikasyon ng mga taong nabibilang sa isang kultura. Henry
Gleason
 Ayon sa mga sosyolinggwist, malaki ang ugnayan ng wika at lipunan, at kultura.
Kahalagahan ng Wika
1) Pansarili
- Gamit ang wika upang makapagpahayag ng saloobin. Nagagawa ng tao na mapaunlad ang
kanyang sarili sa pamamagitan ng pagtatamo ng mga kaalaman sa kanyang paligid. Dahil dito,
nagagawa niyang matamo ang kanyang mga ninanais at minimithi tungo sa pampersonal na
kasiyahan.
2) Kapwa
- Sa kadahilanang ang tao ay may wika, nagagawa nating makihalubilo upang mapatatag ang ating
relasyong-sosyal. Nagagawa rin nitong mas mapalawak pa ang ating mga karanasan sa buhay.
3) Lipunan
- Nagiging mahalaga sa isang lipunan ang wika sa pamamagitan ng mga kolektibong karanasan ng
mga tao. Sa pamamagitan nito, nagkakaroon sila ng isang tiyak na lipunang tunay na pekulyar at
natatangi kaysa iba.
Tungkulin ng Wika
1) Instrumental
- Ito ay ang paggamit ng wika upang magpahayag ng ating mga pangangailangan, tulad ng
paglalahad ng mungkahi; panghihikayat; pagbibigay-utos; at pagpapangalan.
2) Regulatori
- Ito ay ang paggamit ng wika upang kontrolin ang ikikilos o gagawin ng iba. (panuto o pagbibigay
direksyon)
3) Representasyonal
- Ito ay ang paggamit ng wika upang magpahayag ng mga impormasyon at mga katotohanan.( pag
uulat)
4) Interaksyonal
- Ito ay ang paggamit ng wika upang lumikha at magpatatag ng mga ugnayang- panlipunan.
(pangangamusta o liham pangkaibigan).
5) Personal
- Ito ay ang paggamit ng wika upang ipahayag ang damdamin, opinyon at sariling aydentidad.
Sakop nito ang mga bulalas ng damdamin tulad ng pagkagulat, galit, hinanakit at tuwa. Maging
ang pagmumura ay maituturing sa uring ito.
6) Heuristik
- Ito ay ang paggamit ng wika upang maging daan sa pangangalap ng impormasyon tungkol sa
paligid. (survey at pagtatanong)
7) Imahinatibo
- Ito ay ang paggamit ng wika upang pukawin ang malikhaing kaisipan ng tao sa pamamagitan ng
pagpapahayag ng mga kuwento, biro at iba pa.
Katangian ng Wika
1. Internal na Ugnayan
- Isa sa mga katangian ng ano mang wika sa daigdig ay ang kakayahan nitong makabuo ng
pangungusap sa loob ng isang pangungusap. Ang prosesong ito ay tinatawag na relatibisasyon.
Halimbawa: Si Jose ang estudyante na nakakuha ng pinakamataas na grado sa akin noong nakaraang
semester na pamangkin ang aking kaibigan na si Nidalyn na ngayon ay nasa Canada na bilang nars at
patuloy pa ring sumusulat sa akin.
2. Wikang Arbitraryo
- Ang arbitraryo ay nangangahulugan na ang bawat wika ay may kani-kaniyang mga katawagang
ginagamit na itinatakda ng isang lipunan o uniqueness ng isang salita bagaman
magkasingkahulugan. Dahil arbitraryo ang wika, nangangahulugan na ang lahat ng posibleng
tunog na ating nalilikha ay maaaririg magkaroon din ng ganoon karaming pakahulugan
Halimbawa: aso (Filipino), dog (English), perro (Spanish), anjing (Bahasa Malaysia), bigas (Tagalog),
begas (Tiruray ), bagas (flokano ), bugas (Bisaya)
3. Ang wika ay produktibo at likas na mapanlikha
- Ito ay tumutukoy sa kakayahan ng isang tao na gamitin ang kanyang katutubong wika sa
pagpapahayag na walang kahalintulad. Nabibigyan siya nito ng kalayaan na maging mapaglaro
sa mga salita tungo sa mas mabisang paraan ng pagpapahayag.
4. Ang wika ay isang penomenong-sosyal
- Nangangahulugan lamang ito ng pagkakaroon ng komunikasyon sa pagitan ng dalawa o higit
pang bilang ng tao. Sa madaling salita, mas nagiging mabilis ang pagkatuto sa wika dahil sa
pakikipag-ugnayan natin sa ating kapwa.
5. Ang wika ay kakambal ng kultura
- Kailan man ay hindi mapaghihiwalay ang wika at kultura. Bawat wika sa daigdig ay produkto ng
mayamang karanasan ng isang lipunan. Mula sa karanasan, nadedebelop ang wikang sinasalita ng
isang tiyak na lipunan.
Halimbawa: naging kultura na ng mga taga-Katagalugan na sabihing, “Sasama ka ba sa libing?” sa halip na
“Makikipaglibing ka ba?” Bagaman kung kultura ang pag-uusapan, hindi natin maaaring sabihin na mali ang
nabanggit na praktis ng mga taga-Katagalugan.
6. Ang wika ay tunog
May dalawang konsepto ang wika kung tunog ang pag uusapan:
a) May mga wika sa daigdig na tinatawag na tonal-language gaya ng wikang Hapones, Intsik, at
Koreano. Ibig sabihin, mayroon silang mga salitang magkakapareho ang ispeling subalit nagiging
magkaiba ang kahulugan kapag nag-iba ang tono ng pagbigkas nito.
b) Ang pangalawa ay tumutukoy sa paniniwala na bawat wika ay sa tunog nagmula. Halimbawa: sa
Pilipinas, tinatawag nating tiktilaok ang tunog ng manok. Samantala, sa Ingles, tinatawag nila itong
cock-a-doodle-doo. 0 kaya naman, ang tahol ng aso sa atin, aw-aw-aw. Samantala, sa Ingles,
whoorff-whoorff-whoorff ang paraan ng tunog nito.
Sa madaling salita, bawat wika ay may malaking kaibahan sa tunog batay sa kung papaano nila binigyan ito
ng sariling interpretasyon.
7. Ang wika ay buhay o dinamiko
- Patuloy na nagbabago at yumayaman ang wika. Nagbabagu-bago ang kahulugan ng isang salita
na dumaragdag naman sa leksikon ng wika.
Halimbawa: BOMBA
Kahulugan:
 Pampasabog
 Igiban ng tubig mula sa lupa
 Kagamitan sa paglalagay ng hangin
 Bansag sa malalaswa at mapanghalay na larawan at pelikula
 Sikreto o baho ng mga kilalang tao
8. Ang wika ay may kakanyahan
- Lahat ng wika ay may sariling set ng palatunugan, leksikon at istrukturang panggramatika. May
katangian ang isang wika na komon sa ibang wika samantalang may katangian namang natatangi
sa bawat wika.
9. Lahat ng wika ay nanghihiram
- Humihiram ang wika ng ponema at morpema mula sa ibang wika kaya’t ito ay patuloy na
umuunlad. Ang Filipino ay madalas manghiram gaya ng paghiram sa mga salitang [jip, jus at
edukasyon] na mula sa Ingles na [juice], [jip] at Kastilang [educaćion].

You might also like