You are on page 1of 26

UGNAYAN NG WIKA

PRELIM’S REPORTER (BSED- FILIPINO 2)


Members:

Valeroso, Ara Joy

Conde, Khyla Mae

Taguba, Cristy

Paguirigan, Trisha

Duldulao, Frelyn

Simangan, Mary Joy

Edillo, Rina Mae

Gamata, Samuel

Padilla, Ella

Putic, Lynlen

Balinuyus, Carisse
INTRODUKSYON

Ang wikang Filiino, tulad ng alinmang wika sa daigdig ay may


sinilangang lugar. Sa lugar na ito, gumamit ang mga tao ng wikang
magbubuklod sa kanila. Sa wika na ito naipahayag ang nabuo nilang
karunungan, paniniwala, sining, batas, kaugalian, pagpapahalaga, at iba
pang kaangkinang panlipunan. Ang mga ito na kultura sa kabuuan ay
nagpasalin-salin sa bawat henerasyon sa pamamagitan din ng wikang
yaon.
WIKA

Ang wika ay isang sistemang pangkomunikasyon ng tao na gumagamit ng mga arbitraryong


tunog na maaaring pasalita o pasulat. Ngunit, dahil sa dami at komplikado ng mga wika sa mundo,
hindi ito magagawang bigyang kahulugan sa isang maikling depinisyon lamang.
Ang mga dalubhasa sa wika ay may ibat’ ibang pakahulugan sa wika.
1. Henry Gleason- Ang wika ay masistemang balangkas ng sinasalitang tunog na pinipili at
isinasaayos sa paraang arbitraryo upang magamit ng mga tao sa pakikipagkomunikasyon.
2. Edward Sapir- Ang wika ay isang kolektibo at hindi konsyus na sining at resulta ng
pagkamalikhain ng sanlibong henerasyon.
3. David Lodge- Ang wika ay isang tiyak na sistemang ginagamit ng iba’t ibang antas ng
pagkamalikhain tungo sa iba’t ibang uri ng di-tiyak na mga sitwasyon. Madalas ang pagsasama
ng mga salia at parirala ay tila buo na sapagkat hindi natin pinagsama-sama ang mga bagong
salita sa tuwing tayo ay nagsasalita.
KASAYSAYAN NG PAG-UNLAD WIKANG PAMBANSA
SA PILIPINAS

Ang ating bansa ay isa sa mga bansang may pinakamaraming dayalekto.


Sa mahigit na libong pulo mayroon tayo, higit sa apat na raang iba’t ibang
dayalekto o wikain anf ginagamit. Bawat rehiyon ay may sari-sariling wikain
o mga wikain. Dahil dit, nagging napakahirap ang pakikipag-ugnayan natin
sa isa’t-isa. Nagkaroon tuloy tayo ng suliranin sa pagkakabuklod-buklod at
pagkakaisa.
PANAHON NG ESPANYOL

Ang ating mga lupain, bagon pa man natuklasan ng mga Europeo, ay may
sarili nang sibilisasyon. Mayroon na itong sistemang pampolitika sa nayo
ng mga barangay; may konsepto ng mga Diyos sa sinasamba sa
pamamagitan ng paganism, may sariling teknolohiya at mga kasangkapan
na gamit sa iba’t ibang Gawain, may ugnayang panlabas, at may panitikan
na nagsisilbing tagapag-ingat ng kultura at kasaysayan. Isa pa sa mga
dakilang patunay nag sibilisasyon ng ating mga ninuno ay ang
pagkakaroon ng sariling mga wika-buhay, may istruktura at lubos na
pinakikinabangan sa araw-araw.
Ang sinaunang Tagalog ay isinulat sa paraang silabiko o pantigan.
Mayroon itong 17 titik; 3 patinig at 14 na katinig. Hindi tulad ng alphabetong
Romano na magkabukod ang tunog ng patinig at katinig na nangangailangan ng
pagsasama ng dalawa o higit pa upang makabuo ng pantig, ang mga titik sa
baybaying Tagalog ay pinagsama nang katinig at patinig (ganap na pantig) na
nag-iiba-iba lamang ang bigkas depende sa pagkakaroon ng tuldok at posisyon
nito.
Nang sumakop ng Espanya ang mga pulo sa Pilipinas, isa sa mga
nagging pangunahing layunin nito ay ang maipalaganap ang kristiyanismo.
Gayunpaman, nagging malaking hadlang ang pagkakaiba-iba ng mga wika sa
pagkakaunawaan. Kaya upang mapadali ang komunikasyon, pinag-aralan ng
mga misyonerong Espanyol ang wika nga mga kautubo at ginagamit nila ito sa
pakikipag-ugnayan.
PANAHON NG AMERIKANO
Inihayag ni Pangulong William McKinlet ang magiging bias sa Plipipinas ng
kasunduan sa Paris noong ika-21 ng Disyembre, 1888 sa pamamagitan ng
proklamasyon ng Benevolent Assimilation. Ayon dito, papasok ang mga Amerikano
sa Pilipinaas hindi bilang mananakop kundi bilang kaibigang mangangalaga sa
mga tahanan, hanapbuhay at karapatang pansarili at panrelihiyon ng mga Pilipino.
Ayon sa mga konsultasyon at pandinig na isinagawa ng komisyong
Schurman, napag-alaman nito na higit na pinipili ng mga pinunong Pilipino ang
Ingles bilang wikang panturo sa mga publikong paaralan laysa sa wikang katutubo
o Espanyol dahil ang Ingles ay mahigpit na nagbibigkis sa mga mamamayan at
mabisang instrument sa pagpapalaganap ng mga prinsipyo ng demokrasya. Dahil
dito, inirekomenda ng komisyon ang agarang pagtuturo ng Ingles sa mga
paaralang primary.
KAHALAGAHAN NG WIKA

Hindi na lingid sa kaalaman ng lahat na napakahalaga ng wika sa sangkatauhan. Ito ang


pangunahing kasangkapan ng bawat tao ss lipunan. Ilan sa kaalagahan ng wika ng sa tao at
lipunan ay ang sumusunod:

1. Instrumento ng komunikasyon
Ang wika ang pangunahing kasangkapan ng bawat tao sa pagbabatid ng
mga kaisipan at damdamin. Sa pakikipagkapwa, mahalaga ang wika sa
pagbabahagi ng mga interes, pananaw at mga kaisipan. Nabubuo ang isang
matatag na pamilya kapag mayroong matagumpay na paghahatid ng
saloobin at kaisipan ang bawat miyembro nito.
2. Nag-iingat at Nagpapalaganap ng kaalaman

Ang iba’t ibang uri ng kaalaman at karunungan simula ng mga sinaunang


sibilisasyon ay naiingatan at naipapalaganap pa rin sa kasalukuyang panahon bunga ng
mayroong isang wikang nakanlong dito. Ang konsepto ng pagiging makabansa at
makabayan ni Dr. Jose Rizal ay naipaparating pa rin hanggang sa kasalukuyang
henerasyon sapagkat nakalimbag rin ang kanyang mga panulat.

3. Nagbubuklod ng Bansa

Bawat tao sa loob ng isang bansa ay pinagbubuklod gamit ang isang wika. Sa
kaso ng Pilipinas, kahit na binubuo ito ng napakaraming pulo at mga etnikong grupo ay
natamo pa rin ang pambansang pagkakaisa dahil sa wikang Pambansa.
4. Lumilinang ng Malikhaing Pag-iisip

Sa pamamagitan ng wika, lumalabas ang tao higit pa sa reyalidad na


nagaganap sa kanyang kapaligiran. Nagagawa niyang maglakbay at bumuo ng
kapaligirang sa imahinasyon lamang matatagpuan. Dahil sa wika, lumilinang ang
malikhaing pag-iisip ng tao.

KATANGIAN NG WIKA
1. Ang wika ay masistemang balangkas- Ito ay binubuo ng mga makabuluhang
tunog (fonema) na kapag pinagsama-sama sa makabuluhang sikwens ay makalilikha
ng mga salita (semantiks) upang makabuo ng mga pangungusap. Ang pangungusap
ay may istraktyur (sintaks) na nagiging basehan sa pagpapakahulugan sa paggamit
ng wika.
a. Ponolohiya o fonoloji- pag-aaral ng fonema p ponema; ang fonema ay tawag sa
makabuluhang yunit ng binibigkas na tunog sa isang wika.
Halimbawa: /l/, /u/, /m/, /i/, /p/, /a/, /at/, /t/ na kung pagsama-samahin sa makabuluhang ayos ay
mabubuo ang salitang [lumipat].

b. Morpolohiya o morfologi- pag-aaral ng morfema; ang morfema ay tawag sa


pinakamaliit na makabuluhang yunit ng salita sa isang wika. Sa Filipino ang tatlong
uri ng morfema ay ang salitang-ugat, panlapi at fonema.
Halimbawa: Salitang-ugat= tao, laba, saya, bulaklak, singing, doctor, dentista

Panlapi= mag, in, um, an/han


Fonema= a
( tauhan, maglaba, doktora)
c. Sintaksis- pag-aaral ng sintaks ay ang tawag sa formasyon ng mga pangungusap
sa isang wika. Sa Filipino, maaaring mauna ang paksa sa panaguri at possible
naming pagbaliktarin ito. Samantalang sa Ingles lagging nauuna ang paksa.
Halimbawa: Mataas ang puno.

Ang puno ay mataas.

d. Semantiks- pag-aaral ng relasyon ng salita sa bawat isa sa iisang pangungusap;


ang mga salita sa pagbuo ng pangungusap ay bumabagay sa iba pang salita upang
maging malinaw ang nais sa pahayag.
Halimbawa: Inakyat niya ang puno.

Umakyat siya sa puno.


2. Ang wika ay binubuo ng mga tunog- Upang magamit nang Mabuti ang wika,
kailangan maipagsama-sama ang mga binibigkas na tunog upang makalikha ng
mga salita.

3. Ang wika ay arbitraryo- Arbitraryo ang wika sa kadahilanang batay sa salita ay


natatangi sa iba’t ibang wika. Walang nakapaloob ng relasyon sa pagitan ng mga
salita at ng nirerepresentang ideya nito. Hindi nagagawang maipaliwanag kung
bakit ang salitang woman sa Ingles, babae sa Filipino, aurat sa Urdu, zen sa
Persia at Femine naman sa French.
4. Ang wika ay pinipili at isinasaayos- Sa bawat pagsasalita ng tao, pinipili niya
ang mga angkop na salitang bibigkasin sa paraang mauunawaan ng kausap ang
buong mensaheng nais na iparating. Isinasaayos din ang mga pahayag batay sa
gramatikal at semantical na sistemang sinusunod ng bawat wika. Pinipili rin ang
angkop sa sasabihin batay sa sitwasyon at kausap.

5. Ang wika ay ginagamit- Ang wika ay ginagamit sa pang-araw-araw na


pakikimuhay ng mga tao sa loob ng isang lipunan. Hindi gagalaw o tatakbo ang
lipunan kung walang wikang magagamit sa komunikasyon ng bawat miyembro.
Wika ang dahilan kung bakit nagging sibilisado ang lipunan mula sa primitibo
tungo sa modernisado at teknolohikal na lipunan sa kasalukuyan.
6. Ang wika ay nakabatay sa kultura- Sa sinasabing ang wika ay kakambal ng
kultura. Ang dalawa ay mga aspetong bumubuo sa isang lipunan. Kung kaya,
ang wika ay representasyon ng kultura ng lipunang siyang taggamit nito. Ang
karunungan at yaman ng kultura ay naipapakita sa pamamagitang ng wika. Ang
pagiging mayaman at metatag ng isang wika ay nagrerepresenta rin ng
mayaman at matatag na kultura.

7. Ang wika ay nagbabago- Kasabay ng pagbabago ng buhay ng tao sa bawat


araw, sabay ding nagbabago ang wika. Ito ang dahilan kung bakit mayroong
mga salitang naawala, nadadaragdag, at napapalitan batay sa bawat yugto ng
pagbabago ng panahon. Subalit ang pagbabago ng wika ay nangangahulugang
buhay ito at hindi mamamatay.
TUNGKULIN NG WIKA
Sinasabing wika ang pangunahing kasangkapan ng tao sa kanyang araw-araw na
pakikipamuhay. Hindi nabubuhay ang tao kung wala ito. Mula sa kanyang pag-iisip, pagkilos, at
pakikisalamuha kailangan niya ang wika. Samakatuwid, hindi man lubos na mapansin
napakarami ng tungkuling ginagampanan ng wika sa tao. Ito ay kinabibilangan ng mga
sumusunod.
1. Interaksyunal

Interaksyunal ang tungkulin ng wika kapag ito ay ginagamit upang mapanatili at mapaunlad ang
iba’t ibang gawaing sosyal. Madalas nagaganap ito kapag nagkakaroon ng dayalogo o usapan
sa loob ng maliliit na grupo. Halimbawa rito ang pagkukumustahan ng mga magkakilala o
magkaibigan, pagpapalitan ng kuro-kuro o opinion.
2. Instrumental

Intrumental naman ang tungkulin ng wika kapag ginagamit ito upang maipahayag at matamo
ang mga ninanais, preperensya at mga pangangailangan. Halimbawa rito ang pag-uutos at
maging ang pagsulat ng liham-pangangalakal.
3. Regulatori

Regulatori ang tungkulin ng wika kapag ginagamit ito sa pagbibigay ng utos o direksyon .
4. Personal

Personal ang tungkulin ng wika sa mga sitwasyong ginagamit ang wika upang ipahayag ang
damdamin, opinion at ipakita ang sariling aydentidad.
5. Imahinatibo

Sa tuwing ginagamit ang wika sa pagkukuwento o pagbibiro o kaya sa pag-iisip ng


imaginary environment, imahinatibo ang tungkulin ng wika.
6. Heuristik

Heuristik ng tungkulin ng wika sa mga sitwasyong ginagamit ito upang makakalap ng iba’t
ibang impormasyon. Halimbawa rito, ang pagtatanong pagsasagawa ng interbyu at
pananaliksik
7. Representasyonal

Sa sitwasyong ginagamit ang wika upag maibahagi ng mga katotohanan at


impormasyon, kakikitaan ito ng representasyonal na layunin.
Bawat usapan o dayalogong nagaganap sa pang araw-araw ay hindi lamang
nakalimita sa isang tiyak na tungkulin. Maaaring Makita sa isang usapan ang lahat
ng mga tungkulin ng wika. Kaya, mahalagang maunawaan ang mga ito upang
matukoy kung ano-ano ang mga tiyak na tungkuling marapat na gamitin sa
pagpapahayag ng laman ng isipan at maging sa pag-unawa ng mga naririnig na
pahayag.
ANTAS NG WIKA
Ginagamit ang wika sa iba’t ibang lebel o antas. Nagaganap ito batay sa
pormalidad ng usapan. Pansining iba ang paraan ng pakikipag-usap kung nasa
loob ng unibersidad, pagpupulong at kumperensya kumpara sa usapang
nagaganap sa bahay, pasyalan, at iba pa. Ang unang inilahad ay halimbawa ng
mga usapang pormal at ang ikalawa naman ay halimbawa ng mga impormal na
usapan. Samakatwid, anh lebel o antas ng wika ay nahahati sa dalawang
kategorya tulad ng pormal at impormal.
A. Pormal
Ito ang wikang istandard, kinikilala at ginagamit ng nakararami sa mga pormal na
sitwasyon. Kinabibilangan ito ng mga sumusunod:
1. Pambansa

Tumutukoy ito sa wikang itinuturo at ginagamit sa anumang komunikasyon sa loob


ng paaralan. Ito rin ang istandard na ginagamit sa anumang transakyong pampubliko.
2. Pampanitikan
Tumutukoy sa wikang ginagamit ng mga manunulat at makata sa larangan ng
panitikan. Kadalasan ay matalinghaga, nagtataglay ng konotasyon o malaim na
kahulugan.
B. Impormal
Kinabibilangan ito ng mga salitang karaniwan, palasak, ginagamit sa pang-araw-
araw na pakikipag-usap. Kabilang ang sumusunod:
2. Lalawiganin
Ginagamit na mga salita sa isang tiyak na pook o lalawigan. Natural itong
ginagamit sa mga impormal na usapan at kakitaan ng natatanging punto.
2. Kolokyal

Tumutukoy sa mga salitang pinaiikli at madalas maririnig sa pang-araw-


araw na usapang impormal. Madalas nagkaroon ng kolokyal sapagkat likas sa tao
na gawing maikli at mabilis ang pagbigkas ng mga salita.
Halimbawa: sa’n, meron, ke’lan, yan
C. Balbal

Tinatawag na slang sa wikang Ingles. Ito ang pinakadamiko sa lahat ng


antas ng wika sapagkat bigla na lamang itong sumusulpot at sa kalaunan ay bigla
ring nawawala. Kabolang dito ang mga ekspresyon, mga salitang madalas na
ginagamit bilang panghalili sa mga bulgar na salita o yaong mayroong kabastusan.
Halimbawa: gurang- matanda, jowa- kasintahan, lispu-pulis
BARAYTI NG WIKA
Isa sa katangian ng wika ay ang pagiging dinamiko nito. Lagi itong nagbabago sa
bawat yugto ng panahon. Maging ang paggamit ng mga tao sa isang parikular na wika ay
nagbabago batay sa iba’t ibang aspeto. Ang mga aspetong ito ay kinabibilangan ng mga
sumusunod: kasarian, edad, at maging antas na kinabibilangan sa lipunan. Dahil dito,
nagkakaroon ng iba’t ibang klase o uri ng wikang ginagamit ng mga tao sa isang lipunan.
Mula sa mga isinagawang pag-aaral ng mga sosyolinggwistika, napag alamang
ang pagkakaroon ng barayti ng wika ay bunga ng dalawang dimension gaya ng mga
sumusunod:

A. Dimensyong Heyograpgikal

Ang dimensyong heyographikal ay tumutukoy sa salik ng pagkakaroon ng barayti


ng wik batay sa lokasyon o lugar.
Maaaring ang isang wika ay ginagamit hindi lamang ng isa kundi ng maraming lugar.
Halimbawa, ang wikang Ingles bilang isang wikang internasyunal ay ginagamit ng
iba’t ibang bansa sa Amerika, Asya Europa, at iba pa. Wikang Filipino naman bilang
linggea frangka at wikaang Pambansa sa Pilipinas ay ginagamit ng iba’t ibanf lugar
mula Luzon hanggang Mindanao.
B. Dimensyong Sosyal

Tinutukoy naman ang dimensyong sosyal bilang salik ng pagkakaroon ng


barayti ng wika batay sa iba’t ibang sosyal na grupong kinabibilangan ng mga tao sa
lipunan. Kinabibilangan ito ng propesyon, lasarian, edad at antas ng tao sa lipunan.

Ang tiyak na mga barayti ng wika ay ang sumusunod:


1. Dayalek
Ang dayalek ay barayti ng wikang natatangi o pekyulyar sa isang rehiyon. Bunga ito
ng dimensyong hiyograpikal na tinalakay sa anumang pahina. Halimbawa rito ang Filipino-
Maynila, Filipino-Davao, Filipino-Cebu, atbp.
2. Sosyolek

Ang sosyolek naman ay barayti ng wikang natatangi o pekyulyar sa isang grupo o


pangkat. Bunga ito ng dimensyong sosyal na tinalakay sa unang pahina.
a. Kasarian- Mayroong mga usapan ang lalaki na natatangi para sa kanila. Ganoon
din ang mga babae at maging ang mga napabilang sa tinatawag na ikatlong kasarian.
b. Edad- Kung papansinin mayroong pagkakaiba sa usapan at paggamit ng wika sa
mga bata, teenagers, nasa tamang gulang, at ng mga matatanda .
c. Propesyon o kabuhayan- Bawat tao na napabilang sa iba’t ibang propesyon y
mayroong pagkakaiba sa paggamit ng wika. Iba ang pamamaraan ng pagsasalita ng grupo
ng mga abogado. Doktor, guro at iba pa.
3. Idyolek

Tinatawag naming idyolek ang wikang natatangi o pekyulyar sa isang indibidwal.


Bawat tao ay nilikha ng Diyos a walang katulad maging sa paraan ng pagsasalita, Kaya’t
masasabing bawat tao ay mayroong kanya-kanyang idyolek. Makilala ang tao batay sa
kanyang paraan ng pagsasalita.
4. Etnolek

Bawat etnikong grupo sa iba’t ibang lugar ay mayroon naming kani-kanilang


wika na ginagamit. Walang etnikong grupo na magkatulad ang wika kung kaya’t
bawat isa sa kanila ay mayroong etnolek.
5. Rejister

Tinutukoy na rejister ang bawat wikang natatangi sa iba’t ibang larangan. Ang
larangan ng inhenyerya, abogasya, medisina, agham, lipunan, ekonomiya at iba pa
ay mayroong kanya-kanyang wikang pagkakakilanlan lamang sa kanila
6. Pidgin

Tumutukoy ang pidjin sa wikang mayroong pinaghalu-halong mga salita mula sa


dalawa o higit pang wika. Umuusbong ang pidgin bilang wika ng komunikasyon sa pagitan
ng dalawa o higit pang mga tao na mayroong magkaibang wikang sinasalita sa layunin ng
pakikipagkalakalan. Tinatawag din itong trade language sa wikang Ingles. Mayroong
tatlong katangian ang wikang pidgin: walang istruktura, hindi istruktura, hindi prestihiyoso
at walang taal na tagapagsalita.
7. Creole

Kapag nadebelop ang wikang pidgin, ito ay nagiging creole. Nagaganap ito kapag
sa kinatagalan ng paggamit ng wikang pidgin magkaroon na ito ng taal na tagapagsalita o
native speakers at mayroong nabuong istruktura.

You might also like