You are on page 1of 8

Great Plebeian College

Don Reinoso St., Alaminos City

Ugnayan ng Wika, Kultura at Lipunan

(Midterm Module)

AIAMAE NIETO LUCIAPAO, LPT

luciapaoaiamae@gmail.com

@Aiamae Nieto

Page 1 of 8
I. Pamamaraan sa Paggamit ng Modyul
1. Ang modyul na ito ay inihanda upang maisakatuparan ang pagkatutong inaasahan ng mga
mag-aaral kung kaya’t basahin at unawaing mabuti ang nilalaman at mga panutong itinala
sa modyul.
2. Maging matapat sa pagsagot ng mga gawain upang maiwasan ang kabawasan sa
pagpupuntos. Ipasa ang mga ito nang soft copy bilang pagsuporta sa paperless society.
3. Ang messenger at email ang magiging daluyan sa pagpapasa ng mga gawain.

II. Pamagat : Ugnayan ng Wika at Kultura


III. Paunang Nilalaman:
Sa araling ito matatalakay ang simulaing aralin gaya ng katuturan ng wika at kultura
ayong sa iba`t ibang lingguwista/awtor, mga tungkulin ng wika at element ng kultura.
Upang mas mabigyang buhay ang pagtalakay sa ugnayan ng wika at kultura, inilakip sa
talakayan ang isang kagamitang tanaw-dinig na magbibigay-linaw sa mahahalagang
konsepto sa pag-aaral nito gayundin sa wika sa lipunan.
IV. Pangkalahatang Layunin:
1. ( LO1) Nalalaman ang ugnayan ng wika at Kultura at lipunan.
2. (LO4) Nailalapat ang natutunan sa pamamagitan ng paglikha ng isang komposisyon.
V. Talaan ng Nilalaman
Paksa 1: Kahulugan, Katangian at Tungkulin ng Wika
Paksa 2: Katuturan at Elemento ng Kultura
Paksa 3: Ugnayan ng Wika at Kultura

Talakayan 1.
Kahulugan, Katangian at Tungkulin ng Wika

Ang wika ay kasangkapan ng pakikipagtalastasan. Tunay ngunit hindi kasangkapang


mekanikal at kagamitan ang isang wika. Ito`y tagapagpadala ng mga ideya. Naiimpluwensyahan
nito ang ugali ng tao, isip at damdamin. Ang wika ay istrumento ng paglikha ng makabuluhan at
malikhaing pag-iisip. Samakatwid, upang mgamit sa sukdulang kagamitan ng wika, dapat itong
mahawakan nang buong husay, maangkin ng ganap.

Matalik na magkaugnay ang wika at kultura. Taglay ng wika ang kultura ng lipunang pinag-
ugatan ng wikang iyon. Ang isang kultura`y naipahahayag nang matapat at likas sa wikang
kakambal ng naturang kultura. Hinihingi sa atin ng paham na si Merleau Ponty na pag-aralan
natin Ang pangalawang wika ay yaong kalipunan ng mga salita na ang kahulugan ay
nauunawaan ng marami, ginagamit sa karaniwan at pang-araw-araw na pag-uusap. Ang
pangunahing wika, sakabilang dako naman, ay yaong wika ng mga makata at ng mga sanggol na

Page 2 of 8
ang ibig sabihin ang salita ang siyang kaisipan. Ito ang nagbibigay ng bagong anyo at kahulugan
sa isang salita.

Sa madaling salita, ang LINGUA FRANCA ay wika na ginagamit ng dalawa o higit pang
mga tao na nagmula sa iba`t ibang pamayanan o multilinggwal na kumunidad.

2 Uri

a. Rehyunal – ang isang wika o mga sangkap nito ay pangkalahatang ginagamit sa isang
rehiyon bilang anupamang uri ng pakikipagtalastasan, kalagayan at pagkakataon. Maaari
itong mangyari sa bahay, palengke, simbahan, paaralan, komunidad o sa alin pa mang
sentro ng lipunan maging ang nagsasalita ay propesyunal o hindi.
b. Nasyunal- sa dahilang ang wika ay nagiging midyum sa pangkalahatang pangkat ng mga
tao kahit na ang nagsasalita ay mula at nabibilang sa iba`t ibang dako ng kapuluan.
Dahil dito, ang maipalalagay na lingua franca nasyunal ng Pilipinas ay ang
Filipino at ang rehyunal naman ay yaong mga wikang katutubo ng iba`t ibang
pamayanan , pook at rehiyon.

Katuturan ng Wika ayon sa

iba`t ibang Linggwista

1. Ayon kay Henry Allan Gleason – Ang wika ay isang masistemang balangkas ng
sinasalitang tunog na pinipili at isinasaayos sa paraang arbitraryo upang makamit sa
komunikasyon ng mga taong nabibilang sa isang kultura.
2. Sa mga transpormasyonal na pananaw, nanguna si Chomsky sa paniniwalang ang wika
bilang isang sistema ay may kaugnayan sa kahulugan at kabuluhan. Dagdag pa niya, ang
wika ay isang penomenang mental na kung saan ito ay likas sa tao at dahil sa kalikasan
nito, may kakayahan siyang matuto ng wika.
3. Sa mga sosyolinggwista- nakapokus ang pagbibigay nila ng depinisyon sa wika sa
kaugnayan nito sa lipunan. Binibigyang diin nila ang pagbibigay ng katuturan sa

Page 3 of 8
kabuluhan ng wika sa panlipunang aspekto at ang paggamit ng tao ng wika bilang bahagi
ng lipunan.
4. Ayon kay Benjamin Lee Whorf – nagbigay ng kahulugan sa wika. Aniya, “Ang wika ay
binubuo ng mga payak na salitang nalilikha dahil sa pagtugon ng tao sa kaniyang
kapaligiran. Ang kalikasan ng sistemang pangliggwistika ng bawat wika ay `di lamang
instrument sa pagpapahayag ng saloobin at kaisipan kundi tagahubog din ng mga ideya
na nagsisilbinggabay para sa mga gawaing pangkaisipan”.dahil dito, nagkakaiba ang
wikang malilikha ng mga tao dahil sa iba`t ibang antas ng pagkalantad sa lipunan.
5. Ayon kay Basil Bernstein- Ang wika bilang sistema ng mga tuntunin ay nagrerepresenta
ng mga code. Ang mga code na ginagamit ay naaayon sa kinabibilangan sa lipunan.
Naniniwala siyang nagkakaiba ang ginagamit na wika dahil sa mga hadlang sa
pagkakaiba sa antas ng mga taong nabibilang sa isang lipunan. Ang pampublikong wika o
wikang pangmasa ay tinawag niyang “restricted code” dahil limitado lamang ito sa mga
ekspresyong panglinggwistika. Tinawag niyang “elaborated code” ang pormal na wika o
ang wikang ginagamit sa mga komplikado at ekspresyon ng organisasyong
panglinggwistika. Dahil dito, ang iba`t ibang estilo sa pagsasalita at paggamit ng mga tao
ng wika ay nagmula sa iba`t ibang pangkaugalian at panlipunang karanasan.
6. Edward Sapir- Ang wika ay pantao at likas ang paggamit ng tao sa wika. Ginagamit
niya ang wika bilang kasangkapan sa sosyalisasyon na kung walang wika, walag iiral na
relasyong sosyal. Gumagamit ang mga tao ng mga simbolismo upang makipag-ugnayan
sa iba na nagbubunga ng pagkakaroon ng solidaridad at pagkakaisa ng mga tagapagsalita
ng naturang wika.
7. Ayon kay Sturtevant – ang wika ay isang sistema ng mga arbitraryong simbolo ng ,mga
tunog para sa komunikasyon ng mga tao.
8. Ayon kay Webster – Ang wika ay kalipunan ng mga salitang ginagamit at naiintindihan
ng isang maituturing na komunidad. Ito ay naririnig at binibigkas na pananalita na
nalilikha sa pamamagitan ng dila at ng kalakip na mga sangkap ng pananalita.

 Ayon sa iba`t ibang Awtor


9. Ayon kay Caroll (1973) – May pagkakatulad dito sa pagpapakahulugan sa ni Gleason
kung saan nabanggit niyang “ang wika ay masistemang estruktura ng sinasalitang tunog

Page 4 of 8
at pagsasaayos nito sa paraang arbitraryo upang makamit sa interpersonal na
pakikipagkomunikasyon at ang makabuluhang pagsasama-sama ng mga bagay,
pangyayari at mga karanasan ng sangkatauhan.

10. Ayon kay Tumangan (1997) – Sa ibang pananaw ng wika, ang wika ay isang paraan ng
pananagisag o pagbibigay-kahulugan sa mga tunog sa tulong ng mga bahagi ng katawan
sa pagsasalita upang makamit ang layuning makaunawa at maunawaan ng iba.

Ayon sa iba`t ibang Awtor


11. (Pineda, 2004:236)- Wika ang kasangkapan ng isang manunulat sa paglikha ng kanyang
sining. Karaniwa`y di totoong mahalaga kung ano man ang wikang iyon. Ang higit na
mahalaga`y kung paano ginamit ng maguniguning manunulat ang wikang kasangkapan.
12. (Constantino, 1996:12)- Ang wika ang siyang pangunahing instrumento ng
komunikasyong panlipunan. Bilang instrumento, maaaring matamo sa pamamagitan nito
ang instrumental at sentimental na pangangailangan ng tao. Ang wika ay behikulo para
makisangkot at makibahagi ang tao sa mga gawain ng lipunan upang matamo ang
pangangailangan nito.
13. (Salazar,1996:19)- Kung ang kultura ay ang kabuuan ng isip, damdamin, gawi kaalaman
at karanasan na nagtatakda na nagtatakda ng maaangking kakanyahan ng isang kalipunan
ng tao, ang wika ay `di lamang daluyan kundi higit pa rito, tagapagpahayag at impukan-
imbakan ng alinmang kultura.
14. (Otanes, 1990:96) – Ang wika ay isang napakasalimuot na kasangkapan sa
pakikipagtalastasan. Kailangan nating malaman ang mga pangkalahatang katangian ng
wika at gayundin ay masuri ang wikang itinuturo natin, upang makagawa tayo ng
epektibong mga kagamitan at pamamaraan sa pagtuturo.
15. ( Santiago: 1995:5)- Ang wika ay kasangakapan na ginagamit at nabubuhay lamang
habang patuloy na ginagamit: ang wika ay kasangkapan ng lipunan na kapag nawalan ng
silbi sa lipunan ay tuluyang mawawala at ang anyong pasalita at pasulat ng wika ay dapat
na `di magkahiwalay; at ang wika ay gamit sa pagkakatid at pagtanggap ng mensahe.
16. ( Melendrez-Cruz, 1996:195) -Hindi isang sistema ng palatandaan o isang neutral na
daluyan ng isipan at damdamin ang wika. Likha ito ng lipunan; samakatuwid, may

Page 5 of 8
katakdaang kulutural ito. Ito ay kapahayagang kultural ng isang sambayanang may
katakdaang panlipunan at pangkasaysayan.
17. (KWF,1997:20)- Ang wikang buhay, saan man at kailanman ay umuunlad habang
ginagamit. Nagaganap ito sa prosesong natural sa kusang pag-aangkin ng mga
elementong pangwika. Ang nagkakakontak na mga wika ay nagkakahiraman sa alinman
sa nabanggit na mga aspekto bagaman higit na ekstensibo sa antas na bokabularyo. Ito`y
ibinubunsod ng partikular o espesyal na pangangailangan ng humihiram na wika.
18. (Del Rosario, 1191:42)- Ang wika, unang-una ay sinasalita, at ang pagsulat na anyo ay
nababatay sa anyong pasalita.
19. (Swanson, 1976:68) – Ang wika ay gamit sa pakikipagtalastasan o sa ibang salita, ay sa
paghahatid at pagtanggap o pagkaunawa ng mga menshae.
20. Ayon kay Archibald A. Hill- Ang wika ay ang pangunahin at pinakaelaboreyt na anyo
ng simbolikong gawaing pantao. Ang mga simbolong ito ay binubuo ng mga tunog na
nalilikha ng aparato sa pagsasalita at isinasaayos sa mga klase at patern na lumilikha sa
isang komplikado at simetrikal na istruktura. Ang mga simbolong ito ay mayroon ding
kahulugang arbitraryo at kontrolado ng lipunan.

Mga Katangian ng Wika

 Ang wika ay tunog- Sa pagsisimula ng pag-aaral ng wika ay unang natutuhan ang mga
tunog ng wikang pinag-aaralan kaysa ang pasulat na paglalahad. Ang mga ito ay
nirerepresnta ng titik.
 Ang wika ay arbitraryo – Maraming tunog na binibigkas at ang mga ito`y maaaring
gamitin para sa isang tiyak na layunin. Ang ilan sa madalas niyang layunin ay maglahad
ng impormasyon, magbigay ng sariling reaksyon, mangatwiran at iba pa.
 Ang wika ay masistema – Kung pagsasama-samahin ang mga tunog ay makabubuo ng
makahulugang yunit ng salita gayundin naman kung pagsasama-samahin ang mga salita
ay mabubuo ang pangungusap o parirala.
 Ang wika ay sinasalita- Nabubuo ang wika sa tulong ng iba`t ibang sangkap ng
pananalita tulad ng labi, dila, ngipin, ilong, ngalangala at lalamunan.
Page 6 of 8
 Ang wika ay nagbabago – Dahil sa patuloy na pag-unlad ng wika ay patuloy rin itong
nagbabago. Bahagi ng pagbabagong ito ang pagkawala sa sirkulasyon ng ibang salita na
itinuturing na luma na o hindi na gaanong gamitin.
 Ang wika ay malikhain – Ang wika ay isang mabisang paraan ng pag-unlad ng bansa.
Bukod dito, may isang paraan para tuluyang umunlad ito. Ito`y sa pamamagitan ng
paglikha ng salita. Tunay na nakagugulat ang mga salitang nadaragdag sa ating
talasalitaan dahil na rin sa pagiging malikhain ng mga Pilipino.
 Ang wika ay nababatay sa kultura – Hindi naghihiwalay ang wika at kultura.
Nalalaman ang pamumuhay, tradisyon, paniniwala ng tao sa pamamagitan ng wika.
 Ang wika ay natatangi – Waalang dalawang wikang magkatulad. Maaaring may mga
wikang magkahawig ngunit hindi magkatulad.
 Ang wika ay komunikasyon- Ginagamit ang wika upang ipahayag ang damdamin,
iniisip nadarama at pangangailangan ng tao.
 Ang wika ay nanghihiram –Ang wika ay hindi nagmula sa iisang ugat lamang kundi ito
ay nabubuo sa pamamagitan ng iba pang wika nanagiging bahagi ng kanyang pag-unlad.

Talakayan 2. Katuturan at Elemento ng Kultura


a. Kultura: Katuturan at Elemento
https://www.youtube.com/watch?v=sw0i1HaC0Dc
O maaaring panoorin :
b. Ano ang Kultura
https://www.youtube.com/watch?v=IShNEKqvzPU

Talakayan 3. Ugnayan ng Wika at Kultura

https://www.youtube.com/watch?v=dj6R04h3lq4

Pagbubuod :
1. Ang wika ay nagbabago ayon na rin sa mga bagong usbong na kultura.
2. Ang wika ay salamin ng kultura. Hindi natin malalaman ang katawagan ng isang bagay sa
isang kultura kung hindi pa natin ito nararanasan.
3. Sinasalamin ng kultura ang wika. Nakikilala ang kultura ng isang tao sa kanyang gamit
na wika at sa paraan pa lamang ng kanyang pananalita.
4. Ang wika ay daluyan ng komunikasyon upang ipahayag ang saloobin ukol sa politikal at
panlipunang isyu.
5. Maging maingat sa paggamit ng wika dahil mayroon itong iba`t ibang kahulugan.

Page 7 of 8
6. Sa pakikipagtalastasan, mainam na pag-aralan muna ang kultura at wika ng taong
pakikisalamuhaan upang mas maging kapaki-pakinabang ang dulot nito.
7. Ang kultura ay may dalawang uri: Ang materyal (nahahawakan) at `di material na kultura
(hindi nahahawakan)
8. Ang wika ay buhay at patuloy na mabubuhay kung ito ay ginagamit ng buong husay at sa
mabuting paraan.
9. Ang wika ay likas na sa tao sapagkat sa bawat simbolo, kumpas at galaw ng bahagi ng
katawan ay may katumbas na kahulugan.

Eksperyensyal na Gawaing Pampagkatuto

1. Gumawa ng isang video na kakikitaan ng kultura sa loob ng tahanan. Makikita rito ang pang-
araw-araw na na gawain ng pamilya sa tahanan, gaya ng kung paano ang pakikisalamuha sa
miyembro ng pamilya, gamit na wika sa loob ng tahanan, gawi/tradisyon/paniniwala, mga
materyal na bagay sa tahanan na parte ng kultura ng pamilya, pagkain at iba pa.

Sa pamamagitan nito, makikita ang maaaring maging kultura sa loob ng isang lipunan kung
magsisimula sa pinakamaliit na yunit nito … ang tahanan.

Kriterya:
1. kahusayan ng pagkakakuha at boses – 40%
2. Angkop na ekspresyon ng mukha at boses - 30%
3. Kaangkupan ng nilalaman ng video)– 30%
100%

2. Ano ang mga napansin o natuklasan mong kultura sa inyong tahanan pagkatapos isagawa ang
video? Ano ang masasabi mo ukol dito? Gumawa ng repleksiyong papel ukol sa ginawang video.

Kriterya sa pagpupuntos:
1.Kalinawan, kaisahan at nilalaman
ng katha – 50%
2.Kalinisan – 20%
3.Gramar at pagbabaybay – 30%
= 100%

Page 8 of 8

You might also like