You are on page 1of 46

Wik

a
PANIMULANG
LINGGWISTIKA F102
Presentasyon ni: CARIAGA, Michael C
Arellano University (AU)
BSEd Filipino
MGA PAKSA
 Kahulugan ng Wika ayon sa mga
dalubwika
 Ang Wika at Dalubwika
 Angkan ng Wika
 Katangian ng Wika
 Kasaysayan ng Wikang
Pambansa
 Ang Wika at Kultura
KAHULUGAN NG WIKA AYON SA
MGA DALUBWIKA
HENRY
GLEASON

MANGAHIS VIRGILLIO
ET AL ALMARIO

WIKA
ARCHIBAL NOAM
D A. HILL CHOMSKY
“Ang wika ay
masistemang
balangkas ng
sinasalitang tunog
na pinipili at
isinasaayos sa
paraang arbitraryo
upang magamit ng
mga taong
kabilang sa isang
HENRY GLEASON kultura.”
“kung ano
ang wika
mo, iyon
ang
pagkatao
mo.”
VIRGILLIO ALMARIO
“Ang wika ay
nakabatay sa
kakayahan at
kagalingan sa
pamamagitan
ng pasulat o
pasalitang
NOAM CHOMSKY
simbolo.”
“ang wika
ang
pangunahing
pinakaelabo
-reyt na
simbolikong
pantao.”
ARCHIBALD A. HILL
“Ang wika ay may
mahalagang papel
na ginagampanan
sa
pakikipagtalastasa
n. Ito ang midyum
na ginagamit sa
maayos na
paghahatid at
paglangap ng
mensahe na susi sa
MANGAHIS ET., AL pagkakaisa.”
ANGKAN
NG WIKA
ANGKAN NG WIKA
 May 7,105 buhay na wika sa daigdig.
 Ito ay ginagamit ng mahigit 6 200 000 000
katao.
 Nakapaloob ang mga wikang ito sa tinatawag
na Angkan ng Wika o mga wikang
magkakaugnay at maiy iisang pinag-ugatan.
 Tinatayang may 136 Language Family sa
buong daigdig.
 Ang mga pamilya ng wikang ito ay nagsasang-
sanga sa iba pang wikang ginagamit sa ibat
ibang bahagi ng daigdig.
INDO-EUROPEAN
 Ang mga wikang Indo-Europeo ay
sinasalita ng halos 3 bilyong mga
katutubong tagapagsalita na
pinakamalaking bilang sa anumang
kinikilalang pamilya ng wika. Sa mga
20 wika na may pinakamalaking bilang
ng mga katutubong tagapagsalita, ang
12 wika ay Indo-Europeo: Espanyol,
Ingles, Hindi, Portuges, Bengali,
Ruso, Aleman, Marathi, Pranses,
Italyano, Punjabi, at Urdu na
bumubuo sa 1.7 bilyong mga
katutubong tagapagsalita.
MALAYO-POLYNESIAN
 Ang mga wikang Malayo-Polynesian ay
isang subgroup ng mga wikang
Austronesian, na may humigit-
kumulang 385.5 milyong nagsasalita.
Ang mga wika ng Malayo-Polynesian ay
sinasalita ng mga taga-Austronesian ng
mga islang bansa ng Timog-silangang
Asya at ng Karagatang Pasipiko, na may
mas maliit na bilang sa
kontinentalAsya. Ang Cambodia, Laos,
at Vietnam ay nagsisilbing hilagang
kanlurang hilagang-kanluran, na
nagaganap sa lalawigan ng Malay
SINO-TIBETAN
 Ang mga wikang Sino-Tibetano ay isang
pamilyang wika ng higit-kumulang na 400
wikang sinasalita sa Silangang Asya,
Timog-Silangang Asya at Timog Asya.
Pangalawa lamang ang pamilyang wikang
ito sa mga wikang Indo-Europeo sa bilang
ng mga katutubong tagapagsalita. Ang
pamilyang wikang ito ang mayroon
pinakamaraming katutubong mananalita
ay ang mga sari-saring uri ng wikang
Tsino (halos 1.2 bilyong tagapagsalita),
Birmano (Burmese, halos 33 milyon) at
mga wikang Tibetiko (halos 8 milyon).
NIGER-CONGO
 Ang wikang Kongo o Kikongo
ay isang wikang Bantu at ito
ay sinasalita sa mga Kongo at
Ndundu na nakatira sa mga
gubat ng Democratikong
Republika ng Congo.
AFRO-ASIATIC
 Afroasiatic (Afro-Asiatic), mas
kilala sa tawag na Afrasian at
Hamito-Semitic (Chamito-
Semitic) o Semito-Hamitic, Ito
ay ang angkan ng Wika na
mayroong 300 gumagamit sa
buong mundo. Ito ay ang wika
sa Kanlurang Asya, Timog
Africa, Horn ng Africa at parte
ng Sahel.
DALUBWIKA
WIKA AT DALUBWIKA
DALUBWIKA
Ang dalubwika ang tawag sa dalubhasa sa wika.
Ito ay maaring tumutukoy sa mga sumusunod:

Lingguwista (linguist)
dalubhasa sa pag-aaral sa wika

Poligloto (polyglot)
dalubhasa o nakakapagsalita ng iba't ibang wika
KATANGIAN
NG WIKA
 Ang wika ay masistemang balangkas. Ang
wikang ginagamit ng bawat tao sa daigdig ay
sistematikong nakaayos sa isang tiyak na
balangkas.
 Ang wika ay sinasalitang tunog.Makabuluhan
ang wika sapagkat ito ay nagtataglay ng
tunog. Subalit hindi lahat ng tunog ay wika
sapagkat hindi lahat ng tunog ay may
kahulugan
 Ang wika ay pinipili at isinasaayos.Mahalaga
sa isang nakikipagtalastasan na piliing mabuti
at isaayos ang mga salitang gagamitin upang
makapagbigay ito ng malinaw na mensahe sa
kausap.
 Ang wika ay arbitraryo. Ang isang taong
walang kaugnayan sa komunidad ay hindi
matututong magsalita kung papaanong ang
mga naninirahan sa komunidad na iyon ay
nagsasalita sapagkat ang esensya ng wika ay
panlipunan.
 Ang wika ay ginagamit. Ang wika ay
kasangkapan sa komunikasyon at katulad ng
iba pang kasangkapan, kailangang patuloy
itong ginagamit. Ang isang kasangkapang hindi
ginagamit ay nawawalan ng saysay.
 Ang wika ay nakabatay sa kultura. Paanong
nagkakaiba-iba ang wika sa daigdig? Ang sagot
ay makikita sa pagkakaiba-iba ng mga kultura
ng mga bansa at pangkat.
 Ang wika ay nagbabago. Dinamiko ang wika.
Hindi ito maaaring tumangging magbago.
 Ang wika ay komunikasyon. Ang tunay na
wika ay wikang sinasalita. Ang wikang
pasulat ay paglalarawan lamang ng wikang
sinasalita
 Ang wika ay makapangyarihan. Maaaring
maging kasangkapan upang labanan ang
bagay na salungat sa wastong pamamalakad
at pagtrato sa tao.
 Ang wika ay kagila-gilalas. Bagama't ang
pag-aaral ng wika ay isang agham,
kayraming salita pa rin ang kay hirap
ipaliwanag.
KASAYSAYA
N NG WIKA
Saligang Batas ng 1987
Arikulo XIV Seksyon 6

“Ang wikang pambansa


ay Filipino, samantalang
nililinang ito’y dapat
payabungin at
pagyamanin pa salig sa
umiiral na mga wika.”
 1934 Nagsimula ang kasaysayan ng
Wikang Pambansa noong unang
Kombensyong Konstitusyonal na
naganap sa taong 1934. Ang nanguna sa
paggawa ng resolusyon tungkol sa wikang
pambansa ay si Deligado Wenceslao
Vinzons ng Camarines Norte. Ang
orihinal na resolusyon ay ang sumusunod:
Ang Kongreso ay gagawa ng mga
hakbang tungo sa pagpapaunlad at
pagpapatibay ng isang wikang wikang
pambansa batay sa mga umiiral na
katutubong diyalekto.
 1935 Ang resolusyon ay naisa-batas at
matatagpuan sa Seksyon 3, Artikulo XIV ng
Saligang Batas ng 1935.

 “Ang Pambansang Asemblea ay gagawa ng hakbang


tungo sa pagpapaunlad at pagpapatibay ng wikang
umiiral. Hanggang wala pang opisyal na wika na
itinatadhana, ang wikang Ingles at kastila ang
patuloy na gagamiting wika”

 1936 Itinagubilin ni Pangulong Quezon sa kanyang


mensahe sa Pambansang Asemblea ang paglikha ng
isang Surian ng Wikang Pambansa (SWP) na
gagawa ng isang pag-aaral ng mga wikang
katutubo sa Pilipinas sa layuning mapaunlad at
mapatibay ang isang wikang panlahat.
 1936 Mula sa Batas Komomwelt Blg 184 ni Pang.
Manuel Quezon, nilikha ang institusyong
mangangasiwa sa pagkakaroon ng wikang pambansa
at ito ay tatawaging-SURIAN NG WIKANG PAMBANSA
(SWP)

Mga Gampanin ng SWP:


 Pag-aaral tungkol sa mga pangunahing wika na
sinasalita ng hindi bababa sa kalahating milyon
 Komparatibong pag-aaral sa ponemiko at ortograpiya
ng bansa.
 Pag-aaral sa panlapi sa Pilipinas
 Komparatibong pag-aaral sa bokabuklaryo ng mga
pangunahing wika
 Pumili ng katutubong wika na gagawing batayan ng
wikang pambansa.
 1937 Humirang ang Pang. Quezon ng mga
Kagawad na bubuo sa Surian ng Wikang
pambansa. Si Jaime C. D. Veyra ang unang
Tagapangulo ng Surian ng Wikang Pambansa.
 
 1937 Nagpasa ng isang resolusyon na gawing
Tagalog ang batayan ng Wikang Pambansa at
itinagubilin ito ng Pang. Quezon na pagtibayin
na.

 1937 (Dis. 30) Alinsunod sa Batas Komonwelt


blg. 184, sa pamamagitan ng Kautusang
Tagapagpaganap 134, ipinahayag ng Pang.
Quezon na batay sa Tagalog ang Wikang
Pambansa ng Pilipinas. 
 Sa ilalim ng pamumuno ni Jaime C. de Veyra
nailimbag ang:
 “ang Tagalog English Vocabulary” at
 “Ang Balarila ng Wikang Pambansa” likha ni
Lope K. Santos. Dito unang ipinakilala ang
ABAKADA na may 20 titik.

 1940- ipinag-utos na ituro sa pampubliko at


pribadong paaralan ang wikang pambansa.

 Dahil natapos na ang tungkulin ng SWP, binuwag


na ang nasabing institusyon ngunit, muli itong
binuksan sa bisa ng Batas Komonwelt Blg. 50
dahil sa pagdating ng mga Hapon at pagsiklab ng
ikalawang pandaigdigan digmaan
 Sa bisa ng Order militar Blg.13, idineklara na
ang wikang Hapon at Tagalog ang opisyal na
wika.
 Ngunit ng maupo si Jose P. Laurel, ipinasa
nya ang Kautusang tagapagpaganap Blg. 10 na
nag-uutos na ituro ang wikang Tagalog sa mga
paaralan. Iniutos niya ring palitan ang
pamagat ng Pambansang awit- “Diwa ng
Bayan” na isinalin sa Wikang Tagalog ni Lope
K. Santos.
 1954 Nilagdaan ni Pang. Ramon Magsaysay ang
Proklama blg. 12 na nagpapahayag ng
pagdiriwang ng Linggo ng Wikang Pambansa
simula Marso 29 hanggang Abril 4 taun-taon,
sa tagubilin ng Surian ng Wikang Pambansa.
 1955 Nilagdaan ni Pang Magsaysay ang
Proklama blg. 186 na naglilipat sa pagdiriwang
ng Linggo ng Wikang Pambansa sa ika 13-19
ng Agosto taun-taon.

 1959 Pinalabas ng Kalihim ng Kagawaran g


Edukasyon, Jose E. Romero ang Kautusang
Pangkagawaran blg. 7 na nagsasaad na ang
Wikang Pambansa ay tatawagin nang PILIPINO
  
 1967 Itinakda ni Pang. Marcos ang Kautusang
Tagapagpaganap blg.96 na nagtatadhanang
ang lahat ng mga gusali, edipisyo at tanggapan
ng pamahalaan ay pangalanan sa Pilipino.
 1968 (Marso 27) Nagpalabas si Kalihim
Tagapagpaganap Rafael Salas ng
Memorandum Sirkular blg. 172, nag-aatas na
isulat sa Pilipino ang mga letterheads ng mga
kagawaran at sangay ng pamahalaan.
  
 1968 (Agos.6) Nilagdaan ni Pang. Marcos ang
Kautusang Tagapagpaganap blg. 187 na nag-
aatas sa lahat ng kagawaran, kawanihan,
tanggapan, at iba pang sangay na gamitin
ang wikang Pilipino, hangga’t maaari, sa
Linggo ng Wikang Pambansa at pagkaraan
nito, sa lahat ng opisyal na komunikasyon at
transaksyon ng pamahalaan.
 1971- inilunsad ang bagong alpabeto
ng SWP na may 31 letra

 SALIGANG BATAS NG 1972- Ang


Batasang pambansa ay dapat gumawa
ng hakbang na maglilinang sa wikang
pambansa na tatawagin ng FILIPINO.

 1974- pagtatakda ng Edukasyong


Bilinggwal sa lahat ng paaralan
(Kautusang Pankagawaran Blg. 25)
 SALIGANG BATAS NG 1987, Artikulo XIV
Seksyon 6 (batas na nagpatibay sa wikang
opisyal)
 “Ang Wikang Pambansa ng Pilipinas ay
FILIPINO”

 Inilunsad ang bagong alpabeto na may 28


titik: a b c d e f g h I j k l m n ng o p q r s t u
vwxyz

 Dahil hindi na angkop ang pangalan ng SWP


pinalitan ito ng LWP (Linangan ng mga Wika
sa Pilipinas) na nilagdaan ni Png. Aquino
 1988 (Agos.25) Nilagdaan ni Pang.
Corazon Aquino ang kautusang
Tagapagpaganap blg. 335 na nagtagubilin
sa lahat ng sangay ng pamahalaan na
gamitin sa mga opisyal na transaksyon ang
wikang Filipino.
  
 1990 (Marso 19)Pinalabas ni Sek. Isidro
Carino ng Edukasyon, kultura at Isports
ang Kautusang Pangkagawaran blg. 21 na
nagtatagubilin na gamitin ang Filipino sa
panunumpa ng katapatan sa Saligang
Batas
 1991- SALIGANG BATAS NG 1987
ARTIKULO IV, SEKSYON 9- ang
paglikha sa Komisyon sa Wikang
Pilipino
 Ponciano Pineda ang hinirang na
unang komisyoner ng KWP

 1997- Proklamasyon blg. 1041 na


nagpapahayag ng pagdiriwang ng
Buwan ng Wika tuwing Agosto1-
31.
MGA NAGING DIREKTOR NG SWP:
 Jaime de Veyra-nagpaumpisa sa pag-aaral
ng Wikang Pambansa
 Lope K. Santos-batas komomwelt 570
(wikang pambansa ay tatawagi ng wikang
opisyal)
 Jose villa Panganiban-diploma at
pasaporte ay nasa wikang pambansa
 Julian Cruz Balmaceda
 Cirio Panganiban- legal terms,
arithmetical at geometrical terms
 Cecillio Lopez-pinasigla ng linggwistika
 Ponciano Pineda
WIKA AT
KULTURA
Ano ang kultura?
 
Ang kultura ay ang
pagsalin-salin na kaugalian,
tradisyon, paniniwala,
sining at pamumuhay ng
mga tao sa isang lugar. Ang
kultura ay tinatawag rin na
Kalinangan sa
pangkahalatan. Ito ay ang
mga nakahilig na panitik ng
sangkatauhan.
UGNAYAN NG WIKA AT
KULTURA
 Sa lipunan, wika ang tumutulong upang
labis na magkaunawaan ang mga tao sa
isa’t-isa, ito rin ay mahalaga sa lipunan
sapagkat gaya nga ng sabi nila, “No man is
an island.” Samakatuwid, walang sinuman
ang maaaring mabuhay na para sa sarili niya
lamang. Nabuo ang wika para sa lipunan at
ang lipunan ay nabuo dahil sa wika, kaya
nakakaapekto ang wika sa lipunan na
ginagalawan ng tao.
 
 Ang wika ay nakakaapekto sa kultura,
sapagkat matutukoy o makikilala natin
ang isang tao sa kung ano ang wikang
kanyang ginagamit, gayun din
malalaman natin kung ano ang kultura
o etnikong kanyang pinagmulan. Hindi
maitatangging, hindi mapaghihiwalay
and wika at kultura, dahil
sumasalamin sa kultura ng isang tao
ang kanyang ginagamit na wika, may
mga salita din kasing pag-aari lamang
ng isang bansa.
SALAMAT SA PAKIKINIG!
Michael C. Cariaga, BSEd FIL

You might also like