Professional Documents
Culture Documents
Sidebar
PILIPINOLOHIYA
PILIFILIPINO: ISANG TEORYA NG WIKA
Marso 28, 2010kritikasatabitabiAraling Filipino, bilingual, dalumat ng wika, Departamento ng Filipino, DLSU, Filipino, isip, kritika, kritika ng
kritika, lalim ng wika, multilingual, paimbabaw na wika, Philippine Studies, PiliFilipino, pilipinolohiya, pilosopiya, pilosopiya ng wika, teorya ng
wika, ubod ng wika, wika, Wikang Filipino1 Puna
Panayam Profesoryal Cecilio M. Lopez sa Wika at Panitikang Filipino
ni Dr. Rhod V. Nuncio
(Sipi mula sa babasahing papel ng panayam sa Y407 Pamantasang De La Salle, Marso 30, 9:30-11:00 n.u.)
Ito ang dalawang pangunahing tanong na sasagutin ko sa panayam na ito. Ang una ay tumutukoy sa
pagkakaroon o kawalan ng internal na banghay o istruktura ng wika natin na pundasyon o basehan ng
performatibong kakayanan ng mga Filipino na gamitin ang wikang Filipino. Samantala ang ikalawa nama’y
tumutukoy sa praktikalidad ng teorya upang tasahin at usisain ang nangyayaring pagbabago ng wika sa gitna ng
mabilisang pagbabago ng ating panahon.
PiliFilipino – ito ang inihahaing panimulang teorya upang suriin ang paimbabaw, malaliman at kaibuturan ng
wika. Ang tatlong bahagdang ito ng wika ang magiging punto ng analisis at pagdadalumat. Hango ito sa sinabi
ni N. Chomsky (sa Searle 1971) na mayroong surface structure (paimbabaw) at deep structure (ubod) ang wika.
Ang sa akin naman, may pumapagitna sa dalawang level na ito, ang middle structure na tatawagin kong lalim
ng wika. Ito ang nawawala sa kayarian ng wikang Filipino (WF). Sa madaling salita, walang lalim ang wika
dahil walang gramatikang nakaugat sa internal na himpilan ng ating kamalayan. Tanging ang malakas at
dominanteng paimbabaw na puwersa na mula sa iba’t ibang direksyon, ideolohiya, adbokasi ang kasalukuyang
nagiging sandigan at batayan sa pagbabagong pangwika. Sa ngayon hangga’t di matutugunan ang kakulangan
sa lalim at ubod ng WF, ang paimbabaw na level ng wika ang tumatayong stratehiya sa pagpili, pagpilipit at
pagpipilit na lumabas ang kakanyahan ng wika. Ang tanong nga lang, hanggang kailan ito tatagal? At aasa lang
ba ang lahat sa politikal at ideolohikal na bangayan ng mga makawika ang hinihintay na pagkagulang ng WF?
Ika nga’y matira ang matibay!
Katulad ng nabanggit, paimbabaw ang debelopment ng wikang Filipino. May tatlong pananaw tungkol dito:
a.) Kasalukuyang nililinang pa rin ang wika mula sa pinagbatayang wikang Tagalog at ang nakalululang
hamon na paglinang nito mula sa mga katuwang na wika sa bansa,
c.) Interbensyon ng gahum (estado, iskolar, media) na nakakaapekto sa menu ng pagpili, pamimilit at
pagpilipit sa wikang Filipino.
………
PAIMBABAW NA WIKA
Ang puwersa ng pagbabagong wika ng WF ay hindi nakatarak sa kognitibong kakayahan ng tao kundi sa
samutsaring timpla (o gimik) at interbensyon ng mga institusyon, grupo at mga polisiyang bitbit ng mga ito.
Bakit hindi nagmumula sa kognisyon o sa mental na proseso ng paglikha ng wika? Dahil madalas at sa
maraming pagkakataon ang internal na lohika at istruktura ng pag-iisip natin ay nakakapit sa banyagang padron,
sa banyagang wika – Ingles. Pansinin:
1. Ang makabagong alpabetong Filipino ay binibigkas ayon sa Ingles. May implikasyon ito sa ponetika
dahil nabaligtad ang prinsipyo ng “kung ano ang bigkas, siya ang baybay”. Imbis na phonocentric (una
ang tunog kasunod ang baybay) naging graphicentric (kung ano ang letra sa Ingles, ito ang baybay).
Kung kaya’t mamimilipit sa pagbigkas ang maraming batang mag-aaral ng WF kung ito ang prinsipyong
susundin sa ponetika ng WF. Ang “bahay” ay bibigkasing “bey-hey”.
2. Ang pagbaybay ng mga hiram na salita at paglahok nito sa sintaktikang anyo ng pangungusap ay
nakakiling sa Ingles. Hal. Nakaka-turn-off naman ‘yang friend mo. So, yabang! Marahil sa mga
Manileno o elistang namimilipit magFilipino o mag-Ingles, ito ang makabagong syntax sa palabuuan ng
pangungusap. Laganap din ito sa broadcast media, showbiz, advertisement, interbyu sa mga politiko at
kabataang cosmopolitan kuno ang oryentasyon sa kasalukyan.
3. Ang tinatawag na code-switching ng mga dalubwika (Sibayan, Baustista, Cruz) ay totoo namang di
code-switching dahil ganito naman ang kaayusan at kayarian ng pangungusap sa mga wikang lubos-
lubos ang panghihiram ng mga salita. Wala nang switching na nagaganap dahil lantaran na itong
lumilitaw sa mga diskursong gamit ang WF. Syntactic-semantic substitution ang nagaganap dahil ang
paggamit ng i-, pag-, mag-, nag-, kaka-, um-, na- ay sadyang naghihintay ng halinhinang mga salitang
banyaga o hiram nagiging structurally flexible sa formang Taglish.
Kung kaya’t multiple substitution ang pedeng gawin dito na maiaayos o mailalapat din sa pangungusap.
Hal. “I-zerox mo ang papers mo sa promotion.” “Ok na kaka-zerox ko nga lang.” Ang Tagalog/Filipino
component (unlapi o hulapi) ay laging co-dependent sa hiram na salita, subalit nanatiling buo ang salitang
Ingles o ibang hiram na salita.
Re-ayos mo na yan!
Hindi ang wikang Ingles ang kalaban natin. Maaaring matuto ang isang tao ng higit pa sa dalawang wika. At
kapag sinabi nating kakayahang bilingual o multilingual, nararapat na magkapantay ang kabihasaan ng isang tao
sa pagbasa, pagsulat, pakikinig at pagbigkas sa mga wikang ito. Hindi tingi-tingi.
Ang problema’y kapabayaan at ang pagpapaubaya na sa darating na panahon, gugulang at uunlad din ang WF.
Fatalistikong pananaw ito. Tila si Juan Tamad ito na naghihintay sa pagbagsak ng bayabas sa kanyang bibig.
Kung kaya’t nangyari ang iba’t ibang direksyon at agendang pangwika na batay sa interes ng iilan at uso ng
panahon. Ang iba’t ibang direksyong ito ay unti-unting nawawala’t namamatay, unti-unti nauungusan ng
malalaking diskurso tulad ng globalisasyon, industriyalisasyon at postmodernismo. Kung kaya’t sa ating bayan
mismo, nagtatalaban ang mga ito at naiiwang nakatindig ang mapanuksong alternatibo – ang gawing wikang
ofisyal at panturo ang Ingles.
Tingnan natin ang iba’t ibang direksyon na narating ng ating wika sa kasalukuyan:
1.) Ang WF ay Taglish – wikang bunga ng eksposyur sa midya, paimbabaw at walang malinaw na gramatika
(kung meron man contingent ito at nakabatay sa talastasang publiko), ang wikang “maiintelektuwalisa ayon kay
Bonifacio Sibayan” (sipi mula kay Sison-Buban 2006)
2.) Ang WF ay Taglish na may varayti sa iba’t ibang wika sa bansa ayon kay Isagani Cruz
3.) Ang WF ay batay sa Tagalog o ang pananaig para rin ng puristikong gahum o ng Imperial Tagalog;
walang pagkakaiba ang Filipino at Tagalog ayon kay Cirilo Bautista (pananalitang ibinigay sa lunsad-aklat ng
Galaw ng Asoge, 2005)
4.) Ang WF ay larong-wika na pinasok ng mga batang manunulat ngayon, iskolar sa iba’t ibang larang sa
akademya, na walang malinaw na alintuntunin ng laro ngunit nangingibabaw na examplar ng kasalukuyang
anyo ng wika
………
UBOD NG WIKA
Ang ubod ng wika ang unibersal na forma o kaayusan ng basikong yunit ng kamalayan na taal nang
matatagpuan sa isipan ng tao. Kumbaga ito ang template ng isipan natin na yari na – naghihintay na mapunan,
mahubog, malilok, at maisaayos ayon sa idaragdag na istruktura ng natural na wika. Kumbaga ito ang
“universal o generative grammar” ni Chomsky, ang “private language” ni Wittgenstein, “archi-writing” ni
Derrida. Bago pa man may istruktura ng wika, may nakalikha nang istruktura ang isip na tatanggap at mag-
oorganisa ng kamalayan ng tao. Kaya’t may kakayanan ang lahat ng tao na matuto ng wika, ng kahit anumang
wika, dahil sa ubod ng wikang nakahimpil sa isipan natin. Ito ang a priori grammar. Ito rin ang nag-uudyok sa
imahinatibo’t malikhaing paraan ng isip natin na ikonstrak ang wika batay sa iba’t ibang
modalidad/range/linguistikong yunit sa pagkatuto ng wika… … …
1. Ito ang nagsasaayos ng mga signal o yunit ng ubod ng wika para maging natural na wika,
2. nagsisilbi itong auditing at editing facility sa isip ng gumagamit ng wika,
3. ito ang precursor ng imahinatibong pag-iisip ng tao ayon sa tuntunin ng wika niya at ng daynamikong
kakanyahan at kakayahan ng wika sa pagpapakahulugan
4. nagiging transisyonal at transgenerational ang pagsasalin ng pagkatuto ng wika na di nakadepende sa
kung ano ang uso at pinapauso
5. intralinguistic facility ito para sa transformasyon ng wika ayon sa pagbabalanse ng internal na lohika ng
kanyang wika at ng praktika/gamit ng wika bunsod ng pagbabago sa lipunan at iba pang external factor.
………
Ang pagpili ng Filipino bilang wika ay mangyayari sa kailaliman ng kanyang isip at kung magkagayon
malayong-malayong mabubuwal nang agad-agaran ang Filipino (tao at wika) sa daluyong ng pagbabago sa
mundo at lipunang ginagalawan. Ang PiliFilipino ay panimulang pagtatangka sa pagteteorya sa wika at analisis
ng WF na may sandamakmak na varayti. Inisyal na hakbang ito sa binubuong teorya ng wika at sa implikasyon
nito na ang istruktura ng WF ay dapat nakaangkla sa lalim at ubod ng wika o sa gramatika (prescriptive) at pre-
grammar (individuated inscription) ng isang tao. Ang paimbabaw na wika’y di maglalaon ang magiging natural
na wika (descriptive) na gagamitin ng mamamayan. Ang PiliFilipino ay kritikal at istratehikong pagpili ng
taong malay sa ubod at lalim ng kanyang wika upang maging kanyang wika sa pakikipagtalastasan,
pamimilosopiya, paghahanapbuhay, pagkrikritika at iba’t ibang komunikatibong sitwasyon at pagkilos.
Kung kaya’t ibalik natin ang wika sa kaibuturan ng kamalayan natin at di lamang sa sanga-sangang
dila ng gahum.
REPORT THIS AD
PAGDADALUMAT-SALITA: Kung Bakit Hindi na Hikain ang Wika ng Teorya sa Wikang Filipino
ni Prof. Rhoderick V. Nuncio, Ph.D. Departamento ng Filipino, Kolehiyo ng Malalayang Sining, Pamantasang
De La Salle-Maynila
Nais kong buwagin ang matagal nang paniniwala na walang kakayahan ang ating wika—ang wikang Filipino—
na magamit sa larangan ng pagteteorya. Hindi pa raw ganap na intelektwalisado ang wikang ito sa iba’t ibang
larangang pang-akademya (liban na lamang daw sa panitikan) kung kaya’t nananatiling lingua franca pa lamang
ito sa kalye. Ganyan ba kababaw ang tingin natin sa wikang Filipino? O dili kaya’y ganyan ang tingin nating
nasa akademya sa wika ng mamamayan natin? Sa isang maliit na pulong na dinaluhan ko, talagang tingin ng iba
na kapag ituturo ang isang aralin (na nakasanayan na sa Ingles) sa Filipino ay nagmumukhang mababaw daw.
Sa isang pulong din, binatikos at tinarget ng pagmamaliit ang kurikulum ng Araling Filipino dahil wala pa raw
corpus ng pag-aaral tungkol sa Midya at Pagtuturo. Marami silang puna, lalong-lalo na ang hindi naman
gumagamit ng Filipino kesyo Ingles at Ingles pa rin ang wika ng teorya, wika ng akademya, wika ng pagtuturo,
ang wika ng gahum. Iyon ang akala nila. Hindi ko na bubusisiin kung anu-ano ang dahilan kung bakit tayo
ganito, at sila’y ganoon, dahil matagal ng debate ang “kababawan ng wikang Filipino”. Sa akin lamang gusto
kong manindigan at sabihin at gawin na ang wika ng teorya ay nakasalalay ngayon sa wikang Filipino katulad
ng paniniwala ni Dr. Isagani Cruz. Nasa wikang Filipino, sa palagay ko, ang hinaharap ng teorya sa mundo. Sa
wika natin mabubuo ang teoryang titingalain ng buong mundo sa darating na dantaon. (2003: 146) Ang papel na
ito ay nagsimula sa mga hamong ibinabato sa atin ni Dr. Isagani R. Cruz. Kung ang mga hamong iyon ay mga
bato, sa dami ng mga matatapang na hamon niya tungkol sa isyu ng wika, pagtuturo, kritika at literatura,
siguradong puro pasa na tayo. Pero ang punto niya: gusto lang niya tayong gisingin! Akala natin magaling lang
magdikonstrak ng texto si Isagani R. Cruz, subalit ang totoo’y tayo ang gusto niyang distrungkahin, idikonstrak,
windangin. Ito ang bitbit ko ngayong inspirasyon dahil kung wala ang aklat na Bukod na Bukod (bukod pa sa
iba pa niyang kritikal at pilosopikal na mga akda), ang teksto’t texto ng kanyang kritika, ang textong si Isagani
R. Cruz at ang kritikong si Isagani R. Cruz, hindi mabubuo ang dalumat ko. Hindi magiging matibay ang
paninindigan ko. Tatlong sanaysay ni IRC ang magiging batayan sa panayam na ito: una, Kung Bakit Mas Dato
Gid ang Wikang Filipino Kaysa Wikang Langyaw; ikalawa, Kung Bakit Hinihika ang Wika sa Kritika; ikatlo’t
huli, Ang Wika bilang Ideolohiya o ang Wika ng Teorya bilang Teorya ng Wika. Hindi ko nais rebyuhin ang
tatlong sanaysay na ito, bagkus magsisilbing pananda at tagapag-usad ang mga ito upang palitawin ko ang aking
mga argumento.
Walang lantarang hangaring bigyan ng kasarinlan ang mga Filipino noon sa ilalim ng Espanya. Subalit ang
pagsasabansa ng lahing Filipino kabilang ang mga Muslim, Intsik at iba pang lahi ay isang implikasyon ng
pagbabago o pag-aaklas laban sa mga Kastila.
Kung kaya’t aktuwalisasyon ng kamangmangan, pantasya, kahirapan at pagkaalipin ang pananakop ng Kastila.
Ang kolonisasyon ng mga Kastila ay ang pagtatalaga ng katauhan na sila mismo ang humubog, isang katauhan
ng imahen bilang indio sa paningin nila ngunit naging tensyon at kontradiksyon na gagapi sa kanila.
Kasama ng radyo, ang telebisyon ay bunga ng imbensyon at eksperimentasyon dala ng mapusok na edad ng
industrialisasyon hanggang di nagtagal pumasok ang mga imbentong ito sa larangan ng komersyo. Ang
teknolohiya at inobasyon ang naging sisidlan ng panibagong pagbulusok ng komidipikasyon ng
pangangailangan ng tao. Impormasyon ang naging bentahe, naging bagong tutok sa panahong itinatalaga ng
kapital ang pag-angat o pagbagsak ng isang bansang yumayakap sa ideolohiya at praktika ng imperyalistang
Amerika. Dahil nga nasa ilalim ng pamunuang Amerikano ang Pilipinas noon, madaling naipasok sa merkado
ang gawang Kano. Kasama na rito ang oportunidad sa pagpasok partikular ng radyo at telebisyon at
pangkalahatan ng mas midya. Sa katunayan sa pagdating ng radyo sa bansa ay nakitaan na ng gamit sa palitan at
bilihan sa merkado at komersyo. Ganito ang pananaw ni Clodualdo del Mundo Jr.: “So good was the response
to this medium of information and entertainment that in 1928, the local distributor of a famous American-
manufactured radio set saw it fit and without doubt, profitable to establish their own radio station…So it went
from experimental to plain business” (1986:69).
Samantala, pumasok naman ang telebisyon bilang bahagi ng mekanismong politikal upang palakasin at
pabanguhin ang imahe ng isang Pangulong nagnanais muling tumakbo. Si Judge Antonio Quirino ang gumawa
ng paraan upang gamitin ang isang midyum na kilalang-kilala at patok na patok sa Amerika noong dekada
singkwenta. Subalit naging bigo si Elpidio Quirino sa kanyang planong politikal na mahalal muli kahit na
naging tagumpay ang pagpasok sa bansa ng telebisyon sa tulong ng kanyang kapatid. Ngunit kung hindi naman
nagtagumpay sa unang sigwa ng pagpasok ng telebisyon sa larangan ng politika, kabaligtaran naman ito sa
nangyari sa pagpapaunlad ng industriya ng mas midya at ng negosyo sa bandang huli. Ganito ang paliwanag ni
Clodualdo del Mundo, Jr. (sa Patajo-Legasto, 1998) nang sa bandang huli, napunta sa mga kamay ng mga
negosyante ang mas midya. Katulad halimbawa ng isang istasyon, napilitan silang sumuung sa batam-batang
industriya ng telebisyon. “Bolinao Electronics Corporation…not only had to set up and maintain a TV station,
but also had to arrange for the distribution and sale of TV sets. Because it was directly responsible for the
people buying TV sets, it was bound to continue operations at any cost” (del Mundo, Jr. 1986: 74).
Bunga nito nakisangkot ang mas midya bilang daluyan ng impormasyon at enterteynment na kinagigiliwan ng
tao. Bawat tahanan ay nagnanais na magkaroon kung hindi man radio, tv set o ng pareho. Pumasok na ang moda
ng produksyon at distribusyon ng mas midya sa Pilipinas. Sa simula ang distribusyon ay nakatuon sa
napripribilehiyong iilan na may salapi at kapangyarihan para magmay-ari o magkaroon ng akses sa mas midya.
Sapagkat ang pamantayan ay negosyo, katulad nang nabanggit iilan lamang ang nagkakaroon ng akses dito.
Subalit babaguhin lahat ito nang ang kulturang ito na sinusustene ng iilan ay tututok sa kultura ng
komukunsumong masa.
Lahat na yata halos ng galaw, hilig, pagpapahalaga, hitsura, problema, kaalaman at iba pa ay tumatakbo bilang
mga nag-aagawang tema sa programa o produkto ng mass media. Lahat ng ito ay nakasilid ika nga sa idiot box
(TV) o talkies (radio) na mistulang nagbebenta ng tema at produkto sa pagkonsumo ng tao. Dahil dito, ang
galaw, isip at damdamin ng tao ay nakakahon sa diskurso ng mass media. Sinusuyod ito bilang praktika ng
pang-araw-araw na pamumuhay sa lipunan. Sinasang-ayunan ito ni Nick Couldry nang sabihin niyang: “We can
understand the media’s ability to become ‘obligatory passing points in the general circulation of images and
discourse, not as something superimposed on social practice from the outside; instead it endlessly reproduced
the details of social practice itself” (2000: 5).
Kung bakit ganito ang kinahihinatnan ng mga komukonsumo ng mass media ay sa dahilang hindi na ito
tinitingnan bilang repleksyon o representasyon ng realidad; bagkus, ang mass media mismo ay bumubuo na ng
realidad ng tao. Kalabisan mang sabihin, subalit ito ang nagdidikta kung ano ang kakainin, iinumin, susuotin,
aalamin, papanoorin, pakikinggan, sasabihin ayon kay Rolando Tolentino (2001). At sa kaganapang ito
nagiging mistulang normal at natural lamang ang pagkonsumo sa pangkahalatang diskurso at praktika ng mga
tao.
Isang deskripsyon lamang ito sa terminong kultura, sapagkat walang tahasang kahulugan ito. Ang kultura ay
masasabing mayroong reflexibong kahulugan na maaaring nakabatay sa katangian, salik at deskripsyon na
sumasanga-sanga sa usapin ng politika, ekonomiya at kasaysayan. Sinasabi naman ni Tolentino (2001) na ang
kultura ay isang kamalayan na gumaganap sa cohesion o kabuuan ng isipan sa mga kilos at bagay-bagay na
likha nito o nilikha para rito. Pahayag niya: “Ito ay tumutukoy sa afinidad ng indibidwal na kaisipan sa iba pang
kolektibong kaisipan…(H)alimbawa ang hindi namang magkakakilalang mga tao ay nagkakaroon ng di-malay
(unconscious) na ugnayan dahil sa parehong balitang kanilang nabasa sa pahayagan o napakinggan sa radyo
tungkol sa mga pamabansang isyu” (2001: 4-5).
Samantala, ang salitang popular naman ayon kay Raymond Williams ay isang pang-uri na nangangahulugang
“kinagigiliwan, nagugustuhan ng nakararaming tao.” (1983: 87, salin). Numerikal din ang isang pakahulugan ng
popular. Popular ang isang bagay o tao kung maraming tumatangkilik. Ang afirmatibong aksyon na
pagtangkilik ang lumilikha ng bilang. Sa isang banda, ang salitang popular ay tuwirang tumutukoy sa tao mula
sa salitang populus (“people” sa Ingles) sa wikang Latin.
Sa ideolohikal na usapin, sa pagsasanib ng dalawang salitang ito, ang kulturang popular ay unang lumitaw at
naintindihan sa pagsapit ng modernong panahon sa Europa bilang kabaligtaran ng mataas na Kultura (may
empasis sa malaking K). Kultura ito ng namamayaning kaayusan at inaangkin ng naghaharing uri sa lipunan.
Ang produkto ng Kultura nila ay tinaguriang kanon at klasiko, samantalang ang kulturang masa ay bakya at
mababang uri (Adorno at Horkheimer, sa During 2000). Pakiwari ni Chris Baker dito: “A variant of high-low
cultural boundary, and one which reproduces the’inferiority of the popular, is that which decries commodity-
based culture as inauthentic, manipulative and unsatisfaying” (2000: 44).
Saan nanggagaling o ano ang sentrong pinagluluwalan ng kulturang popular? Sinasabing ang gumagawa o
sumusugal sa kulturang ganito ay yaong mga transnasyunal at translokal na kapitalista. Wala ng geopolitikal na
hangganan ang pagpasok ng makabagong musika, literatura, pagkain, damit, kaisipan, ideolohiya at marami
pang iba. May rasyonalisasyon ng pang-araw-araw na tunguhin ang mga tao na naiimpluwensiyahan ng mga
bagay o komoditi mula sa labas. Humahatak ito sa pangkalahatan na sumanib at makiuso at nagiging pananda
ng kasikatan sa panloob na geograpi ng kilos at gawi ng tao (Ritzer, 1990). Kay Lumbera (1997) usapin ng loob
at labas ito, ang kulturang popular ay galing sa labas na kaiba sa pambansa o folk na kulturang nasa loob ng
bansa. Nang tumagal, ang puwersang ito na mula sa labas ay pumasok na sa sensibilidad, pagpapahalaga,
kaugalian ng mga tao. Matatawag natin itong kultura ng kamalayang popular na mas matindi pa sa pisikal na
pagtangkilik lamang ng produkto. Kapag napasok na ang kamalayan, nagiging bahagi na ng kalooban ang mula
sa labas.
Sa bandang huli ng spectrum, makikita ang kalagayan ng mga komukonsumong masa. Sa ganitong sitwasyon
pinaniniwalaang ang kulturang popular ay maiintindihan, hindi sa yugto ng produksyon ng mga produkto,
bagkus sa pagkonsumo nito.
May tatlong kategorya ang paggamit ng mga katagang ito. Ang kulturang popular ay isang pag-aangkin sa
puntodebista ng gumagamit o komukonsumo nito. Ito ay kultura ng tao, ng masa at masasabing dikta ng
komukonsumo. Paanong mangyayaring dikta ito ng masa? Ang mga produkto ng kulturang popular ay
ginagawa kasa-kasama ang masa sa isipan ng mga kapitalista. Hindi ba’t bago lumustay ng malaking puhunan
sa isang produkto ang isang negosyante, tinitingnan at sinusuri muna kung magugustuhan ba ito ng konsumer?
“Judgments about popular culture are concerned with question not of cultural or aesthetic value (good or bad
taste) but of power and the place of popular culture within the wider social formation” (Barker, 2000: 48). Ang
produksyon sa kalakaran ng kulturang popular ay nasasapawan. Ang mga kapitalista ay dapat na sumunod at
mamalagi sa paggawa ng may matataas na serbisyo at produkto. Sa pamamagitan ng makabagong pamamaraan
sa produksyon at paggamit ng teknolohiya napapanatili ang kalidad at kahusayan. Ang produksyon sa kulturang
popular ay maramihan sapagkat inaabot nito ang masa. Subalit ang ganitong takbo o kalakaran ay naglalagay ng
alanganin sa mga kapitalista. Sapagkat gamit din ng nasabing teknolohiya at pananaw sa maramihang
produksyon, nasasapawan sila ng mga maliliit ngunit makapangyarihang retailer o negosyante. Dito pumapasok
ang mga imitasyon ng mga produkto sa merkado, halimbawa ang mga pekeng pantalon, damit, bag; payrited na
tape, cd, at dvd; suplus na appliances tulad ng computer, tv, radio, cd player, kotse at marami pang iba. Sa
ganitong tunggalian ang may matataas na kalidad na produkto ay binibigyan ng proteksyon ng batas. Ngunit
ang kalaban nito ay ang puwersa ng mamimili na siyang nagpapasya sa pagkonsumo kahit na ang produkto ay
peke, payrited o imiteyted. Isang kasagutan kung bakit mataas ang pagtangkilik dito ay ang presyo ng serbisyo
at produkto—lahat ito ay mura kumpara sa orihinal, awtentik at patented. Hindi rin natin masasabing labas ito
sa kalakaran ng kulturang popular. Hindi ang isyu ng legalidad ang punto rito, kundi ang tunggalian at tensyon
sa espasyo ng paggamit ng kapangyarihang pumili at bumili. Ang boses ng masa bilang konsumer ang
gumagawa sa malaking bahagdan ng pagkilos ng produkto at serbisyo sa merkado at sa lipunan sa kabuuan.
Inululugar ang kapangyarihan ng masa bilang espasyo ng tunggalian at pag-aaklas sa merkado o lipunan.
Babagsak ang isang kapitalista kung hindi patok sa masa ang kanyang produkto. Sapagkat ang pag-aangkin ng
kapangyarihan ng masa ay nakatutok sa kalayaan ng konsumer na mamili sa produkto o serbisyong kanyang
bibilhin. May kalayaan sa pagpili ang konsumer, samantalang ang kapitalista ay nakakulong sa produksyong
walang katiyakan at katatagan pagdating sa merkado.
Ang lugar ng elit, aristokrat at burgis ay yaong gamitin ang kanilang salapi para sa produksyon at wala ng iba
pa. Samantalang ang masa mismo ang tuwirang may kapangyarihan upang buhayin, ipagpatuloy at buuin ang
kulturang popular. Maling sabihin na ang kulturang popular ang namamayaning kaayusan na binuo ng mga elit.
Sa bahagdan ng pagbubuo ng kulturang ito maliit na porsyento lamang sila bilang prodyuser-konsumer. Ang
punto ng kulturang ito ay wala sa produksyon kundi nasa pagkonsumo. Ang trending kung anong palabas o
produkto ang dapat pamalagiin ay dapat na nakasunod sa kagustuhan, desisyon at pagtangkilik ng mga
komukonsumo; kung hindi, ang palabas at produktong ito ay mauuwi sa pagkalimot at pagkalugi. Kung kaya’t
nawawala sa ere ang isang palabas sa telebisyon kung hindi ito nagustuhan ng manonood. Nalalaos ang isang
usong damit kung wala nang nagsusuot. Nalalaos din ang mga artista o aktor kung lumipat sa iba ang kanilang
dating fans. Sa katapusan, nagsasara ang isang kompanya kung ang kanilang pananatili ay wala ng saysay sa
mga tao.
Ang kulturang popular ay lugar ng tensyon at kontradiksyon, kapangyarihan at resistans. Tunay ngang
nakikinabang ang mga kapitalista sa pag-ikot ng transaksyon sa negosyo, industriya at kulturang popular.
Ngunit nagiging pupugak-pugak na mithiin na ang magkamal ng malaking kita, sapagkat magastos ang
kagustuhan ng konsumer. Ang pangunahing tungkulin ng kapitalista o prodyuser ay pasayahin at gawing
kuntento ang konsumer, ngunit alam nating walang katapusan ito. Isa pa, kailangan nilang sustenahin ang
kanilang lugar sa merkado dahil sa kompetisyon. Kailangan din nilang magkaroon ng palagiang inobasyon sa
serbisyo at produkto, at bigyan ng maraming benepisyong libre at iba pang gimik ang konsumer upang
manatiling tapat na tagapagtangkilik. Hindi ba’t magastos ang ganitong kalakaran ng kulturang popular? Kung
may kontrol man sila iyon ay dulot ng kanilang salapi, subalit hindi pangmatagalan ito sa dahilang madaliang
guguho ang kapital dahil sa walang hinto at hindi matigil na kagustuhan ng mga komukonsumo. Ang kulturang
popular sa mga kapitalista ay lugar ng pakikipagbuno. Samantala sa masa ito ay isang bukas na lugar ng
malayang pagpili o paghulagpos. RVN
7:30-8:15 am
Venue:
Yuchengco Hall
Lobby Registration & Snack
WELCOME ADDRESS
8:15-9:00 am Br. Armin A. Luistro, FSC, President & Chancellor, DLSU
Plenary Session – A
9:00-10:15 am
Pilosopiyang Filipino
Fr. Leonardo Mercado, SVD
Venue: Y408 Dr. Florentino Timbreza
Bayan at Pagkabayan sa
Dalumat ng Salamyaan: Banal na Ahas, Ahas
Ang Pagpopook ng Marikina na Banal: Ang Ahas o
sa Kamalayang-Bayang Naga bilang motif sa
Marikenyo mga piling panitikan
Gripaldo and Mabaquiao on ng Pilipinas
Filipino Philosophy:
A Critical Assessment of Jayson de Guzman Petras,
mula sa impluwensiya
Two Attempts to Establish UPD ng India
a Filipino Philosophy Louise Vincent B.
Amante, UPD
JJ Joaquin, DLSU PASINTABI: Konteksto ng Kontra-Gahum:
Paggalang at Ugnayan sa Pagsipat sa Tema,
Filipino Philosophy Kapaligiran ng Bundok Pilosopiya at
according to Mercado and Banahaw Ideolohiya ng Piling
Timbreza: A Re-evaluation Kontemporaryong
Marella Ada V. Rolando V. Redor, Jr., Tulang Radikal Tungo
Mancenido, UST Asian Social Institute sa
Kontekstwalisasyon
Ang Pagmemeron ni Roque ng Kritisismong
Ferriols Ang Mali-Mali Bilang Marxista
Diskurso at Pamuo sa
Mark Joseph T. Calano, Larawang Filipino David Michael M.
ADMU San Juan, PNU
Rener R. Concepcion
10:15-11:30 am Batangas State University
Lunch
11:30-1:00 am
Plenary Session – B
Engaging
communities through
Information and
Communications
Technology: The
Public Library
Experience
Parallel Session C1
Araling Lokal: Parallel Session C2 Parallel Session C3
Kalinangan at Kasaysayan Pilosopiyang Filipino: Pelikula, Media at
(III) Ugat at Direksyon (III) Kulturang Popular
Y408 Y504 Y505
Ang Bukod na Bukod
na Pelikula: Ang
Alternatibong
Pelikulang Filipino
Bilang
Mapagpalayang
Sining
Elvin Amerigo
Valerio, DLSU
Plenary Session – C
8:00-9:15 am
Snack
9:15-9:30 am
Parallel Session D2
Internet Culture, Society & Parallel Session D3
Parallel Session D1 Technology Health Social
Politics & Governance (I) (II) Sciences (I)
Y408 Y504 Y505
De-culturalization and the
Great Refusal: Toward a
Critique of
Contemporary Philippine
Society
Chromosomal
Jeffry V. Ocay, Changes In Patients
Macquarie University, with Chronic
Sydney Australia Myelogenous
Political Philosophies of the Leukemia (CML)
Student Political Parties in Undergoing
the University of the Chemotherapy
Philippines Diliman: 1980-
2008 (A Case Study of Blogging as the Ma. Celeste S.
Filipino Student Movement quintessential postmodern Soriano-Abad,
Political Thought) cultural artifact in the time of DLSU
globalization
Albert P. Tijam, Jr. UPD Aileen F. Macalintal, UPD Experiences and
Adaptive Responses
Legitimacy Strains in Post- GLOBAL PANTAYO: Ang Toward Aging Among
People Power Philippines Diskursong Pantayong Elderly Ilocano
Pananaw sa Cyberspace sa Women
Liberty Orbe-Taruc, Ika-21 Dantaon
Macquarie University, Junnile S. Paat, RN,
Sydney Michael Charleston B. DLSU
Chua, UPD
9:30-10:45 am
Parallel Session E3
Araling Filipino:
Parallel Session E1 Parallel Session E2 Kasarinlan at
Politics & Governance (II) Health Social Sciences (II) Kaakuhan
Y408 Y504 Y505
The State as Meme Predictors of Family Ang PADEPA at ang
and Sustainable Functioning Among Pagpapaunlad ng
Development: Adolescents: Implications Araling Filipino
Piecing Together the For Curriculum-Based Michael Francis C.
Philippine Development Program on Filipino Family Andrada, UPD
Puzzle Life
Pananamit,
Louie C. Montemar, Dr. Clarissa F. Delariarte, Pagpanggap, at
DLSU UST Pagkilala: Ang
Cosplayer Bilang
Development of a Service Filipino
The Geopolitics of the Model for the Enhancement
10:45-12:00 nn Bangsamoro Question and of the Medico-Dental Anna L. Pineda,
the Suggested BATNAs for Program Based on Morbidity UPD
both GRP and MILF Reports January 2008 to
December 2008. PagsasaFilipino ng
Nassef M. Adiong, Performance Studies:
UPD Ronan S. Estoque, DPA Tanghal Aralin o
and Edgar G. Natividad, Aralin sa Pagtatanghal
The Empowered MD, TIP (Perfomans Istadis ba?
“Structuring Structure”: O Araling
Review of the Performance)
Commonalities in the
Leadership Frameworks Reagan Romero
of Youth Development Maiquez, PLB
Programs in the
Philippines
Lunch
12:00-1:00 pm
Plenary Session – D
1:00-2:15
Literatura, Kritika at Kulturang Popular
Dr. Isagani Cruz
Venue: Y408 Dr. Rolando Tolentino
Snack
3:30-3:45 pm
Plenary Session – F
3:45-5:00
Politics, Media and Governance
Dr. Eric Batalla
Venue: Y408 Dr. Antonio Contreras
CLOSING REMARKS
Venue: Y408 Dr. Feorillo P.A. Demeterio III, Director CLA Research & Publications
Office
Panels & Schedules of the 1st DLSU Graduate Students’ Conference
DLSU GRADUATE STUDENT CONFERENCE
Pebrero 20, 2009kritikasatabitabiAraling Filipino, arts and culture, bagong kasaysayan, criticism, diaspora, filipino faith and religiosity, filipino
studies, gender studies, governance, graduate student conference, kritika, literatures, local studies, media, pantayong pananaw, philippine
education, Philippine Studies, pilipinolohiya, pilosopiyang filipino, politics, popular culture, science and technology, sikolohiyang pilipino1 Puna
The 1st DLSU Graduate Students’ Conference:
Departamento ng Filipino
and Emergent Research Center on Language, Media and Culture
College of Liberal Arts
The Philippine indigenization of knowledge and thought had prospered within the five decades or so after
the Second World War. This had led to the emergence of several disciplinary movements that studied
Filipino identity/ies and nationhood, such as Pilosopiyang Filipino, Sikolohiyang Pilipino, Bagong
Kasaysayan, Panitikang Pambansa, Pilipinolohiya, and Aghamtao.
At present, we can only ponder which among these movements have remained; what other discourses
they have spawned, both locally and internationally, as they studied and debated on the unfolding of the
Filipino thought; and how do the present graduate students and experts from the various disciplines
confront their intellectual legacy?
This conference aims to invite graduate students to explore and examine these theoretical, foundational,
philosophical, methodological debates inherent in their various disciplines; to encourage them to envision
how their disciplines would converge towards inter/multidisciplinary status; as well as to map out the
trajectory of Filipino thought amidst the vibrant discourses and conditions of orientalism, globalization,
global economic problems, and many others. The conference also aims to provide a venue for dialogue
and sharing of knowledges and experiences between the graduate students and the leading local experts
in the Social Sciences, Humanities and the Natural Sciences.
The conference is open to all graduate students who are currently taking up their M.A./M.S. or Ph.D. (or
other equivalent degrees) in any discipline within the Social Sciences, Humanities and the Natural
Sciences. New M.A./M.S. and Ph.D. holders are also invited.
Language: The papers and the proceedings of the conference may be in Filipino and English.
Topics/Panels: Students may discuss, elaborate or critique issues within, or related to, the following
topics/areas:
Pilosopiyang Filipino
Sikolohiyang Pilipino
Pantayong Pananaw/Bagong Kasaysayan
Philippine Literatures and Criticism
Philippine Arts and Culture
Philippine Politics and Governance
Philippine Education
Filipino Faith & Religiosity
Araling Filipino/Pilipinolohiya/Philippine Studies/Filipino Studies
Diaspora
Media and Popular Culture
Local Studies
Gender Studies
Science and Technology
Others (open category)
Students should submit an abstract of not more than 300 words, double-spaced,
to gscdlsu@gmail.com . Included in the abstract should be the name of the proponent, his/her
college/university, and his/her contact information.
Important Dates:
Details for the Submission of the Full Paper: Students may present term papers, ongoing or
accomplished thesis or dissertation, as well as empirical or theoretical studies. The full paper should be
original/unpublished, written in Filipino or English, composed of not more than 8,000 words, in double-
spaced computerscripts, and on short bond paper. MLA format should be used for notes and
bibliography. For sample of MLA format, interested graduate students may refer
tohttp://library.osu.edu/sites/guides/mlagd.php .
Registration: Students who wish to present paper or participate in the conference should pay a
registration fee of PhP 500 to cover the expenses for food (lunch, morning and afternoon snacks for two
days) and conference kit.
Best Graduate Papers: The organizing committee shall choose 10 best papers presented in the
conference. These papers will be published in Malay and Ideya, which are internationally abstracted,
refereed journals based in De La Salle University.
Steering Committee:
Dr. Eric Vincent C. Batalla, Political Science
Dr. Jose Rhommel B. Hernandez, History
Dr. Josefina C. Mangahis, Filipino
Dr. Leni dlR Garcia, Philosophy
Prof. Dante Luis P. Leoncini, Philosophy
Board of Advisers:
Dr. Exaltacion E. Lamberte, University Fellow & CLA Dean
Dr. Isagani R. Cruz, University Fellow & Professor Emeritus
Dr. Jose M. De Mesa, University Fellow