You are on page 1of 6

PANPIL- General Education

KABANATA 2- Mga Dulog sa Pagsusuring Pampanitikan

Bayograpikal

Kung may unang dapat mabatid ang isang mambabasa ng panitikan, ito ang buhay ng may-akda. Hindi
sapat na mabatid ng mambabasa ang pangalan at talaan ng mga akdang naisulat ng may-akda, manapa’y
higit na mahalagang matuklasan at maunawaan ang katauhan o personalidad nito. Napakahalaga ng
pagbabahagi ng kamalayan ng manunulat sa mga mambabasa upang lalong matugunan ang maraming
katanungang taglay ng isang akda, na tanging ang may-akda lamang ang makakasagot. Ang sabi nga nina
Ramos at Mendiola (1994):

“Sa Paggamit ng pantalamabuhay na kritisismo, matutuklasan pa rin ang iba pang impluwensiyang
makatutulong sa aming manunulat- ang mga pilosopiyang kaakbay sa kanyang panahon, ang mga aklat
o mga akda na kanyang binasa, ang iba pang tao na nagsilbing gabay o nagmulat sa kanyang
magsulat.”

Sa paggamit ng dulog bayograpikal, kinakailangang bigyan-pansin ng mag-aaral o mananaliksik ang ilang


kondisyon nito:

1. Una. Ang binabasa at sinusuri ay ang akda at ito’y hindi dapat ipagpalit sa pagtatalakay sa buhay ng
makata o manunulat.

2. Ikalawa. Sa teoryang bayograpikal, ang pagpapapsiya sa binasang akda ay hindi kapintasan o kahinaan
ng may-akda. Kung nagging mapangahas man ang may-akda sa paglalantad ng ilang bahagi ng kanyang
buahy, isipin na lamang na ang mga ito’y makapagdaragdag sa ikaaangat ng kasiningan ng akda.

Historikal

Sinasakla ng teoryang historical ang pagsusuri ng teksto na nakabatay sa mga aspekting nagpapalutang
sa isang akda:

1. Talambuahy ng may-akda,
2. Ang sitwasyong politikal na nakapaloon sa akda at,
3. Ang tradisyon ng kombensyong nagpapalutang sa akda

Napakahalagang matuklasan sa dulog na ito ang pwersang pangkapaligiran at panlipunan na may


malaking impluwenisya sa buhay ng manunulat.

Sa dulog na historical, may mahalagang papel na ginagampanan ang insititusyon sa pagbibigay-daan sa


uri ng panitikang susulatin ng may-akda kung kaya’t ang pagsusuri ay nakatuon sa puwersa o lakas sa
paraan at istruktura ng institusyon.
Klasismo
Naiiba, natatangi agt may sariling panananaw sa daigdig sa sining ang dulog na klasisimo. Umusbong at
lumaganap sa Grecia bago pa man isinilang si Kristo, higit na nakilala ang dulog na ito dahil sa mga uri ng
dulang itinanghal sa panahong iyon: trahedya at komedya. Naging simula ring sumigla ang kasaysayan,
pilosopiya, tula, at retorika. Nang sumapit naman ang Gintong Panahon noong araw ng 80 B.C. nabigyan
ng mataas na pagpapahalaga ang panulaan na kinabibilangan ng epiko, satiriko, at mga tulang liriko at
pastoral.

Nang sumibol an gang Panahon ng Pilak ay nagbagong hugis ang panitikan dahil umusbong ang hindi
lamang ang prosa at bagong komedya kundi pati na ang talambuahy, liham, gramatika, pamumuna sa
panunuring pampanitikan.

Pinaniniwalaan ng dulog na ito na dahil walang katapusan ang diwa at espiritu ng tao kung kaya’t ibig
nitong makalaya sa kinabibilanagang daigdig. Ipinahahahayag ng tao na kahit hinahangad niya ang
kaniyang kalayaan, naniniwala siyang hindi siya maihihiwalay sa daigdig nang walang pagbababagong
magagamap sa kanyang kalikasan. Pinaniniwalaan ng dulog na klasisimo na kahit ang diwa ng tao ay
nakabatay sa bagay, ang pisikal na bagay at espiritu, mahalaga para sa kanila na mabigyan ng bagong
hugis ang espiritu. Mahalaga ring maisabuhay ang isang dakilang kaisipan sa isang dakilang katawan.

Sa paggamit ng wika, matipid sa salita ang klasismo. Bukod sa maingat sa pagsasalita at pagpapapahayag
ng damdamin, hindi angkop sa mga klasista ang paggamit ng mga salitang balbal o iyong mga
nagpapapahayag ng labis na emosyon.

Ang ilan sa mga katangian ng mga akdang klasiko ay ang sumusunod:

1. Pagkamalinaw;
2. Pagkamarangal;
3. Pagkapayak;
4. Pagkamatimpi;
5. Pagkaobhetibo;
6. Pagkakakasunod-sunod; at
7. Pagkakaroon ng hangganan.

Humanismo

Hanggang ngayon ay nagtataka ang ilan sa mga kritiko sa pagkakakasilang ng Renacimento


(Rennaisance) o Muling Pagsilang sa Italya dahil wala naman daw malaking pagbabagon nagaganap kung
ang pag-uusapan ay ang kabihasnan. Ang tanging naganap ay ang pagsulpot ng bourgeois o panggitnang
uri ng sining. Ipinalalagay ng mga nakararami na ang dapat itawag sa panahong ito ay transisyon sa pag-
sulong ng daigdig tungo sa makabagong panahon.
Ang humanism ay sumibol sa panahon ng Muling Pagsilang. Ang pokus sa dulog na ito ay ang tao, at ang
taong nakatuntong ng pag-aaral at kinikilala ng kulturaa ay maituturing na sibilisado. Ang humuhubog at
lumilinang sa tao ay tinatawag naming humanismo.
Naniniwala ang mga humanista na ang tao ang sukatan ng lahat ng bagay kung kaya’t mahalagang
maipagkaloob sa kana yang kalayaan sa pagpapapahayag ng saloobin at kalayaan sa pagpapapasya. Gaya
ng ipinahahayag ni Pitagoras (Villafuerte, 1988).

“Ang panitikan ng mga humanista ay nakasulat sa wikang angkop na angkop sa akdang susulatin… Ito’y
nagtataglay ng magkakakugnay at nagkakakaisang balangkas, may buong kaisipan, nakaaaliw at
nagpapapahalaga sa katotothanan.”

Romantisismo

Natuklasang ang romantisismo ay umusbong sa Europa noon ikalawang hati ng ikalabing-walong


dantaon, na ipinalalalagay ng maraming kritiko na kabaligtaran ng klasismo. Ito’y tinuturing na isang
kilusang sumabay sa paglalaganap ng agham at pilosopiya sa daigdig.

Dalawa ang uri ng romantisismo:

1. Romantisismong Tradisyunal at
2. Romantisismong Rebolusyonaryo

Ang una ay di dumadakila sa halagang pantao samantalang ang huli ay lumulutang ang pagkamasariling
karakter ng isang tauhan.

Romantiko ang itinatawag sa pamamaraan ng pagsusulat ng mga akdang pampanitikan sa Panahon ng


Romantisismo dahil ang mga sanaysay, tula at maikling kwento na naisulat nang panahong iyon ay may
pagka-romantiko ang paksa, tema, at istilo. Naniniwala ang mga romatisista sa lipunan na makatao,
demokratiko, at patuloy sa pag-unlad.

Inspirasyon ang tanging kasangkapan ng mga romatisista para mabatid ang nakukubling katotothanan,
kabutihan, at kagandahan. Pinaniniwalaan din nilang inspirasyon at imahinasiyon an gtanging bumubuo
sa pagigiging totoo at maganda ng isang akda. Sa pamamagitan nito, nabubuhay ang akda sapagkat
nabibigyan ng bagong sigla ang mga mambababasa sa akdang pinagtutuunan nila ng pansin.

Realismo

Katotohanan kaysa kagandahan. Ito ang ipinaglalalaban ng dulog na realismo. Sinumang tao, anumang
bagay at lipunan, ayon sa mga realista ay dapat maging makatotohanan ang paglalalrawan o paglalahad.

Sa mga realista, higit nilang kinikilingan ang uri ng paksa ng isang akda kaysa paraan ng paglalalahad
nito. Dahil ditto, Hindi katakataka Kung ang maging paksa ng mga akdang makatotohanan ay nakapokus
sa paksang sosyo-politikal, kalayaan at katarungan para sa mga naap. Hindi rin kataka-taka kung ang
paksang malaganap sa mga akdang bisyo, katiwalian, kawalan ng katarungan, prostitusyon, atbp.
May mga simulain o prinsipyong nias ipahatid sa tao ang mga realista.

1. Walang hangganan ang pagbababago


2. Katotohanan ang una’t huling hantunagan ninuman
3. Hindi magaganap ang palsipikasyon ng tao sa realidad ng lipunan
4. Pagtatala ng iba’t ibang mukha ng buhay

Formalismo

Kung paanong nagging tanyag sa panunuring pampanitikan ang dulog formalism ay dahil na rin sa dami
ng mga pagsusuring ginagamitan ng ganitong pagdulog. Maraming manananaliksik at kritiko ang
nakatuklas sa pinag-ugatan ng teoryang ito, kabilang ang mga isinulat ni Coleridge na itinuturing niyang
“buhay” dahil sa kaisahang nakapaloob ditto.

Ang pagtuklas at pagpapapaliwanag sa anyo ng akda ang tanging layunin ng pagsususring formalistiko.
Hindi binibigyang diin sa teoryang ito ang buhay ng may-akda, hindi nakapaloob ang kasaysayan at
lalong walang mababanaag na implikasyong sosyolohikal, political, sikolohikal, at ekonomikal.
Samakatuwid, ang pisikal na katangian ng akda ang pinakabuod ng pagdulog na ito.

Ang tunguhin ng dulog na ito ay matukoy ang:

1. Nilalaman,
2. Kaanyuan o Kayarian, at
3. Paraan ng pagkasulat ng akda

Kaugnay nito, napakahalaga ng teksto sa paggamit ng dulog na formalism. Katunayan, kailangang masuri
ang tema o paksa ng akda, ang sensibilidad ng mga tauhan at pag-uugnayan ng mga sailta, istruktura ng
wika, metapora, imahen, at iba pang element ng akda.

Siko-Analytiko

May malaking impluwensiya ang pahayag ni Freud na “tanging ang ekonomiya lamang ang motibo ng
lipunan,” sa dulog iko-analytiko. Ang pahayag na ito ay may kinalaman sa paniniwalang
naghahanapbuhay tayo para lamang lasapin ang sarap ng buhay at nagkaroon lamang ng kaganapan ang
pagiging isang tao bunga ng kanyang kamalayan sa mga nagaganap sa kanyang buhay.

Eksistenisyalismo

Sa huling bahagi ng ikalawang dekada na nakaraang daan taon sumilang ang dulog na eksistensiyalismo.
Ang ilang kritiko ay napapalag na isa lamang paniniwala ang dulog na ito.

Kalayaan at awtentiko ang tanging kinikilalala ng dulog na eksistensiyalismo. Sa pananaw na ito, kitang-
kita ng tao ang proseso ng pagiging tao upang mabuhay.
Walang tiyak na simulain ang eksistensiyalismo. Maihahambing ang dulog na ito sa romantisismo dahil
sa mahilig sa paghanap ng tunay na paraan ng pagpapahayag o ekspresyon. Maihahamibing din ito sa
modernism dahil nagpipilit itong magwasak o magpawalang halaga sa kasaysayan.

Feminismo

Lumitaw ang feminism dahil din sa paniniwala ng karamihan na ang panitikan ay nasa kamay lamang ng
mga lalalaking manunulat. Bukod ditto, ang mga babae sa panitikan ay inilalalarawan ng ilang manunulat
na lalaki bilang mahina, marupok, tatanga-tanga, sunod-sunuran, maramdamin, emosyonal,
pantahanan, at masama. Kitang-kita sa mga akda ng mga lalaking manunulat ang paglalaganap ng
operasyon ng kababaihan.

Pinaniniwalaan sa dulog na ito ang sistemang pangkababaihan bilang mga indibidwal na di-kapantay ng
kalalakihan gaya nang nais patunayan sa kilusang itinatag ni Simone de Behaviour na sinusugan naman
ni Virginia Woolf.

Sa ating bansa, ang mga kinikilalang manunulat na feminisita tulad ni Genoveva Edroza- Matute, Lualhati
Bautista, Ruth Elynia Mabanglo, Lilia Quindoza Santiago, Joice Barrios at iba pa, ay tunay na nangahas na
magpalaganap ng kaisipan ng mga manunulat na babae na nagnananais na palayain ang diwa at
damdaming nagpupuyos sa pamamamagitan ng mga akdang pampanitikan. Sila ang feministang
manunulat na nagtatampok ng kanilang mga akda tulad ng pagtatampok ng mga akdang isinulat ng mga
kalalalakihan.

Imahismo

Ito ang dulog na lumalaganap sa mga panulaan sa Great Britain at North America sa pagitan ng mga
taong 1909 at 1918. Ayon kay T.E. Hulme, ang tula ay kailangang magbawas ng mga di kailangang mga
salita at sa halip ay ilarawan ang paksa o diwa ng tula sa pamamagitan ng mga imahen. Layunin ng dulog
imahismo na mailarawan nang ganap ang paksa, mailahad nang walang pagkiling at malayang
makapamili ng mgsa larawang maikikintal sa isip ng nagbababasa. Ang mga natural na bagay sa paligid
ay siyang pinakamabisang gamiting simbolo para sa dulog na ito.

Naturalismo

Halos nagkakatulad din ito ng dulog realismo sapagkat ang dulog naturalism ay nakatuon sa mga bagay
na may kaugnayan sa likas na kapaligiran. Sa pamamagitan ng dulog na ito, inilalalahad ang mga bagay
bagay na may kaugnayan sa diktrina o pilosopiya tungkol sa biyolohikal at sosyal na katangian ng
kapaligiran upang makapamili ng paraan ng pamumuhay ang tao at magkaroon ng malayang
pagpapapasiya.

Arketipal

Ibinatay ang dulog arketipal sa sikolohiya ni Carl Jung na naniniwala na mayroong dalawan gantas an
gating kamalayan: ang personal na nagtatago ng mga alaala ng nakaraang pangyayari sa buhay at ang
arketipal na nag-iingat naman ng mga pinagsama-samang alaala na nakapaloob sa mga imahe at iba
pang mga simbolismo. Kumukuha karaniwan ng mga simbolismo o imahe sa mga kwentong hango sa
mitolohiya, epiko, o maging sa Bibliya.

Sa dulog na ito, sinusuri ang paggamit ng mga simolismo upang maipahayag ang mga kaisipan na may
kaugnayan sa nagging karanasan ng mga tauhan sa isang akda. Karaniwan na nababasa natin ang mga
kinakatawan ng mga simbolong tulad ng kalapati, tanikala, timbangan, kandila, sulo, at iba pa.

Sosyolohikal

Binibigyang tuon sa pagsusuri ng dulog sosyolohikal ang kalagayan ng mga panlipunang institusyon
gayan ng pamahalaan, pamilya, paaralan, at iba pang mga nasasangkot sa lipunan. Sinasaklaw ang
internal at external na pagsusuri ng akdang binabasa na may particular na katangiang humuhumbog sa
pagkatao.

You might also like