You are on page 1of 2

A.

  Pagkilala sa May Akda:


Ang tulang pinamagatang “Sandaang Hakbang Papuntang Malakanyang” ay isinulat ng isang
tanyag na makata na si Frank Cimatu. Taong 1987, nanalo siya sa isang paligsahan sa tula at nagkamit
ng ikatlong gantimpala sa Galian sa Arte at Tula at nanalo din sa Pambansang pagsulat. Bukod sa
pagsulat ng tula ay nagsusulat rin siya ng mga  maikling kwento na nagkamit ng gantimpala sa
Philippine Free press award taong 1994.

B.   Estruktura

I.  Sukat, Saknong at Taludtod


Ang tulang “Sandaang Hakbang Papuntang Malakanyang” ay nasa malayang taludturan na
kung saan ay walang sinusunod na sukat at hindi isinasaalangalang ang tugma sa bawat
taludtod.
                 
II.       Teoryang Pampanitikan
Ang tulang “Sandaang Hakbang Papuntang Malakanyang” ay may teoryang Sosyalismo na
kung saan ay ang layunin ay ipakita ang kalagayan at suliraning panlipunan ng lipunang
kinabibilangan ng may-akda. Naipakikita rito and pamaraan ng mga tauhan sa pagsugpo sa
suliranin o kalagayan ng lipunan

III. Paksa o kaisipang taglay ng akda


      Ang tula ay tungkol sa mga mamamayang tulad natin na isa sa naghihinagpis o umaalma sa
hindi pantay-pantay at tamang pagtrato ng nakatataas na administrasyon o gobyerno.
     
IV.Talinghaga
     Ang tulang ito ay masasabi kong malalim at malaman ang mga salitang nagpapakita ng
katangian ng pagigng matapang ng isang Pilipino na kung saan ay ipaglalaban ang
karapatan kahit na anuman ang kahinatnan.

V.Imahen o Larawang Diwa


     Naipakita ng tulang ito ang tunay na katangian ng isang Pilipinong matapang at malakas
ang paninindigan sa ipnaglalabang karapatan.

VI.Tono
     Ang tulang ito ay may tono ng pagkadismaya na kung saan ay hindi pa rin matamo tamo
ang pilit ipinaglalaban kahit na anumang paratang, pagpoprotesta at pamimilit a iparating
sa gobyerno. Nauuwi lang sa wala ang lahat.

VII. Persona
     Ang persona ng tula ay isang taong ipinaglalaban ang tama at nagpoprotesta sa maling
gawi ng nakatataas. Siya ang naglalahad ng mga pangyayaring nagaganap sa mundong
ating ginagalawan na kung saan ay walang pantay pantay na pagtrato sa kababayan.
VIII. Reaksyon/Komento
     Ang tulang “Isang Daang Hakbang papuntang Malakanyang”  ay isang napakagandang tula.
Napapagalaw niya ang imahinasyon ng mambabasa kahit na napakalalim at matalinhaga
ang mga salitang ginamit ay naunawaan parin ang diwang nais iparating sa mambabasa.

You might also like