You are on page 1of 1

Alegorya ng Butil

Nagliliyab ang init ng araw. Nagnanasa ang bibig na makalasap ng kaunting lamig na
mula sa tubig. Pilit na inihahakbang ang mga pagal na paa. Nanginginig ang mga kalamnan.
Ngunit, kailangang hindi magpadaig sa silakbo ng damdamin. Nagnanais na humiyaw subalit ni
isang tinig ay walang pumapalahaw.

Nais mo na bang umiyak? Nais mo na bang sumuko?

Wala pa iyan sa kalingkingan na pinagdadaanan. Hindi alintana ang bawat sipa ng


kahapong mistulang nangungutya sa kinasapitan ngayon. Umagang binusog ng mainit na kape
na siyang maglalaman sa sikmurang hindi man lamang madantayan ng kahit kapirasong laman.
Bitak-bitak na lupa’y araw-araw na tinatahak upang ito’y maging masustansiya lamang. Ngunit,
anong mapapala lamang, butil ng panandaliang kaginhawaan na hindi man lang makasasapat
upang dugtungan ang buhay.

Tunay nga.

Hindi sapat na isulat lamang ang mga nais isatinig sa kuwadradong papel. Hindi sapat
na itaas ang itak at iaambang ipaglaban ang bawat pilapil ng buhay. Wala rito ang mga sagot sa
lahat ng mga tanikala ng pagsubok. Hindi niyo ba kami nauunawaan. Sa bagay, wala naman
ang inyong mga sapatos sa putikan. Kaya’t napakadaling sambitin na hindi kailanman kayo
madaratnan ng ulan sapagkat nasa inyo ang araw.

Kailan pa?

Marami na ang nagdaan na nagsasabing iaangat at palulusugin ang butil na aming


inaalagaan. Ngunit, ni isa sa kanila’y wala man lamang nagtagumpay. Nilason lamang nila ang
aming isipan upang mapaniwala sa mga matatamis na dila. Kaya’t isang malaking katanungan,
kung hanggang ngayon, ito pa rin kaya ang aming sasapitin?

You might also like