You are on page 1of 4

PANGANGAILANGAN

 RINON

Pagkain
Ang pagkain ang nagbibigay lakas satin para mabuhay sa araw-araw, maraming porma ng pagkain na
nakakatulong sa ating kalusugan ng katawan. Kung wala ang pagkain, marami sa atin ang mawawalan ng
nutrisyon sa katawan na magiging sanhi ng pagkakaroon ng sakit at makaranas ng gutom. Ang malala pa
dito ay ang pagkamatay.

Damit
Ang damit ang nagbibigay proteksyon satin sa iba't ibang panahon gaya na lamang ng init at lamig. Ito
rin ay nakakatulong upang matakpan ang mga hindi kaaya-ayang parte ng ating katawan na maaring
makita ng karamihan sa atin.

Tirahan
Ang tirahan naman ay isang lugar kung saan tayo naninirahan, natutulog, nagluluto, naglalaro,
gumagawa ng bagay kailangan araw-araw at nagbibigay ng proteksyon sa mga sakunang maaring
mangyari. Dito naisasagawa lahat ng mga bagay na hindi magagawa sa labas.

 LALIN

Tubig
Ang katawan natin ay kailangan ng tubig upang magkaroon ng sapat na lakas upang gawin ang mga ating
aktibidad sa araw-araw. Ang tubig ay isa sa kailangan natin sa pang araw-araw tulad ng paghahanda ng
pagkain,paliligo,paglilinis, at pagpapanatili ng maayos na kapaligiran. Ang tubig din ay tahanan ng mga
hayop sa mundo. Ang mga hayop na ito ay pinagkukunan din natin ng pagkain tulad ng mga seafoods at
iba pa.

Kuryente
Mahalaga ito dahil napapadali na tayo sa ating mga gawain at kung wala ang kuryente, ‘di gagana ang
mga teknolohiya na ginagamit natin sa ating pang araw-araw at wala tayong ilaw kapag gabi. Mahalaga
rin ito sa ating panahon ngayon na tayo ay humaharap sa pandemiya. Ngayon ay tayo ay nag aaral gamit
ng teknolohiya kaya kailangan natin ng gadgets,wifi, at iba pa na pinapatakbo o kinakailangan ng
kuryente.

Pera
“wala ng libre sa mundo” Kadalasan natin naririnig sa iba. Totoo naman lalo na ngayon ay nagsisitaasan
na ang presyo ng mga bilihin ‘di tulad noon. Ang mga pangunahin nating pangangailangan ay nabibili ng
pera tulad ng pagkain,bahay, damit, gamot at iba pa. Pati na din sa pangangailangan natin sa kuryente,
‘di tayo makakagamit nito pag di tayo nagbabayad ng kuryente. Sa panahon ngayon nakakalungkot man
isipin pero kung wala kang pera wala ka rin mapapambile ng iyong pangangailangan.
 FELIPE
Hangin
Ang hangin ay ang ating pangunahing pinagkukunan ng buhay. Kailangan natin ito sapagkat isa ito sa
nagbibigay ng dahilan upang tayo ay makahinga ng maayos. Kapag nawalan ka ng hangin sa katawan ay
maaring magkaroon ng komplikasyon na magdudulot ng mga sakit at mas malala pa ay ang kamatayan.

Gamot
Pangangailangan ang gamot dahil tumutulong ito upang malabanan ang mga sakit ng isang tao.
Pinapanatili nitong malakas at matatag ang katawan natin. Isa din ito sa dahilan ng paghaba ng buhay ng
tao dahil sa mga nilalaman nito sa sustansya para sa katawan. At Kung walang gamot ay marami ng
namatay dahil sa hindi masulusyonang sakit.
Pamilya
Kailangan natin ang pamilya sa ating buhay dahil ito ang gumagabay at nagtuturo sa atin ng tamang
landas. Sila din ay palaging nariyaan sa ating tabi upang tayo ay suportahan. Sila din ang tumulong sa
atin sa paglaki hanggang sa kaya na nating tumayo sa ating sariling mga paa. Kung walang pamilya ay
marahil tayo ay wala din. Sila din ang nagpakilala at nagparamdam sa atin ng mga emosyon na ating
nararamdaman tulad ng pagmamahal.

 RAMICA

Kaibigan
Bakit ito nakapaloob sa pangangailangan? Simple lamang. Una sa lahat, ang kaibigan ay isa sa
nakakatulong sa 'yo ukol sa mga desisyong iyong ginagawa. Sila rin ang mga nakakasalamuha mo sa
iyong buhay bukod sa iyong pamilya. Kung ating titignan, maaaring sabihin na "kaya kong mabuhay ng
walang kaibigan," ngunit kung wala sila, hindi tayo basta-basta uusad sa ating kinagagalawan, ang mga
kaibigan din natin ang isa sa mga maaari nating lapitan 'pag tayo'y may pangangailangan. Kaya't para sa
'kin ito'y nakapaloob din sa pangangailangan.

Edukasyon
Ito'y isa sa mahahalagang pangangailangan na ating kailangan lalo na sa 'ting mga kabataan. Kailangan
natin ang edukasyon para tayo'y magkaroon ng linang, hindi lamang sa ating mga napag-aaralan, kundi
maging sa ating pang araw-araw na gawain tulad ng ating pakikisalamuha, paggalang, at ano pang
naituturo ng ating mga pangalawang magulang.

Pagmamahal
hindi ito 'yung sinasabing romantiko tulad na lamang ng pagmamahal na nagmumula sa mga kasintahan.
Ang pagmamahal na nakapaloob sa pangangailangan ay gaya na lamang ng sa Platonic at Eternal. Ito ang
kailangan natin, tulad ng pagmamahal mula sa ating pamilya, at sa itaas.
KAGUSTUHAN

 RINON
Alahas
Alam nating lahat na ang alahas ang para sa sariling kasiyahan lamang. Maaring ito’y para sa ikagaganda
ng iyong pisikal na katangian. Masasabi kong ito ay kagustuhan lamang ay dahil sa hindi ito ang magiging
dahilan ng ating pagkabuhay at ang pagbangon sa araw araw. Pwede tayong mabuhay ng wala ang mga
ito.
Mamahaling Sapatos
Ang pagkakaroon ng mga mamahaling sapatos ay kadalasan nating makikita sa mga mayayaman.
Pwedeng isa sila sa mga nagkokolekta nito o ito ang kanilang ginagamit sa pangaraw araw na pagalis.
Ngunit isa nga ba ito sa pangangailangan ng mga tao? Hindi. Bakit? Isa lamang itong kagustuhan dahil
hindi mo masasabing isa ito sa nagpapatakbo ng buhay mo. Maari kang magkaroon lamang ng sapatos
na gagamitin mo sa pangaraw araw ngunit kailangan ba na ito ay mamahalin?

Brand New Phone


Ito ay ang kadalasang nais makuha ng karamihan sa atin lalo na’t dumadami na ang mga naglalabas ng
mga bagong unit o brand ng cellphone na may mga magagandang katangian. Subalit matutustusan nga
ba nito at mapapakain ba tayo nito? Kung sakaling mayroon ka naming ginagamit na gadget ngayon,
maging kuntento ka na lamang sa kung anong meron ka, maari mo pang mailaan ang pambili nito sa iba
pang mas importanteng bagay na alam nating makakpagbigay ng buhay sa atin.

 FELIPE
Usong Kagamitan
Ating masasabi na ang usong kagamitan ay kagustuhan lamang sapagkat atin lamang itong
nakahumalingan dahil ito ay trend o sikat. Hindi rin naman natin ito magagamit habang buhay at maaari
ring atin itong pagsawaan kapag hindi na bago at hindi na uso ang kagamitan.

Bagong Bag
Marahil ay nakatutulong ang bag sa ating buhay ngunit tulad nga ng sabi-sabi "lahat ng sobra ay
nakakasama". Pangangailangan ang bag pero kung ikaw ay bumibili ng mga ganito dahil sa pansariling
kagustuhan at upang mapunan ang iyong kasiyahan ay duon na papasok ang kagustuhan dahil hindi
naman natin kailangan ng madaming bag upang mabuhay isa pa hindi rin naman natin ito magagamit
lahat at mag sasanhi pa ng pagkaluma at pagkasayang ng pera.

Merch
Ang mga merch ay maituturing na kagustuhan dahil bumibili lamang tayo ng mga ito para sa ating mga
iniidolo at upang makatulong sa kanila. Atin lamang itong ididisplay at itatambak, hindi naman natin ito
magagamit sa ating buhay. Ngunit dahil ito ay nagbibigay kasiyahan at napupunan nito ang ating
emosyon na nagbibigay saya sa atin kung kaya't patuloy natin itong binibili.

 LALIN
Gadgets
Noon ay masaya na tayo pag nakakalabas at nakikipaglaro sa ating mga kaibigan. Dahil noon ay di pa
naman masiyado tayong gumagamit ng teknolohiya. Ngunit sa pagdaan ng panahon, parami ng parami
at palawak ng palawak ang mga naiimbentong mga makabagong teknolohiya para sa mga makabagong
henerasyon. Marami ang pwedeng gawin ang teknolohiya. Maaari itong mapanloko ng iba tulad ng mga
pangyayari ngayon na ginagamit ng iba ang teknolohiya upang makapang scam ng iba. Maaari rin itong
makapanakit ng iba. Tulad ng pambubully online na maaaring makapag epekto sa mental na kalusugan
ng iba. Dahil din sa pag gamit ng sobra sa ating mga gadgets maaaring tayo ay magkaroon ng sakit tulad
ng paglabo ng mata.

Alak o Juice
Madami sa atin ay mahilig sa juice pero madami ding dulot paginom ng madaming juice. Maaaring
tumaas ang ating mga sugar na magdudulot ng diabetes na isang sakit na maymapanganib na
karamdaman na magdudulot ng komplikasyon. Sa alak naman ay ang iba ay naeenganyong uminom ng
alak. Dahilan nito ay dahil sa curiosidad at pag aaya ng kaibigan. Ang alcoholism o ang tuluyang
pagkalango sa alcohol ay makapagdudulot ng iba’t ibang uri ng sakit. Tulad ng Liver
Diseases,Anemia,Cardiovascular diseases,Mahinang resistensya, at iba pa.

Koleksyo ng Gamit
Ang pagkakaroon ng koleksiyon ay kasiyahan ng iba. Tulad ng mga anime figures, albums, laruan, at
madami pang iba. Minsan di natin napapansin na tayo ay sumosobra na, ‘di natin alam na may kailangan
pa pala tayong bilhin na mas kailangan. ‘Di naman masamang bumili ng ikakasaya natin, ngunit kung
may mga mas mahalaga pa tayong kailangang unahin, dapat muna natin ito unahin.

 RAMICA
Romantikong Pag-ibig
'di tulad ng sa pagmamahal na nasa pangangailangan, ang romantiko ay nasa kagustuhan lamang dahil
kaya naman nating mabuhay nang wala ito. Hindi naman natin ikakamatay ang kawalan ng kasintahan,
maaaring ikasakit ng ating damdamin, pero pagkalipas ng panahon, ito rin nama'y mawawala sa atin
kaya't masasabi kong ito'y isa lamang na kagustuhan.

Laruan
ito ay nakapaloob sa kagustuhan dahil ito ay binibili lamang natin para sa ating kagustuhan at gawing
pampalipas oras lalo na ng mga kabataan. Tulad ng sa ibang kagustuhan, ang mga nais nating bilhin na
Laruan na hindi natin makukuha o mga nasa atin na ngunit nasira ay maaaring ikasakit ng ating
damdamin, ngunit ito ay madali lang din palitan.

Pag-order ng pagkain sa mga online shop


ito ay maitatawag na kagustuhan, dahil kung ating iisipin, bakit pa tayo bibili ng pagkain thru internet
kung pwede naman tayong magluto sa loob ng ating mga tahanan, at bukod pa ro'n ay maraming mga
tindahan st pamilihan na maaaring bilhan ng pagkain, kahit na ang pagkain ay nakapaloob sa
pangangailangan, ang pagbili nito sa online shop ay nakapaloob sa kagustuhan dahil ang ito ay nasa atin
din kung gusto ba nating magorder sa labas o magluto na lamang sa ating tahanan.

You might also like