You are on page 1of 5

Ang Ningning at Ang Liwanag

Ang Ningning ay isang bagay na makislap at nakakabighaning tignan, maraming tao ang

nasisisyahan kapag nakakakita ng ningning marami ring nagnanasang ito ay maangkin dahil para

sa kanila ang ningning ay ang magbibigay ng saya at ginhawa sa kanilang pamumuhay. Subalit

hindi nila naiintindihan na ang ningning ay sadyang naksisilaw at nakasisira ng paningin. Dahil

sa ningning nabubulag ang ating mga mata sa tunay at dapat talaga nating makita, ang ating

mundo’y nagiging baliktad at ang ating mabubuting pananaw ay nagugunaw dahil sa maling

pagkaunawa sa ningning. Ito ang isa sa mga halimbawang magpapatunay sa atin na ang ningning

na ating hinahangaan ay siyang tunay na dumadaya sa ating mga mata, gaya nga ng isang

karwaheng maningning na hinihila ng kabayong matulin at ang nasa loob nito’y isang taong

malinis,mayaman at magaling datapwa’t marahil siya’y isang magnanakaw at mapanlinlang na

kaniyang ipinatatanghal ang kanyang kagandahan at angking kayamanan, subalit nagdaan ang

isang maralita na nagkakanghirap sa pinapasan. Tayo’y napapangiti at sa loob natin… Saan kaya

niya ninakaw? Datapwa’t maliwanag nating nakikita sa pawis ng kaniyang noo at sa hapo ng

kaniyang katawan na siya’y nabubuhay sa sipag at kapagalang tunay, dahil sa ningning

napagpapalit natin na ang tunay na kagandahan ay sa panloob na kaugalian at hindi sa panlabas

na katangian. Dahil tayong mga tao lingid sa ating kaalaman na ang ating mata ang nakakakita

ng lahat ng mga bagay dito sa mundo kaya ang ating mga mata ang unang

umiibig,nagmamahal,nagnanasa,nagkakagusto at pangalawa lamang ang ating mga puso kaya

hindi na rin na kapagtataka kung laging sa pagpili ng tama at mali, maganda o panget, mali ang

nagiging pagpili dahil ang isp o an gating mata lamang ang ating at hindi ang ating puso. At

bukod dito pangalawang halimbawa ay ang pagkasilaw sa kayamanan, pera o tinatangkilik

marami sa atin ngayon sa panahong ito ay umiibig sa salapi o sa kayamanan kaya ang nangyayari

This study source was downloaded by 100000860008594 from CourseHero.com on 03-06-2023 01:46:38 GMT -06:00

https://www.coursehero.com/file/47417756/Ang-Ningning-at-Ang-Liwana1-1docx/
dahil sa kagustuhang magkaroon ng maraming pera ay nakakagawa ng kasalanan o ng masama

dahil sa pag-ibig sa salapi nagagawang pumatay ,manloko, manlamang, magnakaw, manira ng

buhay at marami pang iba hindi natin na mamalayang nadadaya na tayo ng masama o ng

ningning kapag ginawa natin ang mga ganong bagay masasabi ba nating gumanda ang ating

buhay? Hindi, dahil mas lalo lamang naging magulo ang sitwasyon dahil sa paggawa ng masama

pede tayong makulong, layuan ng maga mahal sa buhay, iwanan, lamunin ng konsensiya,

mabaliw kaya yung bagay o pangyayaring akala nating babago ng ating mundo o ng ating buhay

siya palang sisira hindi lang sa buhay mo pati na rin sa buhay ng mga taong dinamay mo.

Pangatlong halimbawa sa pagpili ng taong nais mong maging karelasyon alam kong lahat tayo

ang nais o ang gusto ay maganda, gwapo o may itsura, mayaman, matalino, mabait at marami

pang iba pero sa pagpili natin ng makakasama nalilimutan nating tignan ang panloob nilang

katangian kaya minsan kapag nakapili na tayo ng gwapo o maganda dumarating sa atin ang

damdamin ng pagsisisi dahil yung inakala nating mabait at magandang loob ay gwapo o

maganda lang pala sa panlabas na kaanyuan kaya marami sa atin ang nasasaktan at iniiwanan

sapagkat hindi naging matalino sa pagpili at nagpalinlang sa panglabas na kagandahang taglay

nating mga nilalang. At isa pa sa mas laganap ngayon sa panahon natin ngayon ang panghuhusga

natin sa mga taong may ibat-ibang itsura, kasarian at pag-uugali, dahil ang mas nakikita natin sa

kanila ay ang kapangitan ng lipunan nung nabuhay sila, ang tinignan natin ay ang mga mali nila

tinuring natin silang mga walang kwenta, salot sa lipunan pero alam kong marami sa atin ang

nagkamali dahil kung ating pag aaralan kung sino pa yung mga taong may diperensiya ay sila pa

yung mga taong madisiplina at parang sila pa yung may mas pinag aralan dahil hindi sila mga

adik, hindi sila bulakbol, hindi sila palaaway, hindi sila yung masuwayin sa magulang at sa guro

kundi sila yung mga taong may mas malasakit sa iba, mas marunong pang umintindi at umibig sa

This study source was downloaded by 100000860008594 from CourseHero.com on 03-06-2023 01:46:38 GMT -06:00

https://www.coursehero.com/file/47417756/Ang-Ningning-at-Ang-Liwana1-1docx/
iba, mas marunong pang gumalang kay sa iba, mas marunong pang disiplinahin ang sarili kay sa

iba, kaya masasabing natin talagang mas nag padaya tayo sa ningning ng ating mga mata dahil

yung mga tao na nakikita natin na wala namang diperensya o yung mga taong pogi at

magaganda ay sila pa ang nagiging dahilan ng pagbagsak ng ating lipunan. Hindi lang ito ang

mga halimbawang nagpapaunawa sa atin hinggil sa ningning kasama na dito ang mga taong nag

babalat kayong maningning, ipinakikita nila sa ibang tao na sila’y mabuti o mabait,

mapagkakatiwalaan,may magandang hangarin ngunit ayon nga sa loob ng Biblia sila’y

nangagsosuot ng damit tupa datapwa’t sa loob mga lobong maninila na lumilinlang lang ng ating

mga pag-iisip. At kasama rin dito ang nagiging daya sa atin ng teknolohiya dahil na aakit tayo sa

maningning na nagagawa ng teknolohiya sa pang araw-araw nating pamumuhay, Paano nga ba

tayo na aakit o nasisilaw sa maningning na hatid sa atin ng teknolohiya? Dahil ito’y nagagamit

na natin sa maling paraan panonood ng mahahalay na panoorin na siyang sumisira sa tamang

sistema ng ating pag-iisip, paglalaro ng sobra na siya ring dahilan ng pag kasira ng isip at

kalusugan dahil akala natin sa lahat ng panahon ay may magandang maidudulot ang teknolohiya,

mayroon nga ngunit ito rin ang nagiging dahilan kung bakit tayong mga tao ay unti-unting

nagiging mga tamad at walang pagsususmikap sa buhay. At bukod pa dito ang iba pang

halimbawa ay ang pagkabighani natin sa iba’t ibang klase ng pagkain dahil lalo na tayong mga

Pilipino tayo ay mahihilig kumain nasanay na ang iba sa atin na araw-araw ay lumalabas kasama

ang kaibigan at kapamilya kumakain sa mga masasarap at mamahaling kainan kaya karamihan sa

ating mga Pilipino ay malulusog o sa pangit na salita ay matataba kaya marami rin sa atin sa

sobrang katabaan ay nagkakaroon ng mga sakit, dahil hindi marunong kontrolin ang sarili na

kumain ng tama at kumain sa tamang oras kaya sa pagkasilaw natin masyado sa pagkain

nalilimutan nating alagaan ang ating mga kalusugan o pangangatawan. Ito ang mga halimbawa

This study source was downloaded by 100000860008594 from CourseHero.com on 03-06-2023 01:46:38 GMT -06:00

https://www.coursehero.com/file/47417756/Ang-Ningning-at-Ang-Liwana1-1docx/
ng pagkasilaw o pagkabighani nating mga tao sa ningning ngayon aalamin naman natin kung

hindi ang ningning ang dapat nating sampalatayanan alin?Ang kinakailangang mapagwari ng

ating mga mata, at Ano ang dapat nating hanapin? Ito ay ang Liwanag dahil ang liwanag ay

kailangan natin lahat para mapagwari natin ang buong katunayan ng mga bagay-bagay. Liwanag

ito rin ang magbibigay linaw sa bawat isa sa atin sa mga bagay na hindi natin maintindihan at sa

kaguluhan sa literal mang pagpapaliwanag ang liawanag o tanglaw nag tuturo o gumagabay sa

atin sa tamang landas kagaya kapag ka gabi kung walang liwanag o ilaw na nakabukas wala

tayong Makita pawng dilim lamang hindi natin mapagwari kung paano tayo hahakbang at kung

paano tayo magpapatuloy ng walang liwanag na gumagabay sa atin sa paglalakad. Ang tanong

ano ba ang liwanag sa panahon natin ngayon? Ang liwang ay ang kagandahang asal o pag-uugali

dahil kapag mayroon kang magandang pag-uugali naliliwanagan ka sa lahat ng bagay marami

kang natututuhan sa iyong sarili at lalong higit sa taong iyong nakakasama. Papaano nga ba tayo

magiging liwanag o magsisilbing liwanag sa iba? Marami tayong pedeng magawa para maging

liwanag tayo, Una tayo ang maging magandang halimbawa o isang huwarang mamamayan

gagawa tayo ng mabuti hindi lang sa pamilya kundi pati na rin sa ibang mga tao. Ang liwanag

pang tinutukoy dito ay ang salita o katwiran ng ating Dios dahil sabi ng sa loob ng Biblia ito ang

mga banal na kasulatan o ang Biblia ay magtuturo sa atin, magsasaway sa atin, magtuturo sa atin

sa kaligtasan at tuturuan tayong maging mabuting mga tao na nilikha ng ating panginoon.

Kailangan nating lumiwanag sa lahat gaya ng araw na nag bibigay liwanag sa buong

sandaigdigan hindi pumupili ng sisibulan o sasamahan kundi ang liwanag na kaniyang hatid ay

para sa lahat mabuti man o masasama. Liwanag ang ibig sabihin din nito ay kalinisan o

kagandahang loob at kapg malinis ka hindi ka mapanghusga hindi ang tinitignan mo ay ang

maling naidudulot sa iyo ng iyong kapuwa kundi ang kabutihan at kagandahan ng magagawa mo

This study source was downloaded by 100000860008594 from CourseHero.com on 03-06-2023 01:46:38 GMT -06:00

https://www.coursehero.com/file/47417756/Ang-Ningning-at-Ang-Liwana1-1docx/
sa kaniya ay magagawa niya sa iyo. Liwang ito’y hindi kagaya ng ningning na nakasisilaw at

nakasusugat sa paningin ng marami, kundi ito ang nagpapagaling sa atin sa lahat ng mga

kasalanan at gawang masama dahil sa liwanag na nakikita natin o sa liwanag na meron tayo na

naitatama natin ang lahat. Sa aking buhay bilang isang mag-aaral maraming mga daya at silo ang

masama o ang ningning pero hindi ko to binbigyang daan dahil alam kong kapag ako’y

nagpadala sa ganda at kinang ng bawat ningning ang buhay ko’y maaaring mabago dahil ang tao

mabilis magbago lalo na sa mga bagong bagay na kaniyang natutuklasan at kapag ito’y kaniyang

naranasan na mahihirapan na siyang bumalik sa dati, kaya maraming tao ang nag sisisi dahil sa

naging maling pagpili, kaya huwag tayong papadaya sa ningning dahil hindi lahat ng ningning ay

ginto karamihan sa ningning ay tuso kaya napapabilog ang ating mga ulo,kaya ang mas dapat na

ating piliin ay ang liwanag dahil ito ang magbibigay ng linaw sa lahat liwanag na magbibigay ng

gabay at patnubay sa lahat tumutulong na baguhin ang lahat ng mga bagay na naiwan sa

kadiliman at maging liawanag na rin na sisibol sa lahat kahit ano man ang panahon at ano man

ang mangyari mananatiling liwang na hindi makasisilaw sa sa paningin

This study source was downloaded by 100000860008594 from CourseHero.com on 03-06-2023 01:46:38 GMT -06:00

https://www.coursehero.com/file/47417756/Ang-Ningning-at-Ang-Liwana1-1docx/
Powered by TCPDF (www.tcpdf.org)

You might also like