You are on page 1of 15

SINO AKO?

PAG-USAPAN NATIN
Maraming ginagawa ang tao na hindi napapansin
ng iba. Ang maliliit na bagay katulad ng pagpunas
ng mesa at upuan ng kaklase bago magsimula ang
klase, o pag-aalok ng pagkain ng tuwing break, o
paninigurong pag-urong ng gamit upang hindi
nasisikipan ang katabi ay nagpapamalas ng
kabutihang loob ng isang tao. Ngunit dahil sa
kaliitan ng mga kilos na ito, hindi ito napapansin at
nababalewala
Dapat tandaan na wala sa laki o liit ng pagkilos
ng ang kabutihan ng tao. Ginagawa ng tao ang
lahat maliit man o malaki dahil sa kanyang
pagsisikap na maging makasaysayan-an.
Gumagawa siya hindi upang pansinin ng iba
kundi dahil ito ang nagtulak sa kanya ng
kanyang kalooban.
ANG ISINANTABI
Masaklap ang katotohanang hindi napapansin ang
lahat ng kabutihang ginagawa ng isa. Mas
masaklap na ang mali at pangit pa ang tumutulak
sa tao. Ngunit, pinakamasaklap ang
mapangunahan ng mga sabi-sabi, wala pa mang
ginagawa. May mga nasapawan ng kanilang mga
unang pagkakamali at hindi na makaaahon mula
roon. Pinagmalupitan sila ng mapanuring mata at
matatalas na dila.
Pagsasantabi ang tawag dito. Sa halip na
nagsasama-sama ang mga tao, sabihin natin
sa isang bilog, may ilang mga taong hindi
isinasali sa bilog inilalagay sa tabi, sa gilid.
Tabi ka muna! Maghihintay ka muna riyan sa
tabi-tabi at kung kailan ka namin gusto isali,
tatawagin ka namin! Sa ganitong lagay mas
maigi pa ngang maging salimpusa sa laro
dahil kahit papano, kasali parin ang
salimpusa.
Bakit ba sa isinasantabi? May duda akong
nanggagaling ang pagsasantabi hindi lamang
dahil sa mhga ginawa ng mga taong
isinasantabi kundi mula sa sariling takot ng
mga nagsasantabi. Takot ang mga
nagsasantabi dahil hindi nila naiintindihan
ang ang kalagayan at nag ka-saysay-an ng
taong isinasantabi.
KAMI LABAN SA TAYO
Lumilikha nag pagsasantabi ng mga kami sa halip
na magkaroon ng isang tayong pananaw. Ang tayo
ay ang pagpapasailalim sa isang payong kaisahan.
Sa loob ng tayo, madaling nakapagbabahaginan
dahil sa turing ng isa’t isa ay kapwa kabahagi ko
at kasama ko na nakasukobsa isang layunin,
paniniwala, prinsipyo, o halaga. Kitang kita ang
tayong ito sa piyestang bayan. Ang lahat akala mo
magkakakilala, ang lahat ay pinatutuloy sa bahay.
Walang takot sa kapwa sa kapwa, walang
sinisino o ina-ano. Masaya lang pagsasama-
sama. Kumakain ng parang walang nakaraan
at walang bukas. Ang akin ay sa iyo at ang sa
iyo ay sa akin dahil atin naman ang mga ito.
Ang wika ng tayo ay atin.
KAIBA
Ano nga ba ang dulot ng paghihiwa-hiwalay na ito?
Pinaghihiwa-hiwalay lamang ng pagsasantabi ang
mga taong dapat sana ay nagsasama-sama.
Nilalagyan ng mga bakod ang tayo at gumagawa
ng mga kami at sila. Ang hindi hayagan at
tuwirang ginagawa nito ay pilitin ang mga tao na
baguhin ang sarili at kumumpurmi sa isang
pangkat upang mapabilang lamang sa kami at
huwag maituring sa iba.
Bibitiwan ng tao ang sariling kasarinlan,
babaguhin ang sarili, maging katanggap-
tanggap lamang sa naghaharing kami. Sa mga
batang-barkadahan masasaksihan ang mga
pagpapalit-balat na ito mapabilang lamang
ang isa sa sikat na grupo o kahit na papaano,
maiwasang maging tampulan ng tukso o
katatawanan. Ang kapalit ng inaasam-asam na
pagtanggap ay ang kawalan ng sarili.
Mahirap ito para sa indibidwal dahil animo’y
binubura ng tao ang kanyang identidad,
tutularan ang iba kahit na nakikilala ng
indibidwal ang kanyang sarili dahil sa
pagpapalit-balat. Mawawala na rin pati ang
saysay niya. Isa na lamang siya sa mga kami.
Halimbawa:
Si Julia ang salubungan ng pinapanganak sa
Pilipinas, maitim, hindi matangos ang ilong,
kumakanta, at iba pa. Dahil sa kanyang pagka-
Julia, hindi na lamang karaniwang katangian
ang mga katangiang nabanggit, may pagka-
Julia na ang katangiang taglay niya. Ibang itim
ang balat ni Julia.
Alam mong si Julia ang kumakanta. Ganitong
klaseng Filipino siya dahil siya si Julia. Kaiba
si Julia at sa bawat pagsunod niya sa pang-
aakit ng kami, hindi na siya nagpapaka-Julia,
nagpapaka-kami na lamang siya. Wala na ang
Julia
KA-IBA
Sa kabilang banda, maari yatang tingnan ang
negatibong pagsi-sila at pagka-kami bilang
positibong pagbibigay-linaw sa mga hangganan
ng mga indibidwal sa loob ng tayo. Dahil sa
paghiwalay ng tayo sa maraming mga kami at sila,
ikaw at ako, nagkakaroon ng isang pag-unawa sa
kasarinlan ng mga indibidwal. Iba at hiwalay ang
isa’t isa. Hindi lamang sila isa kasama ng iba. Iba
sila sa iba kahit na nasa loob sila ng tayo.
Ang mga estudyante

You might also like