You are on page 1of 1

Edukasyon: Sa Bagong Norma!

Malaki ang naging pagbabago sa buong mundo dahil sa pagdating ng Coronavirus-19


o Covid-19 pagdating sa edukasyon at ekonomiya ng ating bansa. Lubhang naapektuhan ang
pagpasok sa paaralan ng mga mag-aaral ngunit dahil sa maunlad na teknolohiya at masisipag
ng kapisanan ng mga guro at pamahalaan ay naipagpatuloy ito. Ngunit, masasabi nga bang
epektibo ang naging pagtugon ng mga guro at pamahalaan ng edukasyon sa bagong normal
na ito?

Hindi maikakaila na marami ang umalma ng inanunsyo ang pagkakaroon ng blended


learning pagdating sa sector ng edukasyon dahil natigil sa pagpasok sa paaralan ang mga
mab-aaral. Ito ay pagpili kung modular o virtual learning ang magiging daloy ng edukasyon
ng mga mag-aaral. Malaki ang pagkakaiba nito dahil sa modular ay hindi maituturo ng
maayos ang nilalaman ng kanilang babasahing modyul samantalang sa virtual leqarning
naman ay makakapagturo ang guro ngunit hindi pa rin maiiwasan ang mga sagabal lalo na sa
ingay ng kapaligiran at mahinang internet connection.

Kung tutuusin hindi lamang mga sagabal sa pag-aaral ang lumilitaw pagdating
bagong normal ng edukasyon. Nariyan din ang antas ng pamumuhay ng mga mag-aaral.
Nariyan ang mga gawaing bahay na kailangang isabay sa kanilang pagmo-modyul o padalo
sa mga virtual meeting. Hindi rin maiiwasan ang maingay na kapaligiran na maaaring maging
sanhi ng hindi pagkakaroon ng konsentrasyon sa pagsagot at marami pang iba. Ngunit dahil
sa mga sagabal na ito at mga pagbabagong nangyayari natututo ang mga kabataan na
makipagsabayan sa paglago ng kaalaman pagdating sa teknolohiya, nariyan din ang
paghubog ng abilidad sa multi-tasking, at ang pagkakaroon nila ng tinatawag na time
management. Sa katunayan, malaki ang gampanin ng mga website sa google sa pag-aaraal,
nagiging mapanuri ang mga mag-aaral sa pagpili ng akma at tumpak na imposrmasyon
pagdating sa kanilang mga takdang-aralin.

Hindi natin maiiwasan ang mga pagbabago sa ating kapaligiran lalo na ngayon na
may kinakaharap na pandemya ang ating mundo. Ang nararapat gawin ay pagtuonan ng
pansin ang mahalaga kagaya ng pag-aaral, kaligtasan at pamilya at hindi mga negatibong
bagay.

You might also like