You are on page 1of 7

MGA BENEPISYO NG PAGTUTURO NG ASIGNATURANG E-TECH SA MGA

MAG-AARAL SA PAMANTASAN NG DE LA SALLE – DASMARIÑAS

SA TAONG 2019 – 2020

Ang pananaliksik ay iprinisinta kay:

Bb. Rheza Mae Salle

Bilang pagtupad sa isa sa mga pangangailangan sa asignaturang;

Komunikasyon at Pananaliksik sa Wika at Kulturang Pilipino

Iprinisinta nila:

Basa, Juan Carlos Miguel T.

Berayo, John Augusto M.

Desepeda, Justine Claire

Moron, Jethro Martin D.

Niñeza, Chelzia Bianca D.


TSAPTER 1

KALIGIRAN NG PAG-AARAL

Ang sangkatauhan ay may likas na katangian na mag-imbento, magpabuti,

magbago at mag-isip ng mas mahusay na mga paraan upang makagawa ng mga solusyon mula sa

pinakamalaki hanggang sa pinakamaliit na mga problema na ating nakatatagpo sa pang-araw-araw

na pamumuhay. Kasama rito ang mga problema sa komunikasyon, transportasyon, atbp.

Kung ating tutukuyin ang bawat isa, ang empowerment ay ang proseso ng pagiging

mas matatag, mas may paniniwala, at mas may kontrol sa kung ano ang kaganapan sa ating sarili.

Ang teknolohiya, sa kabilang banda, ay tumatalakay sa paglikha at paggamit ng mga teknikal na

paraan at ang kanilang kaugnayan sa buhay, lipunan at sa kapaligiran. Samakatuwid, ang

Empowerment Technology ay ang pagpapatibay sa ating kaalamang siyentipiko upang malaman

natin kung paano mailalapat ang mga impormasyong may kaugnayan sa teknolohiya sa ilang mga

punto sa ating buhay.

Ang henerasyon na ito ay kinokonsidera bilang isang makabagong panahon dahil

laganap na ang teknolohiya sa kahit saang lugar. Samakatuwid, ang E-Tech (Empowerment

Technology) ay itinuturo sa paaralan upang makabuo ng isang pundasyon ang mga mag-aaral sa

pagtuklas sa mundo ng ICT (Information Communication Technologies), pagkatuto nito at

paglalathala ng tamang pamantayan sa paggamit nito. Ayon sa https://statista.com, halos 4.33

bilyon na tao o lampas sa kalahati ng populasyon ng buong mundo ay nakakagamit ng Internet.

Dahil dito, napadali ang paghahanap at pagkalat ng impormasyon ng bawat indibidwal na

nagdudulot naman ng mga positibo at negatibong epekto sa mundo ng onlayn.

Ang pokus ng pag-aaral na ito ay upang malaman kung ano-ano ang mga nagiging

benepisyo ng asignaturang E-Tech sa mga mag-aaral ng Senior High School sa Pamantasan ng


De La Salle – Dasmariñas. Kung ang mga mag-aaral ba ay may sapat na karunungan na nakukuha

at kung nai-aapply ba ito sa totoong buhay. Ito ang naging pokus ng pag-aaral dahil laganap na sa

panahon ngayon ang paggamit ng teknoholohiya at nararapat lamang na may sapat na kamalayan

ang bawat mga mag-aaral sa pagoopera, at tamang paggamit nito.

PAGPAPAHAYAG NG SULIRANIN

Ang layunin ng pananaliksik na ito ay ang matuklasan kung ilang porsyento ng mga

mag-aaral ng Senior High School sa Pamantasan ng De La Salle Dasmariñas ang talagang

nakikinabang o naiaapply sa pang araw araw ang kanilang natututunan sa asignaturang E-Tech.

Layunin ng pag-aaral ay sagutin ang mga sumusunod:

Mga Katanungan Sang-ayon Di Sang-ayon


1. Malaki ang naitutulong ng asignatura na ito sa aking pang-
araw araw na pamumuhay o pag-aaral.

2. Nagagamit ko ang aking mga natututunan sa pagpapadali


at pagpapaganda ng aking mga gawain.

3. Mas madali kong naiintindihan at nauunawaan ang tamang


paggamit ng mga instrumento sa onlayn.

4. Nagkakaroon ako ng kasanayan at kagalingan sa paggamit


ng mga instrumento at iba pang pamamaraan sa onlayn.

5. Naiaapply ko ang aking mga natututunan sa mga praktikal


na sitwasyon na kinakailangan ko sa aking buhay.

6. Ano sa palagay mo ang naging parte ng iyong pagkatuto ng asignaturang E-Tech sa iyong pag-

aaral at pamumuhay? Magtala ng isang sitwasyon na nagamit mo ang iyong kaalaman tungkol

sa asignaturang ito.
LAYUNIN AT KAHALAGAHAN NG PAG-AARAL

Ang Empowerment Technologies o mas kilala sa tawag na E-Tech ay isang

asignatura na nakapaloob sa kurikulum ng Senior High School bilang isang kontekstong sabdyek.

Sakop nito ang pagtuturo sa paggamit ng teknolohiya upang maging mahusay ang mga tao sa

paggamit ng mga serbisyo mula sa Internet. Ito rin ay madalas na tumatalakay sa paggamit ng mga

mobile phone, kompyuter, at iba pang mga aparato upang maghanap, mag-save, makipag-usap at

magpabatid ng impormasyon. Ang pangunahing kahalagahan nito ay para sa komunikasyon, upang

gawing mas madali ang ating pamumuhay at tulungan ang bansa para sa mga plano sa paggawa

ng mga makabagong ideya.

Layunin ng pag-aaral na ito ay malaman kung mayroong benepisyo ang

asignaturang E-tech sa mga mag-aaral sa loob ng Pamantasan ng De La Salle University -

Dasmariñas; positibo man o magkasalungat ang magiging bunga ng pananaliksik, malalaman ng

mga mananaliksik kung anong nadudulot na epekto ng asignatura sa pagtuturo nito sa loob ng

unibersidad at kung paano mapapabuti ang balangkas ng asignatura para sa sanggunian na

hinaharap. Layunin rin nito na bigyang linaw at ideya ang bawat indibidwal sa maingat na

paggamit ng mga teknolohiya. Mahalaga na ang bawat indibidwal, lalo na ang mga kabataan, ay

may karunungan sa tamang paggamit ng mga instrumentong nakapaloob dito.

Mahalagang isaalang-alang and ideya na ang E-tech ay hindi lamang itinuturo sa

mga ICT students na may dalubhasang kaalaman sa teknolohiya, kundi ito rin ay para sa ibang

strand na magkakaroon ng karanasan sa paggamit ng mga kompyuter at gadyet para sa kanilang

hinaharap na magiging trabaho. Upang mangyari pang, bago makapasok sa ganitong uri ng mundo

ay nasisiguradong lubhang nauunawaan na ng bawat indibiwal ito.


BATAYANG KONSEPTWAL

Input:

Nais malaman ng mga mananaliksik kung anu-ano ang mga benepisyo at positibong Epekto ng

Asignaturang E-tech sa mga estudyante ng Senior High School na nag-aaral sa Pamantasan ng De

La Salle – Dasmariñas. Kaya’t magsasagawa ang mga mananaliksik ng pagtuklas sa pamamagitan

ng sarbey na naglalaman ng mga katanungan.

Proseso:

Ang mga mananaliksik ay magbabahagi ng sarbey sa pamamagitan ng “Google Form” sa mga

piling estudyante ng Senior High School na nag-aaral sa Pamantasan ng De La Salle – Dasmariñas

upang makalap ang impormasyon o datos sa paksang pinag-aaralan.

Output:

Inaasahan ng mga mananaliksik sa pag-aaral na ito na malaman kung anu-ano ang mga naging

benepisyo o epekto ng asignaturang E-Tech sa mga estudyante ng Senior High School na nag-aaral

sa Pamantasan ng De La Salle – Dasmariñas.

Feedback:

Magkakaroon ng ideya ang mga estudyante ng Senior High School na nag-aaral sa Pamantasan ng

De La Salle – Dasmariñas sa kung ano ang kahalagahan at nilalaman ng pag-aaral na ito na

tumatalakay sa asignaturang E-Tech na makatutulong sa pagbibigay kamalayan sa importansiya

nito sa pang araw-araw na buhay.


SAKLAW AT LIMITASYON

Ang pananaliksik na ito ay nakapaloob lamang sa Pamantasan ng De La Salle –

Dasmariñas. Ang saklaw ng pananaliksik na ito ay ang mga estudyante ng Senior High School,

Sampu (10) na kalahok bawat strand ay sasagot ng isang sarbey na inihain ng mga mananaliksik

na may kaukulang mga katanungan. Mula sa resulta malalaman kung mayroong benepisyo o hindi

ang asignaturang E-Tech sa kanilang pang araw-araw na pamumuhay at pati na rin ang

pangkalahatang opinyon ng mga mag-aaral sa asignatura.

Tatalakayin rin ng mga mananaliksik ang porsyento ng mga mag-aaral na

natutulungan ng E-tech sa pagpapadali ng kanilang mga gawain pati na rin sa kagalingan ng

paggamit nito. Ang magiging sagot ng mga nasabing estudyante ay magkakaroon ng malaking

epekto sa pag-aaral.

Ang magiging resulta ng pananaliksik na ito ay base lamang sa mga mag aaral ng

Pamantasan ng De La Salle – Dasmariñas. Ang mga suhestiyon at iba pang resulta ay para lamang

sa ikauunlad ng nasabing instistusyon, at hindi ito para sa lahat ng estudyante na kumukuha ng

asignaturang E-Tech.

TERMINOLOHIYA

1. APARATO – Ang mga teknikal na kagamitan o makinarya na kinakailangan para sa isang

partikular na aktibidad o layunin.

2. ASIGNATURA – Kilala rin sa tawag na sabdyek. Ito ay lupon ng mga aralin na ginagamit ng

mga estudyante upang matuto.


3. E-TECH – Empowerment Technology. Ito ay isang asignatura tungkol sa teknolohiya. Ito ay

tumatalakay sa paggamit ng iba't ibang mga teknolohiya na may kinalaman sa paghahanap,

pagsa-save, pakikipag-usap at pagpapabatid ng mga impormasyon.

4. ICT – Information Communication Technology. Tumutukoy sa iba't ibang uri ng teknolohiya

na ginagamit sa komunikasyon upang magproseso, mag-imbak, lumikha at magbahagi ng mga

naturang impormasyon.

5. KURIKULUM – Disiplina sa paaralan, mga aklat at mga kagamitang ginagamit, sa paggawa

ng banghay-aralin, mga pagpapahalaga, mga pagsusulit at kung ano mang itinuturo ng guro.

6. SENIOR HIGH SCHOOL– Karagdagang dalawang taon na pag-aaral ng hayskul na may

kinalaman sa ispesipikong kurso na tatahakin upang magsilbing paghahanda sa kolehiyo o

maaaring sa negosyo o trabaho depende sa kinuhang strand.

SANGGUNIAN

1. https://www.courses.com.ph/senior-high-school-contextualized-subject-empowerment-

technologies/

2. https://www.statista.com/statistics/617136/digital-population-worldwide/

3. https://lesleywritess.wordpress.com/2017/03/26/the-importance-of-empowerment-

technologies/

4. https://eloisamanabat.wordpress.com/2017/03/24/the-importance-of-empowerment-

technologies/

5. https://mowannaacap.wordpress.com/2017/03/24/the-importance-of-empowerment-

technologies/

You might also like