You are on page 1of 10

INTRODUKSIYON

Ang salitang teknolohiya ay nanggaling sa isang salitang griyegong "technologia" na ang

ibig sabihin ay "sistematikong pagturing sa sining".

Sa patuloy na pag-yabong ng ating henerasyon, kaakibat nito ang mabilis na paglago ng

ating teknolohiya na mula sa simpleng paraan ng pagkatuto ay mabilis napalitan hanggang sa unti-

unting umusbong ang ibat-ibang paraan na lubhang nakatutulong sa isang tao.

Sa pagdaan ng panahon tila nilalamon na tayo ng mundong teknolohiya. Sa laki ng

posibleng maging epekto ay tila nababaliwala marahil sa maaring dulot nito. Kung ating

mapapansin, ang ilan sa atin ay sinasabing hindi kayang mabuhay ng walang internet at cellphone.

Sa patuloy na paglipas ng panahon, palawak nang palawak at padami nang padami ang

nahuhumaling sa mga bagong imbensyon gamit ang teknolohiya na mapagkukuhaan ng

impormasyon at maaring magamit sa paaralan o pang araw-araw . Pero ano nga ba ang

teknolohiya?

Cellphone, laptop at kung ano ano pa man ay ilan lamang sa produkto bunga ng

makapangyarihang teknolohiya. Isa sa mga pinadaling paraan ng pakikipagkomunikasyon o

pagbibigay ng mensahe maaaring may kinalaman sa pag-aaral, miski ang pagnenegosyo ay

sadyang pinasok ng teknolohiya. Ito din ay paraan ng pagbibigay ng oras sa sarili sa pamamagitan

ng mga laro.
LAYUNIN

Ang pamanahong papel na ito naglalayon na malaman ang mga naidudulot ng makabagong

teknolohiya sa pag-aaral ng piling mag-aaral sa Cavite State University main campus at

matugunan ang mga sumusunod na katanungan:

1. Anu-ano ang mga magagandang naidudulot ng teknolohiya sa mag-aaral?

2. Paano naaapektuhan ng teknolohiya ang pag-aaral ng isang mag-aaral?

3. Ano ang kadalasang gamit na teknolohiya ng mag-aaral?


MGA KAUGNAY NA BABASAHIN O LITERATURA

Bagong panahon, bagong henerasyon at dahil dito, ang Pilipinas ay lalong umusbong. Sa

paglipas ng panahon ang bawat isa ay nagbabago kung saan, mas gumagaan lahat ng gawain sa

tulong ng teknolohiya. Ngunit, ang ibang kabataan ay napapaisip, kung ano ba ang dulot nito sa

pamumuhay?

Ano ba ang kahulugan ng teknolohiya? Base sa pananaliksik ni Bryan Cabigting (2017),

ito ay ang pagsulong at paglapat ng mga kasangkapan, makina, kagamitan at proseso upang

tumulong sa paglunan ng suliranin ng mga tao. Ginagamit ito hindi lamang sa agham, maging sa

pakikipagkomunikasyon at ekonomiya napapaunlad nito.

Ayon sa EdTech, ang teknolohiya ay malaking tulong sa larangan ng edukasyon. Hindi

mamumulat ang mga tao sa mga bagong kaalaman, kung hindi naimpluwensyahan ng mga

dayuhan. Ito ang naging daan para mapalawak at mahasa ang isipan ng bawat isa. Nagagamit ang

kompyuter para makapagpresenta ng mga aralin kung saan, ito ang paraan ng ibang guro, upang

matuto ang mga magaaral. Ang mga kagamitan na may kaugnay sa Internet ay nakakatulong upang

mapalaganap ang edukasyon sapagkat, nakakakuha dito nang iba’t ibang impormasyon na

magagamit sa pag-aaral.

Nakalahad sa pahina ng Abante na, sa panahon ngayon ay mayroon nang

globalisasyon kung saan, patuloy na umaangat at umuunlad ang teknolohiya. Naging maginhawa

ang buhay ng bawat isa sa tulong ng teknolohiya dahil sa impormasyong binibigay nito sa pang

araw- araw na buhay. Nahihikayat nito ang isipan na magkaroon ng makabagong ideya at ipamalas

ang pagkamalikhain ng mga tao. Nagsisilbi itong ilaw ng isipan upang gumana sa buong potensyal

nito.
Ngunit, ang teknolohiya ay nagbibigay nang masamang epekto sa mga kabataan.

Nawawala sa atensyon nila ang pagaaral dahil sa paglilibang. Sa pananaliksik ni Lumbres (2015),

ang kabataan ay pagasa ng bayan ngunit, sila naman ang nagiging biktima sa maling paggamit ng

makabagong teknolohiya. Isa ang kompyuter games sa tampok na kinaaadikan ng mga bata na

minsan ay nauuwi sa pustahan. Ito ay nagiging dahilan ng kawalan ng atensyon sa pagaaral kaya,

mas nararapat na pagtuonan ng husto ukol sa ganitong problema para na rin sa magandang

kinabukasan.

Ang edukasyon ang tanging yaman na hindi nananakaw nino man kaya ayon sa pahayag

ni Yayee Dueñas (2019). Napakahalaga ng edukasyon sapagkat, ito ang magiging sandigan ng

kabataan tungo sa kaunlaran. Ang mga kabataan ang magsisilbing susi upang umunlad ang ating

bansa na siyang magbibigay ng liwanag sa mga mamamayan mula sa madilim na nakaraan. Hiling

ng iilan na maging waasto ang paggamit ng kabataan sa teknolohiya tungi sa kaunlaran at asesnso.
MGA SALIK O DAHILAN

Kapansin pansin ang pagunlad ng bansa sa gamit ng makabagong teknolohiya at sa patuloy

nitong paglaganap, may mga produkto din na nailalabas gaya ng tablet at iPad. Kasabay nito ang

pag uso ng paggamit ng mga pinaikling salita na hindi na wasto para sa kaalaman ng kabataan.

 Ang pananaliksik na ito ay ginawa upang maging bukas sa isipan ng mga tao ang epekto

ng teknolohiya sa pagaaral. Nagkaroon ba ng mabuting resulta ang makabagong

teknolohiya sa bansa o isa tong dagok sa buhay kung saan, ang mga kabataan ay nawili sa

ibang bagay?

 Makakatulong ang pananaliksik na ito para mas maintindihan ng mabuti ang saklaw ng

teknolohiya sa larangan ng edukasyon. Magbibigay kaalaman sa wastong paggamit nito

ang mag-aaral para sa kinabukasan ng mga kabataan.

 Dahil sa teknolohiya, hindi na masyadong nagagamit ang isipan sa kadahilanan na,

umaasa na lamang ang iba sa makakalap na impormasyon kahit walang mausisang

pagaaral.

 Nagiging ugat nito ang hindi pagkakaunawaan sapagkat nagbabahagi ang bawat isa ng

sariling pananaw at opinyon sa pang araw araw.

 Isa din sa masamang epekto na dulot ng teknolohiya ay, ang kawalan ng pinagaralan sa

paaralan. Nagpopokus na lamang ang mga mamamayan sa mga balita at iba’t ibang

pananaw sa social media.


PAGLALAHAD NG PAGAARAL

 Ang mga mananaliksik ay gumamit ng teknolohiya tulad ng “Cellphone at laptop” upang

kumalap ng impormasyon na makakatulong dito sa sa pananaliksik na kanilang ginagawa

upang magbigay impormasyon sa mga mambabasa nito.

 Sa pagdaan ng panahon ay nagkaroon na tayo ng tinatawag na Globalisasyon, kung saan

ang modernong teknolohiya ay umusbong. Dahil sa pag usbong ng modernong teknolohiya

mas pinadali nito ang gawain ng bawat tao, mag-aaral man o nagtatrabaho. Naging malaki

ang tulong nito sa bawat mamamayan.

 Batay sa nakalap na impormasyon ang modernong taknolohiya ay ang mga makabagong

kagamitan na nagagamit natin sa araw-araw, ang makabagong teknolohiya ay ang

nagpapadali sa bawat gawain ng isang tao.

 Ayon sa nakalap na datos, ito ay mayroong positibo at negatibong epekto sa bawat mag-

aaral. Ang positibong epekto nito ay nakatutulong ito upang mapadali ang gawain ng bawat

mag-aaral at ito rin ang nagiging dahilan upang magkaroon ng maganda komunikasyon

ang bawat isa na nagiging dahilan din upang makabuo ng magandang samahan. Dahil sa

teknolohiya nagiging magaan ang lahat para sa bawat isa. Samantala sakabila ng positibong

epekto nito, mayroon pa rin itong kaakibat na negatibong epekto, at ito ay ginagawang

tamad ng makabagong teknolohiya ang nakararami. Marami ang nagiging iresponsable

dahil sa makabagong teknolohiya na napupunta din sa pagkasira ng isang samahan. Ayon

sa datos na nakalap sinasabing nagiging abusado ang mga gumagamit ng makabagong

teknolohiya sapagka't mas naglalaan sila ng oras sa teknolohiya kaysa sa mas importante

pang mga bagay na pwede nilang magawa.


 Ayon sa impormasyon na nakalap, ang makabagong teknolohiya ang isa sa may

pinakamalaking parte sa buhay ng isang tao, dahil sinasabing ang makabagong teknolohiya

ang may dahilan kung bakit napapagaan ang trabaho ng bawat isa. Ito ay may malaking

tulong sa mga taong gumagamit ng makabagong teknolohiya.

 Ang teknolohiya ang nagiging nagiging dahilan kung bakit mas napapabilis ang pag gawa

ng isang mamamayan. Tumutulong ito upang maisagawa ng maayos ang gawain ng isang

indibidwal.
KONKLUSYON

 Ang mga mananaliksik ay nakakalap ng datos o impormasyon ayon sa kanilang mga

respondente ay sinasabing ang modernong teknolohiya ay susi sa mas pinadali, pinagaan

at pinabilis na pagkalap at pagbibigay ng impormasyon lalong lalo na kapag ang pinag-

uusapan ay ang pag-aaral.

 Bukod pa riyan, sinasabi din na sa tulong ng teknolohiya na ang pagbibigay ng

impormasyon gamit ng mga aplikasyon kagaya ng Facebook, messenger at kung ano ano

pa ay mabilis na ipaparating ang mensahe gaano man ito kalayo. Sa patuloy na

pagbabago ng ating henerasyon, kasabay nito ang pagsisimula at pagkakaroon ng mga

pina-angas at mas tumaas ang kalidad ng gamit nito gaya ng cellphone na lubhang

nakakatutulong sa kanilang pagkatuto.

 Sa kabila ng magandang epekto nito kaakibat nito ang mga posibilidad na maaaring

magdulot ng di magandang resulta sa isang tao. Mula sa aming mga respondente,

sinasabe na ang lahat ng sobra ay masama. Nagdudulot ito ng kapabayaan at di natin

napapansin at napagtutuunan ng oras ang ibang bagay. Naililibang ang sarili subalit

nalilimutan ang dapat na mas unahin. Sa madaling salita, ang pagkahumaling sa isang

bagay ay depende sa isang tao kung paano nya ito kokontrolin o kung paano sya nito

kokontrolin.
REKOMENDASYON

Ang pananaliksik ay nirerekomenda sa mga taong kinasasangkutan ng pag-aaral na ito partikular

na ang mga sumusunod:

 Para sa mga respondente, sila ay maaaring gumamit ng teknolohiya upang makakuha ng

impormasyon at para mas mapadali ang mga gawain. Maaari nilang gawin itong basehan

sa pag gawa nila ng bagong pananaliksik.

 Para sa mga mag-aaral, maaari nilang gawin itong gabay sa pagkalap ng impormasyon at

maaari silang makakuha ng datos at importanteng impormasyon sa pamanahunang papel

na ito.

 Para sa mga magulang, maaari itong magsilbing gabay sa kanila upang malaman nila kung

ano ba ang nagiging epekto ng teknolohiya sa pag-aaral ng kanilang anak. Kung ito ba ay

nakatutulong o hindi.

 Para sa mga guro, maaari nilang malaman kung ano ang epekto ng teknolohiya sa mag-

aaral at maaari din nilang gamitin itong pananaliksik na ito upang malaman kung ano ang

kahalagahan ng teknolohiya sa modernong panahon.

 Para sa mga susunod na mananaliksik ng paksang ito, maaaring kumuha ng maraming

impormasyon upang makadagdag ng kaalaman at upang mas mapalalim ang paksa.


SANGGUNIAN

Cabigting, B. (2017, February 27). Ang Modernong Teknolohiya. Nakuha mula sa

Academia : https://www.academia.edu/31660931/Ang_Modernong_Teknolohiya

Dueñas, J. S. (2019, April 15). Teknolohiya sa Kabtaan at Edukasyon. Nakuha mula sa

Dinalupihan: http://dinalupihan.gov.ph/index.php/services/219-teknolohiya-sa-kabataan-

at-edukasyon

Jericho, & Christian. (2015, November 15). Makabagong Teknolohiya. Nakuha mula sa

Abante Blog: https://abanteblog.wordpress.com/2015/11/15/makabagong-teknolohiya/

Lumbres, Y. (2016, November 16). Epekto ng Teknolohiya sa Wika. Nakuha mula sa

WordPress Blog: https://usapingfilipino.wordpress.com/2016/11/13/epekto-ng-

teknolohiya-sa-wika/

Teknolohiya sa Makabagong Panahon. (2016, October 31). Nakuha mula sa WordPress

Blog: https://examplecomph.wordpress.com/2016/10/31/teknolohiya-sa-makabagong-

panahon/

You might also like